Third Eye TV5, klik sa mga bata
Written by Letty G. Celi
Thursday, 16 August 2012 04:54
THIRD EYE TV5, KLIK SA MGA BATA
HALOS ‘di pa natatagalang nag-start sa ere, ang Third Eye ng TV5, isang supernatural drama mystery, na big star na ring matatawag si Eula Caballero with superstars Lorna Tolentino, Eddie Garcia, Daniel Matsunaga, Victor Silayan, Jenny Miller at iba pa at directed by four young directors na sina Toppel Lee, Robert Quebral, Benedict Migue and Rahyan Carlos.
Heto’t klik na klik sa mga home viewer lalo na sa mga bagets, knows naman natin na horror fans pa rin ang mga bata. Ok lang magpuyat sila, kaya lang being Sundays ang show, at 9:30 ng gabi, kinabukasan ay may pasok sa eskuwelahan. Ang request ng mga madir, sana raw ay mas earlier.
Ang mga bata naman ay pasaway, nood pa rin sila, pero may OPM na basta maaga magigising! Kabilang na rito ang mga apo ko na sina Jenjen at Jepoy at ang cute na si RJ.
Anyway, happy naman ako para kay Eula dahil napaka-low profile niya. Hindi pa rin napi-feel na big star na siya. Hindi pa raw, nagkataon lang na siya ang bida sa said show.









Reply With Quote


hindi mo man po nappansin mga tweets ko oks lang po yun..isa ka parin po sa mga idol ko.
sana may update dito














