Yung mga katrabaho kong Pinay lagi sinasabi na magpataba daw ako. Yung tipong pag tumingin sakin super concerned tapos offer sila ng offer ng food. Sabi ko ok lang naman ako. Napapatingin tuloy ako minsan sa salamin kung mukha na ba akong bangkay pero di naman.
Alam ko maliit ako dahil 4'11 lang height ko tapos small boned pa. E pero yung structure ng katawan ko e tamang tama lang naman sa height ko. di naman ako buto buto.
Naisip ko tuloy kung anorexic na ako kasi wala ako makitang mali sa built ko. One time tuloy napatanong ako sa isa ko pang colleague na aussie kung skinny nga ba ako. Sabi nya hindi naman. Napatanong ako sa mga Asian classmates ko sabi mukhang healthy naman ako. Napatanong ako sa room mate kong pinay, sabi tumaba na nga ako e.
Di ko tuloy alam kung mamasamain ko yung mga Pinay kasi mukha namang genuine concern nila kaso parang nakakainsulto na din. Kasi tingin nila sakin payat so pinagpipilitan nila pagkain nila sakin. As in! Sabi ko nga one time, sige di na ko magla lunch dalhan nyo na lang ako ng food pabor pa sakin hehehe.
E pero diba kabaligtaran lang din naman yun ng mataba na unhealthy din pag sobra, pero pinagduduldulan ba ng mga tao na mag exercise sila at mag diyeta. Diba rude pag ganun. Yung isa pang colleague e parang iritang irita pag nakikita ako lalo na nung sinabi kong i love eating food. parang napapairap na lang sya. di ko gets kung bat sya maaasar.
Ang ironic lang kasi nung nag lunch kami, ako tong naka rice at sausage ang ulam at sila yung crackers, yogurt and apple yung baon tapos naguusap about their diet. E di naman sila mataba. so balak ba nila maging skinny?? tapos sakin naaawa sila kasi super payat ko daw at di kumakain ng maayos.
hay labo. haha.
Sabi nga ng ibang tao... dati yung mga chubby at matataba daw pinagkakaisahan. Ngayon, pati mga payat na. Quits na!![]()









Reply With Quote










