Well, although matagal talaga ako sa PEx, nagcoconcentrate lang ako sa UAAP forum, kaya ngayon lang ako nagpost dito.
22 na ako pero naging ninang ako sa isang inampon na batang lalaki nung 11 pa lang ako. However, nag-abroad na siya (toddler pa siya nun) at nalimutan na niya ni intindihan ang wika natin. Ngayon lang ako makakapagregalo sa kanya, eh. (Books ang mga ito, present and future gifts are the following: overview about the Philippines, Filipino heroes (major and minor, yung old-style book na binebenta sa National), at komiks na nakasulat sa Ingles ng Adarna, Florante, Noli at Fili (binebenta sa National ang mga ito, pero nahihirapan akong maghanap ng ganito sa ngayon.)
Ano ang mga paraan niyo na ginagawa sa mga inaanak ninyo na nasa ibang bansa na para wag nilang malimutan ang mga ka-relasyon (hal. ninang/ninong, kamaganak) nila na naiwan dito? O hinahayaan mo na lang silang lumaki sa mga values na kabaligtaran sa atin?








Reply With Quote












