Tiniyak ni Speaker Feliciano Belmonte Jr. na bibigyan ng pagkilala sa Kamara de Representantes ang dugong Pinoy na si Jessica Sanchez na runner-up sa American Idol Season 11.
Ayon kay Belmonte, ang nakamit ni Sanchez sa sikat na singing contest sa Amerika ay nagbigay ng malaking karangalan sa mga Pilipino.
Ang ina ni Jessica ay tubong Bataan, habang Mexican naman ang kanyang ama.
“Hers is a great achievement, definitely we will honor her," pagtiyak ni Belmonte sa media nitong Huwebes nang tanungin tungkol sa panalo ni Philip Philips kontra kay Sanchez.
Asahan na umano na ipapasa nila sa Lunes ang House Resolution (HR) No. 2425 na inihain ni Bataan Rep. Herminia Roman para bigyan ng pagkilala si Sanchez.
“Being second is an excellent feat for a very young lady. I’m sure that her future is already made because she is fantastically talented," ayon naman ni House Majority Leader Rep. Neptali Gonzales II (Mandaluyong), bilang pagsuporta sa pahayag ni Belmonte.
Para naman kay Aurora Rep Juan Edgardo Angara, hindi man napili ng mga Amerikano si Jessica na maging ‘American idol" nila, tiyak umano na idolo ng mga Pinoy sa mundo ang 16-anyos na si Jessica.
Sinabi naman ni Ang Kasangga party-list Rep. Ted Haresco na kung natalo man si Jessica sa American Idol, panalo naman siya sa puso ng maraming mga Pilipino, maging ang mga nasa US.
Hindi man makapaniwala si Citizens' Battle Against Corruption Rep. Sherwin Tugna na natalo si Sanchez kay Philips, sinabi nito na malaking bagay ang nagawa ni Sanchez para ipagmalaki ng lahing Pilipino.
“Nakakalungkot man dahil second place si Jessica, ang buong sambayanan at lahing Pilipino ay very proud sa kanyang nakamit. She did the Filipino race very proud," pahayag niya.
“Home court advantage" naman ang nakikitang dahilan ni Negros Occidental Rep. Albee Benitez kaya nanalo si Philips.
“Malaking karangalan na para sa Pilipinas ang narating ni Jessica. Congratulations sa kanya. Pero sa aking pagtingin mas magaling na mang-aawit si Jessica. Wala lang sa kanya ang home court advantage," pahayag nito.
Wala namang duda si Marikina City Rep. Miro Quimbo na mas magaling si Sanchez kay Philips.
“Clearly mas magaling siya (Sanchez). Pangalawa, mas malaki ang silbi sa buong mundo kung si Jessica ang nanalo because she will inspire more people in Asia and Latin America. Sayang. But she's clearly the bigger star now," paliwanag ni Quimbo. - RP/FRJ, GMA News
sobra na to!








Reply With Quote


She's a member of an asian girl band in US called "Blush"












