
Alaska beat Ginebra 104-80 in game 3, sweeping the series and bagging the Commissioner's Cup title.
read more
The NU Lady Bulldogs outlast the AdU Lady Falcons in 4 sets, taking their first trip to the Shakey's V-league finals.
read more
Guess the theme! Have you seen Twilight, Sister Act and these other movies? Share your thoughts and reviews in here!
read more
Kantar Media-TNS Total Philippines Household Ratings
July 24, Tuesday
Be Careful With My Heart (ABS-CBN) 21.1%
It’s Showtime (ABS-CBN) 13%
Eat Bulaga! (GMA-7) 16.7%
July 25, Wednesday
Be Careful With My Heart (ABS-CBN) 21.9%
It’s Showtime (ABS-CBN) 12.1%
Eat Bulaga! (GMA-7) 16%
AGB Nielsen Mega Manila Household Ratings
July 24, Tuesday
Be Careful With My Heart (ABS-CBN) 19.3%
It’s Showtime (ABS-CBN) 7.5%
Eat Bulaga! (GMA-7) 23.3%
July 25, Wednesday
Be Careful With My Heart (ABS-CBN) 17.8%
It’s Showtime (ABS-CBN) 6.7%
Eat Bulaga! (GMA-7) 23%
Banned by Admin
shempre hindi i-re-report ng mga ibang network yung fnachise ng EB sa indonesia, eh alam mo naman sa pilipinas, puro inggitan and talangka attitude. Kahit na ang anong success ng kapwa pilipino eh puro kainggitan at sira-an at sabotahe ang mangyayari. Ang GMA rin naman eh, pati na rin ang startalk, pag may nanalo ng awars o parangal sa ABS, hindi nila nire-report, yung lang mga kapuso artists ang ni-re-report nila
ang lupet ng opening ng eat bulaga. aliw!
Tatak Eat Bulaga! Ganyan ang opening.. Woot!![]()
Ang tunay na Mr. Pogi, pinalilibutan ng magagandang babae! Yan si Mr. Pogi Jose!
![]()
'Eat, Bulaga is 33!'
ME, STARZAN By Joey de Leon (The Philippine Star) Updated July 29, 2012 12:00 AM
Dahil bukas ay tatlong dekada at tatlo na
Ang Eat, Bulaga tayo’y magbalik-alaala
Kung paano nagmula palabas ng barkada,
Maligayang Kaarawan! Tandang-tanda ko pa…
Taong 1978 may Iskul Bukol pa,
Ungassis pa si Vic at kami ay Escalera,
Nang magdesisyon na grupo ni Tony Tuviera —
Isang bagong noontime show at kaming tatlo bida.
Sa totoo lang matagal na nilang ideya,
Student Canteen pa kami nun at may Discorama,
Kalagitnaan noon ng dekada sitenta,
Hanggang sa dumating ang isang waring intriga.
Kami’y mga tapat buong puso’t kaluluwa
Sa’ming paglilingkod basta kami la’y masaya,
Nung panahong ‘yon ‘di basta kami mahihila,
Hindi matatapatan ano mang daming pera.
Subalit pag tiwala sa ami’y inalis na,
Nasasaktan din kami ‘yay usapan nang iba,
Lalo na’t walang katotohanan ang bintang pa
At ang matindi pa’y sa sabi-sabi nakuha.
Naniwala sila’t kami nama’y nagtampo na,
At ang masakit kami’y hindi na hinabol pa,
Kami pa nga noon pinalitan kapagdaka,
Aray ang sakit! Show nami’y naging Disco-drama!
Ngunit may isa akong hindi malilimutan
Noong kami’y nandun pa at kinatutuwaan,
Isa sa iginagalang na hosts ang nagturan,
“Someday, kayo papalit sa amin… tuloy n’yo lang!”
Dala ng sama ng loob ‘di na pinansin ‘yon;
Magagandang salitang inasaha’y binaon,
Mga masasayang alaala’y naitapon,
Naglaho na connection sa isang institution.
Samatala naman si Tony Tuviera noon,
‘Di pa rin pala tumitigil sa kanyang misyon,
Inalok kaming muli Student Canteen tapatan,
Naisip ko — tatagal lang kami ng isang b’wan!
Ngek! At bakit naman hindi eh ang buong nasyon
Ang sabi sa Student Canteen, “Institusyon na ‘yon!”
Kami nga’y proud na rin dahil naging bahagi nun
Kahit kami’y pinch-hitters lang o pang-substitution.
So to cut the story short tinanggap na rin namin
Para naman may trabaho at merong makain,
Kaya nung July 30, 1979 din —
Aming Eat, Bulaga sa Channel 9 started airing.
And the rest… (hindi history) ‘yung “rest” na pahinga
Ay hindi na at hindi pa natin nakikita
Dahil mula nun hanggang ngayon… 33 years na,
Sabi nung host na, “…tuloy n’yo lang!” …tinutuloy pa.
Happy 33rd Anniversary Eat Bulaga!
Wishing you many more years to come ...
More power!!!
![]()
![]()
wow, matanda na pala ang Eat Bulaga... happy 33rd birthday, EB!!!
Happy 33rd anniversary sa Eat Bulaga!Itong show na ito ang nagpapasaya ng tanghalian ko at nagpapakumpleto ng araw ko! Thank you, Eat Bulaga!
God bless!
![]()
Pinakita yung ratings ng EB Indonesia. Number one sila overall! Congrats Eat Bulaga! Magandang anniversary gift tong success ng EB Indo.![]()
Happy 33rd Anniversary Eat Bulaga!
![]()
![]()
![]()
(I hope someone could request for an EB PEx Pin hehe.)
happy 33rd anniversary sana marami pa kayo matulugan at mabigyan ng sorpresa
Kahit hindi major network ang SCTV naiangat ng EB Indo to number 1 pala!
Congrats sa EB Indonesia!
https://www.facebook.com/photo.php?f...levant_count=1
Happy 33rd Anniversary pala sa Eat Bulaga.![]()