Spoiled brat kasi
Pauleen Luna, Walang Magtatagal Na Dyowa!
by Ronnie Carrasco III
Friday, June 15, 2012
http://www.pinoyparazzi.com/wp-conte...a2-300x300.jpg
MISMONG SI Lolit Solis, manager ni Pauleen Luna, ang nagbuko na split na ito sa kanyang rumored flame na si Vic Sotto.
Lolit’s discovery happened by accident. Kakuwentuhan lang niya si Pauleen na maraming ipinakikiusap sa kanya, tulad ng gusto nitong pakikipagtambal kay Bong Revilla in his Metro Manila filmfest entry gayong meron ding kalahok si Bossing. Isa rin ang nais ni Pauleen to do a one-time co-hosting job with Willie Revillame in Wil Time Big Time.
On these two accounts, for sure nga namang magre-react si Bossing, isang motibong ipinagtataka ni Lolit why Pauleen is dead-set on resorting to. Ang nagtutumiling sabi tuloy ni Lolit sa kanyang alaga, “Aha, split na kayo ni Bossing, ‘no?!” Of course, Lolit’s statement was more of declarative than interrogative.
A few days later, kaswal na inimbitahan ng Startalk TX si Pauleen to get her side of the story, pero nag-beg off agad ito, “Ayoko ngang mag-guest sa Startalk, kasi ilalaglag ako ni ‘Nay Lolit.” Nang makarating sa kanyang manager ang tinuran ng hitad, Lolit snapped back, “Kung yaw niyang mag-guest, ia-announce ko na lang on air na break na sila ni Bossing! ‘Day, walang boyfriend na magtatagal sa pot…ng ‘yon dahil isa siyang spoiled brat! Ha! Ha! Ha!”
By the way, Valenzuela City Mayor Sherwin Gatchalian is Pauleen’s ex-boyfriend. Ang senator wannabe na ito ang kumuha ng serbisyo ni Lolit as publicist. So, are we to assume that the reference to Pauleen as a “spoiled brat” came from the city mayor?
http://www.pinoyparazzi.com/spoiled-...agal-na-dyowa/