Si Wenn Deramas ang direktor ng Kahit Puso’y Masugatan, ang bagong serye ng ABS-CBN na magpi-premiere sa Monday, July 9. Nagpahayag ng sobrang excitement sa project si Direk Wenn dahil sunud-sunod na comedy ang kanyang mga ginawa.
“Parang gutom na gutom ang kaluluwa ko. First time kong idirek silang apat (Gabby Concepcion, Andi Eigenmann, Jake Cuenca, at Iza Calzado). Ang sarap-sarap idirek ang mga mahuhusay at nakakatuwa na ang mga beterano, sobrang pasensi*yosa sa mga baguhan,” wika ng direktor.
Fiesta sa Quiapo ang opening scene, kinunan ito ni Direk Wenn noong Jan. 9, mismong fiesta ng Quiapo, at ni-recreate rin niya ang kapistahan ng Quiapo. Malaking eksena ’yun kahit walang artis*tang involved, pero 300 ang talents.
Very proud si Direk Wenn sa buong cast at isa sa napuri si Mickey Ferriols. Wala sa presscon pero kasama rin sa cast sina Mylene Dizon at Assunta de Rossi, bilang real mothers nina Iza Calzado at Andi Eigenmann, respectively.
http://208.184.76.175/Article.aspx?a...bCategoryId=96









Reply With Quote



















