awww
Papi.. bad day huh? tsup tsup mwah mwah!
Ganyan naman talaga ang ibang tao, kapag binigay mo ang daliri mo, gusto pati buong braso, at minsan pati buong katawan mo, gustong kunin.
At ang palaging sinasabi ng mother ko "Yun naman anak, eh kung makakalusot lang sila, kung papayag ka, eh papayag ka ba na abusuhin ka?"
Okay lang yung magbigay ka, tumulong ka, pero yung kaya mo lang, kapag inaabuso ka na, aba huwag kang papayag, hindi ka pinanganak para gawin lang nilang "mat".
Case 1 - may ganyan din akong friend, utang dito, utang diyan, swerte ka pa, nagbabayad, yung akin, hindi, dinadaan ako sa paawa, naaawa naman ako si ta-nga. Last na utang niya sa akin, kasi manganganak daw siya, eh kataon na kabuwanan ko din, binara ko talaga, sabi ko "pareho lang tayong nabuntis, ang difference lang, kami nag-ipon".
Ayun, hindi na tumawag sa akin kahit kelan, good riddance! At least nalaman ko kaibigan ko lang pala siya kasi napapautang ko siya.
Case no. 2 - so kapal na.
Case no. 3- batukan mo kaya? LOL
Sabi nga nila, kapag mabait ka, ang tendency ng ibang tao, abusuhin ka. Kaya
Papi, learn how to say "NO", kapag nawala sa buhay mo, hindi mo kawalan ano, buti nga yun, mawalan ka ng mga pesteng leech.
Papi, pautang naman diyan oh?

Hugs!