PHOTOS: Alaska Crushes Ginebra

Alaska survived a late-game rally by Ginebra to win 104-90, leading the series at 2-0 and now one win away from the title.

read more

Top Celebrity Loveteams!

Check out which loveteams dropped and which ones came out on top this week!

read more

PHOTOS: ADMU Ousts UST

The ADMU Lady Eagles overpowered UST in 4 sets, ousting the Golden Tigresses and advancing to the V-League finals

read more

The Flick List (Themed)

Guess the theme! Have you seen Twilight, Sister Act and these other movies? Share your thoughts and reviews in here!

read more

REVIEW: Star Trek

Visually breath-taking and action-packed, Star Trek: Into Darkness will please casual and hardcore fans alike.

read more

PROMO: Epic

Join now and get a chance to win advanced screening tickets to Epic!

read more

Page 1 of 2 1 2 LastLast
Results 1 to 20 of 34
  1. #1

    Di Mapuan kung walang bagsak?

    Hello sa lahat!

    Marami na akong nabasang forums na nagsasabi na di ka daw talaga Mapuan kung wala kang bagsak. Ang sabi maka-3 daw, eh okay na. Sabi rin maraming lumulipat ng university after one sem.
    Sobrang hirap bang makakuha ng mataas na grade sa Mapua? Anong subjects ba yung mahirap ipasa?

    Kung pagpapalain sa MSAE, gusto ko sanang maging scholar. Kaso ang kelangan 1.75 or higher ang grade every term. Dahil dun sa mga nabasa ko, medyo kinabahan ako kung kakayanin ko ba to.

  2. #2
    CCIE 40XXX 2014
    Join Date
    Oct 2004
    Location
    Cyberjaya, MY
    Quote Originally Posted by Chellesei View Post

    Actually sabi sabi lang naman yan. During our time maraming nakagraduate sa amin ng walang bagsak. Tsaka ngayon konti na lang ang mga terror na profs unlike nung 90s na halos lahat ng prof sa Math, Physics and Chemistry Department ay terror. Wala na yung B-I-N-G-O sa Math at wala na rin naman si ET Santos ng Physics. Noon kahit mag-aral ka maigi kapag trip ng professor na 4 lang ipasa eh 4 lang talaga ang papasa. Ngayon kasi naayos na maigi ang curriculum at iniivaluate na maigi ang mga prof. Di na ata pwedeng mambagsak ng sobrang dami unless mahina talaga yung buong klase. Tsaka passing percentage ngayon eh 70%. Meaning kailangan mong maka 70 points out of 100. Kapag bokya ka sa exam eh 0 ang score mo.

    Madali lang maka1.75 na average kung mag-aaral ka maigi. Tsaka kung matatapat ka sa mga prof na matataas magbigay ng grade. Ngayon nga may nakaka1.2 or 1.1 ng average. Dati imposible yun. Nuong araw 3 or 5 lang ang grade.

    Doon sa issue na maraming lumilipat after ng ilang sems, applicable lang yun dun sa mga tamad at di ganung kadetermined mag-aral. Madali lang kasi ang MSAE, kahit below average na student may chance na makapasok. Ang drawback nga lang siguradong madali rin ang iyong paglabas.

    Do not study hard but study smart.

  3. #3
    soundscapes blue_tracer's Avatar
    Join Date
    Apr 2006
    Location
    behind d waterfall
    on topic:

    'di naman. majority lang sasabit sa 1st 3 years. pero meron ilan, walang bagsak.

    tama si xybert. wala na ang B-I-N-G-O instructors. they were long gone. wala nang machinegun strafing.

    80s lang ang mahirap sa mapua 'till early 90s. dala-dala pa yung tradition ng 70s kasi. after that, it faded.

    papano ka naman papasa kay bernardino, square root lang ng klase niya ipapasa niya.

    papano ka papasa kay doc sison, open notes + take home ang quiz niya pero unique ang sagot ng bawat estudyante (up to 2 decimal places) sa mechanics of materials niya?

    odd-even ang sagot according to your seat number, plus he had this secret formula everybody was trying to steal it from him but no one ever succeeded.

    btw, he didnt like that subject to be called 'strength of materials'. he preferred it to be properly called 'mechanics of materials'. that's why one time he threw a book by ferdinand singer out the window from the 2nd floor of the south building.

    ET santos (physics lab), gusto niya isang kagatan lang ng staple wire sa report mo. pagnakita niya may multi-kagats, minus 50 ka.

    for ce students, nandoon dati si terror gatzby (some sections were handled by looney galias ) mechanics of fluids, hydraulics, irrigation eng. hawak niya. mga quizzes niya pang board exams. not easy. that's why during gatzby's time, matataas ang nakukuhang ratings ng mga mapuans sa hyrdo pag dating sa board.

  4. #4
    Ahh. Ganun po ba? Akala ko imposible talaga yung 1.75. hahaha. Sana matapat ako sa mabait na prof pag nag-college na ko.
    Maraming salamat po sa mga sagot nyo! Di na ko masyadong kabado ngayon.

    Isa pa pong tanong, mahirap bang maka-80% or above sa MSAE?

  5. #5
    CCIE 40XXX 2014
    Join Date
    Oct 2004
    Location
    Cyberjaya, MY
    Quote Originally Posted by Chellesei View Post
    Ahh. Ganun po ba? Akala ko imposible talaga yung 1.75. hahaha. Sana matapat ako sa mabait na prof pag nag-college na ko.
    Maraming salamat po sa mga sagot nyo! Di na ko masyadong kabado ngayon.

    Isa pa pong tanong, mahirap bang maka-80% or above sa MSAE?
    FYI lang, I'd rather choose the terror professor pero magaling magturo kesa dun sa mabait pero konti lang naman ang alam.

    Regarding dun sa 80% or above sa MSAE, tingin ko kaya naman. Kung galing ka sa Science HS madali lang maka 80%.

  6. #6
    Quote Originally Posted by blue_tracer View Post
    on topic:

    'di naman. majority lang sasabit sa 1st 3 years. pero meron ilan, walang bagsak.

    tama si xybert. wala na ang B-I-N-G-O instructors. they were long gone. wala nang machinegun strafing.

    80s lang ang mahirap sa mapua 'till early 90s. dala-dala pa yung tradition ng 70s kasi. after that, it faded.

    papano ka naman papasa kay bernardino, square root lang ng klase niya ipapasa niya.

    papano ka papasa kay doc sison, open notes + take home ang quiz niya pero unique ang sagot ng bawat estudyante (up to 2 decimal places) sa mechanics of materials niya?

    odd-even ang sagot according to your seat number, plus he had this secret formula everybody was trying to steal it from him but no one ever succeeded.

    btw, he didnt like that subject to be called 'strength of materials'. he preferred it to be properly called 'mechanics of materials'. that's why one time he threw a book by ferdinand singer out the window from the 2nd floor of the south building.

    ET santos (physics lab), gusto niya isang kagatan lang ng staple wire sa report mo. pagnakita niya may multi-kagats, minus 50 ka.

    for ce students, nandoon dati si terror gatzby (some sections were handled by looney galias ) mechanics of fluids, hydraulics, irrigation eng. hawak niya. mga quizzes niya pang board exams. not easy. that's why during gatzby's time, matataas ang nakukuhang ratings ng mga mapuans sa hyrdo pag dating sa board.
    Fyi noong 2002 nandiyan pa karamihan sa kanila
    I'm so blessed at naabutan ko iyong mga prof na yan

    Sir Galias na lahat ng babae na sa harap, pagfirst meeting of the week nakaformal lol
    Ang mga babae ay naka above the knee na skirt at kaming mga lalaki tagaktak ang pawis sa south building dahil waley naman aircon at naka long sleeve kami.
    Pwede ka lumabas after niya mag attendance siguraduhin mo lang na 5mins bago matapos ang class nandoon kana at magche-check siya ulit (at symepre makapal mukha lumalabas talaga ako at babalik sa tinakdang panahon lol)

    Iba talaga magaral sa Mapua out of this world ang experience

  7. #7
    soundscapes blue_tracer's Avatar
    Join Date
    Apr 2006
    Location
    behind d waterfall
    Quote Originally Posted by hybridcomposite View Post
    Fyi noong 2002 nandiyan pa karamihan sa kanila
    I'm so blessed at naabutan ko iyong mga prof na yan

    Sir Galias na lahat ng babae na sa harap, pagfirst meeting of the week nakaformal lol
    Ang mga babae ay naka above the knee na skirt at kaming mga lalaki tagaktak ang pawis sa south building dahil waley naman aircon at naka long sleeve kami.
    Pwede ka lumabas after niya mag attendance siguraduhin mo lang na 5mins bago matapos ang class nandoon kana at magche-check siya ulit (at symepre makapal mukha lumalabas talaga ako at babalik sa tinakdang panahon lol)

    Iba talaga magaral sa Mapua out of this world ang experience
    really? hanggang 2002 nandiyan pa? wah

    manyak 'yan si looney galias. binagsak pa nga niya yata isang syota niya sa klase eh.

    pero magaling ang brain ni galias. kabisado niya mula mechanics, timber, steel, concrete, computer programming, fluids, hanggang engineering economics.

    sayang kung 'di na ninyo inabot si doc sison:

    nagbabasa yun ng diyaryo habang bumababa sa hagnan ng patalikod.

    papasok sa room habang walang pang tao. papatayin ang ilaw at magtatago sa ilalim ng mesa. tapos pag may narinig na 'syang wala yatang klase wala si sir? bigla siyang lalabas ng mesa. bwahaha

    i dont know why he could sing the national anthem of germany. baka idol niya si hitler or einstein.

    lahat ng classrooms sa mit tahimik. puro pindot lang ng calculators maririnig mo at ilang instructors. except sa klase ni doc sison. todo sigawan!

    ibang level siya. super genius.

    tanong mo mga oldies na.. hahaha alam nila ano ibig sabihin ng salukot (tensile stress), alulod (shear stress), at bulate (integral).

    ang bagaaaaaaaaal niya maglakad. minus 10 minutes na kaagad ang klase. hahahah

  8. #8
    naalala ko tuloy ang 90's ko jan, kaklase ko pa sila Omanzie Rodriguez at Benedicto sa Analytic kay Bonus RIP.

    PE ko sa kanya iikot ka lang ng 3 beses sa campus bihis ka na at bubutasin yung CM mo.

    naging prof ko rin si ET sa Physics.

    andon pa ba yung teacher sa Chem yung commercial model? at si Dagdag sexy non teacher ko sa Chem dati.

    memories refreshes my mind hehehe

  9. #9
    depende din sa COURSE mo un kadalian makakuha ng 1.75
    IMO, ganito un ranking makakuha ng mataas na grade from hardest to easiest among the engineering courses
    1. CpE
    2. ChE
    3. ME
    4. IE (bihira kasi ako makakita ng PL sa kanila)
    5. EE
    6. ECE
    7. CE
    8. ESE

  10. #10
    CCIE 40XXX 2014
    Join Date
    Oct 2004
    Location
    Cyberjaya, MY
    Quote Originally Posted by ECE_cheeseter View Post
    depende din sa COURSE mo un kadalian makakuha ng 1.75
    IMO, ganito un ranking makakuha ng mataas na grade from hardest to easiest among the engineering courses
    1. CpE
    2. ChE
    3. ME
    4. IE (bihira kasi ako makakita ng PL sa kanila)
    5. EE
    6. ECE
    7. CE
    8. ESE
    I guess this ranking is not applicable.

  11. #11
    Sa Makati campus, mga accountants nagsishift to Business Administration or Information Science since may 2.25 quota sa accounting subjects. Since Business Administration ako, nahihirapan ako sa economics dahil mahirap magbigay ng quiz ang prof.

  12. #12
    sa totoo lang, kaya naman grumaduate ng walang bagsak..

    iba na kasi ang pag iisip ng mga kabataan ngayon
    1. pag walang bagsak nerd na agad
    2. pag may bagsak, in na in ka.. pinagyayabang pa..
    3. mga happy go lucky na halos lahat ng student (lalo na sa mapua, walang mga pinoproblema, mga mayayaman kasi)

    kung di ka aabsent para mag laro ng dota, o kung ano pa man, mag papasa ng assignments, mag rereview sa exams, kayang kaya pumasa.. kaso hinde nila ginagawa kaya ayun, bumabagsak.. tapos sisisihin yung mga prof

  13. #13
    Quote Originally Posted by playfish View Post
    sa totoo lang, kaya naman grumaduate ng walang bagsak..

    iba na kasi ang pag iisip ng mga kabataan ngayon
    1. pag walang bagsak nerd na agad
    2. pag may bagsak, in na in ka.. pinagyayabang pa..
    3. mga happy go lucky na halos lahat ng student (lalo na sa mapua, walang mga pinoproblema, mga mayayaman kasi)

    kung di ka aabsent para mag laro ng dota, o kung ano pa man, mag papasa ng assignments, mag rereview sa exams, kayang kaya pumasa.. kaso hinde nila ginagawa kaya ayun, bumabagsak.. tapos sisisihin yung mga prof
    Ahaha. Oo nga, ganyan na ngayon. Sige. Mag-aaral na lang ako ng mabuti! Salamat rin po sa sagot!

  14. #14
    Quote Originally Posted by xybert_22 View Post
    Regarding dun sa 80% or above sa MSAE, tingin ko kaya naman. Kung galing ka sa Science HS madali lang maka 80%.

    Hindi po science high school yung section ko pero nasa science section ako. hehe. Para mas malaki yung chance ko maka-80%, mag-rereview na lang ako ng mabuti. hahaha.

  15. #15
    Quote Originally Posted by ECE_cheeseter View Post
    depende din sa COURSE mo un kadalian makakuha ng 1.75
    IMO, ganito un ranking makakuha ng mataas na grade from hardest to easiest among the engineering courses
    1. CpE
    2. ChE
    3. ME
    4. IE (bihira kasi ako makakita ng PL sa kanila)
    5. EE
    6. ECE
    7. CE
    8. ESE
    I guess this ranking is not applicable.
    i agree. mahirap mag rank ng madali/mahirap makakuha ng mataas na grade.. unless na na-enrollan mo lahat ng courses na yan or nakita lahat ng grades ng mga students across all courses

    kahit sa general engineering subjects (first 2 years + rizal, engg safety and engg mgmt courses) .. common na sa lahat pero depende pa rin sa prof. and i think di naman naiipon ang mga terror sa isang department lang.. bawat department may terror may mabait and may tama lang.

  16. #16
    Quote Originally Posted by Chellesei View Post
    Ahaha. Oo nga, ganyan na ngayon. Sige. Mag-aaral na lang ako ng mabuti! Salamat rin po sa sagot!
    tama haha.. saka piliin mo din yung mga taong sasamahan mo.. siguraduhin mong dadalin ka sa mabuti, di sa masama

  17. #17
    dakilang ama drei221's Avatar
    Join Date
    Mar 2006
    Location
    Die Hard BGSM
    Quote Originally Posted by juanito5354 View Post
    naalala ko tuloy ang 90's ko jan, kaklase ko pa sila Omanzie Rodriguez at Benedicto sa Analytic kay Bonus RIP.

    PE ko sa kanya iikot ka lang ng 3 beses sa campus bihis ka na at bubutasin yung CM mo.

    naging prof ko rin si ET sa Physics.

    andon pa ba yung teacher sa Chem yung commercial model? at si Dagdag sexy non teacher ko sa Chem dati.

    memories refreshes my mind hehehe
    +1 dito. Si Maam Casumbal yung model ng SURF. Si Dagdag naging
    instructor ko din sa Chem 2 Lecture.

    I graduated without any failing grade sa MIT circa mid 90's. If I remember correctly nasa 2.43 ang average ko.

    I've had my share of terror instructors, tyaga at diskarte ang kailangan.
    1 take lang din ako sa board exam pasado agad.

  18. #18
    agree ako sa statement ng TS. ako 30+ units bagsak ko sa Mapua pero naka graduate naman para-paraan lang yan at lakasan ng loob

  19. #19
    Pilipinas ito, lahat nadadaan sa usapan.
    Kung hindi pa rin kaya, iyakan.

  20. #20
    I was there from 1967 to 1972 ngek ganun na ako katanda haha! Eto yung mga memories ko na malamang wala na ngayon.

    1. May 10% discount sa tuition ang lahat ng lady students. During my 1st year 1st sem class 1 lang yata ang babae sa klase out of 40 to 45 students. Majority are Chinese.

    2. Computer print-out na ang grade sheets, prelim kulay blue final kulay dark orange. Walang midterm grade sheet. Ang computer room ay andun sa may hallway sa entrance galing Avenida Rizal (Rizal Avenue). IBM 1620, Fortran II ang gamit namin sa programming starting 4th year.

    3. 3 levels ang scholarship. Wtd ave 1.00 to 1.50 = full scholar, 1.51 to 2.09 = half scholar, 2.10 to 2.50 = quarter scholar. In other words, a grade of 2.50 in a subject means "grade na pang scholar". Most students who are not scholar material get a grade of 3.00 or 5.00.

    4. Exempted sa finals if your computed grade before the exam is 3.00 or higher. Mga bagsak lang ang kumukuha ng final exam para magka pagasa pumasa.

    5. Maraming terror, isa ako sa mga nabiktima. May English prof na hindi natutuwa kapag almost perfect ka sa exams, hahanapan ng butas para ibaba ang score mo. I got a 2.00 although I most certainly deserve a 1.00. Sa 3 other English subjects 1.00 ako.

    6. Walang entrance exam kaya tambak ang kick-out after only 1 semester.
    Last edited by chrislpc; Jul 5, 2012 at 07:18 PM.

Page 1 of 2 1 2 LastLast

Posting Permissions

  • You may not post new threads
  • You may not post replies
  • You may not post attachments
  • You may not edit your posts
  •  

Whats Happening

Sub title

The Flick List (Themed)
Guess the theme! Have you seen Twilight, Sister Act and these other movies? Share your thoughts and reviews in here! view more

PROMO: Epic
Join now and get a chance to win advanced screening tickets to Epic! view more

The Wander List
Have you smashed plates in Tarlac been to the beaches of Bali? Tick your travel exploits off in our Wander List! view more

Caught Up Default

Sub title

Trailer: The Great Gatsby
Baz Luhrmann directs an ambitious, visually stunning tale of love, dreams, and tragedy in The Great Gatsby. view more

Review: Star Trek
Visually breath-taking and action-packed, Star Trek: Into Darkness will please casual and hardcore fans alike. view more

Review: Evil Dead
With an absurd amount of violence mixed with tons of terror and scares, Evil Dead is a must-see for horror movie fans. view more

Review: One Piece
Is One Piece Film Z an epic nautical adventure worth experiencing? Find out in this review! view more

Review: Trance
Director Danny Boyle delivers tons of twists and turns in this well-written mind-bending action thriller view more

Forums Directory