For 20 years of existence ko, I know never pa akong na-in love. Nagkaroon na ako ng maraming crushes at alam ko na hanggang infatuation lang ang nararamdaman ko sa kanila. Madalas, hindi tumatagal ng higit sa 1 month (or at times, 1 week) ang ganitong feeling.
Hanggang dumating ang last sem...
May isang organization ako na matagal nang gustong apply-an sa univ ko. 4th year (on a 5 year course) na ako ngayon nang magkaroon ako ng oppurtunity sa magkapag-apply sa org na yun. Last sem, natapos ko ang app process. Pero ang pag-aaply ko sa org na yun ang nagbigay daan para makilala ko ang isang girl. Applicant ako at member siya, officer pa actually ng org, pero nagkaroon ako ng chance na mapalapit sa kanya more than any other mem. Until one day may naramdaman na lang akong feeling for her na alam kong hindi ko pa naramdaman ever. Hind ko alam kung may gusto na ba ako sa kanya pero I'm sure it's more than having a crush on her.
Now the problem is this. Bilang batchmate ko pala siya at 4th year na rin siya last acad year, gumraduate na siya ngayong April dahil 4 yrs lang ang course niya. Alam ko, after ng induction ng new set ng EC's sa early June, mas magiging rare na ang chance na magkita, magkausap kami. Nung simula ng summer ay excited ako dahil first time ko magiging mem na org na matagal ko nang gusto at mapapalapit pa ako lalo sa girl na ito bilang mem na rin ako. Pero narealize ko later on na kung maghihiwalay din kami ng landas, hindi kaya mas masasaktan lang ako kung makikipagclose pa ako lalo sa kanya. Kaya tinry kong iwasan siya. Hindi ako pumupunta sa activities ng org na feeling ko pupuntahan nya at dahil magkasama kami sa isang committee, at siya ang committee head, nililimit ko na lang ang conversations namin, personal man, online, or thru mobile, sa committee tasks.
Hindi ko alam ang gagawin pero nahihirapan akong maalis siya sa isipan ko. Lagi ko siyang iniisip kahit sa mga panahong hindi dapat, tulad ng dapat nag-aaral ako dahil nagsusummer class ako. Madalas, nag-di-day dream pa ako. Ano ba dapat ang gawin ko? Tama ba na iniiwasan ko siya, after all?![]()









Reply With Quote











