
Alaska beat Ginebra 104-80 in game 3, sweeping the series and bagging the Commissioner's Cup title.
read more
Summer seems to be ending, but the feeling doesn't have to end. Check out this list for awesome road-trip getaways!
read more
The NU Lady Bulldogs outlast the AdU Lady Falcons in 4 sets, taking their first trip to the Shakey's V-league finals.
read more
Guess the theme! Have you seen Twilight, Sister Act and these other movies? Share your thoughts and reviews in here!
read moreAno ba ito! Nakakainis! Faithfully pero puro unfaithful ang mga characters!!!! Unfaithful yung asawa, yung mga kaibigan dahil isa sa kanila ang kabit. bakit ganito mag-isip ang GMA?
At napakapredictable! Huhulaan ko ha, hindi ko alam kung tama ako, 1. Si Michele Madrigal ang kabit, pero bago malamang si Michele, paiikutin muna na kung si Vaness o si Isabel. Tapos ang bagsak si Michele. Ganito yung movie na descendat ni George Clooney. I'm daring the writer kung hindi niya doon ito ginaya. Nacoma din yun asawa ni george clooney, tapos nalaman niyang may ka-affair ang asawa noong comatose. Then aalamin niya din kung sino. Haay, wala na bang maisip ang creative ng GMA, talagang manggagaya na lang.
^baka naman nagpapaka-ironic sila sa title kaya kahit unfaithful yung mga characters, faithfully yung title.
regarding panggagaya. meron pa bang natitirang original concept sa panahon ngayon? kahit saang channel, kahit saang bansa may mga ganyan. wag ka na lang manood kung inis na inis ka na.
pinapanood ko to...natatawa ako sa ma scenes may pagkaexaggerated yung pagkabwiset ng mga kontrabida
nasan na yung ibang mga cast? o baka late lang ang palabas dito samin...kala ko kasama si isabel oli dito...tas yung mga leading man kulang ata sa exposure
pero gusto ko talaga ang show nato...panalo yung kaibigan ni maxene, saka gandang ganda ako sa muka at pagarte nung nanay niya![]()
Palagay ko lalaki ang kabit ni Marc. Yon lang ang pwedeng twist na exciting. baka si Mike Tan.
Confirmed na si Michelle na nga. :O
si michelle to kasi sino ba sumunod na sikat kay maxene, edi si michelle syempre mas sikat mas malaki yung role
Ang salbaheng nung tatlong kaibigan ni Maxene. Ano ba nagawa ni Maxene sa kanila at nagkakampihan ang mga yun sa pag backstab sa kanya?
^^ang pogi kasi ni marc abaya! lol.
seriously, parang gumagaling na si marc abaya at medyo believable na siya as kevin. believable na *ssh*le siya. haha. siya yung tipong ang galing magpaikot ng ulo ng mga babae. ang ganda ni michelle sa tv. sobrang telegenic at ang galing nya umarte. hindi nakakainis kahit siya ang kabit. exaj lang minsan yung makeup ni vaness. parang laging pinaglalaruan ng mga baklang makeup artist. lol. extrang-extra lang ang peg ni mike tan talga.
Gumaganda na ang kwento! Sana more catfights!![]()
Hi! crazy_aquino, ang pagsulat ng soap ay may formula. At yung plots, may 20 basic plots kung saan pwede mong gawin ang isang kwento. Que fantasy, drama, action, etc, nagsisimula yan sa basic plots: quest pursuit, metamorphosis, etc. Man vs. Nature, Man vs. himself, etc. So ang lahat ay nagkakaiba lang sa kung anong plot device ang gagamitin. In a way, kahit naman dito sa US, halos pare-pareho rin ang plot. If you've watched "First Daughter" ni Katie Holmes at "Chasing Liberty" ni Mandy Moore, parehong-pareho ng plot, pareho rin 2004 ipinalabas.
Anyway about your comment na ginaya ito sa Descendants ni George Clooney, maybe inspired by it in one of the situations but if you will really analyze the plot, yung "situation" lang na na-coma ang nagkapareho at naghanap ng ka-affair. If you are watching it right now, parang tuldok na lang ito sa kabuuan ng plot. Finding who is the kabit is not the main plot, in fact, hindi rin pinaikot ang kwento about sino ba talaga ang kabit, dahil it's more about the betrayal of her friends kaya parang naging pina-ikot lang at naging mystery kung sino ang kabit ay dahil sinadya yun ng mga kaibigan ni Stella, kung baga, she's been manipulated. It's not a plot device but a plot of her friends against her--inililigaw lang siya.
The basic plot in The Decendant is about transformation how a certain event would change a person while in Faithfully, hindi pa ito tapos pero, I can see that it's about revenge. So, technically, it's definitely an original concept or orihinal na katha kasi isang "situation" lang naman nagkapareho not in the entire concept.
Hindi ako nakikipag-argue, ha. i'm just trying to explain.
mas nakaka "ta-nga" siguro yung react ng react sa isang show na supposedly eh hindi mo gusto diba?
relax. this is just a tv show.![]()
anyway, iniintay ko pa rin na lumaki-laki na ang role dito ni mike tan. nakakasawa na ang mukha ni marc abaya hehe. gusto ko na rin makita kung paano magre-revenge si maxene dito. nakakaiyak yung ep na namatay yung anak nya. ang sarap naman batukan nung anak nyang lalake hehe. curious ako kung paano nya mapapaniwala yung bata na wala siyang kasalanan...
eto ang pinakabagong teaser na nasa fanpage:
http://www.facebook.com/FaithfullyGMA?ref=hl
kaabang abang tong show na 'to!!!![]()
revenge pala ang theme nito!! love it!!![]()
bakit palaging sumisigaw si Marc Abaya tuwing nagagalit?![]()
Natatabunanan na ang thread. Up ko lang for Team Stella.![]()
exciting na ang pag revenge ni Stella!!~![]()
Up for FaithfullyGMA!!~ pinaka maganda sa AFTERNOON PRIME ngayon!!![]()