may best friend kasi ako, at the same time cousin ko rin siya. super close talaga kami, lagi siyang nanghihiram sakin, minsan, 10k minsan 20k pero nababayaran naman. until last 2007, nagkasakit yung tatay niya, yung bill inabot ng 100k (ata) sa hospital, tapos sakin sila nangutang, marami kasi sila magkakapatid pero lahat may work na, pero siya talaga ang nangutang sakin, siguro kasi close kami at alam niyang madali talaga ako utangan. sabi ibabalik din daw agad and para after 1 month, kasi nakakandado young kaha eh tatay lang nila ang may hawak ng susi. after 1 month wala pa rin bayad, ok lang naman sakin yun. pero mga 3 months after, nabuntis young best friend/cousin ko out of wedlock. so tuloy pa rin ang buhay pero ilang weeks pa ang lumipas wala pa rin siya nababanggit tungkol sa utang niya, i mean sana yung banggitin lang sana niya kung di pa siya makakabayad maiintindihan ko naman, pero sana BANGGITIN lang, pero wala pa rin kahit banggit, eh nahihiya naman ako magsabi o maningil, tapos sabi nung isa kong friend which is super close din sakin, sabihin ko na lang daw hinihiram niya ang pera kasi mareremata lupa nila kung nahihiya daw ako maningil, gusto ko kasi malaman kung matatagalan ba yung pagbayad o magbabayad na ba dahil nga nabuntis siya bigla, naisip ko kasi baka lalo hindi ako mabayaran kasi nga nabuntis siya,. di sinabi ko na na hinihiram kasi yung pera ng friend namin baka pwede mabayara na niya kahit konti lang, sinabi ko yun IN A VERY NICE WAY, at may pasensiya pa sa dulo.
sabi niya sige babayaran na raw nila, pero after a month wala pa rin, tapos nalaman ko na lang sa isa nilang kapatid na naiinis na pala raw siya sakin kasi nga naniningil na ako, sabi pa raw ni bestfriend/cousin hindi naman daw totoo yung remata remata at gumagawa lang daw ako ng dahilan para makapaningil, hurt ako dun mga sis kasi sister na talaga turing ko sa kanya at hindi ko akalain masasabi niya yun behind my back. tapos sabi pa nung kapatid nila, sana hindi na lang nangutang kasi meron naman daw time deposit sila, at malaki naman daw laman nun. baka nanghihinayang sa interest kaya ayaw ipullout? kaya nangutang na lang sakin? nahurt talaga ako sa ginawa niya at sa mga sinabi niya behind my back, diba pag totoong bestfriend walang ganunan,? kaya lang naman ako nagimbento ng dahilan para maningil kasi nahihiya talaga ako maningil.
nabayaran naman, pero ang tagal inabot ng 1 1/2year. tapos magmula nun hindi na kami nagusap, yung anak niya di ko na rin nakita kasi di na kami nagusap.
2007 pa nangyari yun, pero ngayon naiisip ko kung dapat ba siyang panghinayangan? nagkaaway kami dahil sa pera, parang ang babaw naman. pero kasi feeling ko nagamit kasi ako e.








Reply With Quote













