
Originally Posted by
pinoysherlock
Pagsamasamahin natin lahat ng mga details so far:
1) Ang Barretto/Santiago side ang SOBRANG nagpupush na mareveal lahat ng evidence: CCTV sa airport, at mga witnesses.
Undeniable proof eto na si Tulfo ang naunang sumuntok at sumipa.
PERO...
2) Palamura talaga si Claudine. Based dun sa viral video nya dati na nagmura sya ng P.I. sa ASAP, ang taong mapapamura pag nadapa ay isang taong mura talaga ang bukang bibig. Anyone with a slight understanding ng human behavior ay mafifigure out to.
3) Isa pang detalye ay ang mga kwento nila, pati na nung witness daw sa GMA. May mga butas ang kwento nila.
Raymart: 'lumapit daw sya kay Tulfo, "biglang" sinuntok. Tapos lumapit si Claudine, "biglang" sinipa.'
Yung mga "biglang" parts ng storya make no sense.
Tulfo: 'pinicturean ko ng still photos si Claudine nung nagwawala, bigla akong dinumog.'
Wala ding sense ito.
PERO, may ginawa syang nagbigay ng malaking clue: kaso ng "Grave Coercion" sa pagkuha ng cellphone nya.
Based dito, feeling ko, nafigure out ko na ang totoong nangyari.
INAGAW NI RAYMART ANG CELLPHONE NI TULFO.
Eto ang butas na wala sa storya.
Ayaw to banggitin ni Raymart kasi baka mawala yung argument nila na nagsimula ng away ay si Tulfo sa pamamagitan ng naunang pagsuntok.
Pero isa pang detalye.
NAPAKA-laking tao ni Tulfo. Ang LAKI ng kamao, at black belt martial artist.
IMPOSIBLENG suntukin ka nya ng straight sa mukha at wala kang bangas o basag sa mukha.
Kilala ko ang mga tulad ni Tulfo. Malaki ang tingin nito sa sarili dahil malakas siya physically at maraming backer.
Marami akong barkadang katulad nya, mostly fratmen at mga black belt martial artists.
Eto yung tipong taong pag mukha kang naghahanap ng away ay hindi ka aatrasan.
Ang nangyari, sa tingin ko, ay dahil nakikipag-agawan ng cellphone si Raymart...
Itinulak sya ng napakalakas ni Tulfo, parang suntok na halos.
Yung tipong tumilapon sya sa sahig.
Para sa isang martial artist na napakalakas, itinabi ka lang nya at nakakairita ka.
Pero sa mga normal na tao, mukhang nanuntok ka na.
Pero take note, ayon sa mga kwento, hindi pa dinumog si Tulfo after nito.
Ibig sabihin, aware silang lahat ng hindi highly damaging yung ginawa ni Tulfo.
Pero dahil dito lumapit si Claudine.
At syempre, bilang hair-trigger na palamura, at bungangera, malamang ay pinagmumumura nya si Tulfo, hanggang sa bumigay sya.
At ang ganitong klaseng tao, di nagpapalagpas ng panglalait ng pagkatao nya, kaya nya tinadyakan si Claudine.
Sasangayon eto sa storya ng "Witness" na ang sipa daw kay Claudine ay "martial arts kick" daw at hindi "accidental kick".
ETO ang naging trigger kaya siya dinumog.
Nagfifit to sa storya ni Raymart.