please merge.

Alaska beat Ginebra 104-80 in game 3, sweeping the series and bagging the Commissioner's Cup title.
read more
Summer seems to be ending, but the feeling doesn't have to end. Check out this list for awesome road-trip getaways!
read more
The NU Lady Bulldogs outlast the AdU Lady Falcons in 4 sets, taking their first trip to the Shakey's V-league finals.
read more
Guess the theme! Have you seen Twilight, Sister Act and these other movies? Share your thoughts and reviews in here!
read more
please merge.
Published : Friday, June 01, 2012
Written by : Nel Alejandrino
Finally, there are reports from bookers of other movie productions na kumikita sa takilya ang pelikula nina Angeline Quinto at Coco Martin na Born to Love You.
Now, makakahinga na nang maluwag si Angeline who, for the last few days, admitted na ’di siya halos makatulog habang nalalapit na ang showing ng movie.
Star Cinema and Cinemedia, which co-produced Born to Love You, still have to release the figures ng kinita ng movie on its first day.
Basta ayon sa mga tao behind the two productions, may dahilan for them to wear those happy smiles habang showing ang pelikula.
Lalo na, of course, si Coco, who takes to the movie as his most important challenge to date. Naturally, si Direk Jerome Pobocan din dahil this is his first movie bilang director.
JUNE 02, 2012 SATURDAY
Coco, kakaiba ang macho appeal
NAPANOOD namin ang pelikula nina Coco Martin at Angeline Quinto na Born to Love You kamakalawa nang gabi.
May comedy moments ang movie, lalo na si Angeline, pero mas romantic-drama ang dating nito kesa romantic-comedy dahil may kabigatan ang kuwento nito.
Si Rex (Coco) ay isang struggling photographer, na tila galit sa mundo dahil hindi niya makalimutang iniwan siya ng kanyang ina (Eula Valdes) nu’ng paslit pa siya.
Nangako ang nanay niyang babalikan siya, pero hindi ‘yon natupad hanggang sa namatay na ang kanyang ama (Tonton Gutierrez) dahil nagkabalikan pala sa Amerika ang kanyang ina at ang dati nitong nobyo (Albert Martinez).
Sa isang Korean wedding ay nakilala ni Coco ang tourist guide at translator na si Joey (Angeline). Palpak ang unang pagkikita ng dalawa dahil nagkaasaran sila at nabuwisit sa isa’t isa.
Galing sa mahirap na pamilya si Joey. Siya ang breadwinner at panay ang sali niya sa mga singing contest para magkapera. Nag-aral mag-Korean si Joey ay dahil pangarap niyang makapunta ng Korea para hanapin ang kanyang Koreanong ama.
Nagkataong nagkasama sa isang out of town photoshoot para sa isang Korean product sina Rex at Joey. Sinusupladuhan ni Rex si Joey dahil asar siya rito. Bilang ganti ay minamalditahan din ni Joey si Rex.
‘Yung away-away sa simula ay nauwi rin sa swit-switan. Naging magkasintahan sila, pero sarado ang puso ni Rex sa inang nag-abandona sa kanya.
Nang dahil kay Joey ay matututunan niya kung paano ang magmahal, tumanggap at magpatawad.
***
Bagong kombinasyon ang Coco-Angeline, pero in fairness ay may chemistry sila at may kilig ang fans sa tambalan nila.
Bet namin ‘yung eksenang nag-inuman ang dalawa sa may beach. Nu’ng una ay pa-shot-shot pa sila, pero pagtagal-tagal ay tinutungga na nila ‘yung Tanduay mula sa bote!
Aliw rin ‘yung nagyakapan sila sa gitna ng riles ng tren, na nagpa-panic na si Angeline dahil may paparating na tren pero ayaw umalis ni Coco sa gitna ng riles.
First time ito ni Coco na gumanap bilang romantic leading man sa isang mainstream movie.
Nakeri naman niya, kaya lang ay konti lang ‘yung kanyang pakilig scenes at mas marami pa rin ‘yung eksenang nagda-drama at nag-eemowt siya.
Hanggang sa dulo ng pelikula ay ang bibigat ng mga eksena niya.
Kilig ang fans doon sa airplane scene na hinawakan ni Coco ang kamay ng nalululang si Angeline, at ‘yung naglalambigan sila matapos linisan ni Angeline ang bahay ni Coco, na ayaw magpahalik ni Angeline dahil pawisan ito.
Kakaiba ‘yung macho appeal ni Coco na Pinoy na Pinoy at masang-masa ang dating. Ang guwapo niya nang gupitan siya ng bangs at ahitan ng balbas ni Angeline.
In fairness kay Angeline, para sa isang first timer umarte ay natural na natural siya sa harap ng kamera. Benta rin sa fans ang mga jologs na hirit niya, na simple pero nakakatawa.
Naalala namin ‘yung kuwento ni Coco nu’ng presscon na nu’ng simula ay parang robot kung kumilos si Angeline at wala itong kaalam-alam sa pag-arte, pero hindi namin ‘yon nakita sa screen dahil sakto lang ang ibinigay na akting ng baguhang singer-turned-moviestar.
May chance na mas gumaling at lumalim pa si Angeline kung mabibigyan siya ng magagandang acting projects pagkatapos nito.
***
Si Coco ang isa sa mga sumulat ng istorya ng Born to Love You (gamit ang tunay niyang pangalan na Rodel Nacianceno). Katuwang niya rito sina Rondel Lindayag at Deo Endrinal. Isa rin siya sa executive producers ng pelikula.
Malamang kay Coco nanggaling ‘yung idea na gawing dramatic ang Born to Love You sa halip na light at feel-good rom-com lang na kagaya ng usual Star Cinema flicks.
Si Rondel Lindayag (na creative head ng mga teleserye ni Coco tulad ng Walang Hanggan, Minsan Lang Kita Iibigin at Tayong Dalawa) ang sumulat ng screenplay ng Born to Love You.
Bilib kami sa galing ni Rondel pagdating sa mga teleserye at natutuwa kaming nagko-crossover siya sa pelikula, pero sadyang iba ang TV sa film medium kaya sana next time ay makagawa siya ng mas magandang materyal.
![]()
congrats to the whole cast and BTLU team...really enjoyed the film...for Angeline as a "first-timer" to act...she was just really so natural and she made justice to her role as Joey...Coco is unbeatable as an actor...magaling talaga sia...We really enjoyed the movie "sankaterbang friends and relatives ang nanuod last Friday...from 9yearold kids to my 84 years old mom....really wholsesome...more projects for Angeline bagay sila ni Coco...cute and very funny...hope this movie will do good on the box office...thanks
I loved "Born to love you" sobrang ganda! Nakaka inlove!
i loved this movie!!! i'll watch it again!
Ferminata Bungalya, butata sa pangne-nega kina Coco at Angeline
by Dapat Lang/Pete G. Ampoloquio, Jr. Jun 2, 2012
HAHAHAHAHA! Hindi umepekto ang pangne-nega ni Ferminata Bungalya (Ferminata Bungalya raw, o! Hahahaha!) sa movie (Born to Love You) nina Coco Martin at Angeline Quinto na as of presstime ay patuloy pa ring pinipilahan sa mga sinehan all over the country much to the chagrin of the aging AC/DC woman with the cheap ill-fit- ting dentures. Hahahahahahahahaha!
So tsakaaaaaaa! Hakhakhak!
Sino pa ba naman kasi ang maniniwala sa guranggang lolang ito na araw-araw ay salit-salitang binabanatan ang mga artista ng Dos out of sheer envy for the simple reason that she’s no longer being acknowledged by Piolo Pascual and the rest of the gang for they know that she has nothing but her own selfish interest in mind and not in any way the betterment of the artist involved or the industry as a whole?
Kaya sa ngayon, si Lola Fermi ay banat nang banat na naman kina Coco Martin at Angeline Quinto. Hahahahaha!
As if naman paniniwalaan pa siya gayung basang-basa na ang papel niya sa harbatan. Hahahahahahaha!
Ibenta mo na lang ang mga tsakang obra mo sa Mga Kobra ni Tsaka, baka kumita ka pa.
Hahahahahahahaha!
You can’t argue with success, gurangga. Born to Love You happens to be a veritable box-office hit and there’s nothing that you and your cheap writing skills can do to pull it down.
Panahon ngayon ni Coco Martin, mukhang andang gurang, and no amount of pananaray on your part can change the fact that Star Cinema has been able to dish out another blockbuster. Hahahahahahaha!
Eat your heart out, granny. Hakhakhak!
Osla ka na, huwag ka nang mag-attempt na mangdamay ng iba sa ‘yong cheapanggetch na kinahinatnan because you had it coming a long time ago.
Numero unong plastikada ka, ano? Kunu-kuno ay motherly ang approach pero saan ka? Numero uno kang kotongera. Hahahahaha! Cheap!cheap! cheaaaaaapppppp! Hahahahahahaha!
Magtanim ka na lang ng kamote sa Parada, Valenzuela city, baka kumita ka pa.
Put a stop to your endless clamoring for food, lola, lola ling. The old obese grandama who’s pining for the kind of popularity that she used to have when the world was young and people were still ignorant and not in the least bit aware of the kind of competent hosting that television nowadays requires. Hahahahahahaha!
Ang laos ay laos ay laos!
Period. Ayoko ng chakaaaaaaaaaaahhhhhhhhhh! Hahahahahahahahahaha!
http://www.remate.ph/2012/06/fermina...o-at-angeline/
grabe naman si shrek, pati si coco na ke bait bait binabanatan
wala na talagang pinatawad![]()
Saw this movie earlier. Si Coco magaling talaga umarte. Si Angeline, nakakaimpress ang acting for a first timer. Ang galing niya sa mga drama scenes. Benta din yung mga comedic lines niya.
Maganda ang movie. Tama nga sila. Romantic drama ang genre not really romantic comedy. People in the cinema laughed and cried. Congrats to the cast and crew! Madaming nanood sa 1st screening. Mga 75% full yung movie house. Siguro at least magiging mild hit ito. At least 50m siguro.
Hello Highly recommended! Light ang tema pero sobrang ganda promise. Para sakin ka level nya ang A very special love sa kilig, comedy, drama at galing. Sulit ang pera nyo dahil lalabas ka ng sinehan na sobrang satisfy sa napanood mo.
Angeline ipinanganak bilang bagong star sa ‘Born to Love You’
by Papak!/Abe Paulite Jun 4, 2012
ANG ganda ng reception ng movie-going-public sa pelikulang Born to Love You nina Coco Martin at Angeline Quinto. Nitong nagdaang weekends ay talagang pila-balde sa mga sinehan ang manonood ng naturang pelikula ng Star Cinema.
Tama ‘yung sinabi ni Richard Gomez, kumpletos-recados ang movie na ‘to. Kung gusto mong umiyak, tumawa, mainis at kung anu-ano pa ay nandito na lahat. At nakapag-produce na naman ang movie-outfit ng ABS-CBN ng isang artistang magaling nang kumanta, okey pang umarte sa katauhan ni Angeline.
http://www.remate.ph/2012/06/ang-produng-balimbing-bow/
Angeline passes test as an actress
Published : Monday, June 04, 2012
Written by : Leo M. Bukas
FOR a beginner actress, mahusay si Angeline Quinto sa pelikulang Born To Love You ng Star Cinema at Cinemedia na first time nilang pinagsa-mahan ni Coco Martin.
May mga times nga lang na hindi maayos ang pagkaka-make-up sa dalaga kaya pumapangit ang itsura niya sa screen lalo na du’n sa bandang simula. Pero sa latter part ng movie, magandang-maganda na si Angeline.
But when it comes to acting, pasadong-pasado si Angeline. Kaya niyang makipagsabayan kay Coco, huh!
Naloka kami sa eksenang pinuputulan na ng buhok ni Angeline si Coco. After maputol ang bangs, biglang nagtilian ang mga tao sa sinehan. Ang guwapo nga naman ni Coco nu’ng malinis na ang itsura niya, huh!
Dahil sa success ng Born To Love You, napatunayan ni Coco na kaya na rin niyang magdala ng isang pelikula. Bukod sa pagiging top-rater ng kanyang Walang Hanggan na umabot pa ng 40 percent ang rating, interesado na rin ang publiko na magbayad sa sinehan para panoorin siya.
Sa Born To Love You, muling ipinakita ni Coco kung gaano siya kagaling at ka-sensitive bilang isang actor.
Congratulations!
![]()
Philippines Box Office
May 30–June 3, 2012
(US $1 = 43.3262 Philippines Peso)
Born To Love You Star Cin. $685,816 Weekend 1 = P29.7 M
SANGA-SANGANDILA Ni Veronica R. Samio (Pilipino Star Ngayon) Updated June 07, 2012
Pelikula ni Angeline nagtagumpay dahil kay Coco
Hindi nakapagtataka kung tulad ni German Moreno ay magtagal din ng husto at sumikat ng todo-todo si Coco Martin. Paano kasi nakaka-relate sa kanya ang masa. Hindi niya itinatago ang kanyang pinagmulan. Hindi siya nahihiyang sabihin na iba-ibang trabaho ang kanyang pinasok bago siya naging artista ng indie film at finally ay nakilala sa telebisyon.
Proud siya na sabihin lalo na kapag Overseas Filipino Workers ang audience niya na nag-janitor siya’t nag-housekeeping sa ibang bansa.
Isang success story si Coco na dapat kunan ng inspirasyon at pamarisan. At kahit anong sabihin ng mga detractor niya laban sa kanya ngayon, the fact remains that Walang Hanggan is registering an all-high rating at kahit gaano kasikat ang mga kasamahan niya rito, siya ang ibinibenta ng serye.
Sa kanyang kredito rin ang tagumpay ng Born to Love You na bagaman at si Angeline Quinto ang inilulunsad, kung hindi siya ang kapareha nito, naging matagumpay din kaya ito?
Executives ng Star Cinema ayaw patulan ang orocan na si Manang Cristy Fermin
by Walang Kiyeme/Peter S. Ledesma Jun 7, 2012
KUNG ang feeling ni Manang Cristy Fermin ay maaalarma ang mga Top Executive ng Star Cinema sa sunud-sunod na birada niya sa kanyang mga kolum sa mga magaganda at quality films na pinu-produce ng nasabing number one movie outfit, pwes, nagkakamali ang gurang na golden girl dahil unang-una, wala naman itong alam sa kalakaran ng film making dahil ang alam lang nito ay manira ng kapwa at mag-ala balatagtasan sa hindi nagri-rate na Juice-less.
Bakit ba tila galit na galit ito at sour graping sa ABS-CBN na minsa’y nagpala sa kanya? Hindi naman nila kasalanan kung bakit natigbak ka sa The Buzz. It’s all your fault orocanang chaka at oslang TV host. Wala ka na kasing ginawa kundi bantayan ang mga pelikula ng Star Cinema at sira-siraan ang mga ito.
Bakit? Nagpalabas ba sila ng press release na blockbuster ang movie ni Piolo Pascual at Angelica Panganiban na Every Breath You Take? Oo, hindi siya hit na hit pero nakabawi naman sila. Pero rito sa Born To Love You na unang tambalan nina Coco Martin at Angeline Quinto, timbog ka Manang Cristy dahil as of presstime, maganda ang resulta nito sa takilya. Another thing, ano bang alam mo sa film making? Kaya po dumidiskubre ng mga new talent ang Star Cinema at bigyan nila ng break ang mga ito ay para mag-evolve naman ang ating movie industry. And for Angeline na newcomer pa lang at Coco na mas nakilala sa Indie, hindi na talo ang Star Cinema sa naging outcome ng project ng dalawang ito sa box-office. Hay naku! Manang Cristy, ‘yung movie ninyo ni Barbara Luna noong 80′s ang flopsina kung saan gumanap kang extra rito.
‘Di kaya pati ang sequel ng blockbuster movie ni Eugene Domingo na Kimmy Dora & The Temple Of Kyeme ay ipi-predict mo na naman na flop? Hello! Ikaw ba si Madam Auring?
Ngayon pa lang ay sinasabi na naming tiyak na SRO ang lahat ng sinehan na pagtatanghalan ng latest comedy movie ni Eugene with two hunks leading men Dingdong Dantes and Zanjoe Marudo. Palabas na ito sa darating na June 13 sa mahigit 100 Theaters nationwide. Magnganga ka lang gyud!
http://www.remate.ph/2012/06/executi...cristy-fermin/
Grabe ang ganda ang movie na to revelation si Angeline dito ang galing na umarte ang bilis tumulo ng luha, at lalo na si Coco sobrang galing at ang gwapolakas ng chemistry nila ni angeline
sobrang nakakaiyak at pakikiligin at patatawanin ka nitong movie na to, promise uulitin ko uli to super sulit ang bayad ko
![]()
Gosh! Super ganda. Lalabas la ng sinehan na satisfied at gugustuhing ulitin pa.![]()
Congrats sa movie.pito kaming nanood last thursday sa sm pampanga.medyu marami pa rin ang nanonood considering na 2nd week na ito at weekday pa.all i can say is gaya ng sabi ng iba dito maganda talaga ang movie.sobrang sulit ng ibabayad nyo at ang sarap ulitin.maiiyak at matatawa ka.kaya yung di pa nanonood panoorin na.
Banned by Admin