Guys, here's the other part of the story... Medyo mahaba ulit pero eto na yung last.
After ko nalaman na sya pala may kasalanan kung bakit lalo kami nagkakagulo ng boyfriend ko, kinausap ko yung boyfriend ko at umamin naman siya na niyayaya nga siya ni M sa mga bars pero ang ginagawa lang niya nag-eenjoy lang daw siya, walang involve na babae or so... Tapos sinabi ko na sa kanya about sa mga pinag-gagawa ng bestfriend nya behind his back. Nagalit siya at tska niya narealized na kaya pala araw-araw siya niyayaya para lumayo yung loob niya sa akin. Hindi pa niya kinonfront agad si M kasi humahanap pa siya ng tiyempo at ayaw rin naman daw niyang mauwi sa gulo yung usapan nila, meaning gusto niya makausap ng maayos si M about that.
Pero one night na akala ko just like any other night na magkatext kami, matagal sya hindi nagrereply, 30 minutes every reply niya. Nung tinanong ko na siya kung what's taking him so long to reply tas ang reply lang naman e not more 2 sentences. Ang sabi niya nakatambay siya ng isang friend nya na ka-close niya at mas di hamak na matino kay M. 2 hours na ulit siya nakapagreply and this time, sinabi na niya sakin yung totoo na pinuntahan niya si M sa bahay nila at nasapak niya, hindi lang sapak, nabugbog niya. Dun pala sa tagal na hindi siya nagrereply, kinausap niya yung friend ko na close friend rin niya na pinagkwentuhan ko about that. Kasi at that time, medyo naguguluhan pa sa BF na baka I was making things up para magkabalikan kami at ayaw pa niya maniwala masyado kasi nga bestfriend niya yun for years. After talking to our friend, napatunayan niya lalo na I was telling the truth, hindi sya nakapagpigil at pinuntahan niya si M at pinagsasapak niya.
Months sila hindi nagpansinan pero nung birthday niya (which ako lahat nagluto nung handa niya) his friends were teasing him na papuntahin yung bestfriend niya kasi knowing na sinuntok niya yun. Eh this one guy, natext na pala si M na pumunta sa bahay ng BF ko, so wala nang nagawa BF ko, hinayaan nalang at sinabi sakin na hindi nalang niya papansinin. Pumunta si M at the next day, sinabi sa akin ng BF ko na okay na sila at past is past daw..
Sa part ko naman, parang ah okay pero nasaktan ako kasi parang hindi niya ako pinapahalagahan after everything na ginawa ng bestfriend niya sa kanya knowing na ilang beses ako sinubukan agawin sa kanya. Wala na rin ako nagawa kasi choice naman nya kung sino papatawarin niya, pero sana inisip nya ako. At ngayon, bumabalik nanaman sila sa closeness nila na mag-yayaya tumambay yung bestfriend nya. Hindi ko alam gagawin ko, palagi kami nag-aaway because of that.