Like eto ha, meron friend ang mommy ko, nakapag abroad yung anak, nasa Australia ngayon, yung anak, super yabang sa FB, kesyo nasa abroad na daw siya, brag brag brag... kesyo, she's studying daw, party here and there...
Ang masama, alam na alam naman namin, na kaya siya nakapag abroad kasi binenta ng mga magulang niya yung bahay at lupa nila, at ibang mga ari arian. Walang wala na sila ngayon, at siya ang inaasahan na mag aahon sa kanila sa kahirapan
May mga "nagyayabang" na hindi ka mayayabangan, yes totoo, pero paano yung mga taong "nagyayabang", pero alam mo ang totoo sa likod ng kayabangan na yun?
Yun ang hindi ko ma-take, lumugar ka kung ano ka.