Jackie Rice in Showbiz Exclusives

Summer seems to be ending, but the feeling doesn't have to end. Check out this list for awesome road-trip getaways!
read more
Twelve of the best brains across Asia compete to be hired in the ultimate job interview in The Apprentice Asia
read more
The NU Lady Bulldogs outlast the AdU Lady Falcons in 4 sets, taking their first trip to the Shakey's V-league finals.
read more
Guess the theme! Have you seen Twilight, Sister Act and these other movies? Share your thoughts and reviews in here!
read more
Official Facebook page of Kasalanan Bang Ibigin Ka?
Release Date: June 4, 2012
Genre: Romace Drama
Network: GMA Network, Inc.
Plot Outline: Kapag ang puso'y naipangako na sa iba... KASALANAN BANG IBIGIN KA?
Schedule: Weekdays sa GMA Afternoon Prime
Starring: Geoff Eigenmann, Jackie Rice, and Michael de Mesa. Jennica Garcia, Angelika de la Cruz, Bobby Andrews, Sharmaine Arnaiz, Bubbles Paraiso, Pancho Magno
Directed by Mark Reyes
Written by Agnes Gagelonia-Uligan
Mabilis na nagkaibigan sina Erica (Jackie) at Jake (Geoff). Akala ni Erica, ’yon na ang true love niya – pero biglang nawala si Jake nang wala man lang kahit anong pasabi. Lubos na pagkabigo ang naramdaman ng dalaga at sinikap niyang kalimutan na rin agad si Jake; subalit isang trahedya ang magpapalala sa kalagayan niya. Mauulila sila ng kapatid na si Bianca (Jennica) dahil sa isang car accident kung saan si Erica pa ang nagmamaneho. Walang kayamanang maiiwan sa kanila, at nagkaroon pa ng komplikasyon sa mata ni Bianca na maaari nitong ikabulag. Mag-aalok ng tulong si Jaime (Michael), ang may-ari ng kumpanyang pinatatrabahuan ni Erica, at walang magagawa ang dalaga kundi tanggapin ito. Bubuti ang kalagayan ni Bianca... at manliligaw si Jaime kay Erica. Dahil sa kabutihan nito, at dahil na rin sa utang na loob, sinagot niya ito.
Itatakda ang kasal nina Erica at Jaime. Uuwi ang mga anak ni Jaime na sina Leslie (Angelika) at Joaquin. At mayayanig ang mundo ni Erica – dahil si Joaquin na bunsong anak ng kanyang pakakasalan ay si Jake na una at tunay niyang mahal!
First taping day ni Jennica ngayon, may paka kontrabida nga daw ang role nya.
Angelika dela Cruz Back To Contravida Mode In 'Kasalanan Ba Ang Ibigin Ka'
ANGELIKA DE LA CRUZ feels so lucky that as “Biritera”, where she plays Remy, the foster mom of title-roler Roseanne Magan, ends this week, she already have a new show waiting for her, “Kasalanan Ba ang Ibigin Ka?”
“Kung mabait ako sa ‘Biritera’, I’m back to contravida mode in ‘Kasalanan Ba’,” she says. “Makakasama ko rito sina Jackie Rice, Jennica Garcia, at ang mag-amang Michael de Mesa and Geoff Eigenmann. But I’ll miss ‘Biritera’, lalo si Roseanne kasi naging close talaga kami while taping it. I saw her grow from being a total newcomer who gained confidence at gumaling sa pag-arte at pagkanta. Don’t miss the show’s final week, lalo na yung big concert scene na reunion nila ni Dennis Trillo as her missing brother. So very touching. Nakakaiyak talaga.”
Angelika dela Cruz, balik kontrabida sa bagong teleseryeng ‘Kasalanan Bang Ibigin Ka?’
Kontrabida ang gagampanang papel ni Angelika dela Cruz sa bagong afternoon prime series ng Kapuso network na ‘Kasalanan Bang Ibigin Ka?’
Ayon sa ulat ni Ruel Mendoza ng Philippine Entertainment Portal (PEP.ph), pagkatapos ng kanyang mabait na role sa patapos na teleseryeng Biritera, magiging masama naman ito sa kanyang susunond na proyekto.
“Maganda kasi ‘yung role na in-offer sa akin. At saka okay lang naman na bumalik ako sa pagkontrabida,” pahayag ni Angelika sa PEP.ph
Magsisimula ang 'Kasalanan Bang Ibigin Ka?' sa Hunyo 5, 2012, at kabilang dito sina Geoff Eigenmann, Jackie Rice, Jennica Garcia, at Michael de Mesa.
Dagdag pa ng aktres, gusto raw nito na magkakaiba ang kanyang mga ginagampanang mga papel sa mga palabas.
“Gusto ko rin ng paiba-iba. Minsan inaapi ako, sa susunod ako naman ang mang-aapi,” wika ng aktres.
Bukod dito, magwawakas na ang GMA Telebabad show na ‘Biritera’ ngayong Biyernes, Mayo 18, at mami-miss daw ng aktres ang kanyang anak sa palabas na si Roseanne Magan.
Nakita raw ni Angelika ang pagbabago ni Roseanne simula noong una silang nagkasama sa palabas.
Mahiyain pa raw ito noong una dahil naninibago pa siya sa mga nakakasama niya sa set. Ngunit noong kinausap na ni Angelika ang batang aktres, na kailangang maging kumportable ang batang aktres sa kanya upang maging maganda ang kanilang mga eksena.
Nakinig naman daw ito at naging malapit na sila sa isa't-isa. Kuwento pa ni Angelika, naging makulit na rin daw ito.
Dagdag pa niya, “Sana ay may next project na siya agad kasi very talented ang batang ‘yan. Hindi lang siya magaling kumanta, pati umarte ay pasadung-pasado siya.”
Gayunpaman, dahil din sa dami ng mga proyekto ni Angelika, nababawasan na rin daw ang panahon niya sa kanyang tatlong taong gulang na anak na si Gabby.
Wika pa ni Angelika, "Bilang ina, siyempre may guilt feeling ka na hindi mo maasikaso ang anak ko as much as you want dahil nasa trabaho ka."
Gayunpaman, kahit pagod ito sa trabaho naghahanap pa rin naman si Angelika ng oras para sa kanyang anak. At tuwing may free time raw ito, ang buong oras nito ay nasa kanyang pamilya.
Aniya, “Naaawa nga ako kay Gabby kasi minsan kinukulit niya ako na maglaro. E, natataon pa na puyat na puyat ako from shooting."
“Siyempre, mas gusto mong matulog nang mahaba, di ba? Doon siya mangungulit na maglaro kami. Minsan talaga hindi ko napagbibigyan. Pero kapag kumpleto na ang pahinga ko, doon na ako puwedeng makipaglaro sa baby ko," dagdag pa niya.
Gayundin, nang tanungin naman si Angelika kung balak ba nitong tumakbo bilang konsehal ng Malabon sa mangyayaring eleksyon ngayong 2013, ito ang kanyang naging pahayag:
“Noon ko pa naman nasabi na gusto kong manilbihan bilang public servant sa Malabon. Doon ako lumaki at gusto kong tumulong sa maraming tao doon... Noon pa kami sumusuporta sa mga projects doon."
Ngunit pinag-iisipan pa raw ito ni Angelika at hihingi muna siya ng blessing sa kanyang asawa.
Dagdag pa niya, “Basta hindi ako mawalan ng panahon sa pamilya namin.” — Mac Macapendeg/ELR, GMA News
Kasalanan Bang Ibigin Ka? starring Geoff Eigenmann, Jennica Garcia and Jackie Rice with Michael de Mesa and Angelika dela Cruz
'Yan yung Nothing on You ni Bruno Mars ang music.Maganda nga 'yon, nakakakuha ng attention.
With KBIK, I thought they would go daring (like bare some skin) kasi si Jackie Rice yung bida at ang image na pino-project niya eh young sexy actress. Tapos, mature pa yung kuwento ng serye. Hindi ko naisip na gagamitin nila ang tango para rito.Pero magaling kasi swak yung tango.
It's sexy without showing that much skin at tama yung galaw do'n sa mga tanong o sinasabi tungkol sa kuwento.
![]()
Twit pic of Jennica Garcia:
Ako si Bianca Santiago. Ano ang mga hilig ko? Paano ako magmahal? Abangan sa Kasalanan Bang Ibigin Ka...
![]()
Twit pic of Michael de Mesa:
Meet Jaime in Kasalanan bang Ibigin Ka? Soon on GMA!
![]()
Abangan sina Jake (Geoff Eigenmann) at Leslie (Angelika dela Cruz) sa pinakabagong afternoon soap ng GMA 7, Kasalanan Bang Ibigin Ka?
Angelika dela Cruz
Angelika dela Cruz will star in GMA 7's newest afternoon soap opera "Kasalanan Bang Ibigin Ka?" with Geoff Eigenmann, Jackie Rice, Jennica Garcia and Michael de Mesa
Twit pics of Bubbles Paraiso:
@jennicaonline busy reading her Bible here at #kasalananbangibiginka taping
Janice & Leslie. B!tch bff's. Haha! #kasalananbangibiginka
![]()
Angelika dela Cruz
Showbiz Central: Don't Lie to Me Face Off edition - Geoff Eigenmann and Sid Lucero
Showbiz Central: Michael de Mesa - Live na Live!