Pil. Star Ngayon, May 10, 2012
Angelika puring-puri sina Roseanne at Rich
ni Nitz Miralles
Mami-miss ni Angelika dela Cruz si Roseanne Magan dahil naging close sa kanya ang bata sa taping ng Biritera at No. 1 fan ng team-up nila ni Neil Ryan Sese ang bagets. Bilib ang aktres kay Roseanne dahil kahit baguhan, magaling umarte at totoong iyak ang ginagawa nito sa mga eksena.
Kuwento pa ni Angelika, sikat sa mga bata si Roseanne at nang pumarada sa Malabon ay parang poon ito na inalayan ng bulaklak ng mga batang fans.
Isa pang pinuri ni Angelika si Rich Asuncion na mahusay din lalo na sa eksenang inamin nito ang kasalanan.
Kontrabida uli si Angelika sa next soap niyang Kasalanan Ba ang Ibigin Ka under Mark Reyes. Kabilang sa makakasama niya rito sila Michael de Mesa, Sharmaine Arnaiz, Jackie Rice, Jennica Garcia, at Geoff Eigenmann.
Michael makakatrabaho na ang anak
Tinanggap ni Michael de Mesa ang offer na soap ng GMA 7 at makakasama niya rito ang anak na si Geoff Eigenmann.
Nang makausap si Michael sa taping ng Valiente ng TV5, nabanggit nito ang nasabing offer, that time, ’di pa siya sure kung tatanggapin dahil may mga nire-request siya. Sa pagpasok ng aktor sa Kapuso Network, si Andi Eigenmann na lang ang nasa ABS-CBN. Balitang may bagong project na rin si Sid Lucero.









Reply With Quote
sure na atng yung Kasalanan Ba Ang Ibigin Ka?!!
Kasi nakakita ako ng maliit na teaser nitong serye. Ang lumalabas eh siya ang sisira kina Jackie at Geoff.
So kasama ni Jennica si Angelika na kontrabida.
Photo by Ino Florencio. 

















