
ctto.
Maiba lang. Gusto kong mag- tagalog o para mas klaro at baka nga naman di ko mapangatawanan. Mag- tataglish ako.:glee : Kulang man sa pormalidad, isa lang naman ang pakay ko: ang maunawaan. Ang MAS maunawaan.
Uunahan ko na, baka kasi may magsabi nagmamalaki ako, na marahil akin ng pinangungunahan ang kakayahan ng iba na umintindi ng wikang Ingles... uulitin ko, isa lang ang pakay ko: ang MAS maunawaan. Tutal kung anuman ang kaguluhan, dito man o sa mundo ng Twitter o sa kung saan man... isa lang naman ang nakikita kong pinagmulan: HINDI NIYO KAMI NAIINTINDIHAN.
Pero bago pa man may mag- react diyan...ikaw na nagbabasa nito--Sana'y ngumiti ka na lang. Ang lahat naman ng ito'y opinyon ko lamang. Wala namang bagay ang hindi napapagaan lalo't hahaluan mo ng
SENSE of HUMOR di ba?. Sa isang banda, tama na iba iba naman talaga tayo ng pinapaborang uri ng
humor, pero naniniwala ako nakakatawa man o nakatutuwa ang
SENSE of HUMOR o ang abilidad mong tawanan ang mga bagay bagay... tinatawag man ito ng sitwasyong kinapapalooban mo o hindi ay repleksyon rin ng kung ano at sino ka, ito'y repleksyon rin ng antas ng maturidad na meron ka.
Siguro ang pagtawa at pagbibiro ang aming naging paraan para mag- cope. Sabi nga nila HAPPINESS is a choice, mas pinili lang namin na tignan ang mas positibong aspeto ng mga bagay bagay. Pero dahil rin dito kami'y napupuna...
Idol ko rin naman si Miriam kaya ako'y hihirit na...
Magazine siguro kayo noh?
ang dami niyo kasing ISSUES sa amin... :lo l:*pe ace*
Joke! Sabi naman sa inyo... huwag masyadong seryoso...pero naman kung sadyang may iba sa amin na sumobra na... Sabi nga ni Slater: Name people!

Kami na mismo ang sisita sa aming miyembro para kumalma, pero kung di niyo naman kaya, pwede bang makiusap- Huwag naman mag- GENERALIZE pa.Hindi rin naman iyon makaakresolba ng problema... ang totoo--- nakakadagdag pa. Ang sentimiyento ng isa ay di nangangahulugang sentimyento na ng buong grupo, siguro naman di ko na yan kailangan ipaliwanag pa.
Kung binabasa mo ito at sadyang tinamaan ka, tumuro lang sa iyong monitor baka nga naman ako'y sumosobra na, pero kung sa iyong pagturo walang tatlong ibang daliri na tumuro pabalik sa iyo... eh binabati kita... IKAW na! PERPEKTO ka.:naugh ty::l ol:
Oh siya tama na ang litanya. Move on na...:rotfl mao: mga salita'y nasabi na... mga bangayan ay humupa na... sa pagtatapos ng lahat ng ito'y sana tayo'y natuto na, at ito para sa akin ang pinakamahalaga.
Sa lahat ng baldiks, atin na lang isipin delayed lang ang party party, punuin si bebe bank at malay natin ang BS sa Araneta na.
Madalas man tayong hindi naiintindihan, huwag sana natin ipagkait ang pag- intindi naman sa iba. Wala namang handbook kung paano maging isang perpektong tagahanga, pero pwede pa rin namang maging ehemplo sa iba.
---
Ang hirap pala nito...
Salamat na lamang at ako'y matatapos na... at muli maligayang pagdating sa ating panibagong kastilyo...na magandang maganda... sapakin ko ang KOKONTRA...:rotflma o:*pe ace*
---
Salamat din pala sa mga walang sawang bumibisita at nagbabasa sa aking mumunting blog--- 25,000 and still counting. Kaka-touch kayo SOBRA!
>>> oh di ba.., speech na shameless plug pa...