THIS WEEK ON SHARON
Week 2
Day 1: “Pinay Power”
Guests: Sen. Miriam Defensor-Santiago
- 1 sa pinakamatapang na Pinay sa kasaysayan ng Pilipinas, magbabahagi ng kaniyang tunay na kwento bilang ina ng pamilya at bayan!
- Sa unang pagkakataon, makakasama ni Sharon si Sen. Miriam Defensor-Santiago.
- Abangan ang mga pasabog ni Sen. Miriam tungkol sa mga bashers ni Sharon!
- Plus! Ang mga one-liner hirit ni Sen. Miriam and Sharon!
Day 2: “Young Lolas”
Guests: Jaclyn Jose at Cheska Inigo
- Mga batang nanay na naging batang lola!
- Pakinggan ang inspiring story mula sa isang masipag at maunawain na si Marlyn Gozum!
- At tampok ang kwento ng mga glamorous lolas na sina Jacklyn Jose at Cheska Inigo sa kanilang pagpapalaki ng kanilang mga anak sa batang edad hanggang sa pag-papalaki ng kanilang mga apo at pagharap sa kontrobersyal na pagbubuntis ng anak
Day 3: “Di lang ganda ang puhunan”
Guests: Derek Ramsay; Apple Argoza; Monika Sta. Maria
- Mga taong hindi lang basta ganda ang ginawang puhunan!
- Kwento ng club dancer na si Apple Argoza, Model na si Monika Sta. Maria at isa sa pinaka-mainit na boxoffice actor na si Derek Ramsay
- Alamin ang mga bagong rebelasyon ni Derek; sa kanyang pamilya at mga relasyon at ang desisyon nyang lumipat ng bagong istasyon!
Day 4: “Newly Weds”
Guests: Cong. Roman and Shalani Soledad-Romulo; Papa Jack and Toni Rose Maniego; Lilian and Edward
- Kilig na kwentuhan tungkol sa proposal, kasalan, honeymoon at buhay bagong kasal, kasama ang kasalan nina Lilian at Edward sa gitna ng bagyong Sendong!
- Ang master love adviser na si Papa Jack isisiwalat ang personal na lovelife
- Ang honeymoon stage ng newly married na sina Cong. Roman at Shalani Soledad-Romulo…ang kanilang nakaraang lovelife, adjustments at mga kiliti sa buhay mag-asawa
Day 5: “Friendship”
Guests: Amy Perez; Bing Loyzaga; Jobel dela Cruz
- Isang estudyanteng naiwang mag-isa sa Maynila sa kanyang mapagsubok at matagumpat na pagtatapos ng highschool sa pakikipagtulungan ng kanyang mga kaklase
- Bukingan ng long time celebrity friends na sina Amy Perez at Bing Loyzaga kasama ang mga sikretong crush at iniyakan sa kanilang nakaraan
- Plus! Mga problemang ng pagkakaibigan bibigyang solusyon nina Amy, Bing at Sharon









Reply With Quote















