Yup! I believe she can make it! No bitters allowed here..
Sharon Fanatics lang po pwede?
tsaka one can't ignore bashers, because a lot of the stuff they say have some ounce of truth in it no matter how small, and if an artist is able to pick up on that and make themselves a better artist because of it, then that would be for the betterment of their craft.
... and speaking of bashing ...
no offense, but may kinang ba sa Sharon nung nasa ABS sya? she went through many incarnations of her talk show but those didnt rate that well. TBL did ok.
APRIL 26, 2012 THURSDAY Sharon, ginawang saranggola ni Helen
‘Nagnakaw ako ng tinapay, tapos ang parusa niya sa akin...
LETHAL INJECTION!’
EMOSYONAL si Sharon Cuneta nang hingan siya ng press ng update sa tampuhan nila ng tiyahin niyang si Helen Gamboa-Sotto sa press launch kahapon ng bagong show niya sa TV5 na Sharon: Kasama Mo, Kapatid sa Delta Theater.
“Takot kasi ako sa kanya (Helen). Ang lagi kong tine-text, si Ciara (Sotto, bunsong anak nina Helen at Tito Sotto),” bulalas ng Megastar.
“I think, na-offend siya du’n sa isang line na hiningi ni Wilson Flores (sumulat ng article ni Sharon sa isang broadsheet) sa akin, na hindi ko alam kung anong sobra.”
Paglilinaw ni Shawie, tapos na ‘yung isyu ng Senate presidency (kung saan tumakbo ang mister niyang si Senador Kiko Pangilinan, na hindi umano sinuportahan ng tiyuhin niyang si Senador Tito Sotto).
Wala na raw ‘yon at nailibing na.
Iyung pangalawang issue na kesyo nagmamalinis daw si Kiko samantalang ito si ‘Mr. Noted’ sa Senate hearing, hindi raw sila nagsalita about it, pero na-shock siya tungkol doon dahil hindi na ‘yon kailangang sabihin pa.
Nang matapos din ang isyung ‘yon ay hindi raw sila nagsalita ng kahit ano, pero hindi na sila nagkausap ng kanyang Tita Helen at never na rin silang nagkita.
“Ang laking gulat ko lang talaga. Kasi, sa family namin, they were the people who taught me eh -- sila nina Mommy -- na hindi kami naglilinis ng dirty linen in public, ‘di ba? Nagulat ako. It was shocking to me…
“Feeling ko, artista naman ako. Bakit nag-asawa lang ako ng politician, kailangan kasama rin ako sa gulo ng pulitika?
“Ang tanong lang ni Wilson was, ‘So, do you believe that politics destroys relationships?’ Sabi ko, ‘Yeah, that’s why sometimes, when your uncle says something about your husband, you don’t understand.’
“Iyun lang ang sinabi ko, pero ang sakit-sakit na ng sinabi niya (Helen). Ang joke ko nga kay Ciara, ‘Ginawa niya akong saranggola ni Pepe!’
“Kailan ako naging matayog? Ha! Ha! Ha!” patawa-tawang sambit ni Sharon habang umiiyak.
Patuloy niya, “I think she meant lang kasi na after all the statements given before, bakit hindi ko pinatulan ‘yung second round ng pag-aakusa ni Uncle Tito?
“Ang hirap kasi. Ang sakit-sakit sa akin, kasi tatay ko siya, eh!
“Gusto ko lang linawin na mahal na mahal ko ang Tita Helen ko. Hindi ko siya dini-disrespect.
“Kaya lang, siguro naman, 46 na ako. Meron din akong karapatang masaktan at magpalipas ng sama ng loob bago humarap, para naman walang plastikan, ‘Yun lang naman ‘yon.
“Hindi po ako nagmamalaki. Nakakahiya ‘pag nagmalaki ako dahil siya, kasama siya sa nagpalaki sa akin.
“So, kung totoo man ‘yung paratang na ‘yon, napaka-delayed reaction ko naman na lumaki ang ulo, ‘di ba?
“Mahal na mahal ko sila. Gusto ko lang linawin. Pero alam n’yo, kahit sa Bibliya, kapag nag-asawa ka, kailangan you side with your husband. Iiwanan mo ang lahat para sa asawa mo.
“Kaya ang hirap ng sitwasyon ko, eh. Napakahirap talaga. Pero ayoko ng gulo. Mahal na mahal ko ang pamilya ko, lalo na ang mga kapatid kong Sotto. I miss them so much,” bulalas pa ni Sharon, na halos hirap nang magsalita at parang sisipunin na dahil sa kakaiyak.
***
Kahit hindi niya napigilang maging emosyonal, nagpasalamat si Sharon na naitanong sa kanya ang tungkol doon dahil kahit paano ay nailabas niya lahat ng kinikimkim niya.
Tsika pa ni Mega, dahil co-star ni Richard Gomez ang Tita Helen niya sa teleseryeng Walang Hanggan, minsan ay nagpapadala siya ng mensahe kay Richard para sa kanyang tiyahin.
Magkaibigan kasi sila ni Goma hanggang ngayon at in touch silang dalawa.
“Kaya minsan, meron akong mga pinararating na message sa kanya kay Tita Helen. ‘Yung mga, ‘Oy, Margaret (pangalan ng karakter ni Tita Helen sa Walang Hanggan), tama na ‘yan!’ Ha! Ha! Ha!
“Kasi, niloloko namin ‘yon ‘pag ano, ‘Helen!’ ginagano’n namin siya nina Ciara. Ha! Ha! Ha!
“Eh, ayaw pa akong pansinin. ‘Yun lang naman ‘yon. Ha! Ha! Ha!
“Sorry po, Ma and Pa, if I hurt you. Pero I’m just really… I have to support my husband. ‘Yun lang naman ‘yon. I think that’s understandable.
“Alangan namang ibato ko si Kiko? Ha! Ha! Ha! ‘Yun lang ‘yon. Siyempre, nasasaktan ako. Kasi, tatay ng mga anak ko ‘yon.
“Pero wala na ‘yun sa amin. Sana, tapos na. Nalokah lang ako, lumabas pa kay Ricky Lo! Ha! Ha! Ha!
“Sana, sinabunutan na lang niya ako. Sanay naman niya ako paluin hanggang ngayon…” dayalog ni Shawie.
Kaya minsan, ‘pag nagti-taping sina Goma at Tita Helen ay may pinapadala siyang mensahe kay Goma at sinasabihan niya itong ipabasa ‘yon kay Tita Helen.
“Eh, hurt pa, eh. Hurt siya. Kung napi-feel niya na na-disrespect siya, I’m really sorry. Pero na-feel ko rin kasi na na-disrespect ‘yung asawa ko. ‘Yun lang naman. Hindi naman kami nakikipagmataasan.
“Never kong ginawa sa 46 years ng buhay ko ang magmalaki. Ang ginagawa ko lang sana no’n, dahil wala namang monopoly na sumama ang loob at magpalamig ng ulo bago makipag-usap, ang gusto ko lang naman gawin, magpalamig nang konti para lumipas na ‘yung sama ng loob bago kami mag-usap ulit.
“Ang balak ko nga, surprise-in siya sa bahay niya. And bago ko nagawa ‘yon, na-shock ako. Na-shock kaming dalawa sa issue.
“At napakasakit nu’n dahil ‘yung accusations niya, parang ang feeling ko lang, ha? Nagnakaw ako ng tinapay, tapos ang parusa niya sa akin… LETHAL INJECTION! Ha! Ha! Ha!
“Parang papatayin na niya ako! Eh, sobrang nanay ko ‘yon, ‘di ba?” tuluy-tuloy pang pakli ng Megastar.
***
Sa Mayo 7 na ang simula ng Sharon: Kasama Mo, Kapatid sa Singko.
Puwede bang i-guest dito ni Shawie ang mga artista ng kabilang istasyon tulad ng anak niyang si KC Concepcion pati na ang ex-boyfriend nitong si Piolo Pacual?
“Gusto kong i-guest si KC, but I don’t see why I should guest Piolo pa,” mabilis niyang sagot.
“Kasi, una sa lahat, parang lalagyan ng kulay nu’ng ibang tao. Pangalawa, we don’t really need Piolo to guest here, ‘di ba?
“Kasi, ganu’n lang ‘yun, eh. Sasabihin, ginagamit mo. Ako na naman ang masama. Huwag na lang!
“We don’t need all that, all the baggage that comes with it.
I’d rather guest my daughter na I think will be understandable. She’s also under Viva anyway.
“Sana nga, si Sarah (Geronimo) at si Juday (Judy Ann Santos), eh!” sambit pa ni Shawie, na gusto rin i-guest sa kanyang show sina Gabby Concepcion at Robin Padilla.
good luck. i like her interview about her tita helen. sana maayos na nila. it hurts to see ng mga ganito. nag aaway na kapamilya, like cristine and ara.
Sharon Cuneta on feud with Tito Sotto and Helen Gamboa: "Sana tapos na..."
Karen A. Pagsolingan
Thursday, April 26, 2012 @ 05:20AM
“I am only a human being…”
Despite her stature as the Megastar, Sharon Cuneta still has the right to get mad, cry, and feel bad.
Her eyes welled up with tears at the press launch of her new show on TV5, as she talked about her still-unresolved rift with her aunt Helen Gamboa, the sister of her Mommy Elaine.
It’s been more than a month since she said, "Yes, politics does divide families, like when my uncle says something bad about Kiko, you don't understand why..."
Senator Francis "Kiko" Pangilinan is Sharon's husband.
To which, Helen retorted: “Sumasama ang loob ko. I feel that it is not right na ang pamangkin ko ay masyadong matayog. I could feel that she's so unreachable. Hindi ko na siya maabot…”
But reconciliation seems nowhere near the horizon.
In between sobs, Shawie (her nickname) said, “Yun lang sinabi ko ‘tapos ang sakit-sakit na ng sinabi niya…”
Her only line to Senator Tito Sotto’s family is Ciara.
In jest, she told her cousin, “Ano ako saranggola ni Pepe, matayog?”
At the press launch, she told PEP.ph (Philippine Entertainment Portal): “Hindi ako nagmamalaki. Hindi ako lumaking ganun.
“Kasama ko siyang nagpalaki sa akin…
“Napaka-delayed reaction ko naman na lumaki ang ulo ko ngayon...
“Hindi naman ako nakikipagmataasan. Diyos ko, never kong ginawa sa 46 years ng buhay ko yung magmalaki….
“Ang sakit naman nun dahil yung accusations niya... parang nanay ko yun.”
Sharon looks to define her legacy with TV5 talk show
26-Apr-12, 9:47 AM | InterAksyon.com
For her first project under her billion-peso five-year contract with TV5, Sharon Cuneta will host and co-produce a daily talk show that will carry her name and, she hopes, will define her legacy.
“I wanted my name on my show again. It was TV5 that gave it to me,” the megastar said Wednesday in a media conference on the set of “Sharon: Kasama Mo, Kapatid” at TV5’s Delta Theater in Quezon City.
Sharon opened up on a wide range of issues that have hounded her transfer to TV5 in November after more than 23 years with ABS-CBN.
What rankled most, she said, was the opinion that her decision was all about the price tag, which represents the biggest TV deal for any Filipino artist.
“Nasaktan ako kasi some people thought it was about the one billion,” she confessed.
“Masakit na tinawag akong mukhang pera. Pinaghirapan ko naman ito for more than 30 years.”
She said her net income, after all the commissions and salaries due her managers and staff, as well as the taxes that make her a favorite of the Bureau of Internal Revenue, would be “the same amount, more or less” she was earning from her ABS-CBN contract.
Sharon then quoted TV5 big boss Manny V. Pangilinan as having told her she was easily worth double.
After being in the limelight since she was 12, the 46-year-old singer-actress can’t be faulted for being concerned with her legacy—a word she mentioned several times during the conference.
She believes “Sharon: Kasama Mo, Kapatid,” a gabfest in the “Oprah” mold, is the perfect vehicle for it.
The show took a while to put together because, she said she and the TV5 top brass wanted to ensure its high quality.
“They wanted na en grande at elegante ang show. They’re very involved in the production,” she said of TV5 president Ray Espinosa, vice president Bobby Barreiro, and head for creative and entertainment production Perci Intalan.
In the same breath, Sharon acknowledged the creative freedom at her disposal as a co-producer of the program.
For this purpose she put up her own company, Mega Productions, Inc., with her personal manager, Sandra Chavez, and long-time adviser Vic del Rosario of Viva Entertainment.
Her writers left their cushy jobs in ABS-CBN and GMA to join her.
“I have the best writers, the best staff on TV,” she boasted.
She cited as proof of the program’s quality the quandary she and the TV5 management have faced in deciding which will be the pilot among the 15 episodes they have taped so far.
“Wala pa rin kaming napipili. Paganda kasi nang paganda ang mga episodes,” she said.
She has been taping three shows three times a week.
The show will feature “regular people with extraordinary stories” and will run the gamut of human emotions.
“It’s filled with surprises. May mga episodes na tawa lang kami ng tawa. And then next time naman iyak kami ng iyak,” she said.
When she does have celebrities as guests, Sharon makes sure they come for an in-depth discussion, “not just to promote something.”
The celebrity guest list so far includes Derek Ramsay, Jannelle Manahan, Amy Perez, Bing Loyzaga, Katrina Halili, Vicki Belo and daughter Crystalle Henares, Cristy Fermin, Lolit Solis, and Lourd de Veyra.
Sharon is candid about her efforts to emulate Oprah Winfrey.
“Anybody who does a talk show like this wants to be like her. And it’s mainly because of the number of lives she has been able to touch,” she said.
Her idols in the gabfest format also include Barbara Walters and Ellen DeGeneres.
The daily afternoon show will premiere on May 7. The time slot will be announced later.
Sharon Cuneta returns via show featuring ‘real life stories’
By JOJO P. PANALIGAN
April 26, 2012, 12:48pm
Sharon Cuneta slams talk that TV5’s one-billion-contract offer prompted her decision to transfer
Five months after moving to TV5, Sharon Cuneta has finally unveiled “Sharon: Kasama Mo, Kapatid” that she hopes would define her legacy and put to rest speculations that the network was having a hard time finding a good project for her.
Actually, it took this long to present the show because “wala kaming mapili [na pilot episode kasi] paganda nang paganda ang mga episodes,” she told Bulletin Entertainment and other members of media at a press conference held at Delta Theater on April 25. “I have the best writers, the best staff on TV!”
“Sharon: Kasama Mo Kapatid” is a daily talk show that will feature real life stories from real lives, focusing on how adversity is overcome and being proactive in helping people in need. Co-produced by Sharon’s Mega Production’s, Inc., it will also feature celebrities from time to time (who will be there “not just to promote something”) as well as surprise musical numbers. The show will premiere on May 7 though TV5 would only disclose the exact time slot a few hours prior so rival stations could not strategize against it.
The prized actress explained why she turned Kapatid despite being with another network for the longest time.
“It’s not about the one billion contract. It was more about. . . a little respect for what I built over 3 decades. I wanted a show na I felt after all the hard work [is one that] I deserve.
“I wanted my name on my show again and it was TV5 that gave it to me,” she said.
She addressed chides that she is “mukhang pera” for leaving behind her former network.
“Remember that [one billion pesos in the next five years] is almost 200 million a year for five years. Tanggalan mo pa ng taxes, porsiyento ng iba’t ibang tao so, ‘yun din ang kinikita ko mostly eve*ry year,” she pointed out.
Sharon emphasized: “Hindi naman kasi ako ’yung basta makuha lang at magka-show lang.”
Unlike many other shows on the network, TV5 president Ray Espinosa, vice president Bobby Barreiro, and head for creative and entertainment production Perci Intalan were very involved with the production of “Sharon: Kasama Mo, Kapatid.”
“They wanted na en grande at elegante ang show,” she crowed, adding that the creative freedom that they allowed her was more than welcome for someone who already knows where she wants to take her career next having been in the business for more than 30 years now.
Sharon has taped 15 episodes so far with TV5 spending some P100 million pesos for the set alone. Her celebrity guest list so far includes Derek Ramsay, Amy Perez, Jannelle Manahan, Lolit Solis, Bing Loyzaga, Cristy Fermin, Katrina Halili, Vicki Belo and Lourd de Veyra.
Will she invite Piolo Pascual to appear as guest on the show?
“I don’t see why I should guest Piolo pa. Kasi, una sa lahat, parang lalagyan ng kulay ng ibang tao, pangalawa, we don’t really need Piolo,” said she of the actor who had a bad breakup with Sharon’s daughter, KC Concepcion, last year.
She promised her fans that they’ll see a different Sharon on the show; one that’s worth their time and befits her stature.
“Sa dami po ng talk shows at present na hindi lang ako ang host, sa dami ng ginawa ko, gusto kong ito ang maging legacy ko because although lahat ng naging shows ko, parang mga anak ’yan. You become a better mother habang tumatagal. I think that was happening to me.
“Itong aking pinakabunsong show, ang pinakahuling oportunidad na dumating sa buhay ko…ibinuhos ko ang lahat-lahat dito.”
Sharon Cuneta, ayaw rin kina Nora Aunor at Vilma Santos!
Friday, April 27, 2012, 1:07
TULOY NA tuloy na talaga ang matagal nang inaabangang pagpapalabas ng pinakabagong show ng nag-iisang Megastar na si Sharon Cuneta sa TV5, ang Sharon, Kasama Mo, Kapatid, kung saan nagkaroon ito ng taping cum/ presscon last April 25, 2012 sa Delta Theater at magsisimulang iere sa May 7.
Ilan sa mauunang magiging panauhin nito sa kanyang talk show ay sina Pilita Corrales, Annabelle Rama at Lolit Solis. Three times a week daw ang magiging taping ni Mega ng kanyang show na mula sa mahusay na direksiyon ni Mark Meily.
Hindi nga naiwasang maintriga ang nag-iisang Megastar nang mag-tweet ito na para sa kanya ay dapat na mauna si Comedy King Dolphy na mahirang na National Artist. Sa tweet nga nito, “I think Tito Dolphy should be proclaimed National Artist.” Na sinundan ng isa pang tweet nito na, "They should’ve made FPJ Nationa“l Artist long ago, too.” Na balitang hindi naibigan ng mga Noranian at Vilmanian. ‘Yun na!
ABOUT SHOWBIZ Ni Nitz Miralles (Pilipino Star Ngayon) Updated April 27, 2012
Show ni Edu sa TV5 nasungkit na ni Joey De Leon
Totoo kaya ang narinig naming si Joey de Leon na ang host ng Game N’ Go kapalit ni Edu Manzano na nabasa na lang naming hindi na magho-host ng TV5 game show?
Nadinig din naming baka pagkatapos nang i-launch ang TV5 sa North America ay sa May simulan ang airing ng Game N’ Go.
Nakuwento ni Arnell Ignacio sa presscon ng Sharon: Kasama Mo, Kapatid na tuluy-tuloy ang pagpo-promote nila sa show at naging rason nga kung bakit hindi siya nakapag-radio sa radio station ng TV5 kaya siya ay inalis.
“Nasaktan ako kasi minahal ko si PJ (I was hurt because I have loved PJ). I really welcomed him open arms. Na-forgive ko na siya. Hindi naman ako si Kc, at na-forgive na niya, ako pa kaya (I already forgave him. Kc has already forgiven him, why can’t I)?” Sharon said.
“She's very, very happy now,” she added.
Sharon said she was just disappointed over Piolo's attitude while he was still with her daughter and after their break-up hit newsstands.
The Kapatid star then apologized to those who were affected by her comments over KC's breakup.
“Pasensya na lang din kung may nasabi ako, kasi anak ko naman ‘yun, eh. Pag anak ko na ‘yung binabastos, eh, magsasalita ako (Sorry for those who were hurt by what I said, KC is my daughter, after all.)"
Sharon said Kc is currently focusing on her showbiz career and opts to remain single.
KC is currently linked to international singer Jules Knight. The latter publicly asked the young actress for dinner before leaving the country earlier this month.
Knight is a British born singer of vocal quarter "The Blake."
Sharon said Jules seems very kind but her daughter is just not ready for any relationship now. (Sunnex)
APRIL 27, 2012 FRIDAY Sharon, nagte-text kay Charo
Bilang co-producer at host ng Sharon, Kasama Mo Kapatid posibleng makipag-usap si Sharon Cuneta sa kapwa niya mga artista at sa managers ng mga ito para makapag-guest sa kanyang daily show sa TV5.
Posible rin na magpaalam siya sa ibang networks para makapag-guest ang mga artista ng ibang networks sa kanyang show.
Inamin ni Sharon na kahit wala na siya sa ABS-CBN ay nagte-text pa rin siya kay Ms. Charo Santos-Concio at sa iba pang mga taga-Dos.
Naniniwala rin si Sharon na kahit may ibang mga taong nagsasabing mukha siyang pera at iniwan niya ang Dos at lumipat siya sa TV5 ay nananatiling maganda ang relasyon niya sa big bosses ng ABS-CBN.
Part 1. Sharon Cuneta says husband Kiko Pangilinan feels still unaccepted
by her aunt Helen Gamboa and uncle Senator Tito Sotto
Rey Pumaloy
Thursday, April 26, 2012
Sharon Cuneta on how her husband Senator Kiko Pangilinan consoles her
everytime she remembers her feud with her Tita Helen Gamboa:
“Niyayakap niya ako 'pag umiiyak ako. Ang lagi niyang sinasabi,
‘Lilipas din ‘yan, Sweetheart.’ Na parang, ‘Well, maybe they still
can’t accept me.’ Yun ang sinasabi niya. Ang sakit, 16 years
na kaming mag-asawa sa [April] 28.”
Photo By: Monching Jaramillo
Part 2. Sharon Cuneta on possibility of her show being pitted
against daughter KC's: "Parang bastusan naman yun ‘pag anak ko."
Rey Pumaloy
Thursday, April 26, 2012
Sharon Cuneta on possibility of her Kapatid show
sharing the same timeslot with daughter KC Concepcion's
Kapamilya program: “You know, whatever it is, huwag sana.
Huwag sana anak ko. Kahit pa sino. Kung si Juday [Judy Ann Santos],
maiintindihan ko, or kung sinuman. Huwag naman si KC.”
Photo By: Monching Jaramillo
Studio ni Sharon ginastusan ng mahigit P100 M, isang bilyong TF ipinaliwanag!
Ni Salve V. Asis (Pilipino Star Ngayon) Updated April 26, 2012
Bonggang-bongga ang ginawang studio ng TV5 para sa Sharon, Kasama Mo Kapatid, ang daily talk show ni Sharon Cuneta na eere na sa May 7. Balitang mahigit P100 million ang ginastos ng Kapatid Network para sa nasabing studio pa lang, ang dating Delta Theater na inuukopa ngayon ng TV5.
At ito ang isa sa mga rason kaya natagalan ang pag-ere ng kauna-unahang programa ng Megastar na nagkaroon ng presscon kahapon.
Ayon kay Mega pinaganda talaga nila ito dahil ang programang ito ang gusto niyang maging legacy. Sobrang ganda raw ng show at tiniyak ng mga bossing ng TV5 na lalabas na engrande ang unang programa niya sa TV5.
“Sa rami po ng talk shows ngayon at sa rami po ng shows na ginawa ko noon, talagang we wanted it to be familiar but very different,” pauna ni Mega dahil sa mga isyu na kaya natatagalang umere ang Sharon, Kasama Mo Kapatid ay dahil panget ang mga episode na nauna na nilang ginawa.
“Ibinuhos ko na ang lahat-lahat dito,” dagdag niya kahapon.
Wala pang ibinibigay na timeslot ang programa dahil baka raw ma-preempt at tapatan agad ng mga kalaban.
Samantala, wala sa plano ni Sharon na i-guest si Piolo Pascual sa kanyang programa.
“Gusto kong i-guest si KC but I don’t see why I should guest Piolo pa. Kasi, una sa lahat, parang lalagyan ng kulay ng ibang tao, pangalawa, we don’t really need Piolo,” diretsong sagot ng mader ni KC.
Feeling ni Sharon magkakaroon na naman siya ng kaaway dahil sasabihin na naman sa kanyang ginagamit niya ang actor at siya na naman ang lalabas na masama. “I’d rather guest my daughter. I think it will be more understandable, she’s under Viva anyway,” katuwiran niya.
Naikuwento rin niya na nasasaktan siya sa mga paninira sa kanya particular na sa mga taong inaakusahang wala siyang loyalty at nasilaw siya sa isang bilyon na talent fee ng TV5.
Parang pakiramdam niya bakit siya lang ang ginaganun. Marami naman daw mga ibang lumipat at nag-iikot sa ibang channel kasama na ang isang male superstar pero hindi naman sinisiraan tulad ng ginagawa sa kanya.
“Sabi ko, bakit ako, ang laking issue when actually, okay kami ng mga boss ko. Siguro marami ring nasaktan sa mga naiwan kong pamilya.
“And hindi ko maaalis ‘yun pero ang feeling ko parang nagkakaintindihan naman kami ng mga boss ko na siyang malalapit sa akin, sina boss Gabby (Lopez), Ma’am Charo (Santos-Concio), masakit sa akin dahil mahal na mahal ko sila and hindi ko ‘yun itinatago sa mga boss ko sa TV5,” mahabang sagot niya.
Sa katunayan aniya, nang pumirma siya ng kontrata sa TV5 naiyak siya dahil pakiramdam niya strangers ang mga katabi niya.
“Kasi parang dati, ang katabi ko, si Boss Gabby, ngayon parang strangers sila, parang ganun.
“Remember that’s almost 200 million a year for five years. Tanggalan mo pa ng taxes, porsiyento ng iba’t ibang tao so, ‘yun din ang kinikita ko mostly every year,” sabi niya tungkol sa isang bilyon.
Ayaw man niyang magsalita ng rason sa paglayas sa ABS-CBN pero sinabi naman niyang respeto lang ang kailangan niya sa halos tatlong dekada niya sa showbiz na naibigay naman sa kanya, ‘yun nga lang gusto niya ng isang show na nasa pangalan niya.
Isa pang nagpapasakit sa kalooban niya ngayon ang tungkol sa ‘hidwaan’ nila ng tiyahin niyang si Helen Gamboa.
“Gusto ko ring magpalipas ng sama ng loob bago humarap! Walang plastikan. Nakakahiya dahil kasama siyang nagpalaki sa akin! Kung totoo man ang paratang niya, napaka-delayed naman ang reaction ko na lumaki ang ulo, di ba?
“Mahal na mahal ko sila. Gusto ko lang linawin. Napakahirap ng sitwasyon ko pero ayoko ng gulo! Mahal ko ang pamilya ko,” sabi niya na umiiyak.
Nagsimula ang samaan nila ng loob nang magpa-interview si Sharon tungkol sa pulitika na nadadamay ang kanilang pamilya na sinagot ni tita Helen na hindi na siya maabot at matayog na ang lipad.
Parehong nasa senado ang asawa nilang mag-tiyahin.
P-Noy mas piniling umupo sa lower box, 2 PSG napunta tuloy sa front seat
Nagtagumpay naman si Pangulong Noynoy Aquino na hindi na mag-create ng malaking eksena sa concert ng Brazilian Jazz singer na si Sergio Mendez sa Araneta Coliseum last Tuesday night nang sa Lower Box sila pumuwesto ng girlfriend niyang si Grace Lee at mga kapatid niya. ‘Yun nga lang nabakante ang front raw ng Araneta dahil reserved pala sa kanila ang mga nasabing puwesto kaya ang buong akala ng mga ibang nanonood na nasa Patron section, hindi nag-apir ang pangulo.
“Nakakahiya nga kay Sergio Mendez kasi walang nakaupo sa front seats, dalawang PSG (Presidential Security Group) lang,” sabi ng isang source na nanood ng concert.
Oh sayang kung hindi lang siguro parating traffic sa España baka naka-seatmate pa namin sa Lower Box ang grupo ng pangulo dahil dun ang ticket namin. Hahaha. Masabi lang na may ticket.
Sharon pinaiyak nang husto nina Susan Roces at Helen Gamboa
TAKE IT! TAKE IT! Ni Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) Updated April 26, 2012
Kahapon ang presscon ng Sharon Kasama Mo Kapatid, ang Monday to Friday talk show ni Sharon Cuneta sa TV5. Guest kahapon si Lorna Tolentino sa Sharon pero inuna muna ang presscon. Nauna na ang guesting ko noon at si Mama Cristy Fermin ang kasama ko.
Sa May 7 pa ang pilot telecast ng Sharon Kasama Mo Kapatid. Hindi ko lang alam kung kailan ang airing ng episode namin ni Mama Cristy.
Umapir din sa show ni Sharon ang mag-asawang Congressman Roman Romulo at Councilor Shalani Soledad-Romulo.
Maganda ang interbyu ni Sharon kina Papa Roman at Shalani na buong ningning na nag-deny na marriage for convenience ang pagpapakasal nila noong January 22.
Dahil sa tweet ng mga reporter na nagpunta sa presscon ni Sharon, mabilis na kumalat ang mga balita tungkol sa pag-iyak niya nang mabanggit ang mga pangalan nina Helen Gamboa at Susan Roces.
As of presstime, hindi pa nagkakaroon ng chance na makapag-usap si Sharon at ang kanyang Tita Helen.
Ang sey ni Sharon, nag-reach out na raw siya pero hurt pa rin daw ang kanyang Tita Helen.
Magkasama sina Helen at Susan sa Walang Hanggan. Silang dalawa pala ang makapagpapaiyak nang todo kay Sharon.
We don’t need Piolo! -- Sharon
Published : Thursday, April 26, 2012
Written by : Vinia Vivar
Bagama’t masayang nagsimula ang presscon ni Sharon Cuneta para sa Sharon, Kasama Mo Kapatid ng TV5 sa Delta Studio, ay dalawang beses napaiyak si Megastar.
Ito ay nang mapag-usapan ang kanyang paglipat at ang mga naiwan niya sa ABS-CBN pati na ang mga kaakibat na negative comments tungkol dito at ang pangalawa ay nang mapag-usapan ang kanyang Tita Helen Gamboa na alam naman nating lahat na nakaalitan niya kamakailan and up to now ay hindi pa naaayos.
Ayon kay Sharon ay na-shock din siya sa mga naging reaksyon ng tao sa kanyang paglipat kung saan ay katakot-takot na bira ang natanggap niya at kinukuwestiyon ang kanyang loyalty.
“When I signed the contract with TV5, before I signed, hindi ko talaga mapigilang lumuha. It’s not about the 1 billion contract. It was more about. . . kasi ang hirap magsalita ng baka may masaktan, eh, ’di ba?
“Pero let’s just say it’s about a little respect for what I built over 3 decades. I wanted a show na I felt after all the hard work, I deserve, although I was given many opportunities and I would always be grateful to ABS-CBN.
“I wanted my name on my show again and it was TV5 that gave it to me,” sabi ni Sharon.
“In fairness, sabi ni MVP (Manny V. Pangilinan, owner of TV5), naku, talagang iko-quote ko siya and it was sweet of him to say, sabi niya, “My God, what are they talking about? Sharon, P1 billion? No, Sharon 2 billion dapat,” ’yung parang ganu’n, niloloko niya ako,” natatawa niyang sabi.
Maayos na maayos daw ang relasyon niya sa mga bosses ng ABS-CBN and in fact, tinext daw niya ang mga ito na nami-miss niya ang mga ito.
“Up to now, hindi nawawala ’yun. Diyos ko, 23 years ng buhay ko ’yun,” she said.
Nang matanong kung may posibilidad ba na mai-guest niya ang anak niyang si KC Concepcion or si Piolo Pascual, sey ni Sharon, “Gusto kong i-guest si KC but I don’t see why I should guest Piolo pa. Kasi, una sa lahat, parang lalagyan ng kulay ng ibang tao, pangalawa, we don’t really need Piolo to guest here.
“No, ganu’n lang ’yun eh, kasi sasabihin, ginagamit mo, ako na naman ang masama, huwag na lang, we don’t need all that, all the baggage that comes with it, I’d rather guest my daughter. I think it will be more understandable, she’s under Viva anyway.”
Anyway, para raw maprotektahan ang show na matapatan, hindi muna nila ia-announce ang time slot pero before May 7 daw ay iaanunsyo naman nila ito.
Sa ngayon ay nahihirapan pa raw silang pumili ng pilot episode sa rami ng magagandang episodes na na-tape nila.