http://www.youtube.com/watch?v=UoQF9...eature=related
ito ang matagal ko ng hinahanap simula pa ang PBB.......
Thank you Mjjjjjjjjj..............![]()

Alaska survived a late-game rally by Ginebra to win 104-90, leading the series at 2-0 and now one win away from the title.
read more
The ADMU Lady Eagles overpowered UST in 4 sets, ousting the Golden Tigresses and advancing to the V-League finals
read more
Guess the theme! Have you seen Twilight, Sister Act and these other movies? Share your thoughts and reviews in here!
read more
Visually breath-taking and action-packed, Star Trek: Into Darkness will please casual and hardcore fans alike.
read morehttp://www.youtube.com/watch?v=UoQF9...eature=related
ito ang matagal ko ng hinahanap simula pa ang PBB.......
Thank you Mjjjjjjjjj..............![]()
same day/night ba to yung sa rooftop sila... grabe Slatin o dikit kung dikit may "Mighty bond" ata tong 2 na to
hi Jessy!!!!![]()
oo nga eh! pero most of the time nababadtrip ako eh kay Janjan! sumushowbiz eh! hahaha! pero nung manood ko yong vids nila ni Tinney,napa-OMFG akooooooooooooo! gulonggggggggggggggg!
In fairness,kay T-Patz blooming na blooming siya! bawat araw yata lalong gumaganda! kaasar! hahaha!![]()
Repost ko lang tong one shot ni YANNIE
LOVE KITA, WAGAS!
“Hi baby!” bungad ni Tin kay Slater. May dala na naman siyang kung ano ano para dito.
“Ang kulit mo talaga. Marami akong ginagawa.” Anito. Batid niyang naiirita na ito sa kanya. Sa araw araw ba namang ginawa ng Diyos eh parang naging hobby na niya ang pagdalaw sa gym nito. Kahit na naiirita na sa kanya ang lalaki ay hindi pa rin siya tumitigil.
“Nagpunta lang ako rito para ibigay tong cake sa’yo tsaka yung strawberry jam, galing Baguio yan. Sige bye baby!”
…
Napabuntong hininga na lang si Slater pagkaalis ng babae. Kahit kailan makulit talaga ito . Sweet nga ito at cute pero ayaw niya sa mga babaeng naghahabol sa lalaki. Gusto niya siya yung nanliligaw, at simula nang makilala niya si Tin halos one year ago ay parating nasisira ang diskarte niya sa mga babae. Tila sinisira nito ang mga iyon.
“Oh dude, dumaan na naman ang manliligaw mo? “ ani Carlo, ang co owner niya sa gym.
“As usual.” Pabalewalang sagot niya
“Sagutin mo na kase.” Pang aasar nito.
“Tumigil ka nga!”
“Naku! Kung ako ikaw, baka matagal ko na sinagot yun.” Dagdag pa nito
“Ulol!” aniya sabay batok dito
“Kunwari ka pa.” natatawang asar pa ulit ni Carlo.
…
“Saan ka na naman galing?” anang dorm mate ni Tin na si Kim
pagdating niya kinagabihan
“Diyan lang. School.”
“Sus! If I know, dumaan ka na naman sa gym ni Slater.” Anito
“Nilulubos ko na ang mga natitirang araw before graduation. Pag uwi
ko kase ng Cebu di ko naman na magagawa ang mga gaya nito eh.”
“Aww. Mamimiss kita. Dadalaw ka pa naman dito diba?”
“Syempre naman!”
…
“Hello baby! Happy Valentines!Missed me? Pasensya ka na kung hindi ako nakadalaw ha? Busy kase eh. Cake nga pala uli para sa’yo tsaka white chocolate. May ice cream din ako. Tara kainin natin!” tuloy tuloy na wika ni Tin.
Bumaling si Slater sa kanya, seryoso ang mukha.
“Can we talk?” anito
“Sure!”
“Pare, ikaw muna bahala dito. Mag uusap lang kami.” Wika nito kay
Carlo.
…
“Ano pag uusapan natin?” excited na tanong ni Tin nang nasa
private office na sila ni Slater
“I want to be honest with you. Hindi ko gusto ang ginagawa mo.”
“What do you mean?”
“Stop courting me.” Anito sa seryoso pa ring tinig
“Pero---“
“No buts!Hindi magandang tignan. And please, stop visiting me here or anywhere na nandoon ako. And one more thing stop bugging me please?”
“Yan ba ang gusto mo?” aniyang pinipigilan ang sariling umiyak dahil sa mga sinabi nito.
“Yes!” maagap na sagot nito
“Fine! Goodbye Slater! This is the last time that you will see me.”
Walang lingon likod siyang lumabas sa office nito at tuloy tuloy na lumabas ng building ng gym na iyon. Nag abang siya ng taxi at doon na ibinuhos ang lahat ng sama ng loob.
…
“Pare, ano nangyari dun? “ tanong ni Carlo kay Slater.
“Binasted ko na.”
“Wow! Ang lakas mo pare!” natatawang sabi ni Carlo
…
“Ano ba girl! Stop crying! Para namang end of the world na dahil dyan sa iyak mo.” Ani Kim kay Tin. Nang dumating siya ng dorm nila ay wala na siyang ginawa kundi umiyak nag umiyak. Wala siyang kinausap kahit na nang dumating ang malapit na kaibigang si Yen.
“Ano ba kase nangyari dyan?” tanong ni Yen
“Ewan ko nga ba eh. Simula ng dumating iyak na nang iyak eh. Non stop!” sagot ni Kim
“Tawagan ko kaya sina Kuya Tom, Kuya Jerico at Ivan.” Ang mga kapatid niya ang tinutukoy ni Yen. Apat silang magkakapatid at siya lang ang nag iisang babae. Taga Cebu sila pero sa Maynila na halos nakabase ang mga kapatid niya dahil may mga asawa na ang mga ito. Ang Kuya Tom niya ay 2 years ng kasal sa Ate Princess niya, ang Kuya Jerico niya ay magwa-one year ng kasal kay Yannie, ang kababata niya at ang Kuya Ivan naman niya ang boyfriend ng kaibigang si Yen.
“No!” agad niyang hinablot ang celllphone sa kamay nito nang akmang tatawag nga ito.
“So ano? Magkekwento ka o tatawagan ko mga Kuya mo?”
“Okay! It’s Slater.”
“Why?Anong nangyari?”
“He told me to stay away from him, to stop bugging him.” aniyang umiiyak pa rin
“Alam mo ang OA mo. Sinasabi ko na sa’yo na walang mabuting maidudulot sa’yo ang obsesyon mo sa Slater na yan eh. Siguro naman ngayon, titigil ka na?” ani Kim
“Masakit sissy! Pagkatapos ng lahat? Mahal ko siya, hindi trip trip lang. Willing ako gawin lahat para sa kanya.”
“Stop it okay? Malapit na graduation mo. Return to Cebu. I’m sure maraming hot guys dun. Yung mas better than that Slater, okay?” ani Yen
“Mahal na mahal ko siya!” giit pa niya
“Matulog ka na. Stop crying.” Ani Kim
“Maraming lalaki sa mundo kaya stop it na okay? Matulog ka na.” wika naman ni Yen
…
Graduation Day ni Tin.
“Sissy! Sobrang happy ako for you! Magna cum laude! Wow! The best ka talaga!” ani Kim sa kanya. Hindi niya mapigil malungkot. Mas maganda sana kung nandoon si Slater kahit papano. Umaasa pa rin siya dito kahit na ito na mismo ang nagsabing layuan na niya ito.
“Cheer up bessie! Ang ganda mo, ang ganda ng make up mo kaya wag mong sayangin! Baka mahalata ng mga goons este ng mga Kuya mo na sad ang princess nila.” Ani Yen
“Kayo talaga.” Wika niya na nakangiti na.
“Ayan! Ang ganda mo talaga!” wika pa ni Yen. Lumapit na rin si Ivan sa kanila.
“Ready ka naba Princess?” tanong ni Ivan sa kanya
“YES!” sagot niya rito.
“Ang ganda talaga ng prinsesa namin!” wika ng Kuya Jerico niya habang yakap ang 7 months pregnant na asawa nitong si Yannie.
“Syempre! Mana sa’yo eh. Yung magiging baby niyo magiging kasingganda ko rin, diba Yannie?”
Maraming nagsasabing kamukha nga niya si Jerico at sa tatlo niyang kuya dito din sya pinakaclose.
“Oo naman! Kasingganda natin.” Natatawang wika ni Yannie. Sobrang kasundo niya ito sa maraming bagay, hindi katulad ng asawa ng Kuya Tom niya. Badvibes siya sa asawa ni Tom, hindi rin niya maintindihan kung bakit.
“Naman!” sagot niya
“Hey!hey! Wow!I’m so proud of my favorite sister!” wika ng papalapit na si Tom
“Si Kuya talaga! Kung makafavorite sister as if maraming sister!’ aniya sabay yakap kay Tom
“Congratulations Tinney!” ani Princess. Noon lang niya nakitang ngumiti ito sa kanya. Genuine ang ngiting iyon. Bineso niya ito.
“thank you ate!” aniya at pagkatapos ay niyakap ito.
“You’re welcome Baby Girl!” wika pa nito.
Maya maya pa ya dumating na ang kanilang mga magulang. Saktong magsisimula na ang ceremony.
…
Pagkatapos ng graduation ni Tin ay nagkaroon sila ng simpleng party sa bahay nina Jerico. Imbitado lahat ng kaibigan niya at kaibigan ng mga kapatid niya.
Nagulat siya nang makita si Slater sa party niya.
“Uhmm, Tinney!” tawag ni Yannie sa kanya.
“Yes?” tugon niya. Nagulat siya nang makitang kasama nito si Slater. Maging si Slater ay nagulat din nang makita siya.
“I want you to meet my friend , Slater. Slater, she’s Tin, my sister in law. Pagpapakilala ni Yannie sa kanilang dalawa.
“Hi!” tipid ang ngiting wika niya kay Slater.
“Hello. Nice meeting you.” Wika nito na kunwari ay hindi siya kilala. Inilahad pa nito ang kamay upang makipagkamay sa kanya. Sa halip na abutin ay nakaisip siya ng ibang gagawin para mapahiya rin ito.
“Uhm, I’m sorry. I didn’t mean to be rude pero kase kakagaling ko lang sa CR. Nakakahiya naman sa’yo.” Aniya kay Slater
“Oh, okay. Nice meeting you , by the way.” Pagkukunwari pa rin nito.
“Same here. Gotta go. Enjoy the party. Yannie, ikaw na bahala sa knya. I have to go there muna.” Aniyang tinuturo ang mga kaibigan.
“Sure.” Wika ng hipag
…
“Bessie! Sa pagkakaalam ko, hindi friend ni Ivan si Slater. Ba’t siya andito? Sino kela Kuya Tom at Kuya Jerico ang friend niya?” ani Yen. Maging ito ay nagulat pagkakita kay Slater.
“Si Yannie. Friends sila.”
“Wala bang alam si Yannie tungkol sa inyo?”
“Wala.”
“Hoy!Wag mo nga siyang titigan.” Puna nito sa mga tingin niya kay Slater
“Can’t help it Bessie. Ang gwapo niya parin.” Sagot niya.
“Hay nako!” Yen rolled her eyes
”Bessie, kahit ngayon lang. Hayaan mo muna akong titigan siya.
“Fine!Wait! Kenji’s coming!” babala nito. Si Kenji ang Japinoy suitor niya since 2ndyear college. Gwapo sana ito, ang kaso di niya type.”
“Hi Tinney! Thanks for inviting me here. Care to dance?” anito
“Loko ka Kenji!Walang music!” aniya dito. Mabait ito kaya palagay ang loob niya dito. Alam na rin nitong wala itong aasahan sa kanya.
“Isipin mo na lang, meron! Saka kanina pa ako nagseselos sa panakaw na sulyapan nyo ng lalaking kasama ng sis in law mo.”
“Huh? Nako Kenji! Baliw ka talaga.”
“Totoo naman eh. Ano mo ba yun? Kung makatitig sa’yo wagas!” wika pa nito.
“Loko ka talaga Kenji!” wika niya sabay tingin kay Slater.
“Oh ayan na naman ang exchanging glances nyo.”
“Adik ka talaga Kenji!”
“Adik sa’yo!’
“Heh!”
…
Hindi mapigil ni Slater ang sariling wag titigan si Tin. Pagkatapos ng isang buwang hindi niya ito nakita ay namiss niya ito. Inlove na nga ata siya dito dahil walang araw na hindi niya ito naisip sa loob ng isang buwan. Simula ng sabihan niya itong wag siyang kulitin ay parang nawalan rin ng saya ang buhay niya. Namimiss niya ang kulit nito at ang walang sawang love declarations nito sa kanya. Hindi rin naman niya magawang kontakin ito dahil nauunahan siya ng pride. Nagulat na lamang siya nang imbitahan siya ng kaibigang si Yannie sa party ng sis in law nito. Hindi niya inaasahang si Tin pala iyon.
“Ang ganda niya noh?” bulong ng isang lalaki sa kanya. Nakilala niya ito bilang si Jerico, ang asawa ni Yannie at Kuya ni Tin.
“Huh?” pagmamaang maangan niya
“Yung baby girl namin. Kanina mo pa tinititigan eh. Type mo, pare?” tanong nito
“Ano kase.. eh pare.” Nauutal na wika niya. Kinakabahan din siyang malaman nito ang ginawa niya sa kapatid nito.
“Tinney!Come here!” bigla ay tawag nito sa kapatid.
…
“Tinney!Come here!” narinig ni Tin na tawag sa kanya ng Kuya Jerico niya
“Bakit Kuya?”
“Someone wants to talk to you, I guess.” Anito. Noon lang niya napansing katabi pala nito si Slater.
“Oh.” Nagulat siya. Ano naman sasabihin nito? Ito na mismo ang nagsabing layuan niya ito.
“I’ll leave you two huh? Have a great night!” wika pa ng kapatid.
…
“Congrats Tin!” basag ni Slater sa katahimikan
“Thanks.” Walang emosyong sagot nito.
“I’m sorry.”
“No. It’s okay. You made me realize kung gaano ako katanga. Salamat ha?”
“ I didn’t mean to hurt you.” Patuloy pa ni Slater
“Whatever. Kalimutan mo nayun. I’m going back to Cebu after everything here is through. Wala nang kukulit sa’yo.” Dire-diretsong wika ng babae.
“Tin..” aniya
“Thank you Slater. It was great having you here sa party.” Seryosong wika nito tsaka umalis.
Natapos ang party na hindi na muling nag usap sina Slater at Tin. Hindi naman pansin ng mga naroon ang tensiyon sa pagitan nila.
…
“Sissy! I’m gonna miss you. Dalaw ka ha? “ ani Kim. Ito ang naghatid sa kanya sa airport.
“Syempre naman. Andito kaya mga kapatid at BFFs ko.”
“Ingat ka ha?”
“Yeah. Ikaw din ha? Bye Sissy!” aniya
…
“Kevin!” masayang salubong niya sa kababata. Ito ang sumundo sa kanya.
“ I miss you bestfriend!” anito.
“I miss you too!” aniya sabay yakap dito.
…
Nang makarating sina Tin sa hacienda ay saktong tanghalian. Hindi niya inaasahang ganoon ang sasalubong sa kanya. Nauna nang umuwi ang mga magulang niya at talagang pinaghandaan ang pag uwi niya.
“Wow! At talagang may ganito?”
“Syempre naman! Para ito sa prinsesa eh.” Si Kevin ang sumagot
“Aww. You guys are so sweet!” Halos 2 years na rin siyang hindi nakakauwi sa kanila kaya namiss din niya ang mga tao sa hacienda lalo na ang kababatang si Kevin.
“Tito, tita pwede pong hiramin ko muna ang prinsesa? Ipapakita ko lang ang regalo ko.” Ani Kevin
“Sure! Go ahead Hijo!” pagpayag ng Papa niya.
Sa kwadra ng mga kabayo siya dinala ni Kevin.
“Anong gagawin natin dito?”
“Here’s my surprise! Si Aki, regalo ko for you.” Anito habang kinukuha palabas ang isang kabayo.
“You bought this for me?” aniyang hindi makapaniwala sa ginawa ng kaibigan.
“Yup.”
“Aww. You’re ever sweet best!” wika niya tsaka niyakap ito.
“All for you.”
…
Naging tahimik ang isang buwang pananatili niya sa Cebu. Hindi na rin niya masyado naiisip si Slater.
Nagulat na lang siya nang isang araw ay datnan niya ang lalaki sa bahay nila. Galing siya sa pag gala noon kasama si Kevin.
“Ate may naghahanap sayo.” Anang kasambahay nilang halos kaedad lang niya.
“Sino? Nasaan sina mama’t papa?”
“Di ko po alam ang pangalan ng bisita mo. Pero ang gwapo tsaka mukhang taga Maynila ata. May dalang mga gamit eh. Kausap siya ng mama at papa mo ngayon sa sala.”
Tuloy tuloy sana siyang papasok sa sala ngunit napaatras siya nang makilala ang bisitang tinutukoy ng kasambahay nila. Imbes na pumasok at magpakita ay lumabas siya at nagbilin na lang sa mga kasambahay na gagabihin siya ng uwi. Naisip niyang hindi naman siguro mananatili roon ang lalaki.
“Best sino yun?” tanong ni Kevin nang paalis na muli sila. Gamit nila ang sasakyan nito. Niyaya niya itong magjoyride.
“Yun?Wala lang.”
“Eh ba’t iniiwasan mo?”
“Wala. Ayoko lang siyang makita.”
“Ex mo?”
“Hindi.”
“Eh ba’t ayaw mong pakiharapan?”
“Wag mo na kase tanungin. Mas naiinis ako eh.”
“Sorry.” Anito at tsaka tumutok na lamang sa daan.
Gabi na nang bumalik siya sa hacienda. Hindi niya inaasahan na nandoon pa rin si Slater at kasabay pa ng mga magulang niya sa hapag kainan.
“Oh here’s the princess!” wika ng papa niya nang makita siya. Lalabas sana uli siya but there’s no use turning back. Nakita na siya ng mga magulang. Nakita na siya ni Slater.
“Baby girl, kanina ka pa inaantay nitong bisita mo.” Sabi naman ng mama niya.
“ Akyat lang ako .” aniyang walang emosyon
“ Hindi mo man lang ba pakikiharapan itong bisita mo?” tanong ng mama niya.
“Magpapalit lang ako ng damit.”
Nakahinga ng maluwag si Slater nang sabihin ni Tin na magpapalit lang ito ng damit. Akala niya hindi na nito pakikiharapan. Kanina pa siya kinakabahan. Hindi niya alam ang sasabihin dito. Sasabihin ba agad niyang mahal niya o ito? O ipaparamdam muna niya?
…
“Iwan muna namin kayo.” Nagising si Slater sa pagmumuni muni nang marinig niya ang sinabi ng mama ni Tin.
“Kamusta ka na?” basag niya sa katahimikan sa pagitan nilang dalawa ni Tin.
“As you can see, I’m doing well.” Mataray na wika nito. Naiintindihan niya ito. Masakit naman kase talaga ang ginawa niya dito.
“I miss you.” Sinserong pahayag niya. Bahala na kung ano ang iisipin o sasabihin nito.
“I don’t. Get straight to the point, why are you here?”
“For you.”
“Don’t give me that crap Slater!Alam kong hindi totoo yan.” Nagulat siya dito. Hindi niya inaasahang may mataray na side din pala ito. Ang makulit at sweet na side lang nito ang kilala niya.
“I’m telling you the truth. Namimiss na kita. Nandito ako para sa’yo, nandito ako dahil gusto ko. Nandito ako dahil may dapat kang malaman.”
“At ano ang dapat kong malaman?” kunot noong tanong nito.
Naglakas loob na siya.
“Mahal kita.”
“Wow! Anong natira mo?” sarkastikong sabi nito.
…
“Mahal kita.” Ani Slater. Gusto nang tumalon sa tuwa ni Tin nang marinig ang sinabi nito pero pinigil niya ang sarili. Mas nangibabaw ang pride niya.
“Wow! Anong natira mo?” Aniya.
“Kilala mo ako. Sincere ako sa lahat ng sinasabi ko.”
“Hmm. Pag iisipan ko pero for now akyat na muna ako. Ikaw na bahala sa sarili mo.”
Hindi niya maintindihan ang mararamdaman. Dapat ay hindi muna siya maniwala dito, dapat ay manatiling hindi muna siya apektado sa presensya nito.
…
“Alex, inaantok pa ako. Mamaya mo na ako katukin.” Ani Tin sa pag aakalang ang kasambahay nila ang kumakatok.
“ Breakfast in bed for the beautiful Princess!” nakangiting bungad ni Slater. Nagulat siya dito. Bigla ay bumangon siya at tinakpan ang sarili ng roba.
“How did you get in? Nakalock ang pinto ah.”
“Your mom gave me the key.”
“What? She trusted you?”
“Yup.” Nakangiting wika nito. Mataman siya nitong tinitigan mula ulo hanggang sa dumako ang mga mata nito sa bandang ng dibdib niya. Hindi nya namalayang hindi pala niya nasara nang maayos ang roba niya. Ang hudyo nakatingin pala sa nakalantad na bahagi ng dibdib niya!
“Bastos!” aniya tsaka kumuha ng unan at ibinato dito.
“Ang sexy mo pala.” Anito na nakangiti ng pilyo. Mapanukso. Namula siya. Hindi niya alam kung paano mag rereact.
“Pwede ba lumabas ka muna! Go away!”
“Okay! See you later sexy!” anito sabay kindat sa kanya.
Pagkatapos magshower at magbihis ay bumaba na si Tin. Nadatnan niya si Slater na kausap ang mga magulang niya sa Dining room.
“Baby girl! So as I was saying, ikaw ang magtotour dito kay Slater sa Cebu.” Anang papa niya
“What? Bakit ako? Bakit siya nandito in the first place?”
“Di mo naman sinabing kaibigan pala siya ni Yannie. And your sister in law wants him to have a vacation here kahit one week lang and he’s staying here with us.”
“Oh e bakit dito siya magsistay?Di ba niya afford maghotel?” mataray na wika niya
“ Of course he can. Pero mas convenient kung dito. Teka nga ba’t ka ba ganyan magreact? May hindi ka ba sinasabi anak?” may bahid panunuksong wika ng mama niya
“Wala naman. Sige bahala na kayo kung dito sa magsistay basta ayoko mag tour guide!”
“Tin, hindi ka namin pinalaking brat. Wag kang maging rude!” wika ng papa niya. Iba na ang tono ng boses nito at pag ganoon ay dapat na siyang sumunod dito.
“Fine! Fine! If you want to join me and Kevin, sumunod ka na lang.” baling niya kay Slater.
“ Bye mama, papa. Magtotour guide pa ako.” Aniya at nagmartsa palabas
…
“Who’s Kevin?” tanong ni Slater. Hindi namalayan ni Tin na nakasunod na pala ito sakanya.
“Bestfriend ko.”
“Guy?”
“Oo.”
“Ahhm, kasama natin siya?”
“Well, siya naman lagi ko kasama since pagbalik ko dito.”
“Oh, I see.”
“Teka nga. Magkaliwanagan tayo ha? Pumayag akong itour ka pero sana wag ka makulit. Ayoko nasisira araw ko.” Mataray na wika niya kahit ang totoo ay gusto na niya magdiwang. Nakikita kase niya sa mukha ni Slater ang pagseselos nang malaman nitong lalaki ang bestfriend niya.
“I don’t intend to ruin your day.” Seryosong sabi nito
“Best! “ sabay silang napalingon nang tawagin siya ni Kevin.
“Best!” aniya sabay yakap dito. Pagbaling niya kay Slater ay hindi halos maipinta ang mukha nito. Napangiti siya.
“ Slater, this is my bestfriend Kevin. Kevin si Slater.” Pagpapakilala niya sa dalawa.
Nagkamay ang mga ito. Hindi pa rin maipinta ang mukha ni Slater.
…
“Best itour ko daw siya dito. I’m sorry, I cant say no. Si papa kase eh. So kasama siya sa mga lakad natin.” Ani Tin habang kaakbay si Kevin.
Hindi mapigil malungkot ni Slater. Nakamove on na nga ata ang babae. Umaapaw ang selos sa dibdib niya sa nakikitang sweetness nito at ni Kevin.
“Okay lang. So ano? Joyride?” si Kevin
“Joyride!” sigaw ni Tin. Bumaling ito sa kanya.
“Sumunod ka lang.” anito.
Naglakad sila patungo sa kotse ni Kevin. Pang racing ang kotse nito. Hindi niya alam kung sasakay ba siya dito o hindi. May trauma kase siya sa mga race car, sa racing kase namatay ang panganay na kapatid niyang lalaki.
“Ano?Sasakay ka ba o hindi?” pukaw ni Tin sa pag iisip niya.
“I’m sorry, kayo na lang. Hindi ako sumasakay sa mga ganyan.”
Natawa nang malakas si Tin.
“You look terrible! Namumutla ka.” Anito.
“I’m sorry. May trauma ako sa mga race car.” Aniya.
“What?” tila nagulat si Tin sa sinabi niya. Bumaling ito kay Kevin.
“Best, dito na muna ako. Mamaya na lang tayo magjoyride, okay lang?” anito kay Kevin na nakasakay na sa sasakyan.
“Okay. Text me later.” Ani Kevin at pinatakbo na ang kotse.
…
“Ba’t ka may trauma sa mga race car?” tanong ni Tin nang sila na lang dalawa.
“Sa Car racing namatay ang panganay kong kapatid.” Aniya. Kwinento niya dito lahat.
“Oh. I’m sorry.” May concern sa mga mata nito. Masaya siya. Posibleng may nararamdaman pa rin ito sa kanya.
“Don’t be. Everything happens for a reason. Masaya na ang kapatid ko ngayon, for sure.”
“Yeah. Anong gusto mong gawin?” tanong nito. Nakangiti ito.
“Kahit ano na lang basta kasama ka.”
“Bolero!” anitong natatawa.
“Ang ganda mo talaga.”
“Sus. Matagal ko na alam yan pre!”
Gumaan ang loob niya. Medyo bumalik ang makulit na Tin na mahal na mahal siya.
“Tara!” ani Tin sabay hawak sa kamay niya. Nagulat siya. Masarap sa pakiramdam ang paghawak nito sa kamay niya.
“Saan tayo pupunta?” tanong niya.
“Let’s go to the beach! Malapit lang dito! Wag na lang kita itour. Samahan na lang kita buong araw.” anito.
Natuwa siya. They’ll be spending a day together!
…
“Maganda dito. “ komento ni Slater nang nasa beach na sila. Hindi pala niya kayang maging mataray lagi dito. Nangingibabaw pa rin ang pagmamahal niya dito.
“Kasing ganda ko!” Lakas loob niyang wika
“Mas maganda ka pa rin.” Kinilig siya sa tinuran nito.
“Weh?”
“Oo. Mas maganda pa rin ang baby ko.” Anito. Sa narinig sobrang umapaw ang kaligayahan sa puso niya.
“Tse! Baby ka diyan!”
“Eh baby tawag mo sa akin diba?” namula siya. Hindi niya alam ang isasagot.
“Tse! Bahala ka nga.” Magkahawak kamay nilang tinungo ang cottage at nagbihis. Sabay silang maliligo sa dagat.
…
“Wow! Ang sexy!” ani Slater nang makita si Tin na naka one piece swimsuit.
“Heh! Ikaw nga ang hot lang!” anito. Napangiti si Slater sa sinabi nito.
“Talaga? Hot ako sa paningin mo?” panunukso niya dito.
“Heh! Fishing for compliments ka lang eh! Kaloka ka!” anito. Masaya siyang hindi ito mataray sa kanya ngayon. Kahit papano ay may nararamdaman pa rin ito sa kanya. Iyon ang sigurado niya.
“Eh kung mula naman sa’yo eh, why not?” aniya.
“Nakuu tara na nga sa dagat!” anito sabay takbo. Sumunod na rin siya dito.
Masayang naligo silang dalawa, nagbibiruan, nagtatawanan na parang walang nangyari sa pagitan nila. Parang nakalimutan bahagya ni Tin ang ginawa ni Slater. Pakiramdam niya mahal na mahal nga siya nito.
“Sana laging ganito.” Ani Slater. Magkahawak kamay pa rin silang bumalik sa cottage na pinagbihisan. Kakain muna sila.
“Hmm. Well. Masaya rin at dahil dun nagutom ako! Ang daya mo kase! Ang lakas mo! Hindi ko keri ang pwersa mo.” Ani Tin.
Pumasok sila sa cottage at nagbihis muna.
“Tara! Saan tayo kakain?” tanong ni Slater kay Tin paglabas niya ng cottage. Nagulat siya nang makitang nakashorts lang ito, ni hindi ito nag abalang magsuot ng t shirt o kahit sando man lang.
“Pwede ba Slater, takpan mo ang sarili mo. Mag tshirt ka nga!” aniya.
“Bakit? Nadidistract ka?” tukso nito.
“Yabang mo oy! Ang akin lang naman kase eh baka ginawin ka.”
“Uy concern siya!”
“Ano ba, magsuot ka na kase ng tshirt!”
“Yes boss!” anito at pumasok muna ng cottage. Paglabas nito ay nakaTshirt na ito.
“So ano?Pwede na tayo kumain?” tanong ni Slater sa kanya.
“Ok.” Sagot niya. Kahit naman nakaTshirt ay nakakadistract pa rin ito. Hindi niya mapigil ang sariling titigan ito.
“Alam mo, gustong gusto ko pag ganiyan ang mga titig mo. Parang may balak kang masama!.” Ani Slater
“Heh! Tara na nga!”
…
Pagkadating sa seafood resto ng beach na iyon ay nagCR muna si Tin. Pagbalik niya sa upuan nila ay nakita niya si Slater na may kausap na 3 babae. Parang pamilyar sa kanya ang isa.
Si Jessica! Ang dating girlfriend ng bestfriend niyang si Kevin! Ano naman kaya ang ginagawa ng babaeng iyon dun?At bakit kausap ito ni Slater. Bigla ay sinalakay siya ng selos. May pagka*****esa ang babae, hindi nito pwedeng landiin si Slater!
“Aba, mukhang trip kausapin ng lalaking iyon ang malanding babaeng yun ha!” Noon niya napansing nakatwo piece string bikini pala ang babae. Parang umakyat lahat ng dugo sa ulo niya, hindi na siya nakapag isip ng maayos.
“Ehem! Ah, excuse me. Pwede ko na bang kunin ang sakin?” hirit niya sa mga babae. Halatang nagpapacute ang mga ito kay Slater, lalo na si Jessica.
“Pwede, bakit ano ba ang sayo?” tanong ni Jessica na hindi man lang siya tinignan.
“Yang kausap niyo.” Aniya na parang gusto nan tirisin ang babae.
“You mean si Slater?” tanong nito. Noon lang ito bumaling sa kanya, nakilala siya nito.
“Tin?Ikaw ang kasama ni Slater?” tila nagulat ito pagkakita sa kanya.
“Yes, siya ang kasama ko.” Sagot ni Slater pagkatapos akbayan siya.
“So you see girls, I’m sorry. I’m not free anymore.” Dugtong pa nito
“Oh.” Halos sabay na napanganga ang tatlong babae.
“Ah talaga. Sige. Mauna na kami. Enjoy!” ani Jessica na agad nakabawi.
“Grabeh, ang landi talaga!” Komento niya pagkaalis ng mga babae
“Uy galit ka?” tanong ng nakangiting si Slater
“Oo! Galit ako na nakikipag usap ka sa malanding yun!”
“Nagseselos ka baby?”
“Ang kapal mo rin eh noh?”
“Eh ano pala?Sinabi mo pa na sa’yo ako.”
“Sinabi ko lang iyon kase naiinis ako nang makita kang nakikipag usap sa mga iyon.”
“So nagseselos ka nga?” pangungulit pa rin ni Slater.
“Hindi nga! Wag ka kase pumilit baka iwan kita dito!”
“Iwan mo ko?Eh di babalikan ako ng mga iyon. Mababadtrip ka na naman.”
“Ewan ko sa’yo. Kumain na nga lang tayo. Gutom na ako.”
“Sure! Waiter!” tawag ni Slater sa waiter para hingin ang menu. Ilang sandali pa ay dumating na ang order nila. Tahimik na kumain lamang ang babae. Hindi niya maiwasang hindi ito pagmasdan. Ang cute kase nitong kumain. Hindi nito pansin na lalaki ang kasama nito, hindi ito kagaya ng ibang babae na conscious pag lalaki ang kasamang kumain.
Napangiti siya. Tinignan siya nito.
“Ba’t ka nakangiti? Ba’t hindi ka pa kumakain?” anito
“Sige lang , kumain ka lang. Busog na akong makita kang busog.” Sagot niya
“Ang corny mo! Bulok na yang mga ganyang line!”
“Eh sa totoo naman. Ang cute mong kumain eh kaya ang sarap pagmasdan.” Aniya. Tila naconsious ito. Umayos ito ng upo at inayos rin ang sarili.
“No, baby. You don’t need to stop that. Ang cute mo talagang tignan, hindi nakakaturn off.” Sabi pa niya
“Nakakahiya sa’yo.” Anitong namumula
“Wag kang mahiya. Kaya kita mahal eh, you speak your mind, you do what you want.”
“Nambola ka pa! Kumain ka na nga!”
…
Hapon na nang makabalik sa hacienda sina Slater at Tin. Ang sarap at ang gaan ng pakiramdam ni Slater. Ramdam niyang mahal pa rin siya ng babae. He could win her back. Mapapaamin rin niya ito in no time.
“Thanks Tin! Nag enjoy ako.” Aniya dito nang papasok na sila sa gate.
“I’m glad nag enjoy ka. Sige ha? Rest muna ako. Pagod na pagod katawan ko eh.” Anito
“Sige.”
…
Ang saya ng araw ni Tin. Pakiramdam niya buong buo siya. Pakiramdam niya totoong lahat ang sinasabi ni Slater.
Nagshower siya at nagbihis pagkatapos nun at nahiga siya. Hindi niya namalayang nakatulog na pala siya. Nagising na lang siya sa mahihinang katok sa pinto ng kwarto niya.
“Pasok!”
“Hey baby! Bumaba ka na, kain na tayo.” Si Slater
“Mamaya na ako kakain. Inaantok pa ako eh.”
“Gusto mo ihatid ko na lang dito pagkain mo?Sabayan na kita?”
“No. Inaantok pa talaga ako.”
“Hindi ka pwede malipasan ng gutom.” Anito na may babala sa tinig
“Eh sa inaantok pa ako eh. Mas gusto ko matulog!” giit niya. Ang totoo ay gusto lamang niyang malaman kung ano ang gagawin nito.
“Talaga?Inaantok ka pa?” anito
“Oo nga. Kaya mamaya na ako kakain.”
“Inaantok ka pa talaga?” ulit nito
“Ikaw ang kulit---------“ hindi niya naituloy ang sasabihin nang biglang binuhat siya nito. Sa lakas nito ay hindi siya makapalag.
“Slater! Ibaba mo ako!Ahhhhhhhhhhhhhh!” sigaw niya habang pinapalo ang likod nito.
“Bababa tayo kakain ka.” Anito habang karga siya.
“Noooo!’ tutol pa rin niya.
“Kakain ka sa ayaw at gusto mo. Hindi pwedeng magpalipas gutom ang prinsesa.”
“Slater ano ba!” sigaw pa rin niya.
Ilang sandal ay nasa dining area na sila. Nandoon na rin ang mga magulang niya.
“I’m sorry po tito, tita. Pinwersa ko na. Ayaw sanang kumain eh.” Anito sa mga magulang niya.
“It’s okay hijo.”
“Mama naman! Ginagawa nyo akong bata! I’m 20!”
“Exactly, you’re 20 pero parang bata pa rin.”
“Urrrrrrrrrgh!” wala na siyang nagawa kundi kumain na lang.
…
“Ano, okay ka lang?” ani Slater nang silang dalawa na lang. Ewan niya pero napapansin niya ang mga magulang niyang parati silang iniiwan. May alam kaya ang mga ito?
“Hindi! Kase napakapakialamero mo!” aniya dito.
“No Im not baby.” Anitong nakangiti
“Ewan ko sa’yo!” matutulog na ako.”
“Ok, goodnight!Dream of me!”
“Yuck! Ayoko mabangungot!”
Aniya at umalis. Narinig pa niya ang tawa ni Slater.
…
Nang mga sumunod na araw ay na sila masyado nagbabangayan ni Slater. Madalas ay smooth lang ang araw sa pagitan nila.
“Baby, pinagtataguan mo ba ako?” ani Slater nang makita siya nitong nakahalukipkip sa ilalim ng punong mangga
“Hindi.” Aniya.
“Bukas na ang balik ko sa Manila.” Anito
“Eh ano naman ngayon?” masungit niyang wika dito. Naiinis siya dito. Nakikipaglandian kase ito kanina kay Krista, ang kapatid ni Kevin.
“Hindi mo ako mamimiss?”
“Ang kapal mo!”
…
“Nakakainis!” malakas na wika ni Tin. Kasama niya noon si Kevin.
“O bakit?”
“Wala!” iritadong wika niya.
“Tin, pwede ba tayong mag usap?” ani Slater. Hindi niya namalayang nasa likod na pala nila ito.
“Hindi!” sagot niya
“Tin please?” pagsusumamo pa nito.
“Hindi nga pwede sabi eh. Ang kulit mo!”
“Pare, ayaw nga niya diba?Wag mong pilitin.” Si Kevin
“Wag ka makialam dito. Problema naming to!” malakas na sabi ni Slater.
“Kung makademand ka, bakit ano ka ba ni Tin?” galit na ring wika ni Kevin
“Boyfriend niya ako. Bakit may problema?” sagot ni Slater. Pikon na ito.
“Boyfriend mo ba talaga yan?” baling ni Kevin sa kanya
Bago pa siya nakasagot ay ay naunahan na siya ni Slater.
“Oo! Boyfriend niya ako! Gusto mo nang patunay?” agad na hinapit siya ni Slater at hinalikan ng madiin sa labi. Nanlambot siya. Ganito pala ang feeling. Hindi niya namalayang tinutugon na pala niya ang halik nito.
Ilang sandali pa ay pinakawalan na siya nito. Bumaling ito kay Kevin.
“Siguro naman ngayon naniniwala ka na? Hahayaan mo na kaming mag usap.” Anito
“Ayusin mo lang kung hindi ay makakatikim ka sakin.” Kuyom ang kamaong wika ni Kevin sabay alis.
…
“Baby, I love you. Di ko kayang hindi ko sabihin sa’yo to. Bukas na ang balik ko sa Manila. Gusto kong malaman ang sagot mo. Mahal kita. Sa tingin ko mahal mo pa rin naman ako eh.”
“Conceited ka para isiping mahal pa rin kita.” Aniya
“Alam mo dati, inis na inis ako sa’yo. Iritado ako sa tuwing susulpot ka. Pero nung umalis ka nawalan ng kulay ang mundo ko. Narealize ko na masaya pala pag nandyan ka, na kahit anong pagpipigil ko eh nahulog pa rin ako sa’yo. Mahal na mahal kita. Yun ang totoo. Handa akong maghintay hanggang sa mapatawad mo na ako.”
Mahabang sabi nito. Hindi siya makaapuhap ng sasabihin.
“I’m sorry.” Dagdag pa nito.
Yumuko siya. Bago pa tuluyang umiyak ay iniwan na niya ito. Bukas na lamang niya ito kakausapin nang maayos.
…
“Ewan ko ba diyan sa batang yan. Kanina pa umiiyak. Kausapin mo nga Slater.” Narinig ni Tin na wika ng mama niya.
Umiiyak siya kase iyon na ang araw na nakatakdang bumalik ito nang Maynila. Hindi pa rin niya masabi ang tunay na nararamdaman para dito.
“Baby?Uy kanina ka pa raw umiiyak sabi ng mama mo. Bakit?”
Mas lalong lumakas ang iyak niya.
“Hala! Halika nga dito.” Niyakap siya nito. Hindi na niya napigilan ang sarili, yumakap na siya dito.
“Hmm. Mukhang alam ko na ang iniiyak nito ah.”
“Sira!” aniya at mas lalong yumakap nang mahigpit dito.
“Babalik ako dito, wag kang mag alala. I love you, I’m sorry.” Anito na gumanti ng mas mahigpit na yakap
“Talaga?” aniyang umiiyak pa rin.
“Oo naman. Mahal na mahal kita. Iniirog kita, te amo, wo ai ni. Sobra sobrang mahal kita.”
Umiyak siya nang mas malakas.
“Tama na nga yang kakaiyak mo. Para naman akong mamatay niyan eh.”
“I’m sorry. I love you.” Wika niya.
“Yun oh! Umamin din!Conceited pala ako ha?” anitong nakangiti
“Kainis ka naman eh!”
“Baby, babalik ako promise. May mga aayusin lang ako pero babalik ako. Promise yan!”
“I love you. Teka bago ka umalis , may ibibigay ako!”
“Ano?”
“Tara muna sa kwarto.”
…
“Ano yung ibibigay mo?”
Ngumiti siya at pagkatapos ay hinalikan ito sa labi. Madiin at malalim.
“Baby talaga. Nanggugulat ka.” Anitong kumalas sa halik niya at pagkatapos ay ito mismo ang humalik sa kanya. Mas matagal , mas maalab.
“Aray! Bakit may kagat?” aniya. Nagulat siya nang maramdamang kinagat nito ang pang ibabang labi niya.
“Seal yan na akin ka lang.” anito
“Hala. Seal?”
“Oo. Bawal na. Off limits. Lalo na dun sa bestfriend mo!”
“Selos ka?” aniyang nakangiti
“Hmm. Oo. Pero ngayon, hindi na. Alam ko namang ako talaga ang mahal mo eh.”
“Sira!”
“Baby, kailangan ko nang umalis baka malate ako sa flight ko eh. Pero promise babalik ako ASAP!”
“ I love you!” aniya at hinalikan uli ito.
“Wag ka ganyan, baka di na ako makaalis.” Anito pagkatapos niyang kumalas sa pagkakayakap dito.
“Dito ka na lang kase muna.”
“As much as I want to stay here and kiss you all day , hindi pwede. May mga dapat akong ayusin.”
“ Okay. Ako na lang dadalaw dun. I love you.” Wika niya at yumakap dito ng mas mahigpit. Hinalikan siya nito nang mas malalim. Ang sarap sa pakiramdam niya na mahalin din ng lalaking mahal.
-----------------END------------------------[/QUOTE]
Super Kiligggggggggg............![]()
Hello po papromote po ulit
visit po kayo sa thread ni Nikka Javier of Pbb teens
http://www.pinoyexchange.com/forums/...0#post62364620
![]()
Bye bye.......
Shylaaaaaaa
Mjjjjjjjj
alam ko busy kayo sa ka BBR..
at sa lahat ng mga saging mauuna na ako..........bye bye.....
SLATIN FOREVER.........![]()
Jan Slater Young @thatguyslater· Open Saya ng MV shoot kanina w Angeline Quinto.. Excited to see it!Pahinga muna.. Meeting some awesome people later.. Alam nyo na yun! Haha
![]()