
Originally Posted by
honey4evr
@ Hurting Dad
the mere fact that your girlfriend didn't force you to marry her just means she doesn't want you to get tied up to her and her son forever without you knowing the truth. sa puntong yan, dapat maintindihan mo rin na hindi lang basta mahirap yung ginawa nyang pagtatapat sayo. sya, alam nyang may matinding probability na hindi mo na sila balikan after her confession. alam nyang mas sigurado pang mawawala ka sa kanilang mag-ina kesa sa piliin mo pa silang makasama at magsimula ulit. samantalang ikaw, totoong pede mong ituring na nasayang ang ilang taon ng buhay mo sa isang matinding kasinungalingan pero base na rin sa mga sinabi mo, mahal na mahal mo ang bata. at muka namang during the times na magkakasama kayong 3, para namang wala kayong naging problema ng girlfriend mo. so kung tutuusin, naging maligaya ka rin naman sa loob ng mga panahong yon.
you must remember that your sacrifice for them ended when she told you the truth. pero alam ko, hindi mo naman siguro itinuturing na sakripisyo ang lahat dahil naging maligaya ka sa piling nila. in fact, ikaw na nga nagsabi, hinahanap hanap mo ang kanilang presensya sa buhay mo, lalo na yung anak mo.
think of this... your girlfriend had put both her and his son's future on the line just so you can have a clean slate for your life because she knows that's what you really deserve. so you can be relieved of the responsibilities you shouldn't have taken in the first place because he isn't really your flesh and blood. ngayon, malaya ka nang gawin ang nais mo para sa buhay mo nang hindi mo kailangan silang alalahanin. ginawa ng girlfriend mo ang malaking desisyong ito when you are still young and can start fresh with any one you desire kahit alam natin parehong hindi yon ang nais nya sanang mangyari kung sya lang ang masusunod. she'd been selfish for quite a while but she chose to finally give you back your freedom dahil alam nyang iyon ang tama.
i agree with one poster here. dapat tanungin mo ang sarili mo ng paulit-ulit... can you imagine a life without your girlfriend and your son? if not eh dapat patawarin mo na yung girlfriend mo at magsimula kayo ulit. dapat din kalimutan mo na yung nagawa nyang kasalanan otherwise it will just ruin you both in the long run. mahirap na twing mag-aaway kayo, ibabato mo at ipamumukha mo sa kanya palagi yung pagkakamali nya.
forgive and forget. yan ang dapat mong matutunan if you are to keep you family together. i-weigh mo mabuti lahat. kung mas mahalaga sayo ang ego mo kesa ma-keep ang pamilya mo, eh di move on and start thinking about your future, sans them. tutal, malaya ka na namang mag-umpisa ng bagong buhay. maaari ka nang mag-umpisa ng pamilyang pinapangarap mo. yung buung-buong sayo.
ang tanong lang, magiging kasing-saya ba yan ng pamilyang nabuo mo na at ngayon eh nasa prosesong hinahayaan mo na lang na mawala dahil sa isang pagkakamaling nagawa ng girlfriend mo? sa kaloob-looban mo ba, naniniwala ka bang hindi pinagsisihan ng girlfriend mo yung naging kahinaan nya? na hindi nya dinala sa buhay nya ang guilt ng nagawa nyang panchi-cheat sayo?
i'm sure mas matindi ang galit ng girlfriend mo sya sa sarili nya dahil sa nagawa nyang kasalanan sayo kesa ikaw sa kanya. yun eh dahil alam nyang mahal na mahal mo sya and yet, napadala sya sa tukso at ayun nga, nagbunga.
pero ano ba syang klaseng katuwang sa buhay magmula nung dumating sa buhay nyo ang itinuturing mong anak? sya ba yung picture ng isang asawa at ina na pinapangarap mo talaga? deep inside ba, alam mong hindi naman na sya nagkaroon pa ng ugnayan dun sa nakabuntis sa kanya? nararamdaman mo bang minahal ka naman nya ng buong puso despite that one grave mistake? do you think she'd been remorseful of what she did and felt that she had made up for this mistake?
reflect on your your life with them. kung tingin mo, it's worth it na ituloy yon at willing ka mag-move on with them, balikan mo na sila hanggang maaga pa. alam mo, maraming mabubuting bagay ang nasisira dahil sa pride at ego. i know, importante yun sa tao. pero mas importante pa ba yon kesa manatiling buo at maligaya ang pamilya mo?
personally, i know it'll be egotistically hard to just forgive and forget. pero alam kong mas mamamatay ako sa lungkot kung basta ko na lang tatalikuran ang pamilyang pinaghirapan kong buuin. kung basta ko na lang itatapon ang pagmamahal ko sa pamilya ko at ang pagmamahal nila sakin dahil lang sa isang pagkakamaling alam ko namang pinagsisihan na ng husto. at the end of the day, ikaw lang ang makapagsasabi kung mas masakit ba yung ego mo o mas masakit ang puso mo. kung alin jan ang hindi mo makayanan ang sakit, jan magdedepende yung final decision mo about this dilemma. kung ako ang tatanungin, PRIDE BE DAMNED. it's family that's more important. kahit kelan, wala pakong nalaman na taong napaligaya ng ego at pride.