Dahil sa dami na rin ng naghahanap ng trabaho, na halos kasing dami din naman ng job openings, we must keep in mind to be cautious in sending resumés to strangers.
Kung sa FB nga eh naglalagay tayo ng restrictions minsan sa mga viewers ng post, pano pa kaya ang resumé na naglalaman ng mga personal na detalye tungkol sa atin.
Examples of possible risks:
- Identity theft
- Exposure to stalkers (sosi!) or other criminal elements (due to contact info, address, etc)
- Scams (mostly thru text).
> Yung iba, magpapanggap na BPO, pero sisingilin ka ng kung anu-anong fees.
> Meron naman, networking lang pala, kunwari papapuntahin ka for recruitment, yun pala seminar lang ng grupo nila.
> My personal experience, biglang dumami napanalunan kong "raffles/draws" after ko magsend ng mobile number sa ilang job openings daw. Iisipin ng iba, baka nagkataon lang.. pero naman, in 1 month, almost Php42M na daw napanalunan ko. Palit number ako bigla eh.
- There are those na nag-iipon lang din ng contact info/bubuo ng database para ibenta sa marketing firms, credit card companies, etc. Tapos tayo mapeperwisyo ng mga spam texts.
Marami pang ibang modus. Di ko naman para i-discourage yung mga gustong mag-apply thru referrals dito sa PEX or any other forum. Gusto ko lang maging mas maingat ang lahat bago magpadala ng kanilang personal info.
Ako, red flag na sa akin ang isang "job opening" kapag:
- Offer is too good to be true (e.g. 30k basic! Maglalaro/matutulog/pepetix ka lang buong shift!)
- Masyadong vague yung description ng Thread Starter about his/her company (e.g. ok dito! super saya!) -- pero hindi makasagot ng diretso/umiiwas sa mga questions ng ibang forumers about the company.
- Ayaw banggitin yung name and location ng company. -common reason/excuse nila about this eh para hindi maharang ng officemate na ka-pex yung referral fee. Gusto nila via email na lang daw ididisclose yung info, para syempre makuha nila email add nyo. If you're willing to take the risk sa ganitong situation, better use a back-up email address
I hope makatulong ito sa mga naghahanap pa ng trabaho. Pairalin lagi ang ibayong pag-iingat!
P.S. Pasensya na sa typo (if any).









Reply With Quote







