Since Jawo days pag natatalo ang Ginebra masakit sa loob, pero kailangan mo tanggapin.
Sa nakikita ko sa line-up ng BGK malakas ang All Filipino natin kaya natin tapatan ang TNT in terms of manpower, problema import natin kung ang import natin katulad ng import ng BMEG malamang sobrang dikitan ng serye. Masyado kabado si Vroman un napapansin ko sa kanya kaya pala di niya maipasok ang freethrow, ska yung tira na niya pwede na idakdak pinasa pa naagaw tuloy.
Problema pa yung ref di tinawagan ng foul naipit na si Cortez kaya naagawan tapos nakalibre na lay-up si Simon. Kaya pala dumami ang gawa ni Simon dahil sa freethrow maganda din pala depensa sa kanya, talang import problema natin.















