SANGA-SANGANDILA Ni Veronica R. Samio (Pilipino Star Ngayon) Updated May 11, 2012
Barbie iniiyakan pa rin si Joshua
Sana magklik ang bagong tambalang Barbie Forteza at Elmo Magalona. Maraming luha ang iniyak ng teen actress sa desisyon ng network na paghiwalayin muna sila ni Joshua Dionisio. Sa Tweets for My Sweet ay si Elmo na ang katambal niya. Ewan din kung hindi ito makakaapekto sa tambalan naman nina Elmo at Julie Ann San Jose, lalo’t gumagawa sila ng kanilang first movie as a loveteam.
Sa last taping ng Tween Hearts hindi naikubli ng dalawang young loveteam ang kanilang kalungkutan sa kanilang last team-up. Naging malaking konsolasyon na lamang nila ang pangyayaring career move ang ginawa ng GMA7 at para na rin ito sa ikatatagal ng kanilang showbiz career.
http://www.philstar.com/Article.aspx...bCategoryId=96
![]()









Reply With Quote





























