
Fast and Furious 6 is a high-octane action-packed ride that will make the most hardened action movie fans blush
read more
The ADMU Lady Eagles displayed championship cool as they ripped the NU Lady Bulldogs in 3 sets in game 1 of the finals
read more
The highest fan and issue threads will be posted weekly. Check out the gorgeous female celebrities that came out on top this week!
read more
Twelve of the best brains across Asia compete to be hired in the ultimate job interview in The Apprentice Asia
read more
Guess the theme! Have you seen Twilight, Sister Act and these other movies? Share your thoughts and reviews in here!
read moreAno po yung pangalan ng professor sa Psychology from Faculty of Engineering.
Yung parang foreigner po. Tapos *** may kinwento siya about sa pagkuha nya dapat ng medicine? Somebody from ENG?
Dr. Tan. Why you no teach?! Prelims na bukas!!(
Sir Toffee. Sir Richtofen (not sure with the spelling) HAHA. Actually, he graduated BS Psychology in 2009, pursued Medicine at the De La Salle Health Sciences Institute for a semester then went on with his masterals abroad (not sure if a couple of units tho)He's currently teaching General Psychology at the Faculty of Engineering and Clinical Psychology at the College of Science.
![]()
College: Faculty of Engineering (Chemical Engineering)
Subject: Unit Operations III & IV, Thermodynamics
Professor: Dean Abet Laurito
Description: He was the former Dean of the Faculty of Engineering from 1985-2000. In other words, institution na siya ng department. Actually, sila ni Ma'am Evie power couple na professors. Hindi kumpleto ang chemical engineering life mo kung never mo siyang naging prof. Twice ko siyang prof sa majoring (senior year). Ang masasabi ko kay, kakaiba talaga siya mag-isip. Kapag may dinidiscuss siyang unit operations, ayaw niya ng basta memorization lang ng algorithm. Analyzation talaga. Ang quizzes namin sa kanya 3 hours, 3 problems. Open handbook. Trial and error. Minsan mag-aassume ka kapag 2 trial and error. Time consuming talaga. Pagbabaligtarin niya yung mga sample problems niya. Ang haba pa naman ng algorithm depende pa sa given. Kaya expect the unexpected. Practice makes perfect. Hahaha. Usually, pinakamahirap yung 1st quiz niya. Meron nga akong batchmate, single digit lang score niya sa quiz. Pero naman ngayon, kasabay ko siyang naging engineer. Hahaha.
Kaya nung nagreview kami for the boards, kilala siya ng mga instructors. Inaasar kaming mga taga-ust na sanay sa trial and error and naghahanap ng saktong sagot. Masyado kasing accurate si Dean Abet. Sa boards, tantsa sa mga choices. Kumbaga find the closest answer. Haha. But when it comes to problem solving, strength yan ng mga Thomasians. :-)
Ratings: 10
Why: He's so good. Rumor has it na gusto siyang kunin ng PRC noon pa. Kaya lang mas gusto niya yatang magturo. Nako kawawa naman magtetake ng boards kung si Dean magiging board examiner. Hahaha. He will soon retire. Inaantay lang niya tumaas passing rate namin. Our batch did it with 2 topnotchers pa. Swerte ng mga maabutan ng mga Laurito.
College: Commerce and Business Administration
Course: Basic Accounting (ACCT1A)
Professor: Atty. Eduardo Marino
Description: Siya ang kinatatakutan lahat ng mga 1st at 2nd year dahil sa bagsik ng professor na to. Naging professor ko sya nung freshman unang araw "Okay class we'll have a recitation next meeting read chapters 1-3" lahat kami tulala sobrang gulat. Nung 2nd meeting isa ako sa natawag and hindi ako prepared dahil di ko alam na word by word recitation. May 5 atang bumagsak sa amin pero I got the highest sa prelim exam nya sa buong batch sobrang sariling sikap lang walang masyadong inputs ng prof na yun as in walang kwenta.
Rating: 5.0 Wala siyang kwenta!
Course: Introduction to Marketing
Professor: Carmen Mazo
Description: Isa pang walang kwentang professor laging absent. Nung prelims namin nangolekta sya ng P8.00 para sa Scantron nya tapos nakausap ko kaibigan ko sa ibang school P1 o P2 lang daw yun dapat kami na lang daw bumili. Nung finals nalimutan nya kaming bigyan ng exam hinanap namin siya tapos yung mukha nya gulat na gulat. Nung araw ng reschedduled finals exam mangongolekta na naman sya ng P8 pero sabi namin bakit gamit na yung scantron (kasi back-to-back)? Sabi nya sige half na lang babayaran nyo. Pag natapos mo na exam pwede ka nang lumabas ang ginawa namin lumabas kami tapos bumaba para di nya kami makita. Sobrang unfair ng professor na yun nanghula lang ng grade angbaba ko eh antataas ko sa quizzes, HW, at exams nya.
Rating: 5.0 Isa pang walang kwenta dapat sinisipa na sa Commerce nasisira lang tuloy imahe ng ibang professors.
Course: Dr. Anthony DC. Altarejos, CSS (talagang may title ayaw nya tinatanggal yun eh haha)
Course: Basic, Finance, Operations Management, Security Analysis 1
Description: Sobrang bow ako sa professor na ito. Good thing sya chairperson ng finance kasi he make sure na lahat ng professor at student ng finance competitive. Right minus wrong ang true or false exam nya kasi ayaw nyang may nakakatsamba. Pag discussion sobrang fluent sa english at nakakatawa kunyari ito "O ano hindi nyo alam ibigsabihin ng word na.." tapos explanation "O ayan natuto rin ang mga engot." Haha ako hindi ako naiinsulto kasi nakakachallenge tong professor nato tsaka fair sa lahat wala syang pakialam lagi nyang pinapaalala samin ang finance "Party harder, study harder". Basta lahat ng pinagsasabi nya isulat mo kasi sureball yun ang lalabas sa exams.
Rating: 10 'nuf said ^
Course: Basic Finance, Financial Management, Capital Markets, Finance Ethics
Professor: Elizabeth Vivien S. Magbata
Description: Isa pa sa pinakamagaling at remarkable na professor ng Commerce at isa sya matatandaan ng mga student. Sya yung professor na dapat pagpasok mo dapat nabasa mo na yung lesson kasi pag ginalit nyo either magwalk-out sya or quiz. Mahal na mahal ko itong professor na ito kundi dahil sa kanya hindi ako magiging matyaga sa pag-aaral, first time kong ma-zero sa quiz, first time kong hindi matulog ng 2 araw dahil nagkasabay-sabay quizzes pero ito yung reason kung ano ako ngayon.
Rating: 10.0
Subject: Basic Finance, Financial Reporting Analysis 1 at 2
Professor: Carlsberg Andres, CPA (oo pangalan ng beer pangalan nya)
Description: Respetado tong prof nato sa sobrang galing at bagsik ng quizzes nya. Nung time ko nagdefense pa kami ginawa namin yung study ng walang tulugan pero worth it kasi naidefend naman ng maayos. Dahil CFA level II passer ang level ng pagtuturo at pagpapaquiznya pang CFA din hindi mo basta kakabisaduhin yung formulas at definition dapat paglaruan mo yung formulas yung tipong icoconnect mo sa formula ng P/E ratio sa Current ratio. Masaya sa klase nya kasi parang barkada lang kayo at matyaga kung may nagtanong para ulitin walang anu-ano uulitin nyo from the start.
Rating: 9.0
Course: Introduction to Microeconomics
Professor: George Villasis
Description: Grabe rin tong professor nato magaling kaso sa pagututuro may problema. Yung tipong nasa table of contents pa lang ang students nasa appendix na sya kasi alien pagtuturo wala ka talagang maiintindihan. Pag may recitation point/s ka na sureball pasado ka na don.
Rating: 6.0 Magaling kung sa magaling kaso wala naman akong natutunan
Agree ako dito haha. Legend na yan si Dean Abet sa ChE. Naalala ko nun, sa kanya lang ako nakatikim na 2 problems tas 2 hours lang, trial and error pa agad salubong sayo tas di mo masasagutan yung sunod na question hangga't di mo nakukuha yung 1st question, domino effect talaga. Buti na lang talaga nasurvive ko si dean abet at proud ako na mataas ako sa unit 4 dahil talagang nagets ko yung subject na yun dahil sa kanya![]()
nagtuturo din siya ng psychometrics lab. =)) not my prof though.aha.
Course: PE
Prof: malalaman mo agad na siya yung tinutukoy ko kapag naging siya instructor mo sa Table Tennis.
Description: hay nako. naging instructor ko to last sem at talagang nagkanda letse buhay ko. napakapamajor nito kahit PE na nga lang subject niya. lagi kang kabado sa klase niya kasi ubod ng sungit tapos ang hilig hilig pang sumigaw. akala mo lagi siyang inaaway ng mga estudyante. napakababa pa magbigay ng grade, yung isa kong kasama binigyan niya ng tres.
Rating: 2
Banned by Admin
College/Year: College of Science
Subject: Social Science
Professor: Potenciana Castro
Description: Walang kukote; puro benta lang alam
Ratings: -3
Why?: Wala na ginawa kundi magpa field trip at magbenta ng libro na sya author. Palpak naman. Sobra pang mag patong ng interes sa mga benta nya. Kaya pinapa xerox na lang namin.
College/Year: College of Science
Subject: Social Sciences
Professor: Rolando San Luis
Description: Beer house buddies.
Ratings: - 3
Why?: Kahit estudyante, yayakagin sa beerhouse. Hanep pang magpa libre pang kasama sa field trip.
College/Year: College of Science
Subject: Languages
Professor: Au Domingo
Description: Pilipino prof
Ratings: 2
Why?: Akala mo major yung subject nya.
College/Year: College of Science
Subject: Social Science
Professor: Oscar Diamante
Description: feeling gwapo, papungay ng mata sa classroom, tulog na pala
Ratings: -3
Why?: Sarili lang kausap sa classroom. Kahit magpalipad ka ng paper eroplano sa klase nya, cool lang sya. Basta may magandang chicks sa may aisle, okay na. Puro magaganda ang ibabagsak nya para lumapit sa kanya.
College/Year: college of Science
Subject: Chem
Professor: Rico Yambao
Description: payat pero okay
Ratings: +4
Why?: Genius pero parang banggang na naka drugs palagi sa klase. tinutungga yata yung mga chemicals sa lab. Malabong magbigay ng exams.
Mr. Mario Tan! He's the best prof ever!Isa siya sa reasons kung bakit nagpupursigi ako mag-aral! Di man ako nag-aaim maging DL sa ngayon pero pagdating sa class niya gusto ko mataas nakukuha ko. Bakit? Kasi sobrang galing niyang magturo. He made me realize na hindi sa lahat ng pagkakataon, gumagana yung "only strict professors bring out the best in their students". Nakakatuwa pa tong prof na to. Sobrang galing magturo. May mga natanggap siyang awards as best presentor. This may be too much, but he's my kind of guy. I guess I really have a thing for smart guys.
He would make everything easier for you in Chem.
For that, I'm giving him a 5+++
College/Year: College of Science
Subject: Chem
Professor: Mario Tan Ph.D
Description: napakagaling magturo ng biochem. sagad. napakabait at hindi pa pamajor.
Rating: 10
College/Year: College of Science
Subject: Neuroanatomy/ Biopsychology
Professor: Rosalito de Guzman Ph.D
Description: isa pang legend to sa science. napakagaling magturo. memoryado niya lahat ng parts ng brain at ang dali pa nung mga quizzes niya. napakaexciting din ng recitation niya. nakakahighjack ng amygdala na ang saya-saya.
Ratings: 10++
College/Year: College of Science
Subject: Theories of Personality
Professor: Marc Eric Reyes Ph.D
Description:medyo strict pero sobrang galing din magturo at talagang mareretain sa utak mo mga tinuturo niya.
Ratings: 10
College/Year: College of Science
Subject: Social Science
Professor:
Description: Cant say the name baka mayari ako sakanya.haha. basta never nagturo tong prof na to. sayang lang binabayad namin sakanya.
Rating:1
College/Year: College of Science
Subject: Math
Professor: Balmeo
Description: napakacute ng prof na to. hindi ko alam bakit maraming may ayaw dito. mabait naman siya. considerate pa sa mga estudyante. pag di pa kami ready magquiz, ipopostpone niya. kahit ipaulit mo yung diniscuss niya ng ilang beses para makuha mo hindi siya magagalit.
Ratings: 8
College/Year: College of Science
Subject: Chemistry (Biochemistry/General Chemistry)
Professor: Dr. Corazon A. Menguito
Description: Terror at mapambara sa sarili nyang BS Chem students, pero napakafriendly papgdating sa mga sections na hawak nya sa BS Bio, Microbio. Mahilig mamahiya at araw araw ay recitation, iisa isahin nya kameng lahat, mamahiya pag hindi namin alam. Nevertheless, effective syang magturo at minsan nakakatawa.
Rating: 7
For sophomores out there.
College/Year: AMV - College of Accountancy
Subject: Accounting 1a&b and Accounting 2a&b
Professor: Asst. Prof Ernesto R. Co
Description: Medyo mellow soft ang boses ni Sir Co pero sobrang effective nya para sa akin. Approachable siya sa lahat ng mga tanong ng mga students regarding the lesson except na nga lang kung ang itatanong mo ay kung sino gumagawa ng quizzes. Sobrang bait nya to the extent na nagpapamigay siya ng handouts for his students for "free", isipin nyo eh medyo marami-rami ang handle din nyang sections.
Dahil medyo soft nga boses niya (kasi po lolo na siya) at soft rin magturo baka may tendency na antukin kayo sa kanya pero pagnagbato siya ng joke, un ang hinding hindi nyo makakalimutan. In terms of teaching, very credible siya para sa akin hindi ako nagddoubt sa mga sinasabi nya. In accounting kasi, dahil may iba't ibang teachers pedeng magkaroon ng iba't ibang interpretations sa isang standard. Respect him kasi sobrang rare niya magalit.
Rating: 9.99999999999999999 reaches infinity