hello mga sirs, i was driving earlier today on the way to work when suddenly within 15 minutes of driving, biglang nag ooverheat yung car! the needle gauge was at 3/4ths level. akala ko kulang lang ng tubig so balik ako sa pinakamalapit na caltex sa bahay namin, and sabay buhos ng buhos ng tubig etc sa radiator and puno ng water sa radiator. pero ang problema, nag ooverheat pa rin. so kinonsulta ko yung isang mekaniko, at pinagawa sa akin ang mga sumusunod:
1. turn on engine, see if nagooverheat pa rin. OO
2. remove radiator cap.
3. rev the engine/step on the gas
ang pinakita nia sa akin, BUMUBULWAK daw yung coolant/water mula sa openning ng radiator pag inaapakan ang gas pedal, ibig sabihin daw. may problema daw sa CYLINDER GASKET.
at yun na nga top overhauling etc yung kailangan. (sakit ng ulo ko nung marining yun)
i asked for a second opinion naman dun sa isa pang mekaniko, sabi niya, baka daw makuha naman daw sa "PAGTANGGAL ng THERMOSTAT" the logic being, baka daw sira na kaya hindi dumadaloy ang tubig/coolant. it's a worth try.
so pinatanggal ko na thermostat, and after that. hindi na nga siya nag ooverheat. at least hindi within 10 to 30 mins of idling and driving, tulad kanina. (hindi ko pa nasusubukan mag long drive eh.)
sabi ng mekaniko, ok na daw yun, hindi na raw magooverheat, generally from what i saw, i'm inclined to agree. pero paranoid pa din ako sa gasket/cylinder head eh, naranasan ko nang duguin sa overhaul and i want to make sure.
ang tanong ko pa ay ganito, talaga po bang sintomas ng broken gasket head ang pagbulwak ng coolant? at ok lang ba to continue driving the car this way? (antipolo-marikina lang naman generaly biyahe ko)
btw, the car's make and model is Mitsubishi Eclipse 99 4g63 yung makina. thanks mga sirs!








Reply With Quote













