sa lahat ng sports ba ito o basketball lang?
ano kaya klaseng karapatan/serbisyo nakukuha ng mga foreign students na nagaaral sa letran ngayon, pantay din ba tulad ng mga purong pinoy? lakas siguro ng diskriminasyon sa loob ng campus na yan kung sarili nilang presidente ayaw sakanila. Maling mali to.
Marami pwedeng gawin para mapilitan o mag dalawang isip ang isang skwelahan na hindi mag recruit ng foreign players, kesa sa ban, pwede naman nilang dagdagan pa ng isang taon ang residency o di kaya kung duda sila baka mercenaryo ito, sa bawat taon na nag reresidency ipasubmit ang scholastic records nila sa kinauukulan. atpb., maraming solusyon kung pagaaralan o pagiisipan ng mabuti, para sakin halatang may galit at mas nanaig ang emosyon sa pagpanukala nito kaya hindi na nakuhang pagisipan pa.
Power tripping ang nangyayari ngayon sa ncaa, kaya hindi din na ako magtataka kung ito din ang magpapalubog sa ligang ito.








Reply With Quote


.














