Hello fellow nurses! Ngayon lang ako napadpad sa thread na to (late ko talaga lagi)
Anyway kung gusto nyong di masyado masayang yung mga inaral nyo, why not look into health research? Ang NIH sa may UP Manila minsan naghahanap ng mga tao for conducting research, nagpo-post sila sa bulletin board nila (how I wish na may online na sila).
Ang UP Econ naman, in partnership with DOH, merong Health Policy Fellowship program. Dun naman tutulong ka sa mga health policy making/implementation/monitoring (mostly sa monitoring). USAID ang nagfa-fund so actually ang focus ng ni-mo-monitor ay yung projects ata ng USAID. 30k ang "sweldo" dun (consultant kasi ang labas).
Tas kung makapagwork na kayo ng isang taon or something.. why not change/tweak your career paths? Take post graduate courses. Ako nagtake ng MS Epidemiology (PH), kasi mahilig ako sa health research ohoho. Marami sa UP Manila (sorry, dun kasi ako galing so karamihan ng mga nasa-suggest ko yung mga ni-po-post samin haha)
Ang mga interesting (for me) for nurses ay:
MS in Epidemiology (Public Health) [syempre dapat ibida]
MS in Public Health (Biostatistics)
MS in Health Informatics
MS in Genetics Counseling
MS (?) in Clinical Audiology (prino-promote ni dating boss/head ng Grad studies ng UP Manila/kapwa-nurse natin)
Tas kung talagang gusto nyong broad or talagang nag-e-explore pa:
Master of Public Health (MPH).
Ayuuuuun.
Sana pala maging friends tayong lahat dito at magtulungan. Go kapwa nurse! Haha. Nagwowork nga pala ako ngayon sa isang private company, project manager-data handler for health compliance. Medyo talagang lumalayo na ako sa nurse path no? Pero medyo connect pa rin. Hehe.
(may nag-apply ba dito sa PGH? Weeee baka may makita ako sa school.

)