Tagal ko ng hindi nakapag-post dito ah.
I'm not from SBC nor SSC-R. Pero ito masasabi ko sa topic na to.
Regarding racial discrimination, Given na nag-chant talaga ng unggoy yung Men's Volleyball team ng Baste, sapat na bang dahilan yon para bugbugin ng Men's Basketball team ng Beda si Coach Gorayeb?
Nung time ni Espinas at ni Andaya, hindi ba nagchachant din naman ang mga taga San Beda ng 'Baluga' at 'Bakulaw'? Anong kaibahan non sa pagtawag ng monkey sa player nila? Bakit ganun na lang kayo makasigaw ng racial discrimination.
Huwag naman sana kayong magmalinis na akala mo mga Santo kayo. Natatandaan ko pa nga yung isang game dati between SBC and Letran, pagpasok ng cheer leaders ng Letran tumalikod lahat yung nasa SBC crowd. (Honestly, na-astigan nga ko don sayang lang hindi kami ang unang nakaisip)
Hindi mawawala yang asaran. Kung minsan yan pa nga ang nagpapasaya sa laro. Pero siyempre ang pikon laging talo.
I agree na medyo harsh talaga ang naging parusa sa SBC, pero hindi naman tayo aabot dito kung hindi kayo naging pikon at hindi niyo binugbog si Coach Gorayeb sa loob ng gym niyo.












Reply With Quote
















