PHOTOS: Alaska Crushes Ginebra

Alaska survived a late-game rally by Ginebra to win 104-90, leading the series at 2-0 and now one win away from the title.

read more

Top Celebrity Loveteams!

Check out which loveteams dropped and which ones came out on top this week!

read more

PHOTOS: ADMU Ousts UST

The ADMU Lady Eagles overpowered UST in 4 sets, ousting the Golden Tigresses and advancing to the V-League finals

read more

The Flick List (Themed)

Guess the theme! Have you seen Twilight, Sister Act and these other movies? Share your thoughts and reviews in here!

read more

REVIEW: Star Trek

Visually breath-taking and action-packed, Star Trek: Into Darkness will please casual and hardcore fans alike.

read more

PROMO: Epic

Join now and get a chance to win advanced screening tickets to Epic!

read more

Page 68 of 193 FirstFirst ... 18 58 67 68 69 78 118 168 ... LastLast
Results 1,341 to 1,360 of 3849
  1. #1341
    Still love HALE! jhan021's Avatar
    Join Date
    Oct 2011
    Location
    History is Mystery
    Quote Originally Posted by ladypirate View Post
    Nanganak na pala yung ni-rape? Ang mali lang sa Indio ni wala man lang pinapakitang time, kung anong taon na, kung ilang buwan/taon/araw na lumipas. Ikaw pa ang mangangapa. Katulad nung bata, ilang taon na un? Kakainis
    Ako rin eh. Naka mahigit na 9 months na pala since then.

  2. #1342
    So 2 weeks ang child Malaya, akala ko 2 ep lang before

    Maybe 2-3 weeks din teen/young adult Malaya

    Si Sheena Halili ba ang anak nila jomari and agot?

  3. #1343
    Tinapatan ni victoria si malaya

  4. #1344
    Ang Ganda and ang Taray ni Victoria

  5. #1345
    Grabe... kagabi hinagis ng na rape ni Senior Juancho ang anak nila. Mabuti na lang at sinalo ni Malaya.

  6. #1346
    Alagad ng Apoy #1 critic's Avatar
    Join Date
    Aug 2005
    Location
    Ozian/The Pie Hole
    There are aspects of this show that scare me sometimes.

  7. #1347
    edit wrong post

  8. #1348
    Quote Originally Posted by jhan021 View Post
    Ako rin eh. Naka mahigit na 9 months na pala since then.
    Yup, yun lang nakikita kong palpak sa far sa Indio

    - Mas okay pa sa Amaya na pinapakita ang Kabanata / Makalipas ang ...

  9. #1349
    Quote Originally Posted by _Zei_Emu_ View Post
    bagay din si Princess Snell as young Victoria, magkamukha sila ni Jackie Lou
    princess snell is hot. she could be the next katrina halili among starstuck alumni.

  10. #1350
    Quote Originally Posted by svadhisthana View Post
    para kay salty. basahin mo kung bakit.

    'Indio' Genius Named Suzette Doctolero (Third of four parts)
    By Vim Nadera
    mb.com.ph
    January 20, 2013, 12:12pm

    Vim Nadera: Please be our guide to popular literature. Do you need a formula to come up with a bestseller?

    Suzette Doctolero: If I know the right formula, sana wala na akong nagawa na nag-flop. And there are soaps or movies that I’ve done na hindi rin nag-rate o kumita. Walang nakakaalam sa right formula. Pero base sa experience ko at ng iba pang nagsusulat ng popular lit ay ito ang aming learnings: (1) Kailangang may filial love o pagmamahal ng magulang sa anak and vice versa. Kaya naging formula na sa soap yung ina na nawalan ng anak. Lahat yata ng soaps ay may mga inang nawawalan ng anak. Akala ko ay sa Filipinas lang ito ginagawa. Pero ang mga soaps sa Latin America ay ganun din. May mga Korean soaps din na may nawawalang anak o kaya ay nagkapalit. May sumubok gumawa, kapatid na nawalan ng kapatid. Pero mas matindi pa rin ang emotional hook ng inang nawalan ng anak kaysa doon. Bakit? Yung mga naunang soaps kasi ay babae, mga ina, ang audience. Ngayon na lang nagkaroon ng bata at lalaking audience ang soap. May mga pagtatangka nang alisin ang formula na ito. Pero somehow, nagki-click pa rin ang mga soaps na may nawawalang anak. Until now ay hindi ko alam kung bakit. (2) Kailangang may love story. Kahit anong genre pa iyan, action-adventure, drama, fantasy, horror—kailangang may love story. (3) Kapag drama, kailangang may light moment. So importanteng may comedian o side-kick na nagpapatawa. (4) Dahil may mga batang audience na kaya kailangan na ring may batang character sa soap. (5) Kailangang malinis ang main characters. Mabait sila, mabuting tao. May tamang moral stand o compass. Bihira ang mga soaps na may mga lead na flawed o grey ang character gaya ng Bakekang (nagpabuntis siya sa isang Kano para magkaroon ng anak na maganda tapos pinilit niyang mag-artista ang anak niya noong lumaki na). Iyan lang ang importanteng formula na until now ay sinusunod pa rin.

    VN: What about television? Or film?

    SD: Mas malawak na ngayon ang kayang abuting tema ng film lalo na’t dumadami ang mga pelikulang gawang indie na tinatangkilik na rin ng mga tao. Yung sa TV, ingat pa rin. May mga formula na p’wede nang buwagin -- gaya ng dapat mayaman ang lalaki, mahirap ang babae. Ngayon, p’wede na ang kabaligtaran nito. Pero mayroong mga formula na mahirap pa ring alisin. Halimbawa: nag-rate ang "Encantadia." E kumpletos rekados siya. May inang nawalan ng anak, may love story, may comedy, may drama, may action at fantasy. May ibang mundo. May kakaibang kasuotan. May sariling lengguwahe. Check lahat! Noong natapos ang "Encantadia" ay ginawa namin ang prequel nito, ang "Etheria." Hindi siya flopped pero hindi kasing-taas ng "Encantadia" ang ratings. Bakit? Inalis ko ang lahat ng formula e. Walang anak na nawawala, walang light o comedy moment—ang dark-dark niya. Pati ang love story, hindi romantic, edgy, dark. Political pa ang topic kahit fantasy. Awayan at schemes ng mga kaharian. Tapos may back-to-the-past premise pa. Kailangang maglakbay ng apat na bidang fairies to the past to correct some mistakes. Masalimuot at kumplikado, kahit ako na nagsusulat, nasisira ang ulo. E kung high fantasy ang "Encantadia," gusto ko dark fantasy ang "Etheria." Akala ko ay tatanggapin ng audience ang dark fantasy. Hati sila. May mga natuwa dahil ibang-iba ang "Etheria" pero mas marami ata ang namuhi sa akin.

    So ang learnings ko from then on: kung magtatanggal ng formula, isa-isa lang. Huwag lahat. Kung mag i-introduce ng bago, maglagay pa rin ng formula para may makapitan pa rin ang audience, na ginawa ko sa "Amaya." Dahil bago ang historical fiction sa soaps kaya sinadya kong formula ang k’wento ng buhay ni Amaya: isang prinsesa (mayaman) na namatayan ng magulang dahil sa schemes ng kanyang tiyahin. Inapi. Kinawawa. O? Hindi ba’t soap na soap? Pero kasabay nito ay naikukuwento rin namin sa tao ang tungkol sa mga babaylan, sa mga rajah at datu, sa mga liping uripon (alipin) at timawa (malaya), sa mga busao (encanto), sa mga old customs and traditions natin noon.

    Ayun, nakita ko ang right formula sa pagkakataong iyon. Pero hindi ko alam kung applicable ito sa lahat ng soaps. Mahirap nga kasing mahulaan ang taste ng audience.

    VN: Please share with us your experiences with, say, drama anthologies, soap operas, or telecines.

    SD: I was lucky kasi I started writing for drama anthologies before I shifted to soap opera. Kung ihahalintulad, ang drama anthologies ay ang short stories, ang soap opera ay katumbas naman ng nobela. So bago ako nag-soap, naaral ko munang magk’wento sa maikling paraan (drama anthology) bago ako sumabak sa pagsusulat ng continuing stories (soap). Kung sa pag-aaral naman, siguro ang drama anthology ay college degree. Ang nobela ng lit, o soaps sa TV ay maihahalintulad naman sa masteral studies. Ito ang problema ng baguhang TV writers ngayon. Hindi uso ang drama anthologies ngayon sa TV kaya wala silang pagsasanay o training ground. Sasabak na agad sila sa pagsusulat ng soaps. E madali bang gawin iyon? Na hindi ka na nag-college at nag masteral ka na agad? Wala pang experience pero sasabak na agad sa masalimuot na soap? Kaya mahirap para sa kanila. Sa maniwala ka sa o hindi, ibang popular art form ang soap. Marami nang nagtangka na magsulat at baguhin ang hulma ng soap pero sila ay nabigo. Bakit? E hindi muna kasi inaral bago nagtangka. Para mabago ang isang bagay, kailangan muna itong maintindihan at maaral. Hanggang ngayon, sa totoo lang, hindi ko pa rin lubos na naaaral ang soap at nahahanapan ng sagot kung bakit ito ay popular sa tao. Isa siyang discipline na may kasamang gut feel. Hindi mo lang isinusulat ang k’wento, kailangang ito ay damahin din para mag-hit sa tao.

    VN: What advise can you give to young ones who dream of becoming a successful headwriter and/or creative consultant like you?

    SD: Kung gustong magsulat sa TV at pelikula, manood ng TV at pelikula at aralin iyon. Kahit sa pinaka-pangit na pelikula o palabas sa TV ay may matutuhan pa rin.

    Write. Kahit saan, kahit anong genre, kahit sa print, sa TV, pelikula, sa pader, sa papel, para sa contest--- magsulat lang. Mas matututong magsulat kapag sinasanay ang sarili sa pagsusulat. At huwag mahiyang ilako at ialok ang akdang nagawa. Ang manunulat ngayon, lalo na sa TV o popular lit, kailangan ay hindi lang marunong magsulat, dapat marunong ding magsalita (dahil makikipag-debate ka during story pitching sessions) at mag-market ng sariling akda. Kung hindi, sinong makaka-discover sa iyo?
    wow, sosyal si ms suzi. talagang "REYNA NG EPICSERYENG PILIPINO"

  11. #1351
    Wow! Friends! What a good thing! Come take a look! EKEN M009S Tablet PC 7 inch Android 2.3! 51.99 dollars! The best! You're not wrong! The price is the cheapest! http://mmt.su/s/fz

  12. #1352
    the more i listen sa news theme, nakakairita siya lalo.
    hindi angkop sa intro scenes talaga. pangit. super chaka.

    parang gusto ko maglipat ng chanel sandali. ampta.

  13. #1353
    Quote Originally Posted by lct08 View Post
    Ang Ganda and ang Taray ni Victoria
    Oo nga . ang ganda ni Victoria... kasal na sila ni Senior Juancio ngayon.... si Victoria si Princess Snell diba?

  14. #1354
    Alagad ng Apoy #1 critic's Avatar
    Join Date
    Aug 2005
    Location
    Ozian/The Pie Hole
    'Day, gap 1 na agad? Parang hanging dumaan. Pero bilib talaga ako sa batang Malaya. Sad to see him go.

  15. #1355
    Quote Originally Posted by Mapleserye View Post
    So 2 weeks ang child Malaya, akala ko 2 ep lang before

    Maybe 2-3 weeks din teen/young adult Malaya

    Si Sheena Halili ba ang anak nila jomari and agot?
    Baka xia yung anak ni Maria

  16. #1356
    Alagad ng Apoy #1 critic's Avatar
    Join Date
    Aug 2005
    Location
    Ozian/The Pie Hole
    Gap 2. Ang init ng damit ni Victoria, parang ang hirap talupin. Kaya siguro la pa silang baby.

    Princess Snell kamo ang pangalan? Pwede!

  17. #1357
    Alagad ng Apoy #1 critic's Avatar
    Join Date
    Aug 2005
    Location
    Ozian/The Pie Hole
    Gap 3. Di ko tuloy malaman kung gumaling siya dahil sa powers o dahil sa dasal.

    No improvement sa quarters ni Malaya. Pathetic but fitting.

    Heavy sleeper siguro si Indio. Dami nang nagddialogue sa tabi niya di pa nagigising.

  18. #1358
    Quote Originally Posted by ladypirate View Post
    Yup, yun lang nakikita kong palpak sa far sa Indio

    - Mas okay pa sa Amaya na pinapakita ang Kabanata / Makalipas ang ...
    at meron na nga nyan ngayong epi. ambilis lang.

    sana ganyan kadaling solusyunan yung diwata headquarters na ayaw yata ng lahat.

  19. #1359
    Alagad ng Apoy #1 critic's Avatar
    Join Date
    Aug 2005
    Location
    Ozian/The Pie Hole
    Gap 4. Sensing some serious Jacob-ish vibes from Simeon now. #ick #teamMagayon

  20. #1360
    Quote Originally Posted by #1 critic View Post
    There are aspects of this show that scare me sometimes.
    you mean rape, child violence at iba pang themes na taboo sa philippine television? thank god for miss suzi!

Page 68 of 193 FirstFirst ... 18 58 67 68 69 78 118 168 ... LastLast

Tags for this Thread

Posting Permissions

  • You may not post new threads
  • You may not post replies
  • You may not post attachments
  • You may not edit your posts
  •  



Whats Happening

Sub title

The Flick List (Themed)
Guess the theme! Have you seen Twilight, Sister Act and these other movies? Share your thoughts and reviews in here! view more


PROMO: Epic
Join now and get a chance to win advanced screening tickets to Epic! view more


The Wander List
Have you smashed plates in Tarlac been to the beaches of Bali? Tick your travel exploits off in our Wander List! view more


Caught Up Default

Sub title

Trailer: The Great Gatsby
Baz Luhrmann directs an ambitious, visually stunning tale of love, dreams, and tragedy in The Great Gatsby. view more


Review: Star Trek
Visually breath-taking and action-packed, Star Trek: Into Darkness will please casual and hardcore fans alike. view more


Review: Evil Dead
With an absurd amount of violence mixed with tons of terror and scares, Evil Dead is a must-see for horror movie fans. view more


Review: One Piece
Is One Piece Film Z an epic nautical adventure worth experiencing? Find out in this review! view more


Review: Trance
Director Danny Boyle delivers tons of twists and turns in this well-written mind-bending action thriller view more




Forums Directory