PEx Highlights

PHOTOS: Cagayan upsets Army

Cagayan Valley Rising Sun hands Philippine Army its first loss through 4 sets, 27-25, 20-25, 25-23, 25-22

read more

UAAP Basketball Power Rankings: Week 2

Are the Blue Eagles back on top again? Check out this week's PEx UAAP Season 77 Basketball Power Rankings.

read more

Calling all vigilantes in PEx!

Are you vigilant and always ready for action? This is your chance to be a "PEX POLICE"

read more

PHOTOS: DLSU Notches First Win

Jason Perkins drained big baskets in the clutch to help DLSU escape NU 57-55 and notch their first win in the UAAP Season 77.

read more

Review: Hercules

Bordering on ridiculous, Dwayne Johnson delivers and Hercules is a fun and entertaining ride.

read more

FIBA Worlds Special Feature

PEx's resident local hoops guru, Jay P. Mercado, ranks the greatest RP teams in the "open basketball" era.

read more

Page 15 of 205 FirstFirst ... 5 14 15 16 25 65 115 ... LastLast
Results 281 to 300 of 4090
  1. #281
    naalala ko noong nasa kolehiyo pa ako about philippine history...remind ko lang lahat na ang INDIO noong panahon ng kastila ay isang MABABANG nilalang o uri tawag ng mga kastila noon sa ating mga pilipino..tinuturi nila ang mga pilipino na mababang lahi,walang pinag-aralan,bastos,walang modo,hayop,alipin at walang silbi kaya nila tinatawag na INDIO ang mga pinoy noon..kahit sa nobela ni jose rizal mababasa mo na indio ang tawag ng mga kastila sa atin mga pilipino noon..lahat ng mga surname natin pinapalitan ng kastila kaya ngayon ang mga surname natin ay espanyol na...pati paniniwala sa mga anito pinapalitan na ng christianismo...

  2. #282



    Rhian Ramos on possible kissing scene with Senator Bong Revilla in Indio: “Basta ano… siguro basta may paalam sa asawa!”




    Kababalik lang sa Pilipinas ni Rhian Ramos galing Amerika kung saan nag-show ang Manny Many Prizes sa Universal Studios.

    Excited nga si Rhian sa pagkukuwento tungkol dito nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa Party Pilipinas kahapon, Linggo, September 23.


    “Sa Gibson Amphitheater Universal City kami nag-show.

    “Dapat kasi mga five days kami sa States. September 13 to 18 kami doon.

    “Pero na-cancel yung flight namin nung 18. Nandun na nga kami sa airport.

    “May nasira kasi sa eroplano. So kesa naman subukan nilang ayusin, tapos baka hindi safe, nag-stay pa kami ng isang araw."

    BONDING WITH SOLENN. Nakapag-bonding din daw sila nang husto roon ng kapwa niya Kapuso na si Solenn Heussaff, na special guest sa programa.

    Kuwento ni Rhian, “It was nice kasi nakapag-perform kami ni Solenn together.

    “At saka nakapag-bonding kami bago mag-start yung gagawin naming project, kasi magkakaroon kami ng movie.

    “So it was just nice kasi ngayon lang talaga kami nagkaroon ng time to spend together.

    “Yung boyfriend ni Solenn, pinipilit mag-Disneyland. Kaso hindi na kami nag-Disneyland, nag-mall na lang kami.”

    CANDY FOR KC. Kasama pala nila ang boyfriend ni Solenn. Siguro, wish din niya na nakasama ang rumored boyfriend niyang si KC Montero kung pupuwede lang?

    “It would be nice!” nangiting sabi ni Rhian.

    “Para travelling together kami Sosyal kasi travelling!” sabay tawa pa niya.

    Ano ang pasalubong niya for KC?

    “Candy!” natawa na naman si Rhian.

    “Kasi favorite niya ‘yon, e—yung candy na Sour Patch Kids.

    “Binilhan ko siya ng malaking bag nun. Gustung-gusto niya ‘yon, e.

    “At saka sapatos. Bago niyang hilig ‘yong sapatos, e.”

    Nakaramdam kaya siya ng inggit na may kasama ni Solenn ang boyfriend nito habang namamasyal nga sila?

    “Hindi, carry lang.

    “And si Solenn, marunong siyang mag-make up. E, kailangan ko ng help. Hindi naman ako matutulungan ni KC!” tawa ulit ni Rhian.

    Dahil sa trip nilang iyon sa Amerika, lalo raw silang naging close ni Solenn as friends. Kaya nga raw excited na siya sa pelikulang nakatakda nilang gawin under GMA Films.

    “Yung working title nung movie, Sosi Problems.

    “Puro kami girls sa cast. Kasama din namin sina Heart Evangelista, Bianca King, at Ruffa Gurierrez.

    “Sobrang sosyal yung role ko dito. Kasi yung character ko, siya yung pinakamayaman sa kanilang magkakaibigan.”

    PERMISSION TO KISS. Ang isa pang project ni Rhian ay ang upcoming fantasy series ng GMA-7 na Indio, kung saan isa siya sa leading ladies ni Senator Bong Revilla.

    “Magkasama na naman kami ni Solenn do’n. So talagang important na we got to bond.

    “Yung character ko sa Indio, hindi tumatanda.


    “So, bata pa lang si Indio, nandun na ako, hanggang sa pag-grow up niya.”

    Okey lang ba sa kanya na magkaroon sila ng kissing scene ni Senator Bong?

    “Carry lang!” nangiting sabi ni Rhian.

    “Basta ano… siguro basta may paalam sa asawa!” sabay tawa na naman niya, na ang tinutukoy ay ang misis ni Senator Bong na si Congresswoman Lani Mercado.

    “Kasi parang mahihiya ako kapag hindi ako nagpaalam.

    “Kasi ano… nagtanda na ako! Na dapat nagpapaalam pala.”

    Ang tinutukoy ni Rhian na “nagtanda na” siya at dapat na nagpapaalam kapag may ganung kissing scene ay ang pagkakaroon nila ng issue dati ni Marian Rivera. Ito ay dahil sa intimate scenes nila ng boyfriend ni Marian na si Dingdong Dantes sa Pinoy remake ng Korean series na Stairway To Heaven.

    “Gusto ko lang, walang problem,” nakangiting pahabol ni Rhian.

    Dapat ba magpapaalam din siya kay KC kapag may gagawin siyang kissing scene?

    “Siguro makukuwento ko lang, pero hindi naman paalam.

    “Alam naman niyang work ito, e.

    “Actually, sa mga artista, kapag ganyang may kissing scene, hindi naman kailangang magpaalam.

    “It’s just to be polite lang.
    “Pero wala namang nagre-require na magpapaalam muna dapat.

    “Kasi kahit naman ako kunwari, may boyfriend ako na artista, tapos may kissing scene siya, hindi naman kailangan na magpaalam.


    “It’s nice lang kapag gano’n.

    “E, si Ms. Lani, hindi naman mukhang kailangan na magpaalam pa sa kanya.

    “Pero I think she would appreciate lang siguro.”

    HAPPY. Matatagalan pa ba na nasa waiting stage si KC? Aabot pa kaya ng Pasko na loveless o wala pa ring boyfriend si Rhian?

    “I don’t know. Happy naman ako sa ngayon.

    “I don’t feel loveless naman, e,” sabay ngiti ng young actress.

    http://www.pep.ph/news/35768/rhian-r...-in-indio-/1/4

  3. #283

  4. #284
    Quote Originally Posted by lady_sujini View Post
    waahh! bet ko yan! nakakaexcite!
    Ui kamusta?

  5. #285
    Quote Originally Posted by rajah_m@ngubat View Post
    Ui kamusta?
    Kapoonan, nabuhay po kayo

  6. #286
    Quote Originally Posted by kamandagan113 View Post
    Ohhhhhhhh, sounds good. Pero sana gastusan rin niya ang acting niya XD. Talaga, just imagine na kung yung execution nga mga wrath ng mga babaylan eh katulad ng kinulam ni Jang-Nok Young si Yeon Woo, pero dapat mas intense!! Sana eh gandahan rin and cinematography ng palabas na ito, isa bagay na inattepmt sa Amaya, pero nagkulang. Ano na ba yung mga naidirek ng supposedly direktor nito? Sana lang talaga...

    Base doon sa lyrics ng kantang ipinost, talagang pagsakop to. Pero anong period? Nung papasimula pa lang o nung nagsettle na yung mga Spaniards dito (heard na isang Kastila si Rhian dito, base diyan, mukhang noong halos ma-Christianized na ang mga Pilipino, nung nagsettle na sila). Tsaka sa Visayas pa rin ba ito o set sa ancient Manila? Sana meron ding mga historical figures dito, pwera kina Magellan at Lapu-lapu XD. Yung mga tulad nila Martin de Goiti, Miguel lopez de Villalobos, yung mga ganun, yung parte talaga sila sa istorya..
    kung historical fiction, kelangan kahit cameo lang parang nung appearance ni Magellan

  7. #287
    Quote Originally Posted by kamandagan113 View Post
    Malay ko lang kung gaano kalaki ang mga kingdoms na yan.
    For Namayan, think upstream Pasig River beyond Liwasang Bonifacio up to Taytay, Rizal. Ganyan daw kalawak ang Namayan noon. Mula sa unang bend ng Pasig River sa Liwasang Bonifacio, sakop niyan ang Quiapo-San Miguel, Sampaloc, Mandaluyong, San Juan, Pasig at Taytay sa North bank ng Pasig River, tapos sa South bank, ang Pandacan, Makati, Malate, Pasay at Pateros (na parte ng Pasig noon). Ang capital ay sa bandang Sta. Ana, particularly sa Lamayan Street tapos sa tapat niya naman ay ang Namayan ngayon sa Mandaluyong. Kung titingnan mo sa mapa, crucial yang parteng yan kasi madali ang access sa San Juan River, Marikina River and Pasig River hanggang Laguna de Bay at halos lahat ng mga nabanggit na lugar ay nasa tabi ng mga ilog na ito.

    Sa downstream Pasig River naman ay ang dalawang kaharian ng Maynila at Tundok (Tondo) na separate pagdating ng mga Kastila pero galing sa iisang dynasty ang mga pinuno. Obviously mas importante sila kesa sa upstream kingdom (Namayan) dahil kontrolado nila ang maritime trade. Maliit lang ang sakop ng Maynila, yong Intramuros ngayon tapos Ermita kasi tinatag lang siya bilang satellite kingdom ng Brunei (Bulnay). Pagdating ng mga Kastila, hinati ang Maynila sa Spanish city (Intramuros) at native city (Bagumbayan o Luneta) tulad ng ginawa sa Cebu. Ang Tundok naman, sakop ang Minundok (Binondo) tapos yong iba pang lugar sa North Bank na hindi sakop ng Namayan.

    Bago itatag ang Maynila (bilang Selurong), Tundok at Namayan lang ang dalawang kaharian sa Metro Manila. Pero noong 900, Tundok lang ang nag-iisang kaharian, at mukhang sakop niya pati ang Laguna (Pulilan) na nakasentro sa Lumban (Lumbang), ang Pila, at ang Binuangan (sa Obando).

  8. #288
    Quote Originally Posted by Simone_Nobili View Post
    For Namayan, think upstream Pasig River beyond Liwasang Bonifacio up to Taytay, Rizal. Ganyan daw kalawak ang Namayan noon. Mula sa unang bend ng Pasig River sa Liwasang Bonifacio, sakop niyan ang Quiapo-San Miguel, Sampaloc, Mandaluyong, San Juan, Pasig at Taytay sa North bank ng Pasig River, tapos sa South bank, ang Pandacan, Makati, Malate, Pasay at Pateros (na parte ng Pasig noon). Ang capital ay sa bandang Sta. Ana, particularly sa Lamayan Street tapos sa tapat niya naman ay ang Namayan ngayon sa Mandaluyong. Kung titingnan mo sa mapa, crucial yang parteng yan kasi madali ang access sa San Juan River, Marikina River and Pasig River hanggang Laguna de Bay at halos lahat ng mga nabanggit na lugar ay nasa tabi ng mga ilog na ito.

    Sa downstream Pasig River naman ay ang dalawang kaharian ng Maynila at Tundok (Tondo) na separate pagdating ng mga Kastila pero galing sa iisang dynasty ang mga pinuno. Obviously mas importante sila kesa sa upstream kingdom (Namayan) dahil kontrolado nila ang maritime trade. Maliit lang ang sakop ng Maynila, yong Intramuros ngayon tapos Ermita kasi tinatag lang siya bilang satellite kingdom ng Brunei (Bulnay). Pagdating ng mga Kastila, hinati ang Maynila sa Spanish city (Intramuros) at native city (Bagumbayan o Luneta) tulad ng ginawa sa Cebu. Ang Tundok naman, sakop ang Minundok (Binondo) tapos yong iba pang lugar sa North Bank na hindi sakop ng Namayan.

    Bago itatag ang Maynila (bilang Selurong), Tundok at Namayan lang ang dalawang kaharian sa Metro Manila. Pero noong 900, Tundok lang ang nag-iisang kaharian, at mukhang sakop niya pati ang Laguna (Pulilan) na nakasentro sa Lumban (Lumbang), ang Pila, at ang Binuangan (sa Obando).
    wow magandang gawing materyal ito for a historical drama. yung setting ng mga kaharian sa metro manila nung sinaunang panahon.

  9. #289
    Quote Originally Posted by kyupayb View Post
    wow magandang gawing materyal ito for a historical drama. yung setting ng mga kaharian sa metro manila nung sinaunang panahon.
    EXACTLY, kaya sugalan naman nila. alam ko dati may nagrequest na ng Kalangitan eh.

  10. #290
    Yung Urduja din, dapat gawin ng GMA. Baka pinapahupa lang kasi nagamit yung Urduja sa isang animation film lately. So mejo papalipasin muna. Pero magandang material ang Urduja.

  11. #291
    Quote Originally Posted by jingdalagan View Post
    Kapoonan, nabuhay po kayo
    Namiss ko kayo Jing hahaha

  12. #292
    Please LIKE the Fanpage of INDIO in FACEBOOK

    Here is the Link :

    http://www.facebook.com/IndioGMA7


    Indio





    Mark Bautista @iammarkbautista
    INDIO theme song recording

  13. #293



    Ruben Marasigan, pep.ph

    May gagawin ding fantasy series sa GMA Network-7 si Senator Bong, ang Indio.

    Banggit ni Senator Ramon Bong Revilla jr., “Mag-i-start ako ng taping sa October 3. Next year ipalalabas ito.

    “Year 1500 magsisimula ang istorya nito so ibang look. At ibang Bong Revilla rin ang aabangan ng televiewers.

    “Dumaan ako sa… nag-workshop ako kay Direk Laurice [Guillen] at kay Pen Medina. Kakaiba yung role ko dito. Abangan n’yo.”

  14. #294
    Rhian Ramos on possible kissing scene with Senator Ramon Bong Revilla jr. in Indio: “Basta ano… siguro basta may paalam sa asawa!” - Ruben Marasigan, pep.ph



    PERMISSION TO KISS. Ang isa pang project ni Rhian ay ang upcoming fantasy series ng GMA Network-7 na Indio, kung saan isa siya sa leading ladies ni Senator Bong Revilla.

    “Magkasama na naman kami ni Solenn Heussaff do’n. So talagang important na we got to bond. Yung character ko sa Indio, hindi tumatanda. So, bata pa lang si Indio, nandun na ako, hanggang sa pag-grow up niya.”

    Okey lang ba sa kanya na magkaroon sila ng kissing scene ni Senator Bong?

    “Carry lang!” nangiting sabi ni Rhian.

    “Basta ano… siguro basta may paalam sa asawa!” sabay tawa na naman niya, na ang tinutukoy ay ang misis ni Senator Bong na si Congresswoman Lani Mercado.

    “Kasi parang mahihiya ako kapag hindi ako nagpaalam. Kasi ano… nagtanda na ako! Na dapat nagpapaalam pala.”

    Ang tinutukoy ni Rhian na “nagtanda na” siya at dapat na nagpapaalam kapag may ganung kissing scene ay ang pagkakaroon nila ng issue dati ni Marian Rivera. Ito ay dahil sa intimate scenes nila ng boyfriend ni Marian na si Dingdong Dantes sa Pinoy remake ng Korean series na Stairway to Heaven.

    “Gusto ko lang, walang problem,” nakangiting pahabol ni Rhian.

    Dapat ba magpapaalam din siya kay KC kapag may gagawin siyang kissing scene?

    “Siguro makukuwento ko lang, pero hindi naman paalam. Alam naman niyang work ito, e. Actually, sa mga artista, kapag ganyang may kissing scene, hindi naman kailangang magpaalam. It’s just to be polite lang.

    “Pero wala namang nagre-require na magpapaalam muna dapat. Kasi kahit naman ako kunwari, may boyfriend ako na artista, tapos may kissing scene siya, hindi naman kailangan na magpaalam.

    “It’s nice lang kapag gano’n. E, si Ms. Lani, hindi naman mukhang kailangan na magpaalam pa sa kanya. Pero I think she would appreciate lang siguro.”

    http://pep.ph/news/35768/rhian-ramos...asawardquo/1/2

  15. #295
    Sila Sid Lucero at Alden Richards ay magsisiganap bilang mga binatang karakter na gagampanan ni Bong Revilla.


  16. #296
    Ryza Cenon on waiting for big break on GMA-7: "Kung ano lang ang ihain sa akin, yun lang ang kakainin ko."


    by Rose Garcia

    PROJECT WITH SENATOR BONG REVILLA. Pagkatapos ng Luna Blanca, makakasama naman si Ryza sa Indio, ang telemovie na pagbibidahan ni Senator Bong Revilla.

    Kuwento ng young actress tungkol sa kanyang role dito, “Kapatid po ako dito ni Jennylyn Mercado. Nandoon po kami sa part ng mga Kastila.

    “Ang makaka-loveteam ko po, parang sa story po, si Rocco Nacino.

    "Kasi may gusto siya kay Jennylyn, ako naman po may gusto kay Rocco.

    “So, doon po magkakaroon ng conflict. So, baka maging masama din ako rito.

    "Kasi, base sa karakter ni Jen, kahit siya ang may-ari ng bahay, siya ang kawawa.

    “Pero alam ko po, next year pa yata eere kahit mag-start na rin kami ng taping.

    "Kasi po, gusto raw ni Senator Bong na pagandahin talaga ang pagkaka-edit.”

    Isa rin kasing fantaserye ang Indio na mangangailangan ng special effects.

    http://www.pep.ph/news/35481/ryza-ce...akainin-ko/1/2

  17. #297
    Suzette Doctolero: Gusto ko lang ipagmalaki ang isa sa theme song ng INDIO. Nandito ang awit/lyrics na ginawa ng isang brilliant pinoy poet. Gusto ko lang mangiliti sa lalamanin ng kwento, at ito ay nacapture ng buong husay ng tula:

    MAY LAYA
    ni Vim Nadera

    1. Hangin, halina upang tumawid
    Ako’t irog ko sa himpapawid.
    Ibig ko munang iwan ang putik
    Upang sumakay saglit sa langit.

    2. Magsusumbong din kami sa laot
    Tungkol sa dayong biglang nanakop.
    Baka sa sulok ng mga sulok
    Matagpuan ko ang aming diyos.

    KORO 1:
    Mahal, alaga
    Mahalaga ngang
    Maging may laya,
    Maging... Diwata!

    3. Bakit ang lupa ay dapat kunin
    Mula sa amin ng kanluranin?
    Di pa ba sapat ang pakainin
    At painumin ng dugo namin?

    4. Kailangan bang buwis ang buhay?
    Akala ko ba wagas ang pakay?
    Ano at tangay ang kayamanang
    Likas at likha ng kapwa-mortal?

    KORO 2:
    Mahal, alaga
    Mahalaga ngang
    Maging may laya,
    Maging...Timawa!

    5. O, kalayaan na pag-aari!
    Di kami payag mawala muli.
    Mula sa hari’t reyna kunwari
    Pipilitin kong ika’y mabawi.

    6. Bunso’t panganay, samahan ako
    Iyong saksihan ang pagbabago.
    Handog ko ito at ng inay mo
    Para sa iyo, para sa inyo!

    KORO 3:
    Mahal, alaga
    Mahalaga ngang
    Maging may laya,
    Maging... Malaya!

    JANUARY 2013! Ilang buwan na lang!

  18. #298
    TO DO INDIO SOON (Rose Garcia, pep.ph)



    At ngayong active siyang muli, hindi lang Faithfully ang project ni Maxene Magalona sa Kapuso GMA Network. Naghihintay na ring simulan ang Indio, na pagbibidahan ni Senator Ramon Bong Revilla jr..

    Nag-story conference na nga sila kamakailan at kilala na niya ang iba pang kasama rito.

    “Ang partner niya, sina Jennylyn Mercado at Rhian Ramos. Pero ako rin, magiging leading lady niya. Pero sa simula lang ako. Ako yung parang true love niya.”

    Nitong Oktubre na raw ang simula ng taping nila, pero sa isang taon pa ang airing.

    “Malaking-malaking production, super!” excited na sabi ni Maxene.

    Hindi naman apektado si Maxene sa bali-balitang second choice lang siya para sa role niya sa Indio. Kay Sunshine Cruz daw unang inalok ang role.

    “Ako naman, kahit second choice, walang problema sa akin. As long as sa akin napunta, it means, para sa akin talaga. At saka, hindi ko na rin naman inaalam kung may iba silang choice.” ☺

  19. #299
    Kasama pala si Sid Lucero sa Indio at ang role ay young Bong Revilla. Kahit sandali lang ang labas, masaya si Sid na mapasama sa bigating soap. Ayaw magkuwento ng head writer na si Suzette Doctolero sa istorya at role ng maraming karakter, basta maganda raw ang first soap ni Bong at malaki agad.

    Source: http://www.philstar.com/Article.aspx...bCategoryId=96



  20. #300
    Kasama rin sa cast sina Agot Isidro at Sarah Lahbati.

    Tatlo ang magiging leading ladies ni Senator Ramon Bong Revilla jr. sa upcoming GMA Network-7 epic series na Indio—sina Jennylyn Mercado, Rhian Ramos, at Maxene Magalona. -pep.ph




    Agot Isidro at Sarah Lahbati.

Page 15 of 205 FirstFirst ... 5 14 15 16 25 65 115 ... LastLast

Tags for this Thread

Posting Permissions

  • You may not post new threads
  • You may not post replies
  • You may not post attachments
  • You may not edit your posts
  •  

Hot Topics

GILAS:

Gilas Pilipinas flies to Miami for an intensive two-week training camp

Gilas Pilipinas flies to Miami for an intensive two-week training camp

read more
PBB:

Jane Oineza celebrates 18th Birthday in the Big Brother House

Jane Oineza celebrates 18th Birthday in the Big Brother House

read more
SHOWBIZ:

Aljur Abrenica seeks release from GMA-7

Aljur Abrenica seeks release from GMA-7

read more
CHIT CHAT:

What are the events that made you appreciate PinoyExchange even more?

What are the events that made you appreciate PinoyExchange even more?

read more
SPORTS:

Sharapova, Murray, set to play in Manila leg of the International Premier Tennis League tournament

Sharapova, Murray, set to play in Manila leg of the International Premier Tennis League tournament

read more
UAAP:

DLSU Green Archers notch first win of the season with 57-55 win over NU Bulldogs

DLSU Green Archers notch first win of the season with 57-55 win over NU Bulldogs

read more