meron ba? share naman kayo guys!![]()

Alaska beat Ginebra 104-80 in game 3, sweeping the series and bagging the Commissioner's Cup title.
read more
Summer seems to be ending, but the feeling doesn't have to end. Check out this list for awesome road-trip getaways!
read more
The NU Lady Bulldogs outlast the AdU Lady Falcons in 4 sets, taking their first trip to the Shakey's V-league finals.
read more
Guess the theme! Have you seen Twilight, Sister Act and these other movies? Share your thoughts and reviews in here!
read more
meron ba? share naman kayo guys!![]()
Sa Educ. bldg. ewan ko ba,parang may kakaiba kapag dumadaan ako dun.
ang alam ko sa Educ Building, maraming kwento.
Pati sa may Executive Offices/URO area.
^ yun ba yung marami daw nagtatakbuhan na mga pusa sa fifth floor sa educ?
Hindi ko lang gusto yung amoy sa educ.
^Iniiwasan ko talagang dumaan diyan sa 5th floor ng educ. kapag naamoy ko na medyo di na maganda ang amoy bumababa na ako sa 3rd floor tapos dun na lang ako dadaan.
May na-kwento nga pala yung kaklase ko sa akin may kakilala kasi siya dating nag tatrabahong Pinlan sa UE (kapitbahay nila).Sabi daw nung Pinlan na kakilala niya sa cr daw ng POD-CIT dun sa malapit sa Post-Grad clinic meron din daw nag paparamdam dun.Isang beses daw kasi nag lilinis daw yung Pinlan ng bigla daw namatay yung mga ilaw pag bukas daw nung ilaw ang dumi na daw ulit nung cr may mga bakas daw ng paa![]()
nag cr ako dyan kanina hehe
may naramdaman din ako dyan nung nag cr ako nakatalikod kase ako nun tapos parang dumilim ng konte sa likod parang may anino tas bumigat pakiramdam ko, pero hindi ko na pinansin mga six na ng hapon yun .
Palagi pa naman diyan nagpapalit ng pang PE sa CR tabi ng Post grad clinic pero tanghali un hahahaha.
Pag ginabi ako itatry ko dumaan sa 5th floor educ building hahaha
Sa SFC Building dun banda sa EV Rooms, merong "Junjun" dun.
Meron na bang nagtangka dito na umakyat sa 4th floor ng SFC Building pag gabi???
Ni-try namin dati umakyat dyan mga 7pm, hanggang stairs lang kami! Hahandi namin kinaya tumuloy sobrang dilim e tsaka ang creepy na sa stairs pa lang.
Sino yang si "JunJun?" ate kamote? Batang multo ba yan na nagpaparamdam?![]()
^ yep batang multo nga sya. He usually plays in EV rooms.Harmless naman.
post ko lang from LGS hehe
LGS STORY OF THE WEEK: Ang marka from Enzo*
isa sa mga mesa ng library 2nd floor UE-Manila ang hinding hindi ko mkakalimutan. isang mesang tulad ng iba na punong puno ng vandal ng kabastusan, mga guhit na nagpapakita ng iba't ibang kalokohan at mga cp# na ang hanap ay kasarapan.
ang pagkakaiba lang ng mesang ito ay ang pulang markang trayanggulo na madalas makita sa kung saan saan. isang markang napapakita ng isang samahan. isang samahang punong puno ng katanungan.
Enero nang mangyari ito. sa aking pagbabasa ng mga nkasulat sa sinasabi kong mesa, bigla akong nanlamig. Alam mo yung pakiramdam na nag-eenjoy ka sa mga nababasa mo and then maya maya tila may kukurot *** na magiging dahilan ng iyong pagiging sensitibo sa mga bagay na nkapaligid ***? Noong mga panahong iyun, bigla akong natakot. mas natakot pa ako ng pagtingin ko sa upuang inuupuan ko'y may isa pang nkaupo na parang usok lang kung iyong uusisain dahil tagustagusan sya'ng nkaupo sa upuang inuupuan mo. wala akong magawa kundi matulala... tulala habang pinagmamasdan ang kamay nitong ginuguhit ang pulang markang trayanggulo. pagkatapos nun, naging magulo na ang nangyari sa kin. di ko maipaliwanag, basta ginising na lang ako ni kuya guard dahil bawal daw matulog sa lugar na yun. pero sa pagkakaalala ko'y hindi naman ako nakatulog. sadyang tulala lang ako. ewan. ang gulo