Sharon Cuneta, dapat nang iwasang kantiin si Piolo Pascual
Monday, April 30, 2012
NGAYONG MAGSISIMULA na ang unang programa ni Sharon Cuneta sa TV5, mahihinto na rin ang pang-iintriga sa kanya, na diumano’y wala siyang pinagkakaabalahan sa showbiz, kaya nakahumalingan niyang patulan ang mga kakontra niya sa Twitter. Pero s totoo lang, tsikadora ang Megastar, kaya hindi mo maiaalis sa kanya ang magkuwento kaya sa pamamagitan ng kanyang Twitter account, mayroon siyang mga makakabangga.
Kapag nagsimula si Sharon na harapin ang kanyang mga isyu, tinatapos naman niya iyon, para nga hindi na paulit-ulit ang pag-atake sa kanya ng mga intriga. Kaya lang, isa sa mga ikinalulungkot ng Megastar na patuloy na ibinibintang sa kanya, ay ‘yung nakakainis daw na tsismis, na diumano’y anak ni Senator Francis “Kiko” Pangilinan sa ibang babae ang batang lalaki na kanyang inampon, at iyon daw ay tinanggap ng mommy ni KC Concepcion, para hindi na lang diumano maulit pa na maranasan niyang muli ang makipaghiwalay sa asawa, katulad ng sinapit nila noon ni Gabby Concepcion.
Importanteng artista sa showbiz si Sharon. Maraming nagmamahal sa kanya, kaya opinyon ng mga nagmamalasakit kay Shawie, isa raw sa dapat na rin niyang iwasan ay ang medyo magkaroon pa siya ng maanghang at pahapyaw na pagkanti kay Piolo Pascual, dahil katulad niya, si Piolo rin ay walang ipinakisamang masama sa mga taga-showbiz, kaya maraming nagmamahal at nagtatanggol sa binata kapag mayroong tumitira sa guwapong aktor. Alam na ngayon ng Megastar, dahil naranasan na niyang kantiin din siya ng mga taong palihim na nagtatanggol sa ex-boyfriend ni KC.
ChorBA!
by Melchor Bautista
http://www.pinoyparazzi.com/sharon-c...piolo-pascual/










Reply With Quote


5 na tulog nalang mga kapatid! its "Sharon Day" na =) @SharonKasamaMo #SharonOnTV5





















