Phil. Entertainment Portal, February 28, 2012
photo by Noel Orsal
Sarah Lahbati likes to compete with herself; not in a hurry to fall in love
by Rommel Gonzales
[snip]
WHAT NEXT? Napuri nga siya ng director nilang si Ricky Davao dahil sa malaking improvement niya sa acting.
Ano ang reaksiyon niya rito?
"Wow! Ano po, e, yung mabigyan po ng isang show 'tapos title role, kailangan ko talagang ibigay yung best ko.
"Napakaraming may gusto na nasa posisyon ko ngayon and matagal ko itong pinangarap, so alam ninyo po 'yun?
"'Pag may matagal kang gusto, 'tapos nasa 'yo, bibitawan mo pa ba?
"Lahat po talaga ng best ko, ibinigay ko dito sa Kokak."
NEXT IN LINE. Sa pag-alis ni Iza Calzado sa GMA-7, ang obserbasyon ng iba ay silang mga "next in line" ay mas nagkaroon ng tsansa na maging reyna ng Kapuso network at magbida sa mga soaps. Na mas "lumuwag" ang kumpetisyon.
"Reyna talaga? Wow!" natatawang reaksiyon ni Sarah.
"Well, for me po, ayoko talagang isipin na competition ito dahil it's a wrong way to ano...
"Kumbaga, kung ipapasok ko 'yun sa mind ko, iba yung magiging strategy ko kumbaga sa mga gagawin ko sa showbiz.
"So, iniisip ko na lang, ako lang yung kalaban ko dito.
"Kung paano ko ba gagalingan sa craft ko at saka kung paano ba ako magiging mas mabuting actress, singer, so ayun po.
"Ako lang ang kakumpitensiya ko."
Dagdag pa ni Sarah, "Kinakabahan ako 'pag naririnig ko yung mga ganu'n na reyna at prinsesa.
"Basta ako po, para sa akin, ang laging focus ko lang ay paano maging mas maayos na Sarah Lahbati, kung paano ba mas mag-i-improve dahil ayokong ma-stuck lang sa isang level na diyan lang ako.
"Gusto ko laging maging mas better."
Ayon kay Sarah, if ever daw na mabigyan siya ng project na hindi siya ang bida, okay lang sa kanya kahit nagbida na siya sa Kokak.
"It's not about how big your role is, it's about how you give justice to your role and how you work hard or how you... 'yun nga po, kung paano mo ba ipapakita na talagang seryoso ka sa ginagawa mo. Iyon po."
[snip]