nice input majime. yung iba kasi naloko na nagbibigay pa ng tip. kaya no comment na lang ako kay ate.

Summer seems to be ending, but the feeling doesn't have to end. Check out this list for awesome road-trip getaways!
read more
Twelve of the best brains across Asia compete to be hired in the ultimate job interview in The Apprentice Asia
read more
The NU Lady Bulldogs outlast the AdU Lady Falcons in 4 sets, taking their first trip to the Shakey's V-league finals.
read more
Guess the theme! Have you seen Twilight, Sister Act and these other movies? Share your thoughts and reviews in here!
read more
nice input majime. yung iba kasi naloko na nagbibigay pa ng tip. kaya no comment na lang ako kay ate.
this is my suggestion:
habang nakikipagbargain ka sa pamasahe, i-record mo sa cellphone ang pinag-uusapan nyo (xempre patago).
and then played it kapag bababa ka na at naniningil na ang mga hinayupak na yan. with that mapapatunayan mo talaga na iniisahan ka lang niya...
this happened to me 3 weeks ago.
at mag isa lang ako. di ko na afford mag cab haha
sabi nya P20, e nahilig ako tumawad sa 168.
sabi ko P17 nalang haha.
ok daw. e first time ko sa divi, so matanong ako kung saan ba sasakay.
tapos pi-nark nya sa place na onti ang tao, vendor lang ata.
sabi nya lakadin ko nalang may sakayan na.
tapos pag abot ko ng P17, sabi ba naman "kulang yan! P140 special trip pag mag isa."
ay sos. takot ako kay manong sabi ko wala na ko pera.
usap usap.
ask nya kung magkano ba pera ko, sabi ko mag jeep pa ko so 30 lang nabigay ko.
e ayaw gawan ko daw ng paraan. sabi ko wala with matching super sad face, ayun naawa. pumayag
basta. for me no more padyak! hehe jokes
Last edited by rocketloo; Apr 27, 2012 at 01:32 AM.
Yung mga tamad lang sumakay sa de padyak. Wag yung tamad na tanga pa.
haha ouch naman
di ka pa ba nakakasakay sa de padyak sa buong buhay mo![]()
Umiinit usapan dito.
BTW, nangyari na yan sa kumare ng nanay ko na may tindahan si tita Madel(na madalas ko ring utangan ng load). Namili siya ng paninda sa divi, siyempre andami nun, 2 plastic bag na malaki. May manong na nag-alok ng sakay papuntang LRT, sabi niya 40(kuliglig yun baka sabihin niyo taxi). Eh di pumayag si tita Madel. Pagdating ng Recto, binigyan niya ng 40, nagalit si manong 240 daw sabi niya. Sa takot ni tita binigay niya na lang kasi mukhang marami sila dun.
Nakakabadtrip yung mga ganyan, putik di kayo aasenso kung nanglalamang kayo ng kapwa niyo.
sa ganyang sitwasyon i don't know kung makokontrol ko sarili ko, mas ok pa yung bayad agad pagsakay parang sa jeep.
nangyari na sakin sa jeep byaheng Guadalupe nasa harapan pako syempre bayad agad kasi set up pa ako ng sounds pababa nako tawiran hindi pa daw ako bayad nasigawan ko ano ako **** pinakita ko pera ko magkano boundary mo sabay nabulong umalis din.
umagang high blood dapat yan may mga kill button.
sa Baclaran din ingat kayo.
holy week pa naman kasama ko mother ko first time in my life mag-bisita iglesia last stop namin Baclaran church.
pinalapit ng pari ang mga tao sa altar for blessing ata yun, wala sa isip ko na may tirador sa loob ng simbahan.
may babaeng pinipilit sumingit sa pagitan namin ng mother ko hawak ko mother ko both sa balikat nya, pinasingit ko kasi nga siksikan wala sa isip ko na may mandurukot, paglabas ng church nakuha *** P500 sa bulsa buti may pera pa sa kabila pamasahe pauwi.
even in Buendia (Gil Puyat) sa baba ng LRT may mga sumasabay para makadukot ingat din.
ganito din ang modus operandi dati ng mga pedicab driver sa intramuros lalo na sa ming mga taga-mapua. ewan ko lang ngayon may signage na kasi from intramuros admin o sa city hall siguro yon kung magkano ang singil.
minsan naisahan na din kami nito kaso ibang case naman. naghihintay kami ng cab malapit sa bayleaf sabi mas marami daw ang cab sa may plm. ipagpapara pa daw kami. langya mas mahirap sumakay dun at sumibat agad matapos kaming ibaba.
inisip ko na lang. mamatay na mahirap tong mga to![]()
meron akong nabasa sa BUS naman na nagkakaroon din ng Modus Operandi. about sa pamasahe naman yun bang wala daw kunwaring panukli at sasabihin mamaya na ang sukli hanggang sa makababa ka na eh? ibibahin yung pera na inabot mo sasabihin wala pa siyang inaabot o kaya eh? hindi naman yun ang inabot minsan kasama pa ang konduktor at isang guy na kunwari eh? witness na nakakita ng inabot mo.
kaya pag sasakay siguradohin na meron kang exact na pamasahe lamang
hmmm... pedi cab driver na nang gagantso tapos di niyo binabalikan? hindi naman siguro mahirap hanapin yan kung gusto mo.
ang pinoy nga naman talaga... lokohin mo kahit paulit ulit palalampasin na lang... tsk tsk.. sabagay... kung mga pulitiko o nakapwesto na nangungurakot pinapalusot... pedi cab driver pa kaya.. this society and culture is so used to being cheated on that they tend to ignore that those loses tend to accumulate over time. kung may sampu silang naloko sa isang araw na iyon... mantakin mo kung gaano kalaki yung kinita nila.
marami talagang oportunista na mga driver. taxi naman ako nabiktima.. nakipag away ako don sa Taxi na nasakyan ko sa MIA Road. 2x ba naman makasingil ng taxi sasabihin Airport taxi sila pero nagsasakay ng mga hindi naman balikbayan.. sabi ko di ako balikbayan at kukunin ko ang plate number niya i-rereport ko ayun natakot... pare-parehong Pilipino niloloko nila ano pa kaya mga tourist na sumasakay sa taxi niya from airport.
Dati malakas ulan na kahit magpayong eh mababasa ka pa din. Tinanong ko nalang kung magkano tawid papunta Legarda sa padyak drayber. Php 40 daw. Tatawid lang, 40. Asa naman ang loko, kala nya papatusin ko yun.![]()
kaya hindi umasenso sa buhay yang mga padyakers na yan.puro pangloloko kasi sila sa kapwa nila.![]()
di ba kaya namimili sa divisoria ang karamihan sa atin para makatipid? Bat pa kailangan magpedicab kung pwede naman magjeep? Nasan ang pagtitipid dun?![]()
Agila napadaan lang ako dito at tama ang hula ko..!may mga buwitre dito sa pex may binibiktima na naman..hehehe si papi, si purple, at mga lookalike at copycats..anaks hindi pa ren nagbabago dito? puro grammatical errors, commas, periods, etc..kaya tignan ninyo yung mga matitino umalis na dito..![]()
Grabe TS binigyan mo pa ng tip
Kung ako yun at wala namang back-up si manong ibibigay ko yung 20 petot tapos sabay walk-out. Kapag inambahan ako i-flying knee kick ko siya sa mukha. Kapag hindi pa rin bukagsak, isang hook o straight right sa mukha. Kapag bumagsak na, ieelbow drop ko pa hehe
I-fi feature ang kwento ng madadayang padyak sa divisoria sa ted Failon this Saturday.
they had a segment on that program "XXX" with julius babao on monday.
every single undercover agent they used were all duped into paying the few hundred for the ride from divisoria to the lrt station. eventually they were removed from the area since none had any type of license and they're practically robbing people.
my gf and i too were victims of their M.O. last year.
we were christmas shopping and all the jeeps were full and had long lines so we opted to ride on the motorized ones.
here's what happened
-driver says 20 for both of us for the ride to the station and we agree.
-we drive off and at the first stoplight, which was about a few yards, a man and a small child hops on the back of the driver.
-get near the station, man who hopped in walks towards us and demanded the sum of 220 for the ride.
-we tried to talk to the man who drove, but he was silent and other guy was doing the talking.
-i just handed a 50 and we walked off. man was mad and yelled for us to return.
kinda of a dumb move since those things will stab you for a peso.
^ daig mo pa ang nag taxi, karimarimarim.