PEx Highlights

Ben Affleck's toughest challenge in "Gone Girl"

From the bestsellers' shelves, "Gone Girl" reveals the real Mr. and Mrs. Dunne as they go through the motion of making their marriage work.

read more

PHOTOS: Ateneo Stuns FEU with Comeback Win

The Ateneo Blue Eagles overcame a 19-point deficit in the fourth quarter against the FEU Tamaraws, securing a 68-64 victory and the top seed in the Final Four.

read more

2014 UAAP Cheerdance Competition Preview

Will the NU Cheer Squadron retain or will we see a new cheer champion? Check out our primer for the upcoming UAAP Cheerdance Competition!

read more

PROMO: Rurouni Kenshin: The Legend Ends

Get a chance to win advance screening tickets to The Maze Runner!

read more

PHOTOS: NU Retains Cheerdance Championship

Got the Cheerdance Competition hangover? Relive the highlights from our photo gallery here!

read more

MOVIE REVIEW: The Maze Runner

The Maze Runner is a gripping and intense post-apocalyptic rollercoaster.

read more

Page 70 of 251 FirstFirst ... 20 60 69 70 71 80 120 170 ... LastLast
Results 1,381 to 1,400 of 5014
  1. #1381
    Quote Originally Posted by screwpin2 View Post
    weeeeeeeee... thanks sa pag share ng mga pics!!!
    danda talaga ang Dyosa ng kagandahan . MARIAN RIVERA!
    kung sa drawing, para siya na create ng isang artist with digital manipulation....talagang napaka mind boggling ang beauty..minsan makapag-isip ka talaga

  2. #1382
    Dingdong Dantes surprised at how Marian Rivera has adjusted to her character in My Beloved

    ADJUSTMENT PERIOD. May pagmamalaki sa boses ni Dingdong nang ikuwento nito sa PEP na hindi nahirapang mag-adjust ang kasintahan niyang si Marian Rivera sa kanyang character sa My Beloved.

    Halos isang taon kasing ginampanan ni Marian ang role niya sa epic-serye na Amaya. At ilang linggo lamang nagpahinga ang aktres bago niya sinimulan ang My Beloved.

    Kuwento ni Dingdong, "You'll think na after a long time na nagsama kami, bago, maninibago kami sa unang salang.

    "Pero surprising, hindi talaga. It only took a scene for us to adjust.

    "And that scene, hindi pa ako kasama.

    "Ganoon talaga siya kabilis na mag-adjust sa character niya.

    "At sobrang saya ko na nabigyan kami ng pagkakataon na magkasama ulit."

    Nabanggit din ni Dingdong na marami-rami na ring mga eksena ang nakuhanan nila noon ni Rhian Ramos, na siyang dapat leading lady niya sa My Beloved.

    Pero pinalitan nga si Rhian ni Marian dahil sa kinahaharap na kontrobersiya ng una.

    Dahil dito, kinunan muli ang mga nasabing eksena na si Marian na ang kaeksena ni Dingdong.

    May adjustment o pagkakaiba ba sa atake niya sa pag-arte kasama ang magkaibang kapareha sa parehong eksena?

    Ayon kay Dingdong, "Ang daming adjustment din, especially pagdating din sa execution ng director.

    "Kasi, nag-usap nga kami ni Direk [Dominic Zapata]. Sabi namin, siyempre kapag na-shoot mo ang isang bagay, nandoon kaagad ang magic.

    "But of course, if you will repeat the same thing, you cannot get the same impact na nakuha mo sa una.

    "So, we had to really approach it in a different way. In a manner na mas Dong-Yan talaga."

    WHAT'S NEW? Napakarami nang pinagsamahang serye at pelikula sina Dingdong at Marian. Ano ang masasabi ng aktor na kaibahan sa pagtatambal nilang muli rito sa My Beloved?

    "Malaking pagkakaiba siya dahil siguro, especially kay Marian, ang huling nakita natin sa kanya ay sa Amaya. So, very fresh pa rin sa atin ang kanyang character.

    "So, the fact siguro that she can be able to pull off a different character, na hindi mo maiisip na may bakas ng pagka-Amaya, malaking challenge para sa kanya.

    "At siguro, maa-appreciate ng tao yun dahil ibang tao ang nakikita nila," sagot ng aktor.

    Kumusta ang team-up at chemistry nila sa pagkakataong ito?

    "Sa team-up at chemistry namin, mas magiging malaro ako sa pagkakataong ito dahil nga sa dual role.

    "Kumbaga, magkakaroon ng time na medyo ako yung may weird na pagkatao.

    "Dati, palaging ako ang straight, palaging ako ang nagdadala sa tamang direction.

    "Ngayon, ako ang tipong iga-guide nila dahil ako yung hindi normal."

    May pressure ba sa pagsasama nilang muli ngayon ni Marian sa My Beloved, na kailangang mapantayan o mahigitan nila ang ratings ng mga nauna nilang teleserye?

    Sagot ni Dingdong, "Yes, may pressure, but yung pressure is really more sa amin.

    "Kasi, parang imbes na... siyempre, gusto nating lahat mag-rate. Pero ang gusto natin, na kapag pinapanood natin at habang ginagawa namin, masaya kami.

    "At yun ang nangyayari kasi nae-excite kami sa bawat taping namin.

    "Tuwing papunta na ako, papunta siya, kung minsan sabay kaming nakakarating.

    "Sinasabi namin sa isa't isa na, 'Wow, sobrang excited akong makatrabaho ka every day.' So, that must be something.

    "We're inspired doon sa kagandahan ng material."

  3. #1383


    Dingdong Dantes still undecided where to take Marian Rivera on Valentine's day; admits to eyeing a special gift for her

    Si Dingdong Dantes ang isa sa special guests sa Valentine concert nina Ogie Alcasid at Regine Velasquez-Alcasid sa Araneta Coliseum.

    Ito rin ang mabigat na dahilan kung bakit wala pang desisyon ang aktor para sa pagse-celebrate ng Valentine nila ng kasintahang Marian Rivera.

    Ayon kay Dingdong, "I will be at Kuya Ogie and Ate Regine's concert. Pagkatapos noon, hindi ko pa alam, e.

    "Pero after no'n, magkikita kami. So, bahala na kung saan kami mapupunta."

    Hirit namin kay Dingdong, tila nauna na ang Valentine's date nila ni Marian dahil nagpunta ang magkasintahan sa Sonya's Garden sa Tagaytay noong Linggo, February 5.

    Natatawang paliwanag ni Dingdong, "Noong Sunday na yun, nagkataon na wala akong Party Pilipinas.

    "At yung diet, medyo nag-break noong weekend na yun.

    "Kaya sabi ko, gusto ko talagang mag-relax. Kahit yung phone ko nga, hindi ko masyadong pinansin noong araw na yun.

    "I just wanted to drive na malayo. Kasama siya [Marian].

    "Kaming dalawa lang at nagkataon na yun ang kinahantungan namin.

    "That's one of our favorite restaurants."

    Hindi ba yun advanced Valentine's date nila ni Marian?

    "Hindi, e, lunch yun.

    "Para sa akin, every day is Valentine's day naman.

    "Kahit sa set, magkasama lang kami, Valentine's date na rin yun."

    Hindi na bago kina Dingdong at Marian ang magpadaigan pagdating sa pagbibigay ng regalo sa isa't isa.

    Sa nalalapit na Valentine's day, tila nadaig ni Dingdong si Marian dahil mayroon na siyang regalo para sa kasintahan at sa February 14, Martes, daw niya ito mismo ibibigay.

    Nabili na ba niya ang regalong ito kay Marian?

    "Hindi pa, nandoon lang sa tabi-tabi. Nakita ko do'n. Sana hindi mawala!" natatawang sabi ni Dingdong.

    MY BELOVED. Sa presentation ng cast members ng My Beloved kagabi, February 7, ay ipinakilala ni Dingdong si Marian bilang "my beloved."

    Sa dami na ng pinagsamahan nilang proyekto at sa tagal na nilang magkarelasyon, tila ang hinihintay na lamang ng lahat ay kasal.

    Sabi naman ni Dingdong tungkol dito, "Alam n'yo, sa totoo lang, parang ayoko nang humiling pa ng iba sa dami ng kagandahang nangyayari sa amin.

    "I'd like to really take things one step at a time.

    "Para sa amin, isang malaking biyaya na napagsama kami ng ganito kaaga sa taping.

    "So, we really have to be grateful for that first and we'll see what will happen next.

    "Kasi ang importante, we remain strong.

    "Yung relationship namin ay mas tumatatag at ang respeto namin sa isa't isa ay palaging nandoon."

  4. #1384

  5. #1385

  6. #1386

  7. #1387
    My Beloved ad sa Pep


  8. #1388
    hi Team marian, pls add me

    ana from england thank you

  9. #1389

  10. #1390
    anadennis, added na



    TEAM MARIAN LIST




    Quote this post to add/find your name then birthday, and location. Optional yung last 2 of course but it be would nice to greet you on your birthday. TEAM MARIAN is also our own little community

  11. #1391
    HELLO...TEAM MARIAN....ano kaya oras ang my beloved sana naman mas una sa mga show na mga mangga....ms.dexie kailan uli tayo palit na oras...

  12. #1392
    nyt Team Marian! Thanks sa walang sawang pag up date bout Marian!

  13. #1393
    "∞" DY "∞" LorenaE0212's Avatar
    Join Date
    Aug 2011
    Location
    Milan, Italy
    Quote Originally Posted by FeistyMomma View Post
    http://c0014169.r32.cf1.rackcdn.com/x2_ad50afa

    OMGGGGGGGGGGGGGG........

    Team Marian



    Graviness talaga ang kaseksihan ni Marian grabeeee!!

  14. #1394
    Hello! Team Marian hindi ako makahinga sa dami ng pics. ni Marian suabe talaga sa kagandahan.

  15. #1395
    jopen, Lorena

    ------

  16. #1396
    SEEN: Atkins Diet at regular workout sa gym ang sikreto ng mabilis na pagpayat ni Dingdong Dantes.

    Tumulong si Marian Rivera sa paghahanda ng diet food ng kanyang boyfriend at leading man sa My Beloved.

    -----------------
    DINGDONG HOOKED ON MARIAN'S COOKING
    Written by : Mario Bautista

    MARIAN Rivera looked radiant in her revealing red and black outfit at the launch of “My Beloved.” “This was designed by Pam Quinones,” she says. “Sexy ba?”

    We tell her yes and she looks like she’s seducing Dingdong Dantes. “Naku, hindi na kailangan. Hooked na siya sa pagluluto ko. He needs special dishes kasi to maintain his physique and I cook only vegetables and fish dishes for him. Sarap na sarap siya.”

    How’s it to be reunited with him? “Masarap talaga ang pakiramdam kapag kami ang magkasama sa trabaho. But all of us sa set, masaya lagi. Ang mga kasama ko, sina Katrina Halili and Jennica Garcia, mga nakasama ko na before, so magaan ang trabaho. Si Katrina, nakakatawa, the last time we worked together was in ‘Marimar’ pa five years ago. Ngayon, may eksenang aawayin niya ako, sabi sa ’kin, ‘Ianne, anong gagawin ko?’ Sabi ko naman, ‘Ay bakla, sabunutan mo ko.’ Eh, kulang, so sabi ko, ‘More pa.’ Tawa kami ng tawa sa set. Also, my role here is lighter compared to ‘Amaya’ na ang lalalim pa ng Tagalog sa lines ko at maraming physical scenes. Dito, I play Sharina. Sister ko si Jennica at lumaki kami sa aunt namin, si Chanda Romero, na inaapi kami. Ilang beses na ako dapat mamatay, pero nabibigo 'yung sundo ko, si Dingdong nga who plays Arlan. Wala silang feelings pero dahil hinalikan ko nang sunduin niya ako, na-in love siya sa ’kin at pinarusahan siya. Ginawa siyang tao. We meet again with him as Benjie, a bad guy working with Paolo Contis na magnanakaw. As Benjie, girlfriend niya si Katrina, pero na-in love siya sa ’kin. Nandun ang conflict.”

    Who does Dong look when he has long hair? “Si Orlando Bloom as Legolas, di ba? Naku, maraming ibang mai-in love sa kanya rito.”

    *great minds think alike*

  17. #1397
    Written by : Noel Asiñas

    SA launching ng My Beloved, na balik-tamba-lan sa TV nina Dingdong Dantes at Marian Rivera, nabanggit ni Dingdong na malaki na ang ipinagbago ni Ma-rian sa pakikitungo nito sa mga taong nakapali-gid sa kanya.

    Lalo sa production people ng My Beloved, dahil laging matulungin na raw sa iba ang girlfriend.

    “Pati nga ako, nagugulat sa malaking pagbabagong ito ni Marian. Na-feel ko rin sa kanya ito. Ibang-iba na siya ngayon kaya lalo mong mamahalin,” kuwento ni Dingdong.

    Naniniwala rin si Dingdong na very timely ang pagpa-partner nila ulit ni Marian sa My Beloved dahil bagay na bagay daw sa kanila ang role.

  18. #1398
    Written by : Nitz Miralles (Journal)

    Maganda ang color coordination ng damit ng cast ng My Beloved dahil according sa role na ginagampanan nila.

    Naka-white ang mababait ang role, gray ang suot ng between mabait at masama, si Marian Rivera lang ang naka-red, black ang kontrabida at ’yun ang kulay ng damit ni Katrina Halili.

    Reunion nina Katrina at Marian ang My Beloved at masayang ikinuwento ng una na mas okey ang pagsasama nila ngayon.

    Sa Marimar, nag-uusap lang sila sa eksena nila, pero ngayon, nagbabatian at nag-uusap na.

    “Friends na friends na kami ngayon at wala nang makakasira sa friendship namin,” masayang sabi ni Katrina.

    Nilinaw pala ni Katrina ang tsikang nagbenta siya ng lupa sa El Nido, Palawan. Hindi raw totoo ’yun at never niyang ibebenta ang lupa niya dahil tumataas ang presyo at dito niya gustong tumira ’pag wala na siya sa showbiz.

  19. #1399
    Written by : Jun Nardo (Journal)

    NAGTAPON ng ilang milyong piso ang GMA Network sa unang episodes ng My Beloved na tineyp ni Rhian Ramos.

    Sa pagpalit ni Marian Rivera kay Rhian, totally bago ang mga eksenang kinunan upang umakma sa Primetime Queen ang role.

    Nadagdagan pa ng ilang milyon ang gastos sa MB na mapapanood sa February 13 nang mag-shoot sa Buendia para sa eksenang may bus na nahulog sa flyover, ayon kay Direk Dominic Zapata.

    Tantiya ni Direk, more than P2M ang binayad nila sa lahat ng gastusin sa eksenang ’yon na lumikha ng media mileage sa pag-aakalang totoong nahulog ang bus sa flyover, huh!

    Siyempre, nalulungkot si Direk Dom sa sitwasyon ni Rhian lalo na’t minsan din niyang naging kaibigan si Mo Twister.

    Pero natutuwa rin siya’t kakaibang excitement ang nadarama niya dahil first time niyang makatrabaho sina Marian at Dingdong bilang lovers.

    Teka, kung kumakalat na diumano ay may sex video siya, siya ba, walang ganoon?

    “Naku, wala! Wala rin naman silang maipakita kundi bagong panganak na daga! Pero kulay pink, huh! Hahaha!” biro ni Direk Dom.

    --------------------
    Written by : Nel Alejandrino

    Na-feature rin si Mikael sa Amaya, which also had Marian in the title role. Kaya at home raw siya sa aktres na aniya, isa sa pinakamabait at understanding na kaibigan na puwede mong ma-win.

    But his greatest desire is to become as good and popular an actor as Dingdong. He admires his numerous advocacies as well.

    Unlike Dingdong, though, loveless daw si Mikael.

  20. #1400
    Dingdong super happy, araw-araw nakikita ang ‘beloved’
    TAKE IT! TAKE IT! Ni Lolit Solis


    Sa isang malayong bayan ng Quezon Province ang taping kahapon ng My Beloved dahil doon kinunan ang death scene ng karakter na ginagampanan ni Marian Rivera.

    Maraming death scene si Marian sa bagong primetime show nila ni Dingdong Dantes at siyempre, hindi ’yon matutuloy dahil siya ang lead actress ng My Beloved. Si Dingdong naman ang gumaganap bilang “sundo” ni Marian na very happy dahil halos araw-araw silang magkasama ng love of her life.

    Tumagal ng siyam na buwan sa ere ang Amaya at kung si Marian ang tatanungin, type rin niya umabot ng nine months ang teleserye nila ni Dingdong.

    Aminado si Marian na nahirapan ito sa taping ng Amaya kaya welcome na welcome sa kanya ang My Beloved dahil hindi dusa ang mga eksena nito.

Page 70 of 251 FirstFirst ... 20 60 69 70 71 80 120 170 ... LastLast

Posting Permissions

  • You may not post new threads
  • You may not post replies
  • You may not post attachments
  • You may not edit your posts
  •  

Advertisement

Hot Topics

PROMO:

Join the promo and get a chance to win advance screening tickets to Rurouni Kenshin: The Legend Ends!

Join the promo and get a chance to win advance screening tickets to Rurouni Kenshin: The Legend Ends!

read more
SHOWBIZ:

Daniel Padilla drafted by AMA Titans in PBA D-League

Daniel Padilla drafted by AMA Titans in PBA D-League

read more
CHIT CHAT:

What are the most generic break-up lines you normally hear?

What are the most generic break-up lines you normally hear?

read more
FIBA:

USA wins FIBA World Cup gold after ousting Serbia, 129-92

USA wins FIBA World Cup gold after ousting Serbia, 129-92

read more
UAAP:

NU Pep Squad retains UAAP Cheerdance Competition Championship

NU Pep Squad retains UAAP Cheerdance Competition Championship

read more