LT, Eric, at Albert magre-reunion sa pelikula
Nitz Miralles
After ilang years, magkakaroon ng sequel ang pelikulang Pusong Mamon na sina Lorna Tolentino, Albert Martinez, at Eric Quizon pa rin ang mga bida, si Mel del Rosario pa rin ang scriptwriter at si Joel Lamangan pa rin ang director. This time, co-producers na rin ang tatlong bida kasama ang Viva Films. Pusong Mamon da Reunion ang magiging title ng movie, nag-storycon na ang project at balita ni Albert, first week ng March ang start ng shooting nila.
“Exciting project” ang tawag ni Albert sa sisimulang pelikula.
May suggestion dati na gawan ito ng TV remake ng TV5, pero nauna na pala ang sequel ng pelikula. Amenable si LT sa TV remake ng hit movie nila nina Eric at Albert, tiyak na mas happy ito na movie uli ang gagawin nilang tatlo.









Reply With Quote















