
Originally Posted by
Ghost Rider
I was in DENR last friday and asked a forester friend, a UPLB graduate, roots originating in Benguet about his opinion regarding the SM project. The first thing that he said is the same thing your article is stating, earth-balling the pine trees is useless, they will eventually die. Very sensitive daw ang pine trees, I'm here in Baguio right now and kanina habang nasa byahe, I observed what he said, and he is right. He rold me that once pinutol mo ang branches ng pine tree, hindi na ulit eto tutubo, hindi kagaya ng ibang puno, yan kasi ang practice, pinuputol muna ang mga sanga at inaalis ang karamihan ng dahon dahil tutubuan naman ulit, sa pine trees, hindi ganoon. Tiningnan ko ang mga putol na branches ng mga pine trees na nakatanim sa mga dinaanan ko, and yes totoo, wala na ulit tumubo sa mga putol na sanga.
Ang isa pang sinabi niya ay ang ugat nito, once maputol ang ugat o maputulan eto lalo na yung matatandang pine trees, i-consider mo ng mamamatay ang puno.
Kaya tama at sinusuportahan ng forester friend ko sa DENR ang sinabi ng nagsulat ng article, mabuting putulin na lang kesa mabulok.
Kaya singungaling ang SM pati ang mga consultants nila. ZERO survival rate ang earth-balled pine trees.
Nakita ko rin ang mga posters ng SM sa SM Baguio kanina, hindi daw sila magpuputol ng puno pero base sa news may ilang naputol na sila, saka kumalat ang balitang LEED Certified na sila pero ang nakasulat "SM AIMS TO BE THE FIRST LEED CERTIFIED BUILDING" magkaiba yata ang aiming sa certified na talaga.
And again, hindi kayang palitan ng artificial environment ang ecological value at importance ng real trees and open areas, lalo na sa UHI effect.