PEx Highlights

The La Salle-Ateneo Rivalry

The greatest rivalry in Philippine sports provided another classic on Sunday to the delight of diehard basketball fans.

read more

PHOTOS: PLDT Clinches Final Four Berth

PLDT clinched a guaranteed Final Four slot by taking care of Cagayan in three hard-earned sets, 25-22, 25-21, 25-22.

read more

MOVIE REVIEW: What If

What If could very well be the best romantic comedy of this generation.

read more

PHOTOS: Ateneo Wins in the Clutch Again

Kiefer Ravena made another clutch shot at the dying minutes of the game, cementing an Ateneo win over the UE Red Warriors, 78-73.

read more

Top Celebrity Loveteams!

No surprises! They still rule the loveteam forum, but there's no space for complacency, because another couple might just steal their slot.

read more

UAAP Basketball 2nd Round Schedule

Planning to catch a game before the season ends? Check out the 2nd round schedule for UAAP basketball!

read more

Page 82 of 131 FirstFirst ... 32 72 81 82 83 92 ... LastLast
Results 1,621 to 1,640 of 2603
  1. #1621
    TM extended sa US cinemas. Winner!



    Quote Originally Posted by B@sh@P0p0y View Post
    THE MISTRESS FEVER


    IN THE UNITED STATES:


    SEATTLE, WASHINGTON (EXTENDED!) - Sept. 21 - Oct 4, 2012
    Parkway Plaza Stadium 12
    Address: 5910 South 180th Street Tukwila, WA 98188


    LAS VEGAS, NEVADA (EXTENDED!) - Sept. 21 - Oct 4, 2012
    Regal Village Square Stadium
    Address: 9400 W Sahara Ave Las Vegas, NV 89117


    LOS ANGELES, CALIFORNIA - Cerritos (EXTENDED!) - Sept. 21 - Oct 4, 2012
    Edward Cerritos Stadium
    Address: 12761 Towne Center Drive, Cerritos, CA 90701


    LOS ANGELES, CALIFORNIA - Orange (EXTENDED!) - Sept. 21 - Oct 4, 2012
    Orange Stadium Promenade
    Address: 1701 W. Katella Avenue Orange, CA 92867


    MILPITAS, CALIFORNIA (EXTENDED!) - Sept. 21 - Oct 4, 2012
    Century Great Mall
    Address: 1010 Great Mall Drive Milpitas, CA 95035

    SACRAMENTO, CALIFORNIA (EXTENDED!) - Sept. 21 - Oct 4, 2012
    Century Laguna 16
    Address: 9349 Big Horn Blvd. Elk Grove, CA 95758

    SAN BRUNO, CALIFORNIA (EXTENDED!) - Sept. 21 - Oct 4, 2012
    Century at Tanforan
    Address: 1188 El Camino Real San Bruno, CA 94066

    SAN DIEGO, CALIFORNIA (EXTENDED!) - Sept. 21 - Oct 4, 2012
    UA Horton Plaza
    Address: 475 Horton Plaza San Diego, CA 92101


    UNION CITY, CALIFORNIA (EXTENDED!) - Sept. 21 - Oct 4, 2012
    Century 25
    Address: 32100 Union Landing Union City, CA 94587


    CHICAGO, ILLINOIS (EXTENDED!) - Sept. 21 - Oct 4, 2012
    Pickwick Theatre
    Address: 5 South Prospect Ave Park Ridge, IL 60068


    DALLAS, TEXAS (EXTENDED!) - Sept. 21 - Oct 4, 2012
    The Legacy
    Address: 7201 Central Expressway Suite #100 Plano, TX 75025


    HOUSTON, TEXAS (EXTENDED!) - Sept. 21 - Oct 4, 2012
    Tinseltown USA
    12920 NW Freeway
    Address: Houston, TX 77040


    BERGENFIELD, NEW JERSEY (EXTENDED!) - Sept. 21 - Oct 4, 2012
    Clearview Bergenfield Cinemas
    Address: 58 South Washington Ave Bergenfield, NJ 07621

    CLIFTON, NEW JERSEY (EXTENDED!) - Sept. 21 - Oct 4, 2012
    Clearview Allwood Theatre
    Address: 96 Market Street Clifton, NJ 07012


    HOBOKEN, NEW JERSEY (EXTENDED!) - Sept. 21 - Oct 4, 2012
    Clearview Hoboken Cinemas
    Address: 409 14th Street Hoboken, NJ 07030


    NORFOLK, VIRGINIA (EXTENDED!) - Sept. 21 - Oct 4, 2012
    Cinemark 18
    Address: 880 North Military Hwy Norfolk, VA 23502


    HAWAII (EXTENDED!) - Sept. 21 - Oct 4, 2012
    Pearlridge West Theatres
    Address: 98 - 1005 Moanalua Road Aiea, HI 96701

  2. #1622
    Quote Originally Posted by catherine80 View Post
    keep my finger cross if and will happen, sana nga magkatotoo, so excited na agad whew, paging star cinema.
    just read it in pep alerts, their considering isabelle daza of gma to do a movie with jlc, hay naku gusto na ikabit ang pangalan nila kay jlc

  3. #1623
    Todo lo que tocas se Convie BMWX5's Avatar
    Join Date
    Nov 2010
    Location
    Banco de Finanzas
    ^^GOooo!!! bet ko ang izabel-jlc tandem , iyan masasabi na talagang launching movie niya , 100% sa kanya ang credit .,

  4. #1624
    excited na ako sa showing ng Thy Tomb, este Thy WOmb, siguradong it will break records, of the lowest grossing movies of all time. maka 1 million kaya ito? or tumagal kaya ito sa theaters ng 2 days man lang? ilang sinehan kaya ang mangangahas na magpalabas nito? saan ang premiere night? sa La Loma Theater?
    joke, hikhikhikhik

  5. Sep 25, 2012, 11:11 PM

  6. #1625
    Todo lo que tocas se Convie BMWX5's Avatar
    Join Date
    Nov 2010
    Location
    Banco de Finanzas
    Makipag tambal muna siya sa hindi sikat then doon mo ko sabihan ng ganyan
    Quote Originally Posted by akoito413 View Post
    Bakit mo kailangan ipartner sa starlet si JLC kung maraming sikat ang gusto siyang makatrabaho at available naman? Ok 50% siya pero may ibang actor ba na naabot ang naabot niya? Wala! kahit si Piolo hindi niya naabot ang box office king status. Hindi mo naman kailangan halikan ang paa niya madali namang tanggapin na box office superstar siya talaga!

  7. #1626
    tingnan nga natin ang pinagmamalaki nilang Thy Tomb, super excited na ako sa kahihinatnan nito eh, siguradong nanginginig na sa takot yung 3 followers ng thy tomb dahil after all the ek ek they made, sa mabahong burak din pala ng la loma cemetery pupulitin ang Thy Tomb, hikhikhik! abay, mismong si direk mendoza na ang halos lumuhod sa pakikiusap na sanay panoorin naman ito, as if the small audience he got abroad was totally insignificant kung mismong mga pinoy eh isnabin ito, how painful naman diba?

  8. #1627


    WEDNESDAY, SEPTEMBER 26, 2012
    Nora at Charo, maghaharap-magbabati!
    Sorry ni Nora, tinanggap ni Charo!




    Araw at magandang pagkakataon na lang ang hinihintay at puwede na ring magkita ng mata sa mata ang superstar na si Nora Aunor at ABS- CBN 2 lady boss na si Ms. Charo Santos.

    Ayon sa isang mapagkakatiwalaang source na nasa loob ng Kapamil- ya Network, tinanggap na raw ni Ms. Charo ang apology ni Nora at itatakda na lang ang panahon ng kanilang pagkikita sa mga susunod na araw.

    Hindi namin puwedeng pagdudahan ang aming source dahil may posisyon din siya sa Kapamilya Network at siya ang nagsisilbing kable para patawirin ang mga mensahe ni Nora patungo kay Charo.

    May mga serye ng text messages si Nora sa aming kausap at ipinabasa pa nito sa amin ang nilalaman ng mga text ng award-winning actress sa Venice. Hindi na namin isusulat ng word for word ang buong mensahe ng superstar, basta ang buod ng text nito ay ang pagnanais niyang mapatawad siya ni Ms. Charo sa kanyang mga sinabi sa magazine noon.

    Aminado si Ate Guy sa kanyang pagkakamali nang ilabas niya ang himutok niya tungkol sa naging karanasan niya sa huling TV assignments niya sa Kapamilya. Lumabas ang mga ito sa isang interview niya sa Yes Magazine noon kung saan siya ang cover.

    Sabi ni Guy sa nabasa naming text message nito sa aming source, inaasam nitong mapatawad siya ni Ms. Charo sa kanyang mga nasabi dahil ayaw niya ng may masama ang loob sa kanya.

    At kung hindi pa raw siya kayang patawarin ni Ms. Charo, handa pa rin siyang maghintay. Humihingi si Nora ng padrino na kung puwede ay ang aming source ang gumawa ng paraan para magkita sila ni Ms. Charo upang personal niyang maipaabot ang kanyang taos-pusong apology.

    Sabi pa sa text message ni La Aunor, pinasasalamatan niya si Ms. Charo at ang ABS-CBN 2 sa ginawa ng mga itong pagri-restore ng pelikula niyang Himala na in-exhibit at umani ng papuri sa kakatapos na Venice International Film Festival.

    Pinuri ni Nora si Ms. Charo at ang Kapamilya Network sa pagmamahal at pagmamalasakit nito sa kanilang pelikula. Si Ms. Charo ang executive producer ng pelikula nu’ng 1982 para sa Experimental Cinema of the Philippines.

    Kuwento pa ng aming source, nu’ng pumunta raw si Nora kay Ms. Malou Santos at nagyakapan nang mahigpit ang dalawa, parang tinanggap na rin ni Ms. Charo ang pagpapakumbaba ng superstar, kahit wala ito sa ABS-CBN 2 compound.

    Dapat daw ay didiretso si Nora sa opisina ni Ms. Charo para humingi ng apology pero nasa abroad daw ang lady boss. Lahat daw ng mga text messages ni Nora sa kanya ay pinu-forward via e-mail kay Ms. Charo.

    At sinabi nga raw sa kanya ng lady boss na okey na at tapos na ang isyu sa kanila ni Nora. Wala kaming idea kung nagkita at nagkabatian ba sina Nora at Ms. Charo sa kakatapos na live show ng Dolphy Alay Tawa.

    Wala kasing balita tungkol dito, at nakita lang namin na sumulpot si Nora sa entablado at um-exit agad ito patungong backstage matapos ang kanyang speech. Nasa audience naman si Ms. Charo katabi ni Zsa Zsa Padilla. Hindi namin alam kung nakita siya ng superstar. Ang sigurado ay napanood siya ng Kapamil- ya Network head.

    Walang maibigay na kumpirmasyon kung kailan magkikita nang personal ang dalawa, pero wala raw magiging problema kung sakaling matuloy ito.


  9. #1628
    desperate move for a desperate has been, she finally realized she needed a mainstream movie from a big company to resurrect her entombed career.

  10. #1629

    SEPTEMBER 26, 2012 WEDNESDAY
    Lips-to-lips nina Ronaldo at Bea, tinilian sa US



    CERRITOS, CA. -- Hindi lang sa atin sa Pilipinas malakas sa takilya ang bagong pelikula nina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo dahil malakas din dito ang The Mistress.

    Palabas ngayon sa ilang lugar sa Amerika ang reunion movie nina Lloydie at Bea na nagsisilbing 10th anniversary gift nila sa followers ng kanilang loveteam.

    Noong Lunes ay nanood kami ng The Mistress sa Regal Cinema sa Cerritos Town Center at soldout ang bawat screening ng pelikula sa sinehang nabanggit.

    Ayon sa kasama naming si Mary Anne Opeña, binili niya ang tickets para sa 7:00 PM screening noong Lunes, ilang araw na ang nakaraan.

    Advance purchase ang kailangan dahil sa dami ng mga kababayan natin na gustong manood ng The Mistress.

    Ilan sa mga Pinoy na nakatsikahan ko noong Lunes ay galing pa sa iba’t ibang parte ng California.

    May iba na galing ng Northridge at may iba na galing pa ng San Diego.

    Dinadayo ang Regal Cinema sa Cerritos Town Center para manood ng pelikula nina Lloydie at Bea.

    Madalas ipalabas sa sinehang ‘yon ang mga pelikula ng Star Cinema dahil magaling ang distributor nila rito sa Amerika.

    Puring-puri ng mga kababayan natin dito ang galing nina Lloydie at Bea sa The Mistress.

    Marami ang napatili sa eksena ni Bea nang nag-lips-to-lips sila ni Ronaldo Valdez.



    ***

    Nakatsikahan ko si Cora Pastrana, ang estranged wife ni Raymond Bagatsing.

    Ayon kay Cora, nanood si Hilda Koronel kasama ang kanyang in-laws ng pelikulang The Mistress.

    Ang The Mistress ang comeback movie ni Hilda after six years na nagpahinga siya sa paggawa ng pelikula.

    Dito na sa California naninirahan si Hilda at hindi niya natanggihan ang offer ng Star Cinema na maging parte ng cast ng The Mistress kaya saglit siyang bumalik sa Pilipinas para i-shoot ang pelikulang ‘yon.

    Happily married si Hilda.

    Ngayong Miyerkules (bale mamaya pa rito sa California), manonood daw uli si Hilda kasama ang mister niya ng The Mistress sa Cerritos Town Center.

    ***

    Pagkatapos ng matagumpay na One Kapamilya Go event ng TFC (the Filipino Channel) sa Great America Theme Park noong Setyembre 16, excited ang mga kababayan natin dito para sa Star Magic Tour sa Nobyembre 3.

    Gaganapin sa Shrine Auditorium sa Los Angeles ang show ng talent management division ng ABS-CBN.

    Marami akong mga kakilala rito sa Amerika na nagbibilihan ng tickets para sa event na ‘yon ng Star Magic.

  11. #1630
    Quote Originally Posted by tisoyti75 View Post
    desperate move for a desperate has been, she finally realized she needed a mainstream movie from a big company to resurrect her entombed career.
    lahat ng artista kailangan ang Abs/Star cinema :-)

  12. #1631
    Quote Originally Posted by BMWX5 View Post
    ^^GOooo!!! bet ko ang izabel-jlc tandem , iyan masasabi na talagang launching movie niya , 100% sa kanya ang credit .,
    No Doubt Blockbuster Hit pa rin yan! I'll still give some credit to Isabel if she will be able to act her part well. Give credit where credit is due.

  13. #1632
    Quote Originally Posted by akoito413 View Post
    Bakit mo kailangan ipartner sa starlet si JLC kung maraming sikat ang gusto siyang makatrabaho at available naman? Ok 50% siya pero may ibang actor ba na naabot ang naabot niya? Wala! kahit si Piolo hindi niya naabot ang box office king status. Hindi mo naman kailangan halikan ang paa niya madali namang tanggapin na box office superstar siya talaga!
    Quote Originally Posted by BMWX5 View Post
    Makipag tambal muna siya sa hindi sikat then doon mo ko sabihan ng ganyan
    Nahihirapan ka bang tanggapin na box office superstar ang John Lloyd Cruz?

  14. #1633
    Aeba Katrina Danica abakada476's Avatar
    Join Date
    Sep 2011
    Location
    Marky :)
    'The Mistress' Officially Top-Highest Grossing Filipino Film of 2012

    2nd week Gross: $4,494,221 / P186,729,040

    CONGRATULATIONS!

    Now on it's 3rd week! in over 200 cinemas nationwide!

  15. #1634
    huh? what? baby_danny's Avatar
    Join Date
    Apr 2002
    Location
    here there ever
    ang No Other Woman 161 Million in 2 weeks sa BOMO

    ang Praybeyt Benjamin 270 million na sa 2nd week..

    so siguro mga 290 million close to 300 ang final gross ng The Mistress

    sana consistent pa... please maka 300 million please! keep spreading the word friends!

  16. #1635
    KAPAMILYA4LIFE james_chicago2's Avatar
    Join Date
    Feb 2011
    Location
    Member since 01/03
    2nd week of NOW: 161,498,179 PHP
    2nd week of TM: 186,729,040 PHP
    2nd week of PB: 270,464,053 PHP
    2nd week of YCML: 166,229,869 PHP

    *all figures are based from BOM

  17. #1636
    star cinema movies

    This Guy's In love with you Mare - Sept. 26?
    Suddenly It's Magic - Oct. 31
    24/7 -when ang showing?

    SC MMFF

    Sisteraka - Dec. 25
    One More Try - Dec. 25

    di ba nagback out si Kris sa Sisteraka at ipinalit si Ai Ai. Ang alam ko sa rulings ng MMFF pag nakapagsubmit ka na ng story line and major cast ng entry movie eh di na pwedeng palitan ito...how come pinayagan si Kris? nasabi minsan ni Kris sa Kris TV na di nya type ang title ng movie nila ni vice gusto sana nyang papalitang..ito kaya dahilan kaya sya nagback out?

  18. #1637
    Quote Originally Posted by abakada476 View Post
    'The Mistress' Officially Top-Highest Grossing Filipino Film of 2012

    2nd week Gross: $4,494,221 / P186,729,040

    CONGRATULATIONS!

    Now on it's 3rd week! in over 200 cinemas nationwide!
    OMG! nalagpasan na ang UnOfficially Yours....but oks lang pareho namag SC at love din naman ni Gel si Bea..awwww! congrats!

  19. #1638


    Movie nina Aga at Regine naka-P4 million sa unang araw!
    Ni SVA (Pilipino Star Ngayon) Updated September 28, 2012

    Masaya si Aga Muhlach sa kinalabasan ng pelikula nila ni Regine Velasquez na Of All the Things. Naka-more than P4 million ito sa opening day.

    Matagal-tagal din kasing panahon ang ipinaghintay nila rito at nawalan na sila ng pag-asa. Pero natapos after three years at last Wednesday nga ay ipinalabas na.

    Walang nakapanood ang hindi naaliw at kinilig sa kanila.

    Maging si Direk Joyce Bernal ay natuwa sa resulta ng pelikulang produced ng Viva at GMA Films na dinirek niya.

    Susog ni Aga : “Nakita ko ibang klase itong movie namin. Hindi siya mainstream na merong kilig moments ni Regine. The usual love story rom-com na nagkaka-developan, nagpopormahan kayo ganun. Walang ganun ’yung movie. Nasa edad namin ang kuwento.”

    Ang nakakaaliw sa pelikula, hindi pa pala niya alam na kakandidato siya bilang congressman sa Bicol pero doon na sila nag-shooting, sa lugar kung saan sakop ng District 4 ng Camarines Sur. “Nakakatawa nga eh. That was three years ago. Wala pa sa plano ko,” sabi niya.

    Pero ngayon nga ay decided na siyang kumandidato kaya naman may ilang nagpo-protesta doon at ginagawang isyu ang kanyang residency. Pero confident ang actor na malulusutan niya ang reklamo bilang alam naman niyang Bicolano siya.

    Anyway, after Of All the Things, malamang na isang movie kasama si KC Concepcion ang gagawin niya. Yup, you read it right. Si KC. Pero wala pa namang definite.

    Saka concentrate muna siya sa pulitika dahil sa October 1 na ang umpisa ng filing ng candidacy ng mga kakandidato sa 2013 election.

    Showing pa rin sa mga sinehan ang Of All The Things.

  20. #1639


    SEEN SCENE
    September 28, 2012

    SEEN: May convoy ng mga Filipino Muslim sa Greenhills Shopping Complex noong Miyerkules. Idineklara ng mga Filipino Muslim ang pananampalataya nila kay Prophet Mohammed at ang protesta nila laban sa pelikulang Innocence of Muslims.

    SCENE: Hindi nalalayo sa mga eksena at dialogue ni Carmi Martin sa No Other Woman ang ilang linya at eksena ni Jaclyn Jose sa A Secret Affair.

    SEEN: Nakipagsabayan si Andi Eigenmann kay Anne Curtis sa mga sexy scene nito sa A Secret Affair.

    SCENE: Nanguna pa rin sa box-office race ang The Mistress ng Star Cinema sa mga pelikula na ipinalabas sa Philippine Theaters noong Sept. 19 hanggang Sept. 23, base sa report ng Box Office Mojo International.

  21. #1640

    SEPTEMBER 28, 2012 FRIDAY



    Good news para sa fans ng loveteam nina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo sa California!

    Bago ako umalis pabalik ng Pilipinas ay ibinalita sa akin ni Cora Pastrana na extended nang isang linggo sa Regal Cinema sa Cerritos Town Center ang pagpapalabas sa The Mistress.

    Soldout ang bawat screening ng The Mistress sa sinehan na ‘yon, kaya nag-decide ang theater management ng Regal Cinema na i-extend ng isang linggo ang pagpapalabas ng The Mistress.

    Ipinadala sa akin ni Cora ang litrato ni Hilda Koronel kasama ang mister na si Ralph Moore, Jr.

    Kasama si Hilda sa pelikulang The Mistress at ito ang kanyang comeback movie pagkatapos ng 6 years na walang ginawang pelikula.

    Heto pa ang kuwento ni Cora tungkol kay Hilda kalakip ng litrato ng mag-asawa na ipinadala niya sa akin, “Here’s a recent photo of Hilda Koronel with husband Ralph Moore, Jr. They got married in the year 2000.

    “Ralph is the Chief Operating Officer of Hunt Enterprises, a real estate corporation that owns and manages residential, commercial and industrial properties in Southern California.

    “He is the son of Priscilla Hunt, company president,” sey ni Cora.

    Malapit si Cora sa pamilya ng mister ni Hilda dahil ninang ang nanay nito sa kasal nila ni Raymond Bagatsing noong Nobyembre 21, 2008 sa Sheraton Hotel sa Los Angeles.

Page 82 of 131 FirstFirst ... 32 72 81 82 83 92 ... LastLast

Posting Permissions

  • You may not post new threads
  • You may not post replies
  • You may not post attachments
  • You may not edit your posts
  •  

Hot Topics

UAAP:

Chris Newsome, Kiefer Ravena lift Ateneo over UE, 78-73

Chris Newsome, Kiefer Ravena lift Ateneo over UE, 78-73

read more
SHOWBIZ:

Sharon Cuneta apologizes to fans by writing an open letter on Facebook

Sharon Cuneta apologizes to fans by writing an open letter on Facebook

read more
PBB:

Korina Sanchez to enter the Big Brother house as a guest

Korina Sanchez to enter the Big Brother house as a guest

read more
PBA:

Banchero, Pringle and Rosser impress in PBA Draft workouts

Banchero, Pringle and Rosser impress in PBA Draft workouts

read more
SPORTS:

Air Force advances to Final Four with win over Ateneo in three sets, 25-20, 25-22, 25-22

Air Force advances to Final Four with win over Ateneo in three sets, 25-20, 25-22, 25-22

read more
LOCAL AND FOREIGN ISSUES:

Ramon Bautista officially declared as persona non grata in Davao City

Ramon Bautista officially declared as persona non grata in Davao City

read more
PROMO:

Join the Pudsey the Movie promo and win advance screening tickets!

Join the Pudsey the Movie promo and win advance screening tickets!

read more

Watch New Trailers

Watch New Trailers