
Alaska beat Ginebra 104-80 in game 3, sweeping the series and bagging the Commissioner's Cup title.
read more
Summer seems to be ending, but the feeling doesn't have to end. Check out this list for awesome road-trip getaways!
read more
The NU Lady Bulldogs outlast the AdU Lady Falcons in 4 sets, taking their first trip to the Shakey's V-league finals.
read more
Guess the theme! Have you seen Twilight, Sister Act and these other movies? Share your thoughts and reviews in here!
read more
january 25 daw ipapalabas
nakuha mo iyong sasabihin ko. basta oa lang umiyak, oa na iyong arte tuloy tuloy na iyong luha best actress na at pag magaling ka sa drama mas magaling ka ng actress compared sa mga nagcocomedy.
natatawa tuloy ako sa iba dito na naguunderestimate ng gumagawa ng comedy lalo na iyong mga nagroromcom sinasabi hindi marunong umarte mga nasa rom com, kahit nga si angelica panganiban which ang pinakanatural sa lahat umarte, (OA na nung ibang dramatic actress natin dito na kasabayan niya masyado ng methodological din ang acting) at pinakaversatile, sinasabi na mas mahirap ang magpatawa kaysa magpaiyak.
![]()
Bossing Vic, ibo-boycott ang Guillermo Mendoza Award (Kapag hindi si Ai Ai ang Box Office Queen)
Written by Maricris Valdez Nicasio
Monday, 09 January 2012
NOONG Sabado ng gabi ay nakahuntahan namin ang komedyanang si Ai Ai delas Alas sa show ng bff nitong si Allan K sa Zirkoh, ang Lucky 12. Doo’y napag-usapan namin kung gaano kalakas pa rin sa takilya hanggang sa kasalukuyan ang kanilang pelikulang Enteng Ng Ina Mo ni Vic Sotto.
“Oo nga grabe, hindi ako makapaniwala at kinikilabutan ako kung gaano karami ‘yung bulto-bultong fans ni Bossing. Ibang klase talaga ang appeal niya sa tao,” sambit ni Ai Ai na simpleng-simple lamang ang kasuotan noong gabing iyon.
Pero in fairness, hindi lang naman ang fans ni Bossing Vic ang nakipagsiksikan para mapanood ang kanilang pelikula. Pati fans niya ay naroon din para magbigay suporta. “I think maganda lang talaga ‘yung tema ng pelikula namin, talagang pampamilya,” ani Ai Ai.
At dahil super blockbuster ang kanilang Enteng Ng Ina Mo, silang dalawa ni Vic ang sinasabing magiging Box Office King and Queen sa Guillermo Mendoza Award.
“Nasabi nga ni Bossing na hindi raw s’ya aakyat o tatanggapin ang award bilang King kung hindi ako ang Queen, o ‘di ba, nakakataba naman ng puso?” natatawang tsika pa ni Ms. Ai.
Oo nga naman dahil silang dalawa ang bida sa pelikulang Enteng, natural na sila kapwa ang tanghaling Box Office King and Queen.
http://hatawtabloid.com/index.php?op...obiz&Itemid=70
MMFF 2011 Box-Office Results: Enteng Ng Ina Mo is the runaway winner; Segunda Mano comes in second
Erwin Santiago
Monday, January 9, 2012
12:43 PM
Inilabas na ng Metro Manila Film Festival organizing committee-sa pamamagitan ng executive chairman nitong si MMDA Chairman Francis Tolentino-ang official total gross ng pitong kalahok na pelikula ngayong taon.
Ipinalabas ang mga pelikulang kalahok sa 37th Metro Manila Film Festival mula December 25 hanggang January 7.
Nanguna ang Enteng Ng Ina Mo na kumamal ng kabuuang kita na P237,879,178.70.
Bida sa pelikulang ito ng M-Zet Productions, Star Cinema, at OctoArts Films sina Vic Sotto at Ai-Ai delas Alas.
Sa simula pa lang ay malayo na ang kalamangan ng Enteng Ng Ina Mo sa mga nakalaban nitong pelikula.
Sa katunayan, mahigit sa P100 million ang kalamangan ng kita nito sa pumangalawa-ang Segunda Mano nina Kris Aquino at Dingdong Dantes.
Ang pelikulang ito na iprinodyus ng Star Cinema, MJM Productions, at Agostodos Pictures ay kumita ng P126,630,979.00.
Nagsimula ang Segunda Mano sa ikatlong puwesto, pero umakyat ito sa ikatlong puwesto pagkatapos ng isang linggo.
Nasa ikatlong puwesto naman ang Panday 2 nina Senator Bong Revilla at Marian Rivera.
Iprinodyus ng Imus Productions at GMA Films, may kabuuan itong kita na P105,603,500.25.
Pumang-apat naman ang family comedy na My Househusband: Ikaw Na! nina Judy Ann Santos, Ryan Agoncillo, at Eugene Domingo.
Handog ng OctoArts Films, umabot ang kita nito sa P62,074,350.58.
Sumunod sa pang-limang puwesto ang horror franchise ng Regal Entertainment na Shake Rattle & Roll 13 na kumita ng P55,484,185.89.
Tampok dito si Eugene Domingo, na kasali rin sa Enteng Ng Ina Mo at My Househusband.
Ang MMFF Best Picture winner na Manila Kingpin: The Asiong Salonga Story ay nasa ika-anim na puwesto sa pamamagitan ng kita nitong P38,437,416.80.
Mula sa Scenema Concepts, Inc. at Viva Films, pinagbidahan ito ni Laguna Governor Jeorge "ER" Estregan.
Nasa huling puwesto ang family drama ng Regal Entertainment na Yesterday Today Tomorrow na kumita ng P10,682,902.35.
Bida sa pelikulang ito sina Mariceol Soriano at Gabby Concepcion.
Ayon kay Executive Chairman Tolentino, "all-time high" ang total gross ng mga pelikulang kalahok ngayong taon.
Umabot ang kita ng mga pelikula sa P636,792,509.57, kumpara sa P540,508,031.60 noong nakaraang taon.
Isa marahil sa dahilan nito ay tumaas na ang singil sa mga sinehan na ngayon ay nagre-range mula P150 hanggang P200.
Narito ang official gross ng mga pelikulang kalahok sa MMFF 2011:
1. Enteng Ng Ina Mo - P237,879,178.70
2. Segunda Mano - P126,630,979.00
3. Panday 2 - P105,603,500.25
4. My Househusband: Ikaw Na! - P62,074,350.58
5. Shake Rattle & Roll 13 - P55,484,185.89
6. Manila Kingpin: The Asiong Salonga Story - P38,437,416.80
7. Yesterday Today Tomorrow - P10,682,902.35
TOHMOH!!!
tyaka movies ng star cinema na romcom lalo na pag sarah geronimo same story!!! ano ba yan?! wala na bang ibang maisip?!
kung puro jologs at magpapalabas ng movie para lang may maipalabas na movie eh sana gaya na lang ng dating gawain ng SC na once a month ang movie pero maayos naman ang pagkakagawa!!!
regarding the question on my cactus heart...
excerpts from PEP article:
Maja: "Oo nga, inabot ng one year bago natapos. Unang title nito dapat Basted at ngayon nga #MyCactusHeart na. Ako kasi, medyo na busy yung schedules ko. Nag start kami i-shoot ito December 2010 tapos nag Thelma ako, Minsan Lang Kita Iibigin, tapos medyo naing busy rin si Direk Enrico Santos, kasi ginawa nya yung In The Name of Love so kailangan ding mag stop."
kaya nga eh noh? hindi maganda iyong movies kaya iyong WLADWY garnered high ratings and good reviews from credible critics even from Philbert Dy of clickthecity.com and even the critics from spot.ph![]()
mahahalata talaga ang mga walang alam eh noh? same story daw, kahiya naman hindi alam ang pinagsasabi balik ka kapag nadagdagan ang braincells mo at ng malaman mo na cmiil and wladwy are very different.
![]()
![]()
![]()
Top Grossing Filipino Movies for 2011
1. Praybeyt Benjamin – P331.6 million (Star Cinema/Viva Films)
2. No Other Woman – P276.8 million (Star Cinema)
3. Enteng ng Ina Mo – P237.88 million (Star Cinema/Octoarts/M-zet)
4. Segunda Mano - P126.63 million (Star Cinema)
5. Catch Me…I’m In Love – P120.21 million (Star Cinema)
6. In the Name of Love – P117.2 million (Star Cinema)
7. Panday 2 – P105.6 million (GMA Films and ???)
8. Won’t Last A Day Without You – P78.9 million (Star Cinema)
9. Pak! Pak! My Dr. Kwak! – P72.31 million (Star Cinema)
10. Bulong – P67.27 million (Star Cinema)
11. My Househusband - P62.07 million (Octoarts Film)
12. Temptation Island – P60 million (Regal Films)
13. Who’s That Girl? – P58.31 million (Viva Films and ???)
14. Shake Rattle & Roll 13 - P55.48 million (Regal Films)
15. Forever and a Day – P44.73 million (Star Cinema)
Star Cinema: 9 solo/1 co-produce
Regal Films: 2 solo
Octoarts Films: 1 solo/1 co-produce
Viva Films: 1 solo/1 co-produce
GMA Films: 1 solo
***********************************************
Top Grossing Filipino Movies for 2011
1. Praybeyt Benjamin – P331.6 million (Star Cinema/Viva Films)
2. No Other Woman – P276.8 million (Star Cinema/Viva Films)
3. Enteng ng Ina Mo – P237.88 million (Star Cinema/Octoarts/M-zet)
4. Segunda Mano - P126.63 million (Star Cinema)
5. Catch Me…I’m In Love – P120.21 million (Star Cinema/Viva Films)
6. In the Name of Love – P117.2 million (Star Cinema)
7. Panday 2 – P105.6 million (GMA Films and ???)
8. Won’t Last A Day Without You – P85 million (Star Cinema/Viva Films)
9. Pak! Pak! My Dr. Kwak! – P72.31 million (Star Cinema)
10. Bulong – P67.27 million (Star Cinema)
11. My Househusband - P62.07 million (Octoarts Film)
12. Temptation Island – P60 million (Regal Films)
13. Who’s That Girl? – P58.31 million (Viva Films and ???)
14. Shake Rattle & Roll 13 - P55.48 million (Regal Films)
15. Forever and a Day – P44.73 million (Star Cinema)
Star Cinema: 5 solo/5 co-produce
Regal Films: 2 solo
Octoarts Films: 1 solo/1 co-produce
Viva Films: 1 solo/4 co-produce
GMA Films: 1 solo
pag sc movies dapat umabot nang higit 80M man lang,, kasi kung soso lang ang kita,nakakahiya kung sobra sobra na nga ang promotion, di pa rin kumita...ganun dapat sa mga movies ng GMA films.. kasi may sariling network.. sa ibang movie outfit, malaking bagay na ang higit 50M...
Eh ganun din naman talaga ang GMA films sa GMA network, sobra sobra din ang hype and promotions, may special show pa sila na "the making of..." in each of their movies, yung The road nga, 2 MONTHS ANG PROMOTION SA GMA NETWORK, 30mill lang pa rin ang kinita.
This really just goes to show na ABS ang nag-iisa at premiere star-builder network ng bansa.
AND NO MONOPOLISED TV RATINGS CAN EVER CHANGE THAT.![]()
Nakakatawa-- kase kung titingnan, mas madami ang plugs ng isa Kapuso movie kesa sa isang SC Movie:
1. Kaunti lang ang pinoproduce ng GMA Films every year. Mas di siksikan ang pagppromote unlike sa SC na minsan 2 movies per month pa. Usually di ba 2-3 months before playdate, may plugs na ang kapuso movie.
2. Same marketing din ng sa SC Movies ang sa GMA. Tadtad ng ads every gap, guestings sa shows, plugs etc. Radio, internet etc.
3. If GMA is claiming that they lead in Mega Manila, and now Nationwide, they have more "viewers". Tama?
Therefore:
1. Mas mahaba ang plugs ng GMA
2. Same marketing sila ng ABS pero mas matagal ang pag promote ng GMA Films
3. Mas madaming tao ang nakakanuod ng plugs ng GMA kase mas mataas ang ratings nila, mas madaming nanunuod sa kanila eh
ANYARE?!
Banned by Admin
Sabihin natin na ang Enteng ay heavily advertised sa EB, yung Pak Pak at WLADWY eh medyo naadvertise. Pero yung iba ay sa dos lang. At hindi lang naman dis year ang sinasabi ko.
Kaya nag naman coprod ang Viva at SC ay dahil yung stars eh naka exclusive contract sa Viva. Sa ABS sila sa tv. FYI.
no. malaki din talaga ang part ng star cinema kaya kumikita ang movies na ito.
although kung sasabihin mo kung bakit iyong mga highest grossing na kumita ay co produced like iyong pb, now, cmiil and wladwy kumita, hindi dahil co-produced ang malaking factor it is because Sarah, Anne and Vice are the biggest box office stars of this generation. also sila ang hottest stars ngayon kaya malaki din ang factor na sila ang naglead sa movie, co-prod dahil viva talent sila.
It just proves that GMA is for the lower class, they cater to the people na walang pambili ng movies or mga audience nila walang purchasing power.
it is not in the quantity or number, siguro let's give them na mas madami ang nanunuod sa kanila, pero lahat ba ng nanunuod sa kanila may pambili?
unlike sa ABS may purchasing power ang mga audience and supporters very evident naman sa movies, records, concerts and endorsements.
----------------------------------------------------------------
tapos na ba ang cutoff date para sa box office ruling for mmff movies?
if that's the case pb pa rin ang highest grossing at hindi na boq and bok sila aiai and vic
im guessing that sarah and gerald would be the box office princess and prince.![]()
Dear Vic Sotto,
Di ka naman talaga paparangalang Box Office King, at di rin boxoffice queen si Ai Ai. Di ko gets ang pagiinarte at pagbboykot kuno na gagawin niyo. Ang laki ng lamang ng mga kalaban niyo sa inyo. Wag masyadong malaki ang ulo.
Kahit pipito ang pelikula kita ng MMFF 2011 tumaas P100 million
SHOW-MY Ni Salve Asis
Pilipino Star Ngayon
January 10, 2012
Tama, lumampas sa target na P600 million ang kinita ng 2011 Metro Manila Film Festival (MMFF) na nagtapos last Saturday.
Kahapon ay nag-release ang Metro Manila Development Authority (MMDA) Chairman Francis Tolentino ng total gross income at umabot P636,792,509.57, mas malaki sa kinita noong MMFF 2010 na P540,508,031.60 lang.
Heto ang breakdown nang kita ng pitong pelikula :
(1) Enteng ng Ina Mo – P237,879,178.70
(2) Segunda Mano – P 126,630,979.00
(3) Panday 2 - P105,603,500.25
(4) Househusband, Ikaw Na – P62,074,350.25
(5) Shake, Rattle & Roll 13 – P55,484,185.89
(6) Manila Kingpin: The Asiong Salonga Story – P38,437,416.80
(7) Yesterday Today Tomorrow – P10,682,902.35.
Kung tutuusin, pipito ang pelikula nitong 2011 samantalang noong 201, walo pa ha?
Noong 2010 kasi P159 million lang ang kinita ng Si Agimat at si Enteng Kabisote at Ang Tanging Ina Mo Last na ‘To — P157 million. ’Yung mga kasunod nilang pelikula, ang Dalaw, P96 million lang at ang limang kasunod, below P50 million na.
Ang laki nang itinaas, almost P100 million.
Samantalang ang third and fourth placer, respectively, more than one hundred million pesos ang isinampang pera.
Baka sa 2012, mas malaki pa ang kikitain ng mga sasaling pelikula.
http://www.philstar.com/Article.aspx...bCategoryId=96