PEx Highlights

PHOTOS: Purefoods Survive Kia Scare

After trailing for most of the game, Purefoods mounted a big fourth quarter-comeback to defeat Manny Pacquiao's Kia Sorento, 88-77.

read more

PHOTOS: Paul Lee Saves the Day for RoS

Paul Lee nailed a crucial three-pointer plus two pressure packed free throws to lead his team to victory over the NLEX Road Warriors, 95-93.

read more

Show Me Your EDM Teeths!

In this week's episode of SMYT, Chelsey and Merly poke fun at artistas who may have gone too far by releasing albums to boost their careers.

read more

FEATURE: BasketBros: The Second Edition

We were surprised at the interest generated by last week's special PBA feature on BasketBros. So we decided to put up a Part 2. Read it here!

read more

REVIEW: Past Tense

Our reviewer thinks Past Tense is a step down from KimXi's previous outing, Bride for Rent. Read the full review here!

read more

5 Biggest Impressions in UAAP Volleyball

An even better Alyssa Valdez, the struggling Lady Bulldogs and UST's wonderkid. Find out other big impressions in week 1 of UAAP Volleyball here!

read more

Page 76 of 132 FirstFirst ... 26 66 75 76 77 86 126 ... LastLast
Results 1,501 to 1,520 of 2623
  1. #1501

    SUNDAY, OCTOBER 07, 2012
    Tonton, kuntento na sa 2 anak



    ON-GOING pa ang taping ng Aryana, pero may bago nang teleserye sa ABS-CBN si Tonton Gutierrez at nakatakda niyang simulan ang taping no’n sa Nobyembre 12.

    Bukas Na Lang Kita Iibigin ang title ng bagong teleserye ni Tonton sa Dos kung saan ay kasama niya sina Gerald Anderson, Cristine Reyes, Rayver Cruz, Diana Zubiri, Dina Bonnevie at Maricel Soriano.

    Kung noon ay palipat-lipat si Tonton sa Dos, TV5 at GMA 7, ngayon ay mukhang ayaw na siyang pakawalan ng Kapamilya network.

    Nang makasama ko noong Huwebes at Biyernes si Tonton sa Cebu kung saan ay sumuporta siya sa pagpa-file ng COC (certificate of candidacy) ng kanyang Tita Annabelle (Rama), napagkuwentuhan namin ang tungkol sa paglalagare sa taping.

    Noong una ay hindi niya gusto ‘yung naglalagare, pero ngayong dalawa na ang anak nila ni Glydel Mercado ay okay na siya sa maraming trabaho.

    Dahil sa kasipagan nilang mag-asawa (kung nasa Dos si Tonton, nasa GMA 7 si Glydel), nakapagpatayo sila ng bagong bahay sa may Commonwealth, Quezon City.

    Tapos na ‘yon, pero dahil sa schooling ng anak nilang si Aneeza ay baka sa Abril 2013 pa nila lipatan ‘yon. “Tutulug-tulugan din namin ‘yon kahit hindi pa kami tuluyang lilipat. Sa ngayon, finishing pa ‘yung bahay. End of this month, maglalagay na ng kurtina at ipapasok na ‘yung new furnitures.

    “Bale new furnitures dahil hindi namin tatanggalin ‘yung furnitures namin sa townhouse namin sa New Manila (na nabili niya noong binata pa siya). Ang ililipat lang namin, ‘yung mga damit namin.
    “’Yung townhouse kasi namin, gagawin naming halfway house,” kuwento ni Tonton.

    Naikuwento rin ni Tonton na excited siyang simulan ang bagong teleserye kasama sina Dina at Maricel dahil nagkasama na silang tatlo noon sa Abot Kamay Ang Pangarap ng Reyna Films kung saan nanalo siyang best actor sa Urian.

    “Si Dina, nakasama ko na sa teleserye, pero si Marya, first time ko makakasama sa teleserye.
    “For sure, masaya itong teleserye namin,” sabi pa ni Tonton.

    Napagkuwentuhan din namin ni Tonton ang kasipagan ng misis niya sa pagtatrabaho.

    “Basta gusto ni Liza (Flordeliza ang tunay na pangalan ni Glydel), pinagbibigyan ko na.

    Alam ko kasi na gusto rin niya ‘yung nagtatrabaho dahil naiinip siya sa bahay, kaya pinapayagan ko na siyang mag-taping.

    “Siya rin naman kasi talaga ang may gusto no’n,” sabi pa ng aktor.
    Ang bunso niyang si Aneeka Marie ay mag-iisang taon na sa Nobyembre at wala pa silang balak na sundan ito.

    “Hindi naman kami nagpaplano. Kung darating, okay lang. Ako kasi, parang ano, okay na sa akin ang dalawa.

    “Ayoko kasi ‘yung hindi ko mae-enjoy ‘yung anak namin dahil past 40 na ako.
    “Pero kung may darating pa, okay rin naman,” sey pa ni Tonton.

    Noong Biyernes ay biglang umalis din ng Cebu si Tonton dahil ipinatawag siya sa taping ng Aryana dahil may isang eksenang kailangang kunan sa kanya noong gabing ‘yon.

    “Okay lang naman na bumalik na ako ng Maynila dahil tapos na ang filing ni Tita Annabelle ng COC,” pahayag pa ni Tonton.

  2. #1502

    Published : Sunday, October 07, 2012
    Written by : Nitz Miralles

    Echo mobbed by teenagers in Korea

    Nababasa namin ang tweets ni Jericho Rosales from Busan International Film Festival kung saan na-screen ang movie niyang Alagwa. Kasama ng actor sa Busan ang GF na si Kim Jones at aliw ang post nito sa Instagram na his GF was mobbed habang naglalakad sila at sinundan pa sila sa paglalakad ng Korean teenagers.

    Samantala, ang bagong solo all-original alternative OPM album under Star Records ay dedicated ni Jericho sa kanyang fans at sa Panginoon. Ang title ng kanyang album ay idea ni Xander Angeles.

    Gusto ni Jericho na cover ng album ’yung nasa tubig siya at nasa ulo ang left arm. Sa botohan, ang picture na kita ang face at dimples at nasa tubig pa rin siya ang napiling gamitin.

    Ang Paboritong Tag-Ulan ang carrier single ng album na available in all record bars nationwide for P199. Digital tracks can be downloaded via http://www.mymusicstore.com.ph/.

  3. #1503

    Published : Sunday, October 07, 2012
    Written by : Leo Bukas

    Sam, the lone endorser

    SOLONG humarap sa presscon ng Derma Blend soap at Diana Stalder Skin Care Center si Sam Milby. Hindi na niya kasama ang dati nitong endorser na si Gerald Anderson.

    Ang ibig sabihin, hindi na ni-renew ng kompanya si Gerald kaya si Sam na lang ang ni-retain. Hindi na namin inintriga pa ang may-ari ng Derma Blend kung anong nangyari at bakit nawala si Gerald.

    Sa nakita namin, mukhang very much satisfied naman ang kompany ni Mrs. Stalder kahit si Sam lang ang kanilang solong endorser.

    Balak sana nilang kunin ang isang sikat na dramatic actor para idagdag sa Derma Blend family, pero sobrang mahal daw nito kaya hahanap na lang sila ng replacement.

    Anyway, fresh na fresh ang itsura ni Sam sa promo material ng Diana Stalder at Derma Blend. Hindi siya halatang ngarag sa taping ng soap opera nila ni Judy Ann Santos.

    May movie offer si Sam sa Amerika na pinag-aaralan pa ngayon ng kanyang manager na si Erick Raymundo. Kung papayagan daw siya ng ABS-CBN na mag-leave muna sa taping for at least one week, malamang daw na tanggapin ni Sam ang offer.

    * * *

    PINAPALAKPAKAN ng mga nanood sa celebrity screening ng Ina, Kapatid, Anak na ginanap sa Trinoma Cinema 7 nu’ng Thursday ang batuhan ng dialogue nina Janice de Belen, Ronaldo Valdez at Cherry Pie Picache.

    Magkapatid sa ina sina Janice at Cherry Pie. Pero dahil hindi mabuntis si Janice, si Cherry Pie ang pinakiusapan niyang magdala ng kanyang anak o maging surrogate mother sa pamamagitan ng artificial insemination.

    Ronaldo played the role of Cherry Pie’s father at ex-husband ni Pilar Pilapil. Si Ariel Rivera naman ang asawa dito ni Janice at si Eddie Gutierrez ang tatay niya.

    Sa second week pa papasok ang mga karakter nina Xian Lim, Enchong Dee, Kim Chiu at Maja Salvador. Although, may mga young Maja, Xian, Enchong at Kim na rin na lalabas on its fourth and fifth day.

    Bukas (Oct. 8) ang pilot episode ng IKA sa ABS-CBN Primetime Bida kaya masuwerte ang mga naunang nakapanood na ng serye dahil alam na nila ang mga kaganapan sa unang linggo nito.

    * * *

    Umaatikabong halikan at mainit na love scene ang pinagsaluhan kamakailan nina Shaina Magdayao at Jake Cuenca sa kanilang afternoon drama series sa ABS-CBN na Kung Ako'y Iiwan Mo.

    Ginulat ang TV viewers ng karakter ni Shaina na si Sarah na dahil sa labis na pagmamahal ay biglang pinatawad si Paul (Jake) at tuluyang nagdesisyong muling pabalikin sa buhay niya ang minsang nagtaksil na asawa.

    Sa pagkabuo ng pamil-ya nina Sarah at Paul, simula na ba ito ng mas mabuting buhay para sa kanila? O hudyat ba ang kanilang pagkakaayos ng pagdating ng mas malala-king pagsubok sa kanilang relasyon?

    Abangan ang mas umi-iinit na tagpo sa Kung Ako'y Iiwan Mo, araw-araw, pagkatapos ng An-gelito: Ang Bagong Yugto.

  4. #1504


    Globe, ABS-CBN groups explore synergies
    by Rappler.com
    Posted on 10/03/20



    The CEO of Ayala-led Globe Telecom Inc. admitted that there are ongoing talks with the Lopez Group, which controls the leading media and cable industry players, for business synergies on top of their upcoming partnership on telecommunications.

    “We’ve always been talking. I cannot deny that Gabby (Eugenio Lopez III) and I regularly talk. We always talk on what do we partner with, the capabilities, what’s going on," shared Globe president Ernest Cu in an interview with reporters.

    Cu said they continue to explore opportunities that involve complementing their businesses amid changing consumer behavior and slow down in traditional telco growth services.

    "It includes all forms of discussion such as discussions about Sky Cable, about ABS-CBN, about Bayan on how do we synergize them,” he added, referring to the cable, broadcast media, and the telecommunications units under listed conglomerate Lopez Holdings Corp (formerly Benpres Holdings Corp.).

    When asked if they were discussing partnerships that could eventually lead to an acquisition by Globe of any of the conglomerate's units, Cu replied, “all of the above. They're all included."

    Cu went on to say that he and Lopez regularly have breakfast together every 3 months or so to discuss all forms of partnerships. “But the objective is to partner with someone who knows content and ABS-CBN is a fantastic content. The best content for Globe, better than GMA 7. Gabby knows his business,” he said.

    Cu had once said Globe is exploring partnerships with a media firm amid plans of rival Philippine Long Distance Telephone Co. (PLDT) to acquire media firm GMA Network, Inc. (GMA-7).

    Cu's recent admission comes after the National Telecommunications Commission (NTC) gave its nod to the mobile and broadband frequencies sharing between Globe and Lopez-led Bayan Telecommunications.

    The NTC said this will expand their network reach and service quality and address growing consumer complaints. Globe said this joint use will help it address increasing demand for voice, SMS and mobile data services. Bayan, on the other hand, can soon offer mobile services nationwide.

    Rival Smart Communications Inc., which is led by businessman Manuel V. Pangilinan and a unit of PLDT, is contesting this NTC decision.



    LOOKING FOR SYNERGIES. Globe Telecom president Ernest Cu says
    he and ABS-CBN chair Gabby Lopez meet for breakfast regularly
    to discuss opportunities for business synergies. Photo by Katherine Visconti



    New age content


    Shared past


  5. #1505
    Friday, October 5, 2012

    ABS-CBN TO ISSUE 1 BILLION PREFERRED SHARES TO FINANCE EXPANSION AND DIGITAL TV SHIFT!
    Posted by network war



    ABS-CBN Corp., the listed media arm of the Lopez Group of Companies, plans to complete a preferred share offering to existing stockholders by December this year.

    The issuance will give the broadcast firm additional leeway to raise funds via an equity placement in 2013 to partly pay for a planned expansion into new business lines.

    ABS-CBN said in a followup disclosure on Thursday that it expects the Securities and Exchange Commission to approve by November 29 the revisions to its articles of incorporation to reclassify 200 million common shares, with a par value P1 per share, into 1 billion preferred shares, with a par value of P0.20 per share.

    The offer period itself will run from December 3 to 14, with the issuance of the shares expected on December 20. The preferred shares will be voting, non-convertible, non-participating, cumulative and redeemable, the disclosure showed.

    Once issued, the preferred shares will represent 56.7 percent of the company’s total outstanding shares, the disclosure showed.

    The issuance will pave the way for a fund-raising exercise next year with ING Bank acting as financial advisor, a source said previously. ABS-CBN is seeking to enter new business lines as well as financing plans for so-called digital terrestrial television.

    Company shares rose 0.15 percent to P32.80 each on Thursday, giving the company a market value of P25 billion.

  6. #1506


    Markki Stroem – 'Thousands of Pieces' Music Video and Lyrics
    Posted on October 6, 2012

    Markki Stroem has released the music video for his latest single Thousands of Pieces which is part of his debut album of the same title under Cornerstone Music.

    'Thousands of Pieces' album features songs like Steal Your Soul (with Zia Quizon), Toxic, a jazzed-up version of Call Me Maybe and a Markki original Kung Pwede Lang Ibalik.



    The Pilipinas Got Talent Season 1 grand finalist, now dubbed as today’s Sexy Jazz Artist, directed and co-produced two of his own singles Steal Your Soul and Thousands of Pieces which both gained outstanding response on the MYX charts.

    The music video for Thousands of Pieces features Cosplay Goddess Alodia Gosiengfiao, PBB Big Winner Slater Young, and Gerry Sy. It is directed by Carlo Alvarez.

    Check out the ‘shocking’ and ‘disturbing’ music video of Markki Stroem's Thousands of Pieces (lyrics below):



    Markki Stroem Thousands of Pieces Lyrics


  7. #1507

    Meet Christian Bautista at the X Class Concert


  8. #1508


    The X Factor Philippines Grand Winner is KZ Tandingan

    Posted on October 7, 2012

    The X Factor Philippines Grand Finals Results Night happened October 7 and KZ Tandingan was named as the very first X Factor Philippines grand winner. KZ got the most number of votes, beating Gabriel Maturan and Daddy's Home.



    KZ Tandingan, who hails from Digos City, Davao Del Sur brought home 4 million pesos worth of cash, prizes and recording contract courtesy of Star Music. Gabriel Maturan, who came in second place won for him P100, 000. Meanwhile, Daddy's Home at third place got P50, 000.

    Last night, KZ performed The Carpenters' Superstar and The Way We Were with original hitmaker Rico J. Puno. Tonight, KZ sang with Champion Performer of the World Jed Madela and her mentor Charice.

    KZ is a consistent fan favorite ever since the auditions and throughout the live shows, KZ proved that she is a versatile performer. Topping several polls and trending on social networking sites, KZ is one front runner that never became complacent.

    Congratulations KZ! The whole Philippines celebrates as another world-class idol is born.

  9. #1509
    ABOUT SHOWBIZ Ni Nitz Miralles (Pilipino Star Ngayon) Updated October 08, 2012

    Direk Wenn nalaswaan sa bed scene nina Luis at Vice

    Kahit sure winner na sa box-office, nagmo-mall tour pa rin ang cast ng This Guy’s in Love with You Mare. Para siguro madagdagan ang P500 million target gross ni Direk Wenn Deramas.

    Sa Oct. 10 ang showing ng This Guy’s in Love with You Mare na first time nag-swimsuit si Toni Gonzaga at may pasabog na bed scene sina Vice Ganda at Luis Manzano. Nalaswaan si Direk Wenn at siya raw ang na-offend. Biro naman ni Luis, umiyak siya after kunan ang nasabing eksena.

    After This Guy’s in Love with You Mare, si Vice Ganda pa rin ang artista ni Direk Wenn at ito’y sa Sisteraka na entry sa MMFF. Dahil pumayag na si Kris Aquino na gawin ang pelikula, mas doble ang saya. Kaya lang, parang nabanggit ng TV host-actress na hindi niya feel ang title ng movie nila ni Vice pero bawal yatang magpalit ng title ayon sa rules ng MMFF.

  10. #1510
    SHOWBIZ NEWS NOW NA! Ni Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) Updated October 08, 2012

    Janice proud sa narating ni Luigi


    Mamayang gabi ay magsisimula na sa Primetime Bida ang teleseryeng Ina, Kapatid, Anak. Kamasa sa nasabing proyekto si Janice de Belen at ayon sa aktres ay kinakabahan pa rin siya hanggang ngayon sa tuwing may bago siyang ginagawa.

    “Kahit matagal ko na itong ginagawa, ninenerbiyos pa rin ako all the time that I start something new or do something new,” pagtatapat ni Janice.

    “Ako mismo nagpi-pressure sa sarili ko kasi you’re only as good as your last job, so, always have to make sure that your performance is better than the last one. Siyempre nakaka-pressure ng slight ’yon because they expect a lot from me.”

    Samantala, proud na proud ngayon si Janice sa anak nila ni Aga Muhlach na si Luigi dahil meron na itong sariling cooking show sa GMA 7. Matatandaang nag-guest kamakailan si Luigi sa programa ni Janice na Showbiz Inside Report. Naikuwento ni Luigi sa nasabing episode ang kanyang mga pinagdaanang problema sa buhay at kung paano siya nagbago para sa ikabubuti ng kanyang sarili at ng kanyang pamilya.

    “Proud naman ako sa kanya. Lahat ng tao nagtsi-change, nagte-turn around. I guess nag-mature na talaga siya,” maikling pahayag ni Janice tungkol sa anak.

    Ngayon ay dalawa na ang apo ng aktres kay Luigi.

    Sam nakaranas ng madalas na stage fright

    Naalala ni Sam Milby ang kanyang kabataan. Noon ay madalas siyang makaranas ng stage fright sa tuwing nagtatanghal siya sa entablado. Masyado kasi siyang mahiyain noong bata pa siya.

    “Buong buhay ko mahiyain ako. Ako ’yung tipong hindi ko kaya humarap sa maraming tao para mag-perform dahil sa stage fright. But lately, I enjoy performing. I never thought that I would actually be very comfortable with it. You could tell and that’s whata lot of my friends tell me. Kitang-kita na hindi ako komportable sa stage. But I’m happy that I’m learning to enjoy. That’s probably one stage, I’m still working on the other ones,” kuwento ni Sam.

    Samantala, ngayon ay masaya si Sam dahil nandito sa Pilipinas ngayon ang kanyang nakatatandang kapatid na babae na si Ada.

    “My family is here so it’s nice kasi for the longest time hindi kami nag-bonding ng ate ko kasi grabe ang trabaho lately. But it’s nice with my pamangkin (Lona) here. I like having her around, bonding with her.

    “Sabi niya ’yung return ticket niya to the States is January 2013 so kung ayos na buhay niya rito sa Pilipinas by January mag-stay siya rito pero feeling ko she will stay,” giit pa ng aktor.

    Reports from JAMES C. CANTOS

  11. #1511


    Paulo Avelino, MYX VJ ngayong Oktubre

    October 08, 2012

    Mas kilala bilang ang mapangahas na si Nathan sa teleseryeng Walang Hanggan, ipapakita ng Gawad Urian best actor na si Paulo Avelino na hindi lang siya magaling sa drama kundi sa hosting din.

    Abangan si Paulo sa paghahatid ng mga pinakabago sa mundo ng musika bilang celebrity video jockey ng MYX sa buwang ito.

    “Unang beses ko po maging MYX VJ at sobrang nag-e-enjoy po ako,” sabi ni Paulo. Masaya raw mag-host sa MYX dahil ibang-iba ito sa nakasanayang heavy drama, dagdag pa niya.

    Maliban sa pag-arte, ipinakita rin ni Paulo ang galing sa pag-awit nang ilabas niya ang kanyang debut single na When She Cries noong nakaraang buwan at nakatakda namang lumabas ang kanyang unang self-titled album ngayong Oktubre.

    Panoorin si Paulo sa MYX sa mga araw na ito: Oct. 8-10 sa Pop MYX, Oct. 14-20 sa Mellow MYX, at Oct. 21-31 sa My MYX.

  12. #1512


    MONDAY, OCTOBER 08, 2012
    Jericho movie, pinuri sa ‘The Hollywood Reporter’
    Marian-Coco movie, ‘di totoong shelved!




    Tuloy pa rin ang Marian Rivera-Coco Martin movie.

    Kaya naman walang katotohanan ang lumabas na balitang shelved na ito.

    Ayon kay Roselle Monteverde, next year na ito gagawin.

    Marami pa raw commitments si Coco gaya ng out of the country shows bilang bahagi ng pasasalamat para sa kinabibilangan niyang show na Walang Hanggan.

    ‘Yun nga lang, mukhang mauuna pa ang paggawa ni Marian ng Valentine movie next year kung saan muli silang magsasama ni Richard Gutierrez. Matatandaang ‘yung ginawa nilang Valentine film na My Bestfriend’s Girlfriend ay isang blockbuster.

    Silang dalawa pa ang magiging hosts ng pagbabalik ng reality show na Extra Challenge kaya malaking bentahe uli ‘yon sa pagbabalik-Valentine offering nila.

    Samantala, sa October 29 na ang telecast ng bagong drama series ni Marian na The Temptation of Wife. Bale ito ang pangatlong series this year ni Marian after Amaya at My Beloved.

    ***

    Umani ng magandang review sa The Hollywood Reporter ang indie film ni Jericho Rosales na Alagwa (Breakaway) na pinalabas sa Busan Film Festival.

    Pinapurihan ang akting ni Echo pati na ang child actor na si Bugoy Carino na lumabas bilang nawawala niyang anak.

    Unang venture ni Jericho sa film production ang Alagwa at tiyak na may tuwa sa puso niya sa magandang feedback ito sa ibang bansa.


  13. #1513


    MONDAY, OCTOBER 08, 2012
    Shaina, matapang na nakipaglampungan kay Jake Cuenca!



    Kahanga-hanga nga ang tapang ni Shaina Magdayao sa pakikipaglampungan kay Jake Cuenca sa afternoon drama series ng ABS-CBN na Kung Ako’y Iiwan Mo.

    Last week ay umaatikabong halikan at mainit na love scene ang pinagsaluhan nina Shaina at Jake sa kanilang afternoon drama series.

    Aba, halikan kung halikan, at halinghing kung halinghing nga ang naging drama ni Shaina.

    Nagulat nga ang TV viewers sa karakter ni Shaina na si Sarah na nang dahil sa labis na pagmamahal ay biglang pinatawad nito si Paul (Jake) at tuluyang nagdesisyong muling pabalikin sa buhay niya ang minsang nagtaksil na asawa.

    Sa pagkabuo ng pamilya nina Sarah at Paul, simula na ba ito ng mas mabuting buhay para sa kanila? O hudyat ba ang kanilang pagkakaayos ng pagdating ng mas malalaking pagsubok sa kanilang relasyon?

  14. #1514


    MONDAY, OCTOBER 08, 2012
    Ate Gay, ipinagdiinang ‘di ginagamit si Vice Ganda!

    Rey Pumaloy

    Itinanggi ni Ate Gay na ginagamit niya si Vice Ganda para sa promo ng first major concert niya sa MOA Arena, ang Ako naman! Ate Gay sa Arena, They Call me Beki Concert, na gaganapin sa November 30. Pero, pinasalamatan din niya si Vice Ganda sa pagnanais daw nito na tulungan siya sa kanyang concert.

    Mabilis na nakarating kay Ate Gay ang mga statement ni Vice sa presscon ng This Guy’s In love with You Mare, kung saan inilahad ng ABS-CBN talent na wala siyang nalalamang away nila ni Ate Gay para gamitin siya sa promo ng concert nito. Pero kung gusto nito ng tulong, willing siyang damayan ang huli.

    Sabi nga ni Ate Gay, hindi niya maituturing na super close sila ni Vice pero kaibigan ang turing niya rito dahil magkakasama sila sa trabaho bilang stand-up comedian. Masaya siya dahil nagpaabot na nga ng intensyon niyang tulungan siya sa kanyang unang solo concert.

    Pero gusto raw muna ni Ate Gay na magkausap sila ni Vice para magkalinawan sila ng personal. Nagpaliwanag si Ate Gay na hindi naman niya inaaway o ginagamit si Vice. Nilinaw rin niya ang isyung sumama ang loob niya sa maikling exposure niya sa Gandang Gabi Vice sa ABS- CBN at pinanghinayangan niyang tinanggihan niya ang Sarah G. live guestings niya.

    Sey pa ni Ate Gay, sana raw sabay na lang siyang nag-guest sa dalawang show. Pero hindi raw payag ang dalawang show sa ganitong set-up.

    Pinanindigan naman ni Ate Gay ang naramdaman niyang disappointment sa naudlot na guesting-hosting niya sa Showtime, kung saan si Ai Ai delas Alas ang pumalit sa kanya. Pero hindi niya isinisisi ‘yun kay Vice dahil alam niyang wala itong kinalaman sa naging desisyon ng production na palitan siya.

    Samantala, tuloy pa rin ang superstar na si Nora Aunor sa guesting nito sa concert ni Ate Gay, ganundin si Allan K na siyang nagbibigay ng mga pointers sa kanya para sa mga dapat niyang gawin sa major show niyang ito. Bago pa si Vice, si Allan ang unang all-out gay performer na nag-concert sa Araneta Coliseum.


  15. #1515

    OCTOBER 08, 2012 MONDAY
    Mga kapamilya ni Cristine, wagas kung makautang!



    HINDI pa rin pala natatapos ang emote ni Cristine Reyes tungkol sa kanyang pamilya.

    Sa Twitter ay quiet lang si Cristine, pero sa kanyang Facebook account ay nabasa namin ang post niya nu'ng Oktubre 3 na obviously ay pasaring na naman sa kaalitan niyang Ate na si Ara Mina.

    Heto ang FB shoutout ni Cristine:

    "Sige, I claim it. I'm the baddest of them all… I'm the baddest sister… Kasi, bumuo sila ng happy family na hindi ako na-briefing na ako pala ang financial sponsor sa lahat ng gastusin nila sa kanilang 'happy family,' from single to taken to husband and a father…

    "Ako pala ang dapat sisihin sa lahat. =) I love it… Papakuba ka sa work, sila papakasaya sa bigay na pinaghirapan ng ibang tao. Kung makautang, wagas. Kapag 'di makakuha, wagas din ang galit sa akin =)"

    ***

    Halatang imbyerna si Cristine sa post niyang 'yon kaya may isang FB friend siyang nag-comment ng, "You need a drink."

    Sagot dito ng sexy young actress, "Hahaha! I need more money actually, para ma-sustain ang LUHO ng mga ito.

    "Wagas na wagas lang talaga ang pangungutang sa akin since I started working."

    May isang nagtanong kung 'upset' ba siya. Ang sey ni Cristine, "Upset? Actually, hindi. Gusto ko na lang pagtawanan. Kasi kahapon, breakdown na ako sa dressing room ng Toda Max."

    Isa pang kaibigan ni Cristine ang nag-comment sa post niya ng, "AA (palayaw ng dalaga), pautangin mo ako bago nila maubos lahat! Hahaha! Tagay na 'yan!"

    Sagot ni Cristine, "Sorry, hindi pwede. Kasi, kapag nalaman na nagpautang ako sa ibang tao, masamang kapatid na naman ang labas ko niyan, Bro. Kasi sila, hindi ko pinagbigyan, pero ibang tao binigyan. Hahahahaha! PAK =p"

    ***

    Sabi pa ni Cristine sa FB, kaya raw niya ang sitwasyon. Aniya, ilang years na siyang gano'n, ngayon pa ba siya susuko?

    Nabanggit din niyang nakakapangit ang stress. Pero nagbiro siya sa isang friend niyang nasa abroad na once hindi na niya kaya ay goodbye Pilipinas na siya.

    Makikitira raw siya sa nasabing kaibigan niya na nasa Canada.

    "Puwede akong pa-tattoo sa forehead ko: 'ATM MACHINE.' Hahahahaha! Joke =p"
    Ayon kay Cristine ay nagbi-vent lang siya.

    Ano kayang magiging reaksyon ni Ara Mina sa pagbi-vent na 'yon ng nakababatang kapatid na idinemanda nito?

    Sino kaya 'yung WAGAS kung MAKAUTANG na sinasabi ni Cristine?!

    Ang dinig namin ay naiinip na si Ara sa desisyon ng piskalya sa isinampa niyang kasong libelo laban kay Cristine.

    Nagtataka na raw si Ara kung bakit napakatagal na ibaba ang desisyon.

    Sa bagong mga patutsada na pinakawalan ni Cristine, masaktan kaya ulit si Ara at magreak sa isyu o deadma na lang siya dahil sanay na sa mga ganu'ng klaseng parunggit ng kanyang kagalit na kapatid?

  16. #1516

    OCTOBER 08, 2012 MONDAY
    Vice Ganda, gustong maging action star!

    Ni Allan Diones

    BEKING-BEKI si Vice Ganda pero gusto palang maging action star ng sikat na komedyante.
    Tsika ni Vice doon sa presscon ng pelikula niya with Luis Manzano and Toni Gonzaga na This Guy's in Love with U Mare, gusto niyang gumawa ng action movie.

    "'Yung totoong action. Gusto kong maging first bading na gumagawa ng action movies. Sabi ko, 'Direk, gusto ko ngang tumalon sa San Juanico Bridge, eh!' Kasi 'di ba, may gumawa no'n, si Dante Varona?" bulalas ni Vice.

    Aniya, merong eksena sa This Guy's in Love with U Mare na tatalon siya mula sa terrace pababa. Pinadobolan siya sa nasabing eksena, pero ang sabi niya kay Direk Wenn Deramas ay kaya niyang gawin 'yon.

    Ayaw lang siyang payagan.

    "Eh kung nabalian? Eh 'di pack-up ako?" reaksyon ni Direk Wenn.

    "Gusto ko, eh!" hirit ni Vice.

    Sagot ni Direk Wenn, "Pinaplano ko po 'yan, nu'ng sinabi niya sa akin na gusto niyang mag-action.

    Baka gawin niya po 'yung talambuhay ni Emma Henry!"

    Natawa si Vice dahil hindi niya kilala ang pangalang binanggit ni Direk Wenn.

    Si Emma Henry ay isang sikat na female police officer mula sa Laguna nu'ng dekada '70.

    Nagbida si Emma sa sarili nitong biopic, ang Emma Henry: Policewoman (1978), na nagkaroon ng sequel na may pamagat na Ang Pagbabalik ni Emma Henry (1981).

    ***

    Isa pa sa mga pangarap ni Vice Ganda ay ang masampal ni Maricel Soriano sa pelikula.

    Tsika niya, magkaibigan na sila dahil pinabigay ni Marya ang number nito sa kanya.

    "Close na kami. Kinleym ko talaga, o! Ang saya-saya ko. Hinabol ko siya nu'ng isang araw, nagpapiktyur ako sa kanya!" masayang kuwento ni Vice.

    ***

    Okey lang sa gay comedian ang gumanap na isang tunay na lalaki sa pelikula. May mga kaibigan siyang nagsasabi sa kanyang ang asta niya hanggang ngayon ay lalaking-lalaki pa rin. Bargas pa rin siya kung kumilos.

    "Kasi nga, ang tagal ko namang lalaki, eh. Tapos, nakatira ako sa hindi naman masyadong nakakaluwag-luwag na lugar. 'Yung bargasan lang ang kilos, hindi talagang pa-girl.

    "Bukod lang sa pananamit ko na pinipilit kong magpa-girl, pero lalaki pa rin po ako, eh. Kanina pa nga ako hirap na hirap dito sa inuupuan ko, kasi hindi ko maitikom 'yung paa ko. Eh, sanay lang akong nakabukaka.

    "Isang beses nga, piniktyuran kami ni Anne (Curtis), ako, si Vhong (Navarro) at saka si Billy (Crawford).

    Nagti-text kami na hindi kami conscious.

    "Iyung dalawa, sina Vhong at Billy, nakaganyan (nakasarado ang legs). Ako lang 'yung nakagano'n (nakabukaka). Pero naka-makeup ako.

    "Sabi nila, 'Lalaking-lalaki ka pa rin. Wala kang bahid ng bakla!' Lalo na kung kami-kami lang.

    "Kaya feeling ko, kung ang role eh lalaki, kering-keri ko talaga 'yon. Wala lang po talagang kissing scene sa babae!"

    Sa Oktubre 10 ang showing nationwide ng This Guy's in Love with U Mare.


  17. #1517


    B.O.H.G. - A Beautiful Affair with ABS-CBN: An Intimate Evening With The Stars
    10/04/2012 7:34 PM
    by: G3 San Diego


    A Beautiful Affair With ABS-CBN

    An intimate evening with the stars was this trade event's theme. The NBC Tent was packed - a testament to the drawing power of this generation's most beloved and followed love team, John LLoyd Cruz and Bea Alonzo.

    'A Beautiful Affair' spearheads ABS-CBN's newest line-up of television programs for the final quarter of the year.


    (L-R) With Ms. Judy Ann Santos;
    My very handsome hosts, Luis Manzano and Billy Crawford;
    The Princess and I – With Kathryn Bernardo.



    (L-R) La Greta; Paraiso's Jessy Mendiola and Mateo Guidicelli.


    (L-R) The steamy Mateo Guidicelli; Little Champ’s Lito Lapid.


    (L-R) Maja and Kim of Ina,Kapatid,Anak; KimXi;
    Piolo Pascual sings the theme of ‘Little Champ’.



    (L-R) Enchong Dee; Enchong, Maja, Kim and Xian; Sam Milby.


    (L-R) John Lloyd and Bea; JLC.


    (L-R) The beautiful Bea Alonzo; John Estrada, Bea Alonzo and John Lloyd Cruz;
    John Lloyd and Bea during rehearsals.



    (L-R) Vina Morales and Martin Nievera sing the theme
    of ‘A Beautiful Affair’, “After All”; With JLC and B.



    The man behind ‘A Beautiful Affair’, Lauren Dyogi.

  18. #1518
    CONFIRMED.

    Princess and I, sa November 23, 2012 pa magtatapos !

    Little Champ, ang bagong bibida starting November 26, 2012 Weeknights after TV Patrol.

  19. #1519
    FUNFARE By Ricardo F. Lo The Philippine Star Updated October 09, 2012

    Direk Wenn: Hindi araw-araw Pasko


    Direk Wenn Deramas (rightmost) and the stars of his latest movie,
    Star Cinema’s This Guy’s In Love With You, Mare, (from left)
    Vice Ganda, Luis Manzano and Toni Gonzaga


    Even if his first name is spelled with an “e” and two “n’s,” it could mean the same thing – Win, as in Winner.

    Because in the past few years, director Wenn Deramas has been cranking out blockbusters even as he causes bellyaches among moviegoers with his unique brand of comedy, combining wit and humor plus, which is very evident in his latest potential hit, Star Cinema’s This Guy’s In Love With You, Mare, starring his mga suki Luis Manzano, Toni Gonzaga and Vice Ganda.

    Will the movie surpass the P342M-plus take of Praybeyt Benjamin (said to be the highest-grossing local movie of all time) and, as Vice Ganda jokingly boasted during the presscon, rake in P400M-plus?


  20. #1520
    SHOW-MY Ni Salve Asis (Pilipino Star Ngayon) Updated October 09, 2012

    Hindi puwede sa ABS-CBN?: Derek na-edit sa trailer ng sariling pelikula!

    Bawal bang mapanood sa ABS-CBN si Derek Ramsay? Ang mga interview niya, nakakalusot naman sa mga news program ng Kapamilya Network pero bakit sa trailer ng pelikulang A Secret Affair, wala ang actor? Mga eksena lang nina Anne Curtis at Andi Eigenmann ang napanood na trailer sa Sarah G. Live last Sunday.

    Lumalabas tuloy na parang sina Anne at Andi ang may secret affair sa kanilang pelikula. Ano ‘to? Hahaha.

    Eh bakit nang masilip ko naman sa Eat Bulaga, silang tatlo ang nasa trailer. Kasabay pa halos ng Eat Bulaga ang It’s Showtime kung saan main host si Anne na isa sa mga bida ng pelikula!

    Hmmm. May something ba?

    Malakas ang dating ng pelikulang A Secret Affair under Viva Films. Curious ang maraming mga nakapanood sa trailer sa twist ng istorya na palabas na October 24.

    Movie nina Bea at John Lloyd parang kopya sa buhay ng aktres

    “Alam mo kung kaninong story ang The Mistress (ang movie nina John Lloyd Cruz and Bea Alonzo na pinilahan sa takilya)? Sino, tanong ko sa kabilang linya.

    “Naku si (binanggit niya ang pangalan ng aktres).”

    Really? “Yah. Naging mistress muna siya (name ng actress) bago niya napangasawa ang husband niya ngayon. At mag-ama ha,” dagdag nang tumawag sa akin.

    Hala? Kelan pa ‘yun? “Siyempre matagal na ‘yun. May anak na nga sila ng husband niya.”

    As in mag-ama rin?

    “Yes,” ulit niya.

    Nakakawindang though may rumor na noon tungkol sa nasabing isyu pero hindi naman sa mag-ama natsismis.

    Malakas talaga ang impact ng The Mistress. Nakalkal tuloy ang tungkol sa actress na mala-pelikula ang love story.

    Aware kaya ngayon ang actress na pinag-uusapan siya dahil sa pelikulang The Mistress?

Page 76 of 132 FirstFirst ... 26 66 75 76 77 86 126 ... LastLast

Posting Permissions

  • You may not post new threads
  • You may not post replies
  • You may not post attachments
  • You may not edit your posts
  •  

Advertisement

Hot Topics

SHOWBIZ:

Be Careful With My Heart ends today! Share your favorite memories in this thread.

Be Careful With My Heart ends today! Share your favorite memories in this thread.

read more
LOCAL AND FOREIGN ISSUES:

Mayor Erap declares four-day holiday in Manila during Pope Francis' visit in the Philippines

Mayor Erap declares four-day holiday in Manila during Pope Francis' visit in the Philippines

read more
TV:

The Voice PH blind auditions continue this weekend! Join the ongoing discussion here.

The Voice PH blind auditions continue this weekend! Join the ongoing discussion here.

read more
UAAP:

Ateneo and La Salle pick up wins vs Adamson and NU to go 2-0

Ateneo and La Salle pick up wins vs Adamson and NU to go 2-0

read more
PBA:

Purefoods douse Kia's upset bid, 88-77

Purefoods douse Kia's upset bid, 88-77

read more
CALL CENTER:

What Christmas gift will you buy yourself this year?

What Christmas gift will you buy yourself this year?

read more
NMFtv:

Chieffy Caligdong reveals the real reason why he retired from the Philippine Azkals

Chieffy Caligdong reveals the real reason why he retired from the Philippine Azkals

read more