REVIEW: Fast and Furious 6

Fast and Furious 6 is a high-octane action-packed ride that will make the most hardened action movie fans blush

read more

PHOTOS: ADMU Draws First Blood

The ADMU Lady Eagles displayed championship cool as they ripped the NU Lady Bulldogs in 3 sets in game 1 of the finals

read more

PROMO: The Hangover 3

Join now and get a chance to win advanced screening tickets to The Hangover 3!

read more

Top Female Celebs

The highest fan and issue threads will be posted weekly. Check out the gorgeous female celebrities that came out on top this week!

read more

The Apprentice Asia

Twelve of the best brains across Asia compete to be hired in the ultimate job interview in The Apprentice Asia

read more

The Flick List (Themed)

Guess the theme! Have you seen Twilight, Sister Act and these other movies? Share your thoughts and reviews in here!

read more

Page 5 of 132 FirstFirst ... 4 5 6 15 55 105 ... LastLast
Results 81 to 100 of 2624
  1. #81
    Kwento natin ito! PaPi2010's Avatar
    Join Date
    Jun 2010
    Location
    60 YRS. PHL TV
    Kaya 'yumabang' na Bugoy kaliga na nina Zaijian at Xyriel

    SANGA-SANGANDILA Ni Veronica R. Samio (Pilipino Star Ngayon) Updated January 21, 2012

    Sa pagbibida ni Bugoy Cariño sa E-Boy, isang bagong serye ng ABS-CBN na sa Primetime Bida pa nakalagay, kaliga na siya nina Zaijian Jaranilla at Xyriel Manabat.

    Pinangunahan niya ang maraming artista na kabilang sa cast ng serye na binigyan ng presscon nung Huwebes ng gabi. Sa gitna ng stage siya pinaupo, sa gitna ng dalawang malalaking artista na gumaganap ng kanyang magulang sa kuwento, sina Ariel Rivera at Agot Isidro.

    Kahit bata pa ang napiling best child performer sa nakaraang Metro Manila Film Festival Awards Night, naramdaman nito ang ibinigay na papuri sa kanya ng lahat ng kasama sa serye, kabilang na ang dalawang direktor ng serye na sina FM Reyes at Nick Olanka, ang sumulat ng kuwento at ang mga co-stars niya na sina Jomari Yllana, Valerie Concepcion, Jaime Fabregas, Chinggoy Alonzo, Pen Medina, Carmen Sanchez, Blythe Gorostiza, Arjo Atayde, Akiko Solon, Bryan Santos, at ang mga kapwa niya bata na sina Maliksi Morales at Deydey Amansec.

    Mabuti na lamang at dahilan sa kanyang kabataan ay hindi pa lubusang pumapasok sa isip ni Bugoy ang mga papuring naririnig niya, tulad ng “bata pa ay marami ng alam,” “witty,” “multi-talented kasi magaling umarte, sumayaw, at kumanta,” “charismatic,” “smart and sharp,” “born entertainer,” “maraming paiiyakin in the future,” at marami pang iba na hindi niya itinatanggi at sa halip ay sinabing pawang mga totoo.

    Kahit may halong yabang na ang mga pagsasalita niya, hindi siya kinondena ng media dahil nga bata pa siya at sa halip ay tinanggap ng buo ang pagiging truthful niya.

    Direk FM iniiyakan pa rin ang namatay nilang anak ni Rita Avila

    Maraming sumabay sa pag-iyak ni Direk FM Reyes nang may magpaalala sa kanya ng naging kamatayan ng kanilang anak ni Rita Avila. Naungkat ito dahil bahagi ng istorya ng E-Boy ang pagkamatay ng isang bata na siyang dahilan para siya ay malikha.

    Obviously, sa kabila ng maraming taon, hindi pa tuluyang nakaka-move on ang direktor sa hindi pagkakatuloy nang pagbubuntis ng kanyang maybahay. Hanggang ngayon ay nagbibigay sa kanila ni Rita ng ibayong kalungkutan.

    “Hindi pa ako handa na sumagot sa ganung katanungan. Nagulat nga ako nang may magtanong,” paliwanag ng direktor na nagkaroon pala ng agam-agam kung makakaya niyang magdirek ng isang kuwento na malapit sa kanyang buhay.

    Sa susunod baka mas handa na siya.

    Love triangle...

    Sexy pala ang produkto ng singing contest na si Sharon Cuneta ang host nung nasa ABS-CBN pa siya. Kasama sa cast ng E-Boy si Akiko Solon bilang bahagi ng pinaka-bagong love triangle na nilikha ng Kapamilya Network at inaasahang sisikat in the near future.

    Ang dalawa pa ay sina Bryan Santos at Arjo Atayde. Ang huli ay anak ni Sylvia Sanchez na nagpasyang sundan ang yapak ng kanyang ina kahit malaki ang pressure na nararamdaman niya dahil magaling na artista ang kanyang ina at nanalo na ng award.

    Malakas ang bulungan na umaabot na sa likod ng kamera ang love triangle nila kahit pa itinanggi ng dalawang binata na nililigawan nila si Akiko at sinabing magkakaibigan lang silang tatlo.

    http://www.philstar.com/Article.aspx...bCategoryId=96

  2. #82
    Kwento natin ito! PaPi2010's Avatar
    Join Date
    Jun 2010
    Location
    60 YRS. PHL TV


    Star Records stars pinasaya ang Inside Showbiz Live!
    January 21, 2012



    Pumila ang maraming tao para makapanood ng mga paboritong Star Records artists sa Glorietta Activity Center na hawak-hawak ang January issue ng magasing Inside Showbiz. Ito ang pasaporte nila para sa ginanap kamakailan na Inside Showbiz Live! concert na tinambakan ng mga sikat at magagaling na performers.

    Nagtilian ang mga fans sa pagsalang ni Jovit Baldivino at kinanta ang I’d Do Anything for Love. Sumunod naman si Liezel Garcia na kinanta ang Climb at ang popular na Gisingin ang Puso, ang theme song sa isang Korean novela. At ang huling guest sa unang set ay si Bugoy Drilon.

    Ang next set ay pinangunahan ni Yeng Constantino. Nasorpresa ang crowd sa kanyang Eraserheads medley. Sumunod naman ang Sessionista singer na si Juris na nag-acoustic. Ang finale ay ang Prince of Pop na si Erik Santos. Kinanta niya ang ilang nakapaloob sa latest album na Awit Para sa ’Yo.

    Tuwang-tuwa ang mga naunang fans sa venue dahil sa mga giveaways mula sa Sisters Napkin, Glutamax, Medical City, at Pregroe.

    Ayon kay Rikka Dylim, ang Inside Showbiz executive editor, marami pang kaabang-abang na istorya at magagandang pictorials sa mga susunod na issue ngayong taon.

    http://www.philstar.com/Article.aspx...bCategoryId=96

  3. #83
    Kwento natin ito! PaPi2010's Avatar
    Join Date
    Jun 2010
    Location
    60 YRS. PHL TV

    Published : Saturday, January 21, 2012
    Written by : Bong de Leon


    BONG, LANI PROUD PARENTS

    SENATOR Bong Revilla and wife, Representative Lani Mercado are so pleased about son Jolo Revilla getting good reviews as an actor in “My Binondo Girl” where he pours real tears complimenting his dramatic scenes. A lot of people are saying that Jolo is a better actor than the father, but Sen. Bong doesn't mind. He is, after all, a better host as manifested by the high rating “Kap’s Amazing Stories” on GMA7 that will discuss Autumn Frozen Planet this Sunday.

    And they really support each other. Senator Bong and Rep. Lani took time out to help organize a lavish birthday bash in an expensive clubhouse for Jolo's son, Gab (by Rossana Roces' daughter, Grace). Meanwhile, Jolo is said to be running in the next election in Cavite but still uncertain about what position. Nasa dugo naman 'yan kaya kahit ano sigurong posisyon kaya niya.

    SHOWBIZ MERRY GO ROUND

    PATRICK Garcia is very much welcome as he returns to ABS-CBN via “Precious Hearts Romances Present Lumayo Ka Man Sa Akin” with Maja Salvador and Jason Abalos.

    The love merry go round in showbiz is truly amazing. Patrick was interviewed by his ex-girflriend, Jennylyn Mercado's current boyfriend, Luis Manzano and it went well as if nothing was behind them. Halos ganito rin naman ang kaso nina Maja at Jason who went steady for a while (was it two weeks?), pero ngayon, magkaibigan na lang. We all know that Maja is going steady with actor-racer Matteo Guidicelli, si Jason naman is close now to Jewel Mische (former GF ni RG, di ba?).

    Kahit sa ibang teleserye ng ABS-CBN, ang “Walang Hanggan,” 'nagkabalikan" (bilang magkapareha lang naman) sina Richard Gomez at Dawn Zulueta. At nakakatuwa dahil parehong kongresista ang respective spouses nila, sina Rep. Lucy Torres and Rep. Anton Lagdameo.

    There are just a few solid relationships in showbiz. Marami kasing tukso. Iilan lang ang mga tulad nina Eddie Gutierrez and Anabelle Rama, Sen. Tito Sotto and Helen Gamboa, the late FPJ and Susan Roces, Boots Anson-Roa and (also the late) Pete Roa.

    http://www.journal.com.ph/index.php/...pauleen-affair

  4. #84
    Ang Chinese New Year Countdown ng ABS-CBN will start at 8 pm on Studio 23 at ililipat ito sa Ch 2 at 9:30 pm to give way to the NBA primetime replay sa 23.

  5. #85
    Kwento natin ito! PaPi2010's Avatar
    Join Date
    Jun 2010
    Location
    60 YRS. PHL TV
    Rated K gagalaw ng oras pagpasok ng Sarah G. Live

    SHOW-MY Ni Salve Asis (Pilipino Star Ngayon) Updated January 22, 2012

    Hindi naman pala ang Gandang Gabi Vice ang papalitan ng papasok na programa ni Sarah Geronimo sa ABS-CBN. Seven to 8:00 p.m. daw kasi ang magiging timeslot ng Sarah G. Live, pagkatapos ng Goin’ Bulilit. So ang magmo-move ay ang Rated K ni Ms. Korina Sanchez?

    Saka hindi naman daw matatanggal totally si Vice sa ere dahil papalitan ang Gandang Gabi Vice ng The Singing V, yes as in The Singing Vice.

    The Singing Bee ang original na title ng dating programa ng ABS-CBN na si Cesar Montano ang naging host, pero ngayon nga ay ibibigay na kay Vice na kakaiba naman ang concept.

    Anyway, magkakaroon pala ng iba’t ibang co-host si Sarah every week sa programa niyang Sarah G. Live.

    Na-e-excite na si Sarah na simulan ang programa na solong-solo niya.

    Angelito tinututukan

    Mukhang naka-jackpot talaga si JM de Guzman sa pinagbibidahan niyang Angelito: Batang Ama.

    Aba, marami palang nanonood nito.

    Ang mga kasama ko sa bahay, memorize ang takbo ng kuwento ng Batang Ama.

    Anyway, matapos ang matagal na paghihintay at paghahanapan, nagkita na nga sa wakas ang dating magkasintahang sina Angelito at Rosalie (Charee Pineda) sa tinututukang serye sa hapon, ang Angelito: Batang Ama.

    Sa tulong ng private investigator na kinuha ni Andrew (Tom Rodriguez), natunton na ni Rosalie ang kanyang mag-ama. Isang madamdaming pagkikita nga ang pagsasaluhan ng pamilya sa mismong eskuwelahan ni Jun-Jun (Joshen Bernardo).

    Sa kanilang muling pagkikita, muli ring malilito ang mga nag-aalab na puso nila. Bagamat may nararamdaman pa rin sa isa’t isa, may mga taong naghihintay at umaasa na sa pagmamahal nila— si Andrew kay Rosalie at si Jenny (Kaye Abad) kay Angelito.

    Tuluyan na kayang mabuo muli ang pamilya nina Angelito, Rosalie, at Jun-jun?

    Mapapanood ang Angelito: Batang Ama, tuwing 3:30 PM pagkatapos ng Heartstrings sa Kapamilya Gold ng ABS-CBN.

    http://www.philstar.com/Article.aspx...bCategoryId=96

  6. #86
    Kwento natin ito! PaPi2010's Avatar
    Join Date
    Jun 2010
    Location
    60 YRS. PHL TV
    Jolo nag-iisang nagbuwis ng buhay sa MY Binondo...

    SANGA-SANGANDILA Ni Veronica R. Samio (Pilipino Star Ngayon) Updated January 22, 2012

    Maganda ang naging ending ng My Binondo Girl, feel good. Hindi na-disappoint ang mga manonood, matangi lamang marahil sa mga fans ni Jolo Revilla na siya lamang ang nagbuwis ng buhay sa serye. Maski na ang mga salbaheng characters nina Ricardo Cepeda at Cherry Pie Picache ay may ipinangakong magandang bukas, sa kabila ng malalaking kasalanan nila.

    Kung may mga artista sa serye na gusto agad mapanood muli , ito ay sina Richard Chen, Laureen Uy at Marina Benipayo. Magaganda ang naging performance ng tatlong ito sa series.

    http://www.philstar.com/Article.aspx...bCategoryId=96

  7. #87
    Kwento natin ito! PaPi2010's Avatar
    Join Date
    Jun 2010
    Location
    60 YRS. PHL TV


    SEEN SCENE
    January 22, 2012

    Scene :
    Patalbugan sa acting sina Susan Roces at Helen Gamboa sa Walang Hanggan.

    Inaabangan ng senior viewers ng programa ang mga eksena nina Susan at Helen.

    Seen : Natupad ang pangarap ng Concepcion Sisters na magkita ng personal.

    Natuloy ang reunion nina KC, Garrie, at Chloe noong Biyernes.

    Maligayang-maligaya ang mga anak ni Gabby Concepcion sa kanilang pagtatagpo.

    Anak sila ni Gabby sa tatlong babae.

    http://www.philstar.com/Article.aspx...bCategoryId=96

  8. #88
    Kwento natin ito! PaPi2010's Avatar
    Join Date
    Jun 2010
    Location
    60 YRS. PHL TV


    scoopbox: KATY PERRY CONCERT: Katy Perry started at exactly 10 pm. As she went onstage, she shouted: "Manila!" and then started singing "Teenage Dream." about 18 hours ago

    scoopbox: KATY PERRY CONCERT UPDATE 2: Katy asked a man to join her onstage, but without a shirt, because Katy was suddenly feeling sexy tonight. Guess who‘s the lucky man? It‘s Ivan Dorschner, from Pinoy Big Brother teen edition. He even got a kiss from Katy! about 18 hours ago

    http://www.pep.ph/news/




    http://www.youtube.com/watch?v=lhhGQ...eature=related

  9. Jan 23, 2012, 06:21 PM

  10. Jan 23, 2012, 06:23 PM

  11. #89
    Kwento natin ito! PaPi2010's Avatar
    Join Date
    Jun 2010
    Location
    60 YRS. PHL TV


    SEEN SCENE
    January 23, 2012


    SEEN: Blockbuster ang My Cactus Heart sa mall show nina Maja Salvador, Matteo Guidicelli, at Xian Lim sa Trinoma Activity Center noong Sabado.

    http://www.philstar.com/Article.aspx...bCategoryId=96







  12. #90
    Kwento natin ito! PaPi2010's Avatar
    Join Date
    Jun 2010
    Location
    60 YRS. PHL TV
    Iza, 3 taon ang pinirmahang kontrata sa ABS-CBN
    Sharon, pinalitan ni Iza sa The Biggest Loser!



    MONDAY, JANUARY 23, 2012
    ABANTE ONLINE


    Tatlong taon ang exclusive contract na pipirmahan bukas (Martes) ni Iza Calzado sa ABS-CBN at ipakikilala siya sa ASAP 2012 bilang bagong Kapamilya.

    Hindi naging madali para kay Iza ang magpaalam sa GMA-7 dahil dito nag-umpisa ang kanyang showbiz career.

    Nahirapan din siya na iwanan ang Eat Bulaga pero papayagan si Iza ng ABS-CBN na mag-guest sa nabanggit na noontime show tuwing may special occasions tulad ng anniversary at birthday.



    Maayos ang pag-alis ni Iza sa Kapuso network dahil personal ang kanyang pagpapaalam sa mga TV executive ng GMA-7.

    Si Iza ang magiging host ng second season ng Philippine edition ng Biggest Loser dahil lumipat na si Sharon Cuneta sa TV5.

    http://www.abante.com.ph/issue/jan2312/ent_jg.htm

  13. #91
    Kwento natin ito! PaPi2010's Avatar
    Join Date
    Jun 2010
    Location
    60 YRS. PHL TV
    John Lloyd, nakakaiyak sa kilig


    JANUARY 23, 2012 MONDAY
    ABANTE TONITE


    BIDA si John Lloyd Cruz sa pelikulang UnOfficially Yours, kung saan katambal niya si Angel Locsin.

    Sa pelikulang ito, ang characters nila ay na-involve sa isa’t isa matapos ang isang mapusok na one-night stand.

    The movie’s trailer poses a thought-provoking premise, “Mauuwi nga ba ang one night stand sa seryosohan?”

    Ano sa opinyon mo?

    Kung ikaw ba ay matino at disente ay papayag ka ba sa one-night stand? At aabot ka pa ba sa punto na seseryosohin mo siya?

    ***



    Malupit si John Lloyd magpakilig. Nakakaiyak sa kilig.

    Mahirap tukuyin nang minsanan kung saan nanggagaling ang charisma ni John Lloyd.

    Sa mapupungay na mga mata.

    Sa emosyon na nakalingkis sa bawat bitaw niya ng mga linya.

    Sa pagiging totoo ng bawat pahiwatig ng kanyang pagganap.

    Sa Tabing-Ilog pa lang ay hanga na ako sa kanya, kami ng kaibigan kong si Jocelyn Ariño na kaklase ng series writer na si Wali Ching.

    Kung ako si Liz Uy, Ruffa Gutierrez o Shaina Magdayao ay hindi ko kakayaning magkahiwalay kami ni John Lloyd.

    Hindi talaga. Buti na lang at hindi ako si Liz, Ruffa o Shaina.

    ***

    Kung ikaw ang babae, papayag ka ba sa isang one-night stand kung ang lalaking makikilala mo ay kamukha ni John Lloyd?

    Kung ako ang babae ay hindi ako papayag sa one-night stand with someone who is like John Lloyd, whether si John Lloyd pa mismo o kamukha lang ni John Lloyd.

    Hindi kasi ako naniniwala sa “magic,” lalo na sa “magic” na hatid ng one-night stand.

    Dahil walang magic sa one-night stand. Risk at kasinungalingan ang tawag sa mga iniaalok ng one-night stand.

    Instead, what I would do is make him experience my person.

    Kung gaano ako kasarap at kasaya kausap.

    Kung gaano ko siya kayang irespeto at i-inspire.

    Kung gaano kahirap para sa kanya na ang babaunin niya pauwi ay mga alaala ko.

    Iyan ang hahayaan kong isipin niya sa kama, memories of me.

    Para paggising niya sa umaga ay maiisipan pa niyang tawagan ako o padalhan ng SMS o na yayain ako ulit na mag-date.

    Kasi, kung papagalaw ako sa kanya ngayong gabi, malamang ay hindi na siya tatawag kinaumagahan.

    At kung nasarapan man siya sa performance ko after a one-night stand, malamang ang motivation niya sa pagtawag the following morning ay ang performance ko sa kama at hindi ang pagkatao ko bilang babae.

    Kaya hindi ako pabor sa concept ng one-night stand.

    http://www.abante-tonite.com/issue/j...showbiz_kb.htm

  14. #92
    Kwento natin ito! PaPi2010's Avatar
    Join Date
    Jun 2010
    Location
    60 YRS. PHL TV

    Matteo can’t asleep if Maja’s angry
    Published : Tuesday, January 24, 2012
    Written by : Nitz Miralles


    Ang ganda ng TVC ng Head & Shoulders nina Maja Salvador at Matteo Guidicelli, tamang-tama sa January 25, showing ng movie nilang My Cactus Heart. Ang cute ng eksenang panakaw na hinahaplos ni Matteo ang shiny hair ni Maja.

    Samantala, ano kaya ang masasabi ni Maja sa impression ng press na between them, mas mahal siya ni Matteo than the other way around?

    Sabi kasi ni Maja, steady lang siya when it comes to their relationship, pero si Matteo, inaming hindi niya kaya ’pag nag-aaway silang dalawa at ayaw niyang natatapos ang araw na war sila. Kailangan daw nilang mag-usap dahil hindi siya makakatulog.

    Cute ang kuwento ni Matteo na challenge sa kanya ang kissing scene nila ni Maja sa pelikula dahil nahiya siya sa rami ng tao sa set at sa harap ng camera. Ngumiti ito sa biro ni Maja na mas kinilig siya sa kissing scene nila at nagpa-take two.

    http://www.journal.com.ph/index.php/...if-majas-angry

  15. #93
    Kwento natin ito! PaPi2010's Avatar
    Join Date
    Jun 2010
    Location
    60 YRS. PHL TV


    Carmina Villaroel: 'Na-miss ko ‘yung makatrabaho ‘yung magagaling na artista'
    1/23/2012
    by: Bernie Franco



    “’Yung pagiging isang pamilya, ‘yun talaga ‘yung na-miss ko. Ang sarap ng feeling na binabalikan mo ‘yung pinanggalingan mo,” ang bungad ni Carmina Villaroel sa The Buzz sa interview sa kanya ni Boy Abunda.

    Nang sinabi ni Boy sa kanya na dugtungan kung bakit mas masaya sa ABS-CBN, ang sagot ng nagbabalik-Kapamilya, “Because we’re like a family. At may isa pa. Bongga talaga ‘yung Star Magic Ball, eh gusto ko ‘yon,”nakakatawang sambit ni Carmina. Nag-request pa nga siya kung pwede siyang dumalo sa Star Magic Ball this year kahit na hindi raw siya under ng Star Magic.

    Sa quick questions ni Boy, sinabi ni Carmina na si Piolo Pascual ang pinakaguwapong aktor, samantalang si Kristine Hermosa naman ang pinakamaganda para sa kanya. Pinakamahusay para sa kanya sina John Lloyd Cruz at Jericho Rosales at sa mga aktres naman ay sina AiAi delas Alas at Cherry Pie Picache.

    Nami-miss raw niyang makaeksena si Piolo, na nakatrabaho niya noon sa Esperanza. “Si Piolo pa rin na-miss ko siyang katrabaho, napakahusay niyang aktor. Masarap kasing nagkakaroon kayo ng eksena nagde-deliver kayo ng ka-eksena mo, nagbibigayan. ‘Yun ang na-miss ko, ‘yung makatrabaho ‘yung magagaling na artista.”

    Malaki rin daw ang posibilidad na makapanayam niya si BB Gandanghari (na kilala dati bilang si Rustom Padilla na naging asawa ni Carmina). Meron kasing upcoming talk-show si Carmina kasama si Janice de Belen. Pagbabalik-tanaw pa ni Carmina, bago pa man umamin si Rustom on national TV hinggil sa kanyang kasarian ay nakapag-usap na silang dalawa. “Para kaming friends. Tawa kami nang tawa medyo kinda weird pero hindi,” kuwento ni Carmina. Aniya, malaki raw factor na nakapag-move na silang pareho noon. Wala na raw galit sa puso ng aktres at maganda na ang buhay niya. “Right timing talaga,” aniya.

    Sa kasagsagan ng isyu noon ng paghihiwalay nina Carmina at Rustom, pinili ng aktres na manahimik hinggil sa isyu, at marami ang humanga sa kanya dahil dito. Paliwanag naman ni Carmina, “It’s really our choice. Kahit sabihin mong nandito tayo sa industriya mga host, showbiz-oriented hosts pa tayo, it’s really our choice to shut up or speak up. Kung anuman ‘yung hindi nangyaring ‘di maganda sa amin (ni Rustom), sa amin na lang ‘yon pero pinaalam ko sa publiko na tapos na and then that’s it.”

    Bukod sa talk show, gagawa rin si Carmina ng isang teleserye at pelikula para sa Kapamilya network.

    http://www.push.com.ph/features/4421...ng-na-artista/

  16. #94
    reyna ng ukay ukay
    Join Date
    Nov 2003
    Location
    Philippines
    Sa ABS ba galing si Carmina??? kasi una ko syang nakita sa 13 14 15 na show sa IBC13.. kasama nya sina Aiko at RuffaG

    Paki clear nga...

  17. Jan 24, 2012, 12:02 PM

  18. #95
    Quote Originally Posted by Nelissa_sanchez View Post
    Sa ABS ba galing si Carmina??? kasi una ko syang nakita sa 13 14 15 na show sa IBC13.. kasama nya sina Aiko at RuffaG

    Paki clear nga...
    bago bumalik ang ABS eh yung Regal babies noon nasa IBC-13. nung bumalik ang ABS unti-unting naging irrelevant ang IBC-13 at RPN-9 at naging contract stars ng ABS ang karamihan sa Regal babies.

  19. Jan 24, 2012, 03:10 PM

  20. #96
    We could have had it all.. drew3000's Avatar
    Join Date
    May 2011
    Location
    tRollin n the jeep
    Quote Originally Posted by Nelissa_sanchez View Post
    Sa ABS ba galing si Carmina??? kasi una ko syang nakita sa 13 14 15 na show sa IBC13.. kasama nya sina Aiko at RuffaG

    Paki clear nga...
    wow..

    spell vintage!

  21. Jan 25, 2012, 12:39 AM

  22. #97
    UPCOMING PROJECTS:

    NANG DAHIL SA PAG-IBIG
    Piolo Pascual
    Jericho Rosales
    Cristine Reyes
    Maricar Reyes
    Denise Laurel
    Rafael Rosell
    Christopher de Leon

    KAPAG PUSO'Y NASUGATAN
    Wenn Deramas
    Angel Locsin
    Iza Calzado
    Derek Ramsay

    KAILANGAN KO'Y IKAW
    Bb. Joyce Bernal
    Kris Aquino
    Anne Curtis
    Robin Padilla

    WAKO WAKO
    Yogo Singh
    Gladys Reyes
    DJ Durano

    UNTITLED John Lloyd/Bea Alonzo soap
    Bea Alonzo
    John Lloyd Cruz
    Philip Salvador
    Cesar Montano

  23. #98
    Kwento natin ito! PaPi2010's Avatar
    Join Date
    Jun 2010
    Location
    60 YRS. PHL TV


    Iza Calzado signs three-year contract with ABS-CBN
    1/24/2012
    by: Bernie Franco



    Iza Calzado is now a Kapamilya. She signed a three-year contract with ABS-CBN Tuesday, January 24, and present at the contract signing were ABS-CBN president, Ms. Charo Santos-Concio, Channel Head Ms. Cory Vidanes, Head of Entertainment Ms. Linggit Tan and Busines Unit Head Direk Laurenti Dyogi. Among the projects, that Iza will do in the future include a teleserye, a reality-based TV show and a movie.

    “Masayang-masaya ako and I’m very ecstatic and I’m looking forward to what the next three years would be like for me. I’m hopeful at alam ko na makabubuti ito para sa amin. Sabi ko kasi I’m all for my growth right now, I want to experience new things and hopefully learn a lot of new things also and I can only do that if I make certain decisions in my life that would lead me to certain experiences.

    The versatile actress explained that she is grateful to her former mother network but she needed to make a big decision for her career-growth. “Unang-una po sa lahat I would like to say that hindi ako ingrata,” she said. “I am grateful for all the opportunities GMA-7 has given me.” For 10 years, Iza said that she was given projects that brought her the recognition she has now. “But I think it is time for me to grow and evolve and learn. I think it’s just a matter of timing and I’ve always wanted to work again with people from Channel 2.” Iza did a movie with Star Cinema before in the movie Milan (2003) with Piolo Pascual and Claudine Barretto.

    After she had done the said movie, Iza shared that she wished to do that again one day. “I really enjoyed working with them and sabi ko lang one day I will work with them again and I guess this is the way it works. If it is a business you will have to make certain decisions, hopefully without burning bridges and without severing. Of course it’s not the easiest decision to make, especially kasi you get attached to certain people. Like I always keep saying, grateful ka pa rin pero oras na para gawin ko ito.” She also feels lucky that she will be able to do the kinds of projects she really wants to do in ABS-CBN. “So far kasi ‘yung ibibigay sa akin at gagawin ko, ‘yun din ang gusto ko. I guess that’s one of the reasons why I moved because at this point in my life, we share the same vision for myself and for my career.”

    Iza succeeded in making a name for herself as a dramatic actress and as a host but having transferred to ABS-CBN means competing with a lot of big names in showbiz since Kapamilya network houses a lot of famous celebrities. However, Iza said that she welcomes the competition. “A lot of competition which I might actually like,”[/B] she replied smiling. [B]“At the end of the day, it serves as motivation and challenge. But I am not to take anyone’s place. I would like to make my own space and (and create a) certain niche only I can fill.”

    http://www.push.com.ph/features/4426...-with-abs-cbn/

  24. #99
    Kwento natin ito! PaPi2010's Avatar
    Join Date
    Jun 2010
    Location
    60 YRS. PHL TV
    Matambok na puwet ibinandera ni KC sa magazine
    Ni Salve V. Asis (Pilipino Star Ngayon) Updated January 25, 2012


    Grabe ang pictorial ni KC Concepcion sa isang glossy magazine. May pagka-daring kahit likod lang niya ang pinakita. Bakat kasi ang matambok niyang butt. Tapos may nakapulupot pang sawa yata ‘yun sa kanyang kamay.

    Nagkalat kahapon sa social networking sites ang nasabing cover ng Rogue mag.

    Epekto pa rin ba ito ng hiwalayan nila ni Piolo Pascual?



    http://www.philstar.com/Article.aspx...bCategoryId=96

  25. #100
    Kwento natin ito! PaPi2010's Avatar
    Join Date
    Jun 2010
    Location
    60 YRS. PHL TV


    Philippines Box Office
    January 18–22, 2012

    (US $1 = 43.1756 Philippines Peso)

    A Mother's Story Star Cin. $574,764 Week 2 = P24.81M

    http://boxofficemojo.com/intl/philip...12&wk=3&p=.htm



Page 5 of 132 FirstFirst ... 4 5 6 15 55 105 ... LastLast

Posting Permissions

  • You may not post new threads
  • You may not post replies
  • You may not post attachments
  • You may not edit your posts
  •  



Whats Happening

Sub title

PROMO: The Hangover 3
Join now and get a chance to win advanced screening tickets to The Hangover 3! view more


PROMO: The Great Gatsby
Get a chance to win The Great Gatsby goody bags! view more


The Flick List (Themed)
Guess the theme! Have you seen Twilight, Sister Act and these other movies? Share your thoughts and reviews in here! view more


The Wander List
Have you smashed plates in Tarlac been to the beaches of Bali? Tick your travel exploits off in our Wander List! view more


PROMO: Star Trek
Get a chance to win limited edition Star Trek picnic chairs! view more


Caught Up Default

Sub title

Trailer: Fast and Furious 6
The entire gang's back and badder than ever, reuniting for their most high-octane adventure yet. view more


Trailer: Epic
From the creators of ICE AGE and RIO, EPIC tells the story of an ongoing battle between the forces of good, who keep the natural world alive, and the forces of evil, who wish to destroy it. view more


Review: The Great Gatsby
Though not perfect, The Great Gatsby is a visually dazzling cinematic experience. view more


Review: Star Trek
Visually breath-taking and action-packed, Star Trek: Into Darkness will please casual and hardcore fans alike. view more


Review: Evil Dead
With an absurd amount of violence mixed with tons of terror and scares, Evil Dead is a must-see for horror movie fans. view more




Forums Directory