WEDNESDAY, JUNE 27, 2012
Angel-Dingdong shooting sa Baguio, dinadagsa ng fans!
Ni ROSE GARCIA
Nakapag-three shooting days na ang pelikulang One More Try ng Star Cinema.
Ito ang pelikulang nagtatampok sa kauna-unahang pagkakataon kina Dingdong Dantes, Angel Locsin at Angelica Panganiban.
Sa Baguio ang naging unang location nila ng tatlong araw at karamihan daw ng mga eksena, puro sina Angel at Dingdong muna.
Isang eksena lang daw ang kinuhanan kay Angelica sa Baguio at bumalik din ito ng Manila after her scene.
Bukod sa iba’t ibang lugar sa Baguio, nag-Benguet din sila ng location. At halos lahat nga raw ng pag-shooting-an nina Angel at Dingdong, palaging dinarayo ng mga tao at tuwang-tuwa na makita at mapanood ang dalawa ro’n.
Anyway, kung tutuusin, hindi na rin naman bago kina Dingdong at Angel ang magkatrabaho. Dati na ngang nai-direk ni Dingdong si Angel sa pelikulang Angels noon. Ang kaibahan nga lang ngayon, leading lady na niya ito at hindi na siya bilang director.
Si Angelica naman ay nakasama na ni Dingdong at naging leading lady na sa Segunda Mano. Nang tanungin namin kung ano ang kaibahan ng dalawang leading ladies niya ngayon, sinabi nitong, “Meron silang kanya-kanyang unique na paraan para maipakita ang kanilang galing. Pareho silang professional.”
Feeling ni Dingdong, nakatulong din daw ang relax na atmosphere ng location nila sa first three shooting days nila ng movie para mas ma-feel nila ang mga character nila sa One More Try.
Sa naturang shooting na nga halos dumiretso si Dingdong mula sa mga naging shows niya sa abroad.
Siya sa New York at kasama na si Marian Rivera sa Canada at saka sila tumuloy sa Spain kung saan, doon ay dinalaw nilang muli ang Papa ni Marian at ilang kaanak nito.
“Masaya ‘yung buong trip. Masaya rin ako na nakita at nabisita natin ang mga kababayan natin abroad. It was all great,” sabi ni Dingdong.
![]()









Reply With Quote

Kapamilyas!
ABOUT SHOWBIZ Ni Nitz Miralles (Pilipino Star Ngayon) Updated June 28, 2012
SHOW-MY Ni Salve Asis (Pilipino Star Ngayon) Updated June 28, 2012

















