mahirap 'yan.
kasi kunyari.. kung pinagbabalakan mo pa lang kabayohin ang misis ng kumpare mo, aba'y meron ka na kaagad ready made na palusot eh: nag kulang ang misis mo
walang perpekto sa mundo. may isa o dalawa sa inyo, at one point na magkukulang at magkukulang. when this happens that can lead to having problems in your relationship.
ang fundamental question nga dito.. ano ang S.O.P. pag uusapan ba ninyo in detail ang problemang 'yan para mahanapan ng possible solution?
or
deretso ka na kaagad sa cheating.. and if by chance, you get caught only then you'd then start talking about the problem? problem which you think is being caused by your partner.
the latter is conditional.
hindi laging automatic 'yan na porke't may nag cheat eh ibig sabihin may problema na kaagad ang partner nito. may problema o wala, ang isang decided mag cheat, mag cheat talaga.
kawawa naman yung siya na nga yung nasaktan, abah siya pa daw ang cause.
minsan may problema talaga.. genuine at nakakuha ng justification sa cheating.. pero minsan, wala naman talaga problema. nagka problema pa kamo nang meron na isa o dalawa sa inyo nag te-cheating.
case-to-case basis.