actually yung ibang kowt ni bob ong hinahanap ko talaga sa mga books nya, di ko makita...

PBA historian Jay P. Mercado chronicles some of the most notoriously celebrated crowd-clearing brawls in PBA history.
read more
Fast and Furious 6 is a high-octane action-packed ride that will make the most hardened action movie fans blush
read more
The ADMU Lady Eagles displayed championship cool as they ripped the NU Lady Bulldogs in 3 sets in game 1 of the finals
read more
The highest fan and issue threads will be posted weekly. Check out the gorgeous female celebrities that came out on top this week!
read more
Twelve of the best brains across Asia compete to be hired in the ultimate job interview in The Apprentice Asia
read more
actually yung ibang kowt ni bob ong hinahanap ko talaga sa mga books nya, di ko makita...
My Fave
"Hindi lahat ng hindi mo kayang intindihin ay kasinungalingan at ang mga bagay na kaya mong intindihin ay katotohanan"
In short kanya-kanyang trip walang pakialamanan![]()
“mangarap ka at abutin mo ito. wag mo sisihin ang sira mong pamilya, palpak mong syota, pilay mong tuta o mga lumilipad na ipis… kung may pagkukulang sayo ang magulang mo, pwede kang manisi at magrebelde, tumigil ka sa pag-aaral, mag drugs ka, magpakulay ng buhok sa kili-kili… sa bandang huli, ikaw din ang biktima… rebeldeng walang napatunayan at bait sa sarili…”
-Bob Ong
"nalaman kong hindi final exam ang passing rate ng buhay. hindi ito
multiple choice, identification, true or false, enumeration or fill-in-the-
blanks na sinasagutan kundi essay na isinusulat araw-araw. Huhusgahan ito
hindi base sa kung tama o mali ang sagot, kundi base sa kung may kabuluhan
ang mga isinulat o wala. Allowed ang erasures."
"Wag magmadali sa pag-aasawa. Tatlo, lima, sampung taon sa hinaharap,
mag-iiba pa ang pamantayan mo at maiisip mong di pala tamang pumili ng
kapareha dahil lang sa kaboses niya si Debbie Gibson o magaling
mag-breakdance. Totoong mas importante ang kalooban ng tao higit anuman. Sa
paglipas ng panahon, maging ang mga crush ng bayan sa eskwelahan e
nagmumukha ring pandesal. Maniwala ka."
"Mangarap ka at abutin mo. Wag mong sisihin ang sira mong pamilya,
palpak mong syota, pilay mong tuta, o mga lumilipad na ipis. Kung may
pagkukulang sa'yo mga magulang mo, pwde kang manisi at maging rebelde.
Tumigil ka sa pag-aaral, mag-asawa ka, mag-drugs ka, magpakulay ka ng buhok
sa kili-kili. Sa bandang huli, ikaw din ang biktima. Rebeldeng walang
napatunayan at bait sa sarili."
"Hiwalayan na kung di ka na masaya. Walang gamot sa ***** kundi
pagkukusa."
"Pag hindi ka mahal ng mahal mo wag ka magreklamo. Kasi may mga tao rin
na di mo mahal pero mahal ka. Kaya quits lang."
"Hindi lungkot o takot ang mahirap sa pag-iisa kundi ang pagtanggap na
sa bilyon-bilyong tao sa mundo, wala man lang nakipaglaban upang makasama
ka."
"hinahanap mo nga ba ako o ang kawalan ko?"
"Parang elevator lang yan eh, bakit mo pagsisiksikan *** sarili mo kung
walang pwesto para sayo. Eh meron naman hagdan, ayaw mo lang pansinin."
“Sabi nila, sa kahit ano raw problema, isang tao lang ang makakatulong sa’yo – ang sarili mo. Tama sila. Isinuplong ako ng sarili ko. Kaya siguro namigay ng konsyensya ang Diyos, alam niyang hindi sa lahat ng oras e gumagana ang utak ng tao.”
“Pare, isa kang totoong tao at walang halong kasinungalingan. In English, FACT you, pare. Totoo ka. In English, FACT you!”
“Bakit ba ayaw matulog ng mga bata sa tanghali, alam ba nilang pag natuto silang umibig e hindi na sila makakatulog kahit gusto nila?”
“Mas mabuting mabigo sa paggawa ng isang bagay kesa magtagumpay sa paggawa ng wala”
"Pag pinag-aagawan ka, malamang maganda ka o gwapo ka. Tandaan mo: Sumama ka sa mabuti, di sa mabait. Sa marunong, di sa matalino. Higit sa lahat, sa mahal ka, di sa gusto ka."
"Hindi porke pinili ka niya ngayon eh ikaw na talaga ang mahal niya. Siguro he just took you for granted kasi ayaw sa kanya nung mahal niya."
"Paano mo masasabing special ka sa isang tao kung ang bawat ginagawa niya ay ginagawa din niya sa iba."
"Bakit ka magpaparamdam sa taong hindi marunong makaramdam? 'Wag kang magpakatanga, sa taong hindi marunong magpahalaga. Matuto kang sumuko at mang-iwan, kung lagi ka namang sinasaktan."
"Kahit na anong bagal ng paglakad mo, kung di ka naman niya gustong habulin, hindi ka talaga nya maabutan... kahit na mag-stop over ka pa."
"Mahirap paaminin ang ayaw umamin. Pero madaling mapansin ang ayaw niyang aminin."
“Mag-aral maigi. Kung titigil ka sa pag-aaral, manghihinayang ka pagtanda mo dahil hindi mo naranasan ang kakaibang ligayang dulot ng mga araw na walang pasok o suspendido ang klase o absent ang teacher. (Haaay, sarap!).”
“Hikayatin mo lahat ng kakilala mo na magkaroon ng kahit isa man lang paboritong libro sa buhay nila. Dahil wala nang mas kawawa pa sa mga taong literado pero hindi nagbabasa.”
“Obligasyon kong maglayag, karapatan kong pumunta sa kung saan ko gusto, responsibilidad ko ang buhay ko.”
“Masama akong tao, tulad mo, sa parehong paraan na mabuti kang tao, tulad ko.”
“Lahat naman ng tao sumeseryoso pag tinamaan ng pagmamahal. Yun nga lang, hindi lahat matibay para sa temptasyon.”
![]()