Hi there, napansin ko maraming nagtatanong tungkol sa paglipat sa Ateneo so reading this might help you guys. First take ko ng ACET waitlisted ako so nag-aral muna ako sa ibang university for one year tapos lumipat ako. pasensya na kung magulo medyo rushed kasi to
-same lang ang test ng incoming freshman at incoming transferee.
-meron ulit essay sa application form. ayusin niyo yan kasi sobrang bigat talaga ng value niyan. kahit na maraming mali yung test mo, basta nagustuhan ni Fr. Que yung essay baka makapasok ka pa.
-WAG kayong pipili ng course na hindi niyo gusto para lang makapasok ng Ateneo dahil magshishift din kayo niyan at mas lalo lang kayong madedelay. Wala kasing kinalaman ang pagpili ng kurso sa pagpasa ng ACET maliban nalang kung quota course ang gusto mo.
-maraming transferee ang kumukuha ng communications, interdisciplinary studies, european studies and other seemingly "easy" courses para lang makapasok sa ateneo (sa block namin maraming taga COM at IS na gustong nang magshift kasi hindi talaga nila gusto sa simula palang).
-Sa mga gustong kumuha ng SOM course like management wag kayong matakot na baka hindi kayo maaccept, meron din samin MGT
-tawag sa block ng transferee block TR

)
-hindi lahat ng kumukuha ng transferee exam ay BUMAGSAK nung unang take ng acet. Marami lang talagang lumipat kasi hindi nila type yung univeristy nila.
-marami kayong magiging blockmate na foreigner
-expect blockmates from UP, UST, DLSU (pinakamarami), CSB, MC, UA&P
-Usually May-June ang release ng results. Wag kayong aasa sa email or padala ng letter. tawag kayo sa office mga once a week. nalaman ko na pumasa ko 1 week bago ang deadline ng confirmation ng slots so....
-kapag pumasa ka, sobrang hassle ang pagcredit ng subjects idedetalye ko yan.
-kapag hindi ka naman pumasa, nasa sayo na kung gusto mo iretake yung ACET ulit pero yun nga lang madedelay ka. marami akong blockmates ngayon 2-4 years na delayed pero ok lang sa kanila.
-kapag hindi ka accepted hindi ibig sabihin na bobo ka. maraming atenean matalino nga di naman ginagamit sa tamang paraan

.
-para sa mga nagtatanong kung 1st year ka ulit sa ateneo, depende yan sa mga number ng subjects na mapapacredit mo.
-para magpacredity ng subject hanapin niyo yung mga syllabus ng old subjects niyo kasi kailangan niyo idetalye yung course info, grade at number of units.
-merong mga subjects na sure credit like NSTP at PE. yung iba naman irereview ng chair ng department. meron namang may validation exam like english at history 165. napasa ko yung dalawa. madali lang ang english mahirap yung history 165 (dalawa lang kami pumasa).
-para sa mga science subjects, 4 ang science subjects ng ateneo sa buong first year. dalawa bawat semester. natsci lecture (3 units) at natsci lab(1 unit). papapiliin ka kung gusto mo chem,bio,environmental science,physics,botany,etc. mataas ang chance na icrecredit ang science mo basta lang sakto sa number ng units. just a tip pinakamadaling natsci ng ateneo ang environmental science pero madaling mapuno.
-Hindi nacrecredit ang FIL11
-psy101,sci10,lit13,history,accounting10,math11,PE,FLC pwedeng icredit (refer nalang sa curriculum ng ateneo kung ano tong mga subjects nato)
-bawal lumampas ng 1/3 units taken from old university ang pwedeng ivalidate. magbabawas sila. may edge dito ang mga taga DLSU since trisem sila so more units.
-pwede karin hindi magpacredit ng subjects
-pagpasok niyo ng ateneo, considered freshman kayo. so tuwing tinatanong ang year niyo just say 1st year para walang problema sa records.
-sa katapusan ng bawat taon, titingnan ng ateneo kung pwede ka maggraduate "on-time" depende sa number of units na natitira.
-2 subjects lang kayo kumpleto as a block INTACT at INTACT2
so atenista ka na
-sama ka sa parati sa TR block kung may mga block lunch or outing. kasi sila rin ang kasama mo sa rest ng ateneo stay mo.
-MAHIRAP ang aral sa ateneo. usually x2 or x3 ng hirap
-kung sa old university merong mga "chill" na subject, expect mo na wala sa ateneo bawat subject parang major na.
-magagaling ang mga professor ng ateneo. sobrang sulit ang binabayad mo.
-mainit sobra sa ateneo. nahirapan ako magadjust. merong mga classroom na may aircon pero usually isa lang ang class mo na may aircon.
-maraming magaganda at gwapo sa ateneo

. kung sa old university once in a blue moon lang makakita, sa ateneo madalas, araw-araw, bawat minuto, baka katabi mo pa.
-pinakahuli, yung joke na may atenista raw na tumingin sa salamin at sinabing "i am humble" always remember
To whom much is given much is expected
good luck, kita nalang sa campus
