Wanted: Semi-retired actress hindi na binalikan ang utang sa isang salon
RATED A Ni Aster Amoyo (Pilipino Star Ngayon) Updated May 26, 2012
Wanted ang semi-retired actress na ito ng isang kilalang salon owner dahil sa matagal na nitong utang.
Dati-rati ay regular na nagpapaayos ang actress (semi-retired dahil matagal na itong walang project) sa kanyang suking parlor sa Quezon City ganun din ang pamilya nito. Dahil kaibigan at suki, madalas itong hindi nagbabayad at saka na lamang niya babayaran pero sa pinakahuli nitong pagpapaayos na umabot ng halos sampung libong piso ay hindi na ito nagbayad.
Magmula noon ay hindi na ito bumalik sa kanyang suking parlor.
Sa sobrang tagal na, hindi na umaasa ang parlor owner na magbabayad pa ng kanyang utang ang aktres dahil wala itong regular job ngayon. Pero umaasa pa rin ang may-ari ng salon na babayaran sila.









Reply With Quote















