PEx Highlights

UAAP Basketball Power Rankings: Week 2

Are the Blue Eagles back on top again? Check out this week's PEx UAAP Season 77 Basketball Power Rankings.

read more

Review: Hercules

Bordering on ridiculous, Dwayne Johnson delivers and Hercules is a fun and entertaining ride.

read more

Calling all vigilantes in PEx!

Are you vigilant and always ready for action? This is your chance to be a "PEX POLICE"

read more

FIBA Worlds Special Feature

PEx's resident local hoops guru, Jay P. Mercado, ranks the greatest RP teams in the "open basketball" era.

read more

PHOTOS: DLSU Notches First Win

Jason Perkins drained big baskets in the clutch to help DLSU escape NU 57-55 and notch their first win in the UAAP Season 77.

read more

PHOTOS: Cagayan upsets Army

Cagayan Valley Rising Sun hands Philippine Army its first loss through 4 sets, 27-25, 20-25, 25-23, 25-22

read more

Page 101 of 251 FirstFirst ... 51 91 100 101 102 111 151 201 ... LastLast
Results 2,001 to 2,020 of 5013
  1. #2001
    Young actress resorts to online casino
    Friday, February 3rd, 2012
    pinoygossipboy


    After news about her addiction to gambling surfaced almost every newspaper, both tabloid and mainstream, this young actress who is the subject of our blind item has reduced her time being spent in casinos. But she, nonetheless, never got lose of her hobby altogether.

    So that no one could see here now in casinos, the young actress had started betting in online casinos.

    But unlike in conventional casinos where the young actress had been losing money, she seems to have found her

    luck in online betting as news has it that she had been winning huge prizes.

    Well, I guess online gambling is her game after all.

  2. Feb 19, 2012, 11:26 PM

  3. #2002
    Balasubas na female starlet, wanted sa utang!
    Ruel Mendoza
    MONDAY, FEBRUARY 20, 2012
    ABANTE ONLINE



    Pinaghahanap nga ang dating female starlet na ito dahil sa mga utang nito na maraming kinunan niya ng mga damit, sapatos at mga imported na groceries.


    Hindi na nga raw siya pinagbigyan ng isang inutangan niya ng extension dahil nakailang palugit na ito sa starlet.


    Alam naman daw ng mga naniningil na may pera si starlet, ayaw lang daw nito talaga magbayad talaga dahil may ugaling balasubas at manunuba ito.


    Kaya laking gulat ng female starlet nang may dumating na demand letter sa kanyang bahay. Bukod sa kanyang mga utang ay may kasama na itong interest dahil sa tagal na panahon na hindi ito nagbabayad sa mga kinunan niya.


    Imbes na wala siyang problemang malaki, dinagdagan pa ng mga maniningil ang dati pa niyang utang na ayaw nitong bayaran.


    “Balasubas kasi ang babaeng ‘yan,” sey ng aming source.


    “Noong una raw ay ang starlet na ito ang nagmamakaawa na pautangin siya. With matching interest pa raw. Aba nang tumagal, ayaw nang magbayad.


    “Ilang beses na siyang pinagsabihan pero dedma siya. Panay ang biyahe niya kaya ayan pag-uwi niya ay may demanda na siya.


    “Ang utang ay utang. Ang bigay ay bigay. Kaya ang inutang ng babaeng ‘yan, bayaran na niya.”
    Ginawa kasing puhunan ng female starlet ang perang inutang niya sa isang business na wala naman siyang kaalam-alam.

    Mukhang ilegal pa nga raw ang pinasok niyang negosyo.


    Naiingit lang daw ito sa kapwa stralet niya na naging successful sa business na iyon. Kaya noong magpilit siya, nabokya siya kasi nga puro panlalamang ang ginagawa niya.


    “Pero hindi dahilan na nalugi siya kaya ‘di siya puwedeng magbayad. Hindi na kasalanan nang nagpautang sa kanya iyon kung boba siya sa business.


    “Kaya kung ayaw niyang mahatak ang mga ari-arian niya, gagawa siya ng paraan para magbayad. Or else sa kalsada siya matutulog kapag wala pa siyang ginawang bayad,” paniniyak ng aming source.


    Ngayon ay aligaga ang female starlet na makahanap ng pambayad sa mga naniningil sa kanya.

    Nilabas na nga niya ang mga alahas niya at mga mamahaling signature bags para maisangla at maibenta ang iba.


    Aanhin nga naman niya ang maraming alahas kung sa bangketa na siya matutulog.

  4. #2003
    Gabby, tumangging maging ‘tatay’ ni Richard!
    Ruel Mendoza
    MONDAY, FEBRUARY 20, 2012
    ABANTE ONLINE



    Nag-back out nga si Gabby Concepcion para gumanap na ama ni Richard Gutierrez sa bagong primetime series nito sa GMA-7.

    Maayos na raw na nakausap na ng mga taga-Kapuso si Gabby at okey na raw ang lahat, pero bigla raw umayaw na ito dahil mas pinili raw niya ang isang series sa ABS-CBN 2.


    Hindi ito ang unang pagkakataon na tumanggi si Gabby sa offer ng GMA-7.

    Kung matatandaan ay nakausap na ng mga taga-GMA Films si Gabby noong nasa USA pa ito para lumabas sa pelikulang ITALY: I Trust And Love You. Umoo na ito at bahala na nga ang GMA Films sa pamasahe at accommodations niya rito sa Pilipinas.


    Noong magbigay na raw ng schedule for shooting, bigla itong nag-back out. Si Dennis Trillo ang pinalit sa role niya.


    Ayon sa aming source, ayaw nga raw na gumanap pa ni Gabby bilang ama ni Richard. Sa series na tinanggap niya sa Dos ay si Iza Calzado raw ang makakatambal niya.

  5. #2004
    Wala sa hitsura dahil gym buff, sikat na aktor parang mauubusan ng hininga kapag inaatake ng hika
    TAKE IT! TAKE IT! Ni Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) Updated February 20, 2012


    Ako ang nag-worry sa kalusugan ng isang sikat na aktor dahil nakakaloka kapag sinusumpong siya ng hika.

    Hirap na hirap magsalita ang aktor at parang nauubusan siya ng hininga sa tuwing umaatake ang kanyang karamdaman.

    Walang-wala sa physical appearance ng aktor na may asthma siya dahil maganda ang kanyang pangangatawan. Regular din ang pagpunta niya sa gym para mag-exercise pero sinusumpong pa rin siya ng kanyang sakit.

  6. #2005
    PIK PAK BOOM Ni Sol Gorgonio (Pilipino Star Ngayon) Updated February 20, 2012

    PAK: Totoo kayang hindi na isinali si Isabelle Daza sa bagong indie film na Lam-Ang dahil hindi isinali ang isang talent ng kanyang manager na si Leo Dominguez?

    Ang buong akala ni Rocco Nacino, si Isabelle ang makaka-partner niya pero nagulat ito nang nalaman niya sa story conference nung isang hapon na wala pa palang napiling makakaparehang leading lady niya.

    Pero wala pang napagdesisyunan ang produksiyon kung sino ang ipa-partner sa kanya.

  7. #2006
    Gloria hindi pinakawalan ng Siete
    ABOUT SHOWBIZ Ni Nitz Miralles (Pilipino Star Ngayon) Updated February 20, 2012

    Tinotoo ng GMA 7 ang sinabing hindi nila pakakawalan si Ms. Gloria Romero after Munting Heredera dahil balitang, two shows ang magkasunod nitong gagawin. Wala pang confirmation pero kasama ang veteran actress sa action-drama soap ni Richard Gutierrez.

    May isa pang project si Ms. Gloria na binanggit pero kukumpirmahin pa namin. May offer ang ibang network sa veteran actress, kaya lang, mas gusto nitong mag-drama kaya ang offer ng Channel 7 ang pinaboran.

    Tila sa March magsisimula ang taping ng action-drama series ni Richard, by that time, nakapagpahinga na si Ms. Gloria at puwede na uling sumabak sa taping.

  8. #2007
    Pigging Out in the Dark



    In a fashion event last week, a lifestyle columnist (LC) was seen digging into the salad while models were doing their catwalk on the ramp. In the dimly lit area of the tent, LC stood in front of the food table and bent over the main bowl of the salad greens. He was picking and dipping the leaves with his bare hands.

    LC must have been so hungry that he forgot his plate, fork, and manners as well. Perhaps, the salad was so delicious that the socialite in him completely forgot people could see how distasteful he was in eating from the main salad bowl.

    Do you know who this lifestyle columnist is?

    Fashion PULIS at Monday, February 20, 2012

  9. #2008
    Exhausted!



    In an event sometime ago, the production crew realized that one of the models, a young actor with a nice physique, was the only one who had yet to be made up. The call time was 12 pm for blocking and other production instructions. By 3 pm, all except for this young actor were already prepared for the show. The show was starting in two hours and he was still missing.

    Incidentally, the crew saw the young actor asleep in one of the holding rooms. The make up artist asked the young actor if he had just arrived. The young actor gave him the attitude and replied, “No! I have been here for some time. No one bothered to look for me!”

    Of course, the make-up artist just kept quiet. The young actor must really be that exhausted for him to hide and get some sleep.

    Do you know who this young actor is?

    Fashion PULIS at Monday, February 20, 2012

  10. #2009
    Kris at Ogie, nagsasauli ng bote
    JUN LALIN
    FEBRUARY 20, 2012 MONDAY
    ABANTE TONITE



    MAY shoot si Kris Aquino bukas ng isang product endorsement, kaya nang mag-taping siya para sa KrisTV sa bahay ng mga Gutierrez sa White Plains, Quezon City ay hindi siya tumikim sa meriendang pinabili ni Annabelle Rama.

    May dalang Juju drink si Kris.

    Ang Juju drink ay ang juice cleansing diet na nauuso ngayon.

    Sabi ni Kris, kapag may product endorsement shoot siya ay behaved siya at nagdyu-Juju drink lang.

    Ipinatatabi ni Kris ang basyong bote Juju drink dahil kailangan daw isoli ito.

    Katulad ni Kris, nagdyu-Juju cleansing diet din paminsan-minsan si Ogie Alcasid.

    Noong magpa-dinner sila ng misis na si Regine Velasquez sa kanilang bahay sa isang exclusive village sa Quezon City ay ipinakita sa amin ni Ogie ang basyong bote ng Juju juice.

    P10 ang discount sa Juju drink kung ibabalik mo ang bote.

    Maliit na halaga lang ang P10 para sa mga katulad nina Ogie at Kris, pero sayang din kung itatapon lang nila ang bote, kaya ibinabalik nila ‘yon sa kinukuhanan nila ng Juju juice.

  11. #2010
    Senator-judge nagpasabog ng green jokes sa impeachment trial
    Boyet Jadulco
    FEBRUARY 20, 2012 MONDAY
    ABANTE TONITE



    Sino daw itong isang senator-judge sa Senate Impeachment Court ang nabuburyong na sa pagdalo sa paglilitis ng kaso ni Chief Justice Renato Corona?

    Sa impormasyong na**kuha ng TONITE, nawawalan na raw ng gana ang senator-judge na ito sa pagdalo sa impeachment trial ni Corona, lalo na kung nagpapaligsa*han ang mga abogado ng prosekusyon at depensa.

    May isang buwan na kasing gumugulong ang telenovela sa Senado, ka*ya’t parang pagod na raw ang senador na ito sa pa*nonood at pakikinig sa mga kaganapan sa trial, kulang na lamang ay magbakasyon na lamang ito.

    Kaya daw nang minsang nagkaroon ng 15 Se*nate minute break, aba’y doon na raw niya ibinuhos ang pagkabagot sa loob ng senator’s lounge matapos na bumangka sa huntahan ng mga senador.

    Imbes na pag-usapan daw ang nangyari sa trial, aba’y puro kalokohan ang kinukuwento ng senador na ito tungkol sa isang 90-anyos na lalaki na kinasuhan daw ng panggagahasa.

    Sa kuwento ng senador, kumuha daw ng magandang abogada ang 90-anyos na lalaki upang idepensa siya sa korte, kung saan mala-Karen Jimeno daw ang beauty ng abogadong tagapagtanggol niya.

    Heto nga raw ang kuwento ng senador, habang nasa korte na si lolong ra*pist ay ipinapakita ng abogada ang ari ng nasasakdal at hinahawakan upang kumbinsihin ang judge na wala nang kakayahan na mang-rape ang 90-anyos na lolo.

    Aba’y nakalimang hawak daw ang magandang abogada sa ari ni lolo para lamang ipaliwanag sa judge na hindi na nga nagigising ang kargada nito, nang biglang bumulong si lolo sa kanyang abogado na tigilan na ang paghawak dahil baka matalo sila sa kanilang kaso.

    Naghagalpakan daw sa tawa ang mga se*nator-judge sa loob ng kanilang kuwarto, aba’y kahit paano ay nawala ang pagod nila sa trial dahil lamang sa kanilang kasamahan na may baon na ‘green jokes’ ng hapong yon.

    Clue: Ang senador na bumangka ng green jokes sa break ng impeachment trial ay isa sa madalang magtanong sa trial. May letrang L sa kabuuan ng kanyang pangalan as in Loverboy ng Luzon.

  12. #2011
    T - @luckwatchero rasHiko_dHeNz's Avatar
    Join Date
    Feb 2005
    Location
    Siam Square
    Quote Originally Posted by PaPi2010 View Post
    Gloria hindi pinakawalan ng Siete
    ABOUT SHOWBIZ Ni Nitz Miralles (Pilipino Star Ngayon) Updated February 20, 2012

    Tinotoo ng GMA 7 ang sinabing hindi nila pakakawalan si Ms. Gloria Romero after Munting Heredera dahil balitang, two shows ang magkasunod nitong gagawin. Wala pang confirmation pero kasama ang veteran actress sa action-drama soap ni Richard Gutierrez.

    May isa pang project si Ms. Gloria na binanggit pero kukumpirmahin pa namin. May offer ang ibang network sa veteran actress, kaya lang, mas gusto nitong mag-drama kaya ang offer ng Channel 7 ang pinaboran.

    Tila sa March magsisimula ang taping ng action-drama series ni Richard, by that time, nakapagpahinga na si Ms. Gloria at puwede na uling sumabak sa taping.
    This might be ABSCBN since they are planning to revive Palibhasa Lalake.

  13. #2012
    Quote Originally Posted by Boi_A_Mayo View Post


    Pamamakla sa Kuwait, nilinaw ng kampo ni Aljur
    Gorgy Rula
    FEBRUARY 15, 2012 WEDNESDAY

    NAINTRIGA kami sa inilabas ng isang blogger na fashionpulis kung saan meron itong ipinost na tatlong litratong may titulong ‘Spotted: Reunited in Middle East.’

    Blurred ang mukha ng dalawang taong nasa litrato pero isang aktor na may “perfectly cut-body” ang binanggit sa item na kung saan kasama raw nito ang benefactor na nakilala na raw ito ng aktor bago pa lang ito pumasok sa showbiz.

    Base sa litratong nakalagay, bading ang kasama nu’ng aktor. Hindi pa rin daw nakalimot ang aktor sa gay benefactor.

    Kapag may panahon ay dinadalaw raw ito ng aktor bilang pagtanaw ng utang na loob.
    Tila alam na alam ng blogger na iyun ang kuwento nu’ng dalawang tao sa litratong iyun.

    Walang binanggit na pangalan sa mga nag-post ng komento para hulaan kung sino ang nasa blind item, pero obvious na si Aljur Abrenica ang tinutukoy.

    Tinanong namin ang handler ni Aljur na si Daryl Zamora at nabasa raw niya ito, at ayaw na raw sana nilang patulan pa ito. Pero unfair daw ito kay Aljur.

    Nagkaroon kasi ng show si Aljur sa Kuwait kamakailan at marami ang nagpalitrato sa kanya roon dahil first time pa lang niyang mag-show roon.

    Doon nakuha ang litratong iyun na lumabas sa naturang blog.

    Nakausap namin and producer ng show ni Aljur sa Kuwait na si Ms. Liza Peregrino at nagulat daw siya sa inilabas na iyun sa fashionpulis.com.

    Iyung kasama raw ni Aljur sa litratong iyun ay hindi raw bading na bading.

    “Parang naglalaro lang sila nu’ng nagpa-picture. Doon lang sila nagkakilala ni Aljur. Marami ang nagpalitrato sa kanya na doon lang sila nagkakilala,” kuwento ni Liza.

    Leo raw ang pangalan ng kasama ni Aljur sa litratong iyun.

    Hindi pa namin nakausap si Aljur, pero ipinarating sa amin ng handler nito na nahihiya raw ang aktor sa lumabas na iyun dahil maayos daw ang pakikitungo sa kanya sa Kuwait, tapos, ginawan ng malisyosong kuwento.

    Kahit sabihin pang blind item iyun, may litrato na kahit pinalabo ang mukha, si Aljur pa rin iyun at wala nang iba.

    Maraming ginagawang ganyan ang blog na iyun, na naglalabas ng litratong pinapalabo ang mukha, pero may malisya ang kuwento at obvious kung sino ang tinutukoy.

    Dati ay paniwalang-paniwala kami, pero pagkatapos nitong ginawa kay Aljur, parang ayaw na naming paniwalaang totoo ang mga nakasulat doon.

    Napapagdudahan na naming imbento lang ang ibang blind itemss sa blog na iyun.

    http://www.abante-tonite.com/issue/f...ages/aljur.jpg

    http://www.abante-tonite.com/issue/f...showbiz_gr.htm
    This is clearly damage control. If you look at the 3 pictures, the first one was taken in a restaurant while the rest were taken outside, probably of a mall. If, “Parang naglalaro lang sila nu’ng nagpa-picture. Doon lang sila nagkakilala ni Aljur. Marami ang nagpalitrato sa kanya na doon lang sila nagkakilala” is true and that the gay guy was just one of those who were taking pics with him at that time, how could he be eating with him in the resto and continue on outside?

  14. Feb 20, 2012, 07:35 AM

  15. Feb 20, 2012, 07:41 AM

  16. #2013
    Quote Originally Posted by nickie29 View Post
    magkano bayad sa yo ng camp ni Piolo? nilangaw kaya yung magazine na si Piolo ang cover noh.. kay KC sold out! n stupida ba naman si Sharon ipagsabi ng depressed n sad siya over her daughter, e puro emotional support nga siya kay KC sa twitts niya..
    we love KC she's sexy and classy

  17. #2014
    Quote Originally Posted by nickie29 View Post
    magkano bayad sa yo ng camp ni Piolo? nilangaw kaya yung magazine na si Piolo ang cover noh.. kay KC sold out! n stupida ba naman si Sharon ipagsabi ng depressed n sad siya over her daughter, e puro emotional support nga siya kay KC sa twitts niya..
    excuse me miss... Piolo has been there...yong unang nyang metro sold out din so wala na syang dapat pang patunayan. sabi nga kanya - kanyang panahon lang yan diba? enjoy nyo na lang ang rogue nya and leave Piolo alone.

  18. #2015
    Quote Originally Posted by nickie29 View Post
    magkano bayad sa yo ng camp ni Piolo? nilangaw kaya yung magazine na si Piolo ang cover noh.. kay KC sold out! n stupida ba naman si Sharon ipagsabi ng depressed n sad siya over her daughter, e puro emotional support nga siya kay KC sa twitts niya..
    may link ka ba na nilangaw nga ang magazine kung saan cover si Piolo? No questions about KC's dahil siguradong bentang-benta ang paghuhubad ni KC Pero posible na di nga mabenta ang latest magazine ni Piolo kasi naka-tuxedo lang ata sya. Maybe next time, kailangang nakahubad din si Piolo para bumenta.... Tsaka baka naman hindi "depressed" ang tamang word sa emotion ni Tita Shawie...kundi "desperate" para sa anak

  19. #2016
    Ooola Chika
    by Tita Swarding
    Monday, February 20, 2012
    Pinoy Parazzi


    ANOTHER CHIKKA na naman ang eksena nitong si Alex Gonzaga na kung kani-kanino inila-loveteam, at mukhang feel na feel ni Alex. Kasi dati, ini-loveteam siya sa isang singer. Maloloka ka talaga sa Earth dahil mukhang type niya ‘yun, pero ngayon naman ay kay Chris Tiu at mukhang bet niya itey!

    Hay, naku! Kitang-kita ko naman talaga sa batang ‘yan ay parang ang cheap ng dating. Dahil go lang siya sa bawat press release para lang mapag-usapan siya, ‘di ba? Parehas sila ng kapatid niya na parang wala raw taste.

    Kaya lang, ang chikka naman nitong si Chris, maloloka ka talaga sa Earth, ay hindi raw niya ipagpapalit ang Gf niya kay Alex Gonzaga! Ouch!



    BLIND ITEM: Sino siya? Sino kaya itong blind item ko na isa beauty queen? Clue agad, wala pa ang blind item, hahaha!

    O, isa pang clue… beauty queen-turned-actress/TV host na sobrang at home sa bahay ng kanyang boy friend nagpapa-spa buong maghapon sa loob ng kuwarto ng BF.

    Kaloka talagang makikita mong may pagka-flirtylicious dahil naka-underwear lang! Tsk, tsk… mukhang wholesome pa naman ang dating niya… ewww!

  20. #2017
    Anne Curtis, ang BF na si Erwann Heussaff ang gustong maging asawa!
    By Arniel Serato
    Monday, February 20, 2012
    Pinoy Parazzi


    SA LAUNCH ng kanyang bagong endorsement na tuna brand, nakausap namin si Anne Curtis at kinumusta ang nagdaang Valentine’s niya. Paano kaya nila ito isinelebreyt ni Erwan Heussaff, ang kanyang longtime boyfriend?

    Ani Anne, “It’s very very simple, we have a nice home cook dinner, we watched an Audrey Hepburn film and then ‘yon my gift ako! Secret!”

    Ayaw idetalye ni Anne kung ano nga bang gift ang kanyang natanggap mula sa BF pero for keeps daw talaga ito.

    Dagdag pa niya, “Hindi naman mahal, that’s the one thing that I love about Erwan, it’s always about the simple things, the sentimental things.”

    Nag-celebrate naman si Anne ng kanyang ika-27 birthday noong nakaraang Biyernes. May wedding plans na nga ba sila ni Erwan?

    Isang malutong na halakhak naman ang sagot ng bagong ‘Concert Princess’. “Ay! Ang aga aga naman… Kaka-27 ko pa lang!”

    Dagdag pa nito, “Wala namang deadline, but then I hope to be a mom before mag-35 naman.”

    Sa tingin kaya niya, si Erwann na ang makakasama niya habang buhay? “I hope so, I really, really hope so! Gusto ko siya na!”

    Ano ba ang kaibahan ni Erwan sa ibang naging karelasyon niya? Aniya, “I can’t explain, eh! Kasi, I don’t think it’s right to compare also because each of everyone of them was a unique relationship that I had with them. Parang no regrets with any of them, with Erwan, it’s I don’t know, I just… I’m just so happy and it’s such a quite relationship and you know I’ve never been this peaceful!”

    ‘Yun na!

  21. #2018
    Quote Originally Posted by PaPi2010 View Post
    Ooola Chika
    by Tita Swarding
    Monday, February 20, 2012
    Pinoy Parazzi


    ANOTHER CHIKKA na naman ang eksena nitong si Alex Gonzaga na kung kani-kanino inila-loveteam, at mukhang feel na feel ni Alex. Kasi dati, ini-loveteam siya sa isang singer. Maloloka ka talaga sa Earth dahil mukhang type niya ‘yun, pero ngayon naman ay kay Chris Tiu at mukhang bet niya itey!

    Hay, naku! Kitang-kita ko naman talaga sa batang ‘yan ay parang ang cheap ng dating. Dahil go lang siya sa bawat press release para lang mapag-usapan siya, ‘di ba? Parehas sila ng kapatid niya na parang wala raw taste.

    Kaya lang, ang chikka naman nitong si Chris, maloloka ka talaga sa Earth, ay hindi raw niya ipagpapalit ang Gf niya kay Alex Gonzaga! Ouch!
    Kean Cipriano

    Quote Originally Posted by PaPi2010 View Post
    BLIND ITEM: Sino siya? Sino kaya itong blind item ko na isa beauty queen? Clue agad, wala pa ang blind item, hahaha!

    O, isa pang clue… beauty queen-turned-actress/TV host na sobrang at home sa bahay ng kanyang boy friend nagpapa-spa buong maghapon sa loob ng kuwarto ng BF.

    Kaloka talagang makikita mong may pagka-flirtylicious dahil naka-underwear lang! Tsk, tsk… mukhang wholesome pa naman ang dating niya… ewww!
    Bianca Manalo at John Prats

  22. #2019


    Female singer, plastikadang numero uno
    Written by Dominic Rea
    Monday, 20 February 2012
    Hataw!


    SINO itong female singer na plastikada? Imbes na lalo niyang ingatan ang kanyang magandang imahe habang papatagal sa showbiz, eh hindi eh. Heto at puro kanegahan ang nangyayari ngayon sa kanyang career kasabay nito ang mga ‘negang ‘ komentaryo sa kanya ng maraming tao sa likod niya.

    Maaaring hindi ito alam ng female singer ipagpalagay na natin dahil ang sinisisi naman ngayon ay ang mga taong nasa likod niya. Aba’y hindi naman siya tan*ga nang hindi man lang mapansin ang pinaggagagawa ng mga taong nasa likod niya, hindi ba?

    Siguro naman nag-aral naman siya! Hay, kawindang lang dahil nanghihinayang kami rito sa female singer na ito na sadya ngang lumaki ang ulo!

    May nakapagsabi pang, ganoon naman ang ugali ng singer na kapag nasa show, kahit masalubong ka eh hindi ka kilala pero kapag may presscon daw ay sadyang kilala lahat! Kung hindi ba naman plastikadang butiki!

  23. #2020


    Dramatic actor, ‘di idine-deny ang relasyon kay gay matinee idol
    Written by Ed de Leon
    Monday, 20 February 2012
    Hataw!


    PANAY ngiti lang daw ang isinasagot ng isang dramatic actor kung tinatanong siya kung totoo nga bang naging boyfriend siya ng isang gay matinee idol.

    Maaari siguro siyang mag-deny kung gugustuhin lamang niya, pero bakit naman siya magde-deny eh, totoo naman iyon at saka siguro nga it was good while it lasts. Wala naman yata silang pinagkagalitan, nagkasawaan na lang talaga.

Page 101 of 251 FirstFirst ... 51 91 100 101 102 111 151 201 ... LastLast

Posting Permissions

  • You may not post new threads
  • You may not post replies
  • You may not post attachments
  • You may not edit your posts
  •  

Hot Topics

GILAS:

Gilas Pilipinas flies to Miami for an intensive two-week training camp

Gilas Pilipinas flies to Miami for an intensive two-week training camp

read more
PBB:

Jane Oineza celebrates 18th Birthday in the Big Brother House

Jane Oineza celebrates 18th Birthday in the Big Brother House

read more
SHOWBIZ:

Aljur Abrenica seeks release from GMA-7

Aljur Abrenica seeks release from GMA-7

read more
CHIT CHAT:

What are the events that made you appreciate PinoyExchange even more?

What are the events that made you appreciate PinoyExchange even more?

read more
SPORTS:

Sharapova, Murray, set to play in Manila leg of the International Premier Tennis League tournament

Sharapova, Murray, set to play in Manila leg of the International Premier Tennis League tournament

read more
UAAP:

DLSU Green Archers notch first win of the season with 57-55 win over NU Bulldogs

DLSU Green Archers notch first win of the season with 57-55 win over NU Bulldogs

read more